ENTRY#17

REGINE

ako ang una nagigising sa aming apat dahil ako lang naman ang mahilig mag-almusal. 6am palang bumangon na ako.

Nagtaka ako pagbaba na wala si angela sa kama niya, wala din sa study table. himala.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sensitive si kezia sa ingay baka magising siya.  

"Ang aga naman"

 Bukas ang pinto ng likod bahay at may humahagikhik sa likod. Naka-upo si angela sa bangko at sabog-sabog pa ang buhok. Hawaka niya ang cellphone sa kaliwang kamay at nakangiti.

May idea ako kung sino ang kausap niya. Isang buwan na simula noong mag usap sila sa 7/11. Maliban sa miggy ang pangalan niya wala na akong alam, hindi na din ako nag-usisa dahil buhay niya iyon.

pero simula noon hindi ko na nakikitang iniiwan ni angela ang phone niya, laging hawak kahit may klase. pagising palang phone agad hanap, kung sasabihin niyang childhood friends padin sila, ewan ko nalang talaga.

nagbukas ako ng ready to mixed na pancake. mukhang hindi napansin ni angela na nasa kusina ako kahit pa sinasadya ko ingayan ang kawali.

"sa linggo? sige, saan tayo kita?"

Mukhang masaya naman siya sa ginagawa niya, bahala na sila kung anong label nila. 

"Angela kakain ka ba? dadamihan ko ang luto"

Gusto kong tumawa ng literal na napatalon siya at putlang putla sa gulat.

"good morning" bati ko sa nakatulalang si angela.

"h-ha? oo, 9am pasok ko e, sige babye"

Nakatingin siya sa niluluto ko pagpasok niya. 

"bakit ka nahihiya?" tanong ko. Pulang-pula kasi ang mukha niya.

nako ateng kung alam mo lang ilan na naging boyfriend ko. Wala ka dapat ikahiya.

Umupo siyas a dinning table at nagbuklat sa isang notebook. Lagi niya sinusulatan iyon, diary ata.

Tapos na ko magluto ng saktong lumabas si kezia sa kwarto. dumiretso siya ng upo.

"pasabay milo" sabi ni kezia

tatlo kaming milo ang iniinom at hindi nagkakape, si carmela lang ang mahilig sa kape.

Pumasok si angela sa kwarto para itago ang notebook niya. Paglabas niya kasama na niya si carmela na naka-akbay at nagpapahila sa kanya.

"bakit ang aaga niyo nagising? mag 6:30am palang. Tulog pa"

tahimik kaming kumain. sa sobrang tahimik parang hindi normal na umaga. dahil maaga pa hindi kami agad kumilos. 

May pinaguusapan si kezia at angela tungkol sa programing, si carmela naman nag kabit ng earphone dahil may tumawag.

"ako na mauuna sa pagligo ah." 

Tatayo na sana si kezia para kumuha ng towel pero naagaw ni carmela ang atensyon naming lahat.

"chocolate o ako?" humagikhik si carmela.

landi naman nito.

"weh? tingin mo mas masarap ako sa chocolate?"

gusto ko masuka.

"candy o ako?" lumawak ang ngiti niya. "ayieee!!! sweatheart"

Tinitignan na siya ng masama ni kezia.

"langgam ba iyon boyfriend ni carmela? bakit niya kino-compare ang sarili niya sa matatamis?"

Nawala ang inis ko at di ko mapigilan matawa. Si kezia yumuko at mahinang inuuntog ang ulo sa lamesa.

This is the most interesting view of my life. Every time, I can't help but laugh na nawawalan ng reaction ang mukha ni kezia at parang pagod na siyang mag-alaga sa dalawa itong. para siyang may aso, makukulit at magugulo.

umikot ata 360 degrees ang mata ko paglabas namin ng dorm, kanina ang saya ng usapan ni carmela at ng jowa niya tapos ngayon nagtatalo na sila.

"hindi sa hindi kita gustong samahan pero hindi nga ako pwede! busy ako!"

Nasa gate na si poseidon paglabas namin, dumiretso lang si carmela ng lakad at hindi napansin ang good morning ng lalaki sa kanya.

"lq sila" sabi ni kezia.

Tumango lang si poseidon at sinabayan kami maglakad. Medyo malayo si carmela pero rinig parin namin ang boses niya.

"wala ka bang klase? bakit may pag out of town?"

Galit lang iyan ngayon pero mamaya maguilty at magbabalak mag absent para sumama sa boyfriend niya tapos sila naman ni kezia ang mag-away.

pagdating namin sa room nag-uuwian na sila.

" bakit?"

"wala daw si sir!" sabi ng isa namin classmate.

Nagkatinginan kami ni kezia. Napapadyak siya.

"sayang gising ng maaga!" 

Wala naman kaming gagawin at nakakatamad umuwi ng dorm kahit malapit lang kaya tumambay nalang kami sa gazebo. Magkakatabi kami ni kezia, carmela at poseidon sa isang side, nasa tapat namin si angela at erick.

"walang klase?"

"hello daniel" bati ni angela.

Tumabi siya kay angela na busy sa pagbabasa ng notes. 

"may exam ba kayo mamaya? kailangan mo ng tulong?"

Ngumiti si angela pero umiling.

"turuan kita kung saan ka nahihirapan, magsabi ka lang"

Lumawaka ng ngiti ni angela sabay tingin sa phone niya.

"wag mo ako tawanan. seyoso nga" 

"hala! sorry hindi kita tinatawanan... may.. naalala lang ako" sabay tingin ulit sa phone niya.

"tingin ko may crush si angela kay daniel" bulong ni carmela.

"tingin ko may something din si angela kay daniel. Makangiti eh"

Sumulyap ulit si angela sa phone niya at napangiti. I think iba ang gusto niya. I think iyong miggy ang naaalala niya. pero wala naman akong karapatan mag kwento tungkol doon. It's not my story to tell.

"hello!"

Mataas na naman ang boses ni carmela. Poseidon was concern kaya mas lumapit siya.

"wag ka ngan high blood" sabi nito.

"wala kaibigan ko" sabi ni carmela sa kausap niya sa phone.

"ang kulit mo naman! hindi ka ba makaintindi? nag-aral ka din naman ah."

naawa na ako kay carmela. Ang hirap maka gets ng boyfriend niya parang laging naghahanap ng atensyon.

Parang maiiyak na siya after ng tawag kaya nag-aya mag bumili ng makakain. Dapat si kezia ang tatayo pero nauna si poseidon.

Nag-uusap si carmela at poseidon habang papunta ng canteen, May sinabi si poseidon na kinatawa ni carmela sabay hampas pa sa braso kasi tawang-tawa siya. 

si erick naman OP kina angela at kuya niya dahil may sariling mundo.

"Tignan ko yung dalawang iyon kung makapag harutan kala mo may relasyon. kung makapag away kala mo may... tsk. Mag kaibigan daw"

I smirked. Angela was stunned and shocked by Kezia's statement. Nanahimik nalang ako kasi, Who am I to judge? pero may point si kezia. 

Medyo bobo lang si carmela hindi niya napapansin na nilaladi siya. itong isa naman...

Tinignan ako ni Angela. I don't believe she's innocent, she's just slow-witted.

"Malay mo naman friends lang talaga? mukha namang maalaga lang talaga si poseidon." 

kumunot ang noo ni kezia sa sinabi ni angela. "Ng ganyan ang conern? Ng ganyan mangialam? Ng ganyan ka-touchy? Di ako pinanganak kahapon para maniwalang mag friends lang iyan"

Natahimik si angela at nag-iba ang timpla. Medyo nailang siya sa paligid at nagbasa nalang. Kung hindi siguro tumunog ang cellphone niya ay hindi siya ngi-ngiti ulit.

Sinilip si daniel sino ang nag message at ewan ko bakit bigla siya naman ang hindi naging masaya. Nagpaalam agad siya na may gagawin kahit alam namin mamaya pa naman ang klase niya.

Sinasabayan niya lang talaga pumasok si erick pumasok minsan.

Si erick din sumilip pero umusog si angela. She's more beautiful when smiling. It reminds me of the color yellow. bright and shining. It's like she has an aura behind her, glowing.

I'm happy that she's smiling more now than ever. I thought everything was in place and fine, but everything changed when she got home one afternoon, crying.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top