Chapter 28
"Dahan-dahan. Humawak ka sa akin," Icarius assured me. Humawak naman agad ako sa matipunong braso niya and I felt how his muscles tensed.
"Ako na niyan." Inabot niya ang basket na hawak ko. Bumaba ang pagkakahawak ko sa may palapulsohan niya nang ibinigay ko na ang basket sa kanya. Buti na lang. Kanina pa ako nahihirapan dito, eh.
"Salamat," tanging nasabi ko bago kami nagpatuloy sa pag-akyat sa bundok.
Oo, nasa bundok kami kung nasaan pa ang isang bahay nila. Bihira na lang daw kasi sila makapunta rito simula nang dumating ako. They want to visit the poultry and collect the money from the rent of the wifi. Mama Encarnacion told me that she wanted to take a rest here. Balak din nilang mag-picnic mamaya paglubog ng araw.
"Sandali lang," sabi ko kay Icarius nang malapit na sana kami sa patag na tuktok. Medyo hiningal ako dahil sa pag-akyat. Pakiramdam ko any moment now ay bigla na lang akong matutumba. Nakita ko kasi kanina sa baba ang taas ng bundok. Nakakalula at nakakatakot.
"Sa taas na lang tayo magpahinga."
Mayamaya lang ay napatango na lang ako kay Icarius bilang pagsang-ayon. Malapit na rin kasi. Ilang lakad na lang tapos ngayon pa ako umarte.
Nang makarating na kami sa taas ay medyo nawala na 'yong takot ko. Slowly, I removed my hand on holding his. Nakita ko kasi na may iilang tao ang nandito rin, hawak ang kani-kanilang gadgets. Natuon bigla ang atensyon ko kila Greya at Canus na tumatakbo palapit sa amin.
"Sabi ko baga saindo dae magdalagan pag yaon kita igdi," Icarius' voice thundered. (Translation: "Sabi ko sainyo ay huwag kayong tumakbo kapag nandito tayo.")
"Halika, Ate! Sisikat na po 'yong araw!" Hindi pinansin ni Greya ang Kuya niya. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa kabilang dulo ng bundok. Nauna naman sa amin si Canus sa paglalakad na hindi rin pinapansin ang Kuya niya.
Pasimple akong napatingin sa puwesto niya't nakita ko ang pag-iling niya bago naglakad papunta sa bahay. Binalik ko na lang ulit ang pansin ko kila Greya at Canus.
Medyo madilim pa simula nang tumulak kami papunta rito. Hindi ko inakala na pagdating agad dito ay maaabutan namin ang pagsikat ng araw. Napangiti ako nang pinagmasdan namin ang unti-unting pagsikat ng araw hanggang sa tuluyan kaming masakop ng sinag nito.
I sighed. Thinking about the days that I'm still with them, I couldn't help but to feel sad and bitter. Hindi ko inakalang mas magugustuhan ko ang ganitong pamilya at pamumuhay.
As we watch the sun rise, I'm thankful enough that another day came for me. Akala ko ay ganoon na lang matatapos ang lahat. 'Yong insidente sa barko. Akala ko hindi na ako mabibigyan pa ng pagkakataon na ayusin ang buhay ko. It's all because of Icarius. Utang ko sa kanya ang buhay ko na kahit kailan man ay hinding-hindi mababayaran ng kahit na ano.
Alam ko sa sarili ko na mas gugustuhin ko ngang mamatay na lang noon pero nang makita at maramdaman ko ang kamatayan, bigla kong pinagsisihan ang lahat. The eagerness to live suddenly slapped me hard. Funny, I know. I'm a woman with no words and affirmation. I did it just because my life has been hard to me. Now that I saw the outside world, I feel like I'm the most selfish and foolish rich woman.
I mean, how can I do that when there's someone out there suffering from the life that they have and wishing to be someone like me? Well, not all people are happy when they're rich and have a complete family. There's always another way around, aminin man natin o hindi.
"Anong nararamdaman mo?" I almost jumped when Icarius suddenly came.
Napatingin ako sa kanya. "Ano ba dapat ang maramdaman ko?"
"Tss..." He smirked as he leveled my position. Napangiti na lang ako bago umiwas ng tingin sa kanya para makita ang ganda ng araw.
"May lugar pa ba sa likod ng mga bundok na ito?" tanong ko. "Eh, doon, anong meron 'don?" Turo ko sa hindi kalayuan sa likod ng ilang bundok na parang nilulugaran din ng mga tao.
"Bayan na iyan, Aislinn."
"Talaga?" I can feel the excitement as I tried to examine the back of the mountains but it's just impossible to see what's there. "Ang lapit lang pala!"
"Tingin mo lang 'yan. Kapag sa dagat ka dumaan, halos dalawang oras ang biyahe mula rito."
Agad akong napalingon sa kanya. "Ang tagal naman 'non!" komento ko. "Pero bakit parang kapag dito ay ang lapit niya lang? Puwede nga rin yatang lakarin lang?"
He chuckled. "Sige, hihintayin kita sa bayan kung ganoon."
Napanguso ako. Tinikom ko na lang din ang bibig ko. Nagtatanong lang naman ako dahil parang ang lapit lang talaga ng bayan mula rito. 'Tsaka hindi naman ako pamilyar sa buong lugar, 'di ba? Hindi naman ako taga rito.
"E 'di ito lang ang nayon na nandito?" Hindi ko maiwasang magtanong. I'm very curious, you know.
"Hindi. Sa kabila ng hanging bridge ay ibang barangay na iyon."
"Ay talaga? Nakapunta ka na rin ba roon?"
"We have relatives there, Aislinn," he said.
Ang suplado! But I like it this way. Mas hahaba na ang sagot niya at ramdam ko rin ang kooperasyon niya. Iba talaga pala ang nagagawa ng maayos na pag-uusap. Bakit kapag sa amin ni Rad ay hindi namin magawang ma-apply?
"What it's look like?"
"Hmm." Napaisip siya. "Dalhin na lang kita roon minsan."
Gulat man sa hindi inasahang sagot niya ay natuwa pa rin ako sa loob-loob ko. Icarius is adjusting to my situation and so am I to them. Kahit na suplado siya madalas ay kapansin-pansin pa rin ang mabait at mapagbigay niyang pag-uugali.
"Matagal na ba kayo rito? Dito ba kayo pinanganak?"
"My mother gave birth to me in Manila. The rest of my siblings, here."
Nabalik ang tingin ko sa kanya pero hindi ako nagsalita kahit na medyo nagtaka ako roon. So, ibig sabihin ay tumira sila sa Manila ng ilang taon? Paano sila napadpad dito kung ganoon? Gosh, I have a lot of questions pero baka isipin niya ay nanghihimasok na ako.
"Bumalik lang kami rito bago pa man ako makapag-aral. I'm six back then," he continued.
"Bumalik?" Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya bago niya pa man ako magawaran ng tingin. Ang pagiging kuryoso mo ang palaging nagdadala sa kapahamakan mo, Aislinn. Makontento ka na lang kasi sa kung ano man ang sinasabi ni Icarius. I even felt that he really doesn't want to open up about it.
"My father lives here."
"Eh, si Mama Encarnacion saan nakatira?"
"Manila," tipid na sagot niya.
"So, doon sila nagkakilala ni Papa Narcissus? Paano?"
"My father used to work with my mother."
"Talaga? Anong trabaho? Teka, don't tell me mayaman kayo?" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa mga naiisip.
"Ang mga magulang lang ni Mama ang mayaman, hindi kami," Icarius simply corrected me.
"Ganoon na rin iyon, Icarius! Mayaman pala kayo pero bakit mas pinili niyong dito tumira? Anong nangyari bago kayo umalis sa Manila?"
Hindi agad nakasagot si Icarius.
"You asks too much. Pumasok na muna tayo sa loob."
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang ulo ko't ginulo ang buhok ko sa ayos nito.
Umayos ako ng tayo. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa bibig ko. Lumiko rin ang leeg ko para matingnan ang pag-alis niya. His faded jeans and dirty white long sleeves na tinupi hanggang siko at ang tsinelas na suot niya ay mas lalong nagbibigay depinasyon sa pagiging simple pero ma-appeal na katauhan. Kahit na ganyan ang kadalasan niyang suot galing sa trabaho o kaya kahit na naka-t-shirt at shorts lang ay ang lakas na ng pagkakadala niya. I wonder if he really has a girlfriend?
Pagkatapos namin mananghalian ay nagyaya si Mama Encarnacion na bumaba kami para matingnan ang poultry-han. Hindi niya na sana ako pinasama kaya lang nagpumilit ako. Wala naman akong gagawin dito kasama ang mga bata kaya tutulong na lang ako sa kanila.
"Ulyana! Kumusta? Malakas ba ang benta?" agad na sabi ni Mama Encarnacion nang salubungin kami ng kapamilya niya. Sabi niya kapatid ito ni Papa Narcissus at ang asawa naman ay kaibigan ni Papa Narcissus kaya hindi nila ito tinuring na iba.
"Naku, Encarnacion, pasensiya na. Nagkahelang an pira sa mga manok. Nakapirang balik igdi si Narcissus ta pirming daog sa bulang. Kaya daeng gayo kadakol ang sugok na nakukua mi," malungkot na balita ni Aling Ulyana. Mukhang may problema ang poultry-han ngayon. (Translation: "Naku, Encarnacion, pasensiya na. Nagkasakit ang ilan sa mga manok. Nakailang balik dito si Narcissus dahil palaging talo sa sabong. Kaya hindi ganoon kadami ang itlog na nakukuha namin.")
"Ganoon ba?"
"Dae sinabi saimo ni Narcissus? Naku, 'yong lalaki talagang 'yon!" (Translation: "Hindi sinasabi sa 'yo ni Narcissus? Naku, 'yong lalaki talagang 'yon!")
"Hayaan mo na. Bawing-bawi naman kami sa benta sa tindahan."
Tahimik naman akong nakinig sa kanila pero nang makita kong naglakad si Icarius ay sumunod na lang ako sa kanya. Sinusuri niya ang bawat kulungan ng manok. Medyo ngumiwi ako nang maamoy ang baho pero mukhang wala lang iyon sa kanya. Napasulyap siya sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin at nagkunwaring tinitingnan ko rin ang mga manok sa kulungan nila.
I tried to endure the smell but I really couldn't stand it. Tumakbo na ako palabas at agad nilabas ang suka na kanina ko pa pinipigilan. Oh, my God! Nakakahiya! Baka isipin nila ang arte ko! Eh, sa hindi ko na talaga mapigilan ang amoy. 'Tsaka bago ito para sa akin. Kailangan ko pa ng panahon para makapag-adjust.
"Ayos ka lang?" Naramdaman ko ang marahang hagod ng kamay ni Icarius sa likod ko.
Tumango ako pero panibagong suka ang nalabas ko. Nang matapos na ay napapunas agad ako sa labi ko gamit ang likod ng palad ko. Umayos ako ng tayo habang bumubuntong-hininga. Gosh, amoy na amoy pa rin ang baho. Pinigilan ko pa ang sarili ko pero ilang suka yata ang nalabas ko bago kami umalis ni Icarius.
"Pasensiya na. Hindi na kita ibabalik doon," alalang sabi niya. We stopped near the small store to buy a mineral water and to rest for a couple of minutes.
"Nagpumilit naman ako kaya ayos lang," namamaos na tugon ko.
"Hindi ko inisip na hindi ka sanay sa mga ganito. I'll be careful from now on." Nilahad niya sa akin ang isang bote ng tubig. Naubos ko ang laman. Pakiramdam ko kulang pa nga pero hindi na ako nag-request pa sa kanya. Sobra nang nakakahiya.
"Ako dapat ang mag-ingat. Hindi mo naman kasalanan, Icarius. Ano ka ba." Ramdam ko pa rin ang panghihina ko dulot ng ilang suka.
Hindi niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa akin, sinusuri ang kung ano mang nararamdaman ko. Makalipas ang ilang minuto ay nagyaya na ako sa kanya na bumalik na lang kami sa taas. Nakipagtalo pa siya sa akin na umuwi na lang kami pero hindi ako sumang-ayon. How about Mama Encarnacion? She have things to fix and lift up. Walang ibang tutulong sa kanya. Hindi iyon kaya ng mga bata. Nasa baba ang kapamilya niya. Isa pa, ayokong sayangin 'yong picnic na pinaghandaan nila. Sinayang ko na nga 'yong swimming tapos ngayon, ito naman? Hindi na.
I can feel so much care from Icarius. Konting bagay lang ay sobra na siya kung mag-alala. Hindi ko alam kung ganito rin ba siya sa pamilya niya. But of course, right? Hiyang-hiya naman ako na hindi man lang kaano-ano. Well, I'm still not used to this kind of treatment. Iba-iba naman kasi ang paraan ng pag-aalaga ng mga tao.
"Sigurado ka okay ka lang?"
Natawa ako sa pagiging makulit ni Icarius. "Yes, Icarius. My body just overreact."
"It's not overreacting. It's normal for people like you."
"Anong normal? Para namang minamaliit mo ang pagiging mayaman ko. Ganoon ba iyon ka-big deal?"
"Hindi naman, Aislinn. Sinasabi ko lang ang totoo." Pagod siyang napabuntong-hininga at napaiwas ng tingin sa akin.
"Hindi. Iba mo nga ako kung tratuhin, eh. Pasensiya na. Paunti-unti naman akong nag-aadjust."
Nang tingnan niya ulit ako ay binigyan ko siya ng malawak na ngiti. That's the least that I can offer. Nagtagal ang titigan namin bago niya ako tinalikuran without saying anything more.
"Wow, may maliit na hardin po pala kayo rito?" bulalas ko nang mapadpad ako sa likod ng bahay. Abala si Mama Encarnacion sa pagdidilig pero nagawa niya pa rin akong sulyapan at bigyan ng ngiti.
Maliit lang ang hardin. Bilang lang din ang mga tanim na halaman at gulay pero maganda at malinis ang pagkakagawa. Dagdagan pa ng iilang orchids na namumulaklak na.
"Sino po ang nag-aalaga at nagbabantay dito habang nasa baba po kayo?" tanong ko nang makapasok ako.
"Ah, sila Ulyana pa rin."
Ang ganda! Mayroon din naman kaming hardin pero ngayon lang ako namangha. I examined every plants and decided to help in watering them.
"Teka lang, 'nak. Kukunin ko lang 'yong dala kong pananim," paalam ni Mama Encarnacion pagkalapag niya ng balde sa lupa.
Hinintay ko siya habang tinatapos ko 'yong pagdidilig. Nang makabalik na siya ay tumulong ulit ako sa pagbubungkal naman ng lupa.
"Si Papa Narcissus po pala..." Hindi ko pa natatapos ang gusto kong sabihin ay sinagot niya na agad ako.
"Naku, huwag ka nang magtaka kung bakit palaging wala iyon. Kagawad kasi siya rito. Kung wala sa trabaho ay nasa barangay hall naman. Pero mas abala 'yon sa pagsasabong."
Tinabunan namin ng lupa ang halaman. Pagkatapos ay diniligan din namin. May ilan din kaming tinanim na buto. After that, Mama Encarnacion left me. Ihahanda na raw niya 'yong mga gagamitin namin sa picnic. Nagpaiwan muna ako para pagmasdan ang mga natanim namin. Hindi ko napansin na dumating si Icarius.
"I can see that you're enjoying."
Tumayo na ako nang makontento na. "Siyempre naman! I'm focusing even in the small things to appreciate them. Wala akong ibang magagawa dahil baka any moment now ay maranasan ko na naman ang mamatay. And worst is, baka matuluyan na talaga ako." I laughed to lift up the mood but Icarius didn't found any humor in it.
"Hindi magandang biro 'yan, Aislinn."
Napatitig ako sa kanya bago inalis ang gloves na suot ko. Nilagpasan ko siya't naghugas na lang ako ng kamay sa may dam. Narinig ko naman agad ang pagsunod niya.
"Hindi na iyon mauulit dahil nandito na ako."
Bahagya akong natigilan. Lumiko ang mga mata ko sa kanya. Napakurap ako't nagpatuloy na lang sa ginagawa.
"Ano ka ba! Siyempre hindi natin maiiwasan o mapipigilan kung iyon talaga ang nakatadhana sa akin, 'di ba?" Binigyan ko siya ng ngiti habang nagpupunas ako ng kamay sa nakasampay na tuwalya.
"Kaya ba hindi mo rin ako mapigilan?"
Napatigil na naman ako habang kaharap ang tuwalya. I sighed before facing him, wearing an awkward and frail smile.
"Anong sinasabi mo, Icarius?" Iniwasan ko agad siya. Pumasok na ako sa bahay bago pa man siya makapagbitiw ulit ng mga komplikadong salita.
Tinulungan ako ni Icarius na maglapag ng sapin sa carabao grass sa puwesto namin kaninang umaga, para daw masilayan ulit namin ang araw sa paglubog nito. Hindi na rin naman ganoon kalakas ang sinag ng araw. May ilang puno rin na nakapalibot sa amin kaya tama lang ang puwesto namin dahil nasa lilim naman ng puno.
Lumabas si Mama Encarnacion dala ang pagkain namin kaya tumakbo ako palapit sa kanya para makatulong ulit.
"Ako na po," presinta ko pero pinigilan agad ako ni Mama Encarnacion. Sinabi niya na may tira pa sa loob kaya iyon na lang daw ang kunin ko.
Kakapasok ko pa nga lang ay dumating na agad si Icarius, saying he wants to help me. Hindi na naman ganoon karami at kabigat ang dadalhin namin kaya siya na lang ang pinadala ko. Sinunod niya naman agad ang sinabi ko nang walang reklamo.
"Naku, siguradong magugustuhan mo ang pista rito, 'nak," pagbubukas ng mapag-uusapan ni Mama Encarnacion nang makaupo na kami sa nilapag naming sapin ni Icarius.
"Oo nga, Ate! Maraming palaro at pagkain!" Greya said with full of enthusiasm.
Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila bago sumubo ng coated pili nuts.
"Ano po ang kadalasang ginagawa before, during and after the fiesta po?" Ngumuya ako at naghintay sa sagot ni Mama Encarnacion.
Habang nagkukuwento si Mama Encarnacion ay hindi ko maiwasang matuwa at ma-excite rin. Napapasulyap ako minsan kay Icarius pero nakikita ko na nakatanaw lang siya sa malayo. Sinundan ko ang tingin niya isang beses pero wala naman akong napala. He's just simply looking at the sunset and mountains, thinking deeply about something... or someone.
"Maggagabi na pala," si Mama Encarnacion nang mapansin ang unti-unting pagdilim ng paligid.
Nagsimula na rin naman agad kaming mag-ayos. Gaya ng pag-alalay sa akin kanina ni Icarius pag-akyat dito ay ganoon din ang ginawa niya sa pagbaba namin. Tahimik naman akong sumusunod lang sa kanya habang nakahawak sa kamay niya. Minsan ay napapahigpit ang kapit ko kapag namamali ako ng tapak.
"Oh, my God! I'm sorry!"
Nataranta ako nang muntikan na kaming matumba ni Icarius dahil sa pagkadulas ko. Mabuti na lang ay agad niya akong napirmi sa isang puwesto, hawak ang likod ko gamit ang kamay niyang may hawak na basket at ilang gamit. My hold on his hand became tighter, afraid of letting him go now that I realized it's a lot more difficult and dangerous to climb down this mountain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top