Chapter 27
We decided to do the talking in their backyard. Hindi pa nagtatagal simula nang maupo kami, kapansin-pansin na agad ang nag-aagaw kulay ng papalubog na araw. May ilang bangkang nasa ilog pa at may mga tao akong naaaninag sa hanging bridge. Abot din dito sa may puwesto namin ang ingay ng bawat alagang hayop sa kabahayan at ang ilang tawanan ng mga tao, simbolo na nagkakatuwaan sila, samantalang ako ay para nang aatakihin sa puso't hindi na makahinga. Pakiramdam ko naririnig at napapansin ni Icarius ang lahat ng galaw ko kaya mahirap na kung magkakamali na naman ako.
"Hindi ka man lang ba sumubok na kausapin ako?" he asked, coldly, reason for my heart to thunder. Bahagya rin akong napaayos ng upo.
"Uh, minsan. Pero hinahayaan na lang kita kasi baka mas lalo kang magalit. At... hindi ko naman alam kung paano simulan ang pakikipag-usap sa 'yo tungkol... 'don sa... hindi natin pagkakaunawaan." Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya at napapikit ng mariin. Did I said it right?
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga na parang hindi na naman sinasang-ayunan ang pahayag ko. Ano ba kasing problema niya? Based from what I remember, I did nothing wrong. Baka naman siya talaga ang may problema tapos sinasali niya ako.
"All right. I'm sorry I overreact."
Sa paglingon ko sa kanya para matingnan ko ang reaksiyon niya ay agad nagkasalubong ang mga mata namin. Napatitig ako sandali bago ulit umiwas. I even fake a cough just to lessen the awkwardness and tension that's rising between us or it's just me?
At ano raw? I'm sorry I overreact? 'Yon lang? 'Yon lang ang dahilan ng isang linggong away at hindi pagpapansinan? Seriously? Well...
"Sorry din. Uh, sa mga nasabi ko. Tingin ko nadala rin ako ng pagka-overreacting mo. Kaya... pasensiya na. I didn't control my mouth that time."
Hindi ko alam kung may sense ba ang mga sinasabi ko. Baka naman sobra ko nang nadedepensahan ang sarili ko. Well, that's the truth. Ayoko namang magmukha akong masama. 'Tsaka hindi ko naman talaga kasalanan ang nangyari. I did it because of his unreasonable attitude at dahil lang sa pag-overreact niya.
"Hindi, ako dapat ang humingi ng tawad sa 'yo. I've been rude and mean to you. Hindi ko naman 'yon sinasadya... I'm sorry for that too."
Napangiti ako't napayuko habang ginagalaw ko ang mga paa ko na parang nakatampisaw sa swimming pool. Ibinalik ko lang naman agad ang tingin ko sa harapan. So, that's the main reason. Pero wala pa rin sa mga sinabi niya ang sagot na gusto kong makuha. 'Yong pinakaugat ng rason niya.
"Oo, ang suplado mo nga," I said. "Pero bakit?" I looked at him and saw a ghost of smile from the side of his lips.
"No reason, sorry." He smoothly tilted his head in a lazy manner to glance at me as well.
"Ang komplikado mo pala talagang tao."
No reason daw! Of course, there should be a reason even though it's not that big deal or important. 'Yon ang gusto kong makuha pero mukhang wala naman siyang balak na ipaalam pa sa akin. At least, I'd be able to take a glimpse at his being sana. Kung anong klaseng pag-uugali ang meron siya, para naman kahit papaano ay maintindihan ko at magamay ko dahil mukhang matatagalan pa talaga ako rito. Kahit kasi anong pilit ko sa sarili ko ay wala talaga akong makuhang sagot sa mga tanong ko tungkol sa kanya.
"Says who?"
"Huh?" Napalingon ako sa kanya.
He chuckled. "Nahiya naman ako sa pagiging simple ng buhay mo."
My eyes narrowed. "Are you insulting me?"
"Uh-huh."
Aba! Mukhang lumalabas na rin ang pagiging mayabang niya. Mayabang at suplado is not a good combination of attitude. Himala siguro na may nakakatagal pa sa pag-uugali nito. Bilib na talaga ako sa kakayahan niya.
"Ewan ko sa 'yo. Napaka-moody mong tao."
Alright. Hindi ko na talaga mapaliwanag kung anong klaseng pag-uugali ang meron siya. He's so difficult to read.
"Is that a compliment?"
"No. It's an insult, can't you see?" pagtataray ko naman sa kanya.
Okay, I have to admit na unti-unti na akong nakakalma. The ugly feelings are slowly disappearing like nothing happened. Gosh, after one week of thinking about this, it just slipped away. Gumagaan na ang pakiramdam ko. Pero ngayon na nag-uusap na ulit kami ni Icarius, parang wala akong ibang inisip at prinoblema nitong linggo kundi siya at ang naging away namin, knowing that I have greater problems in life.
Nakapagtataka na kahit isang beses ay hindi man lang sumagi sa isip ko ang nakaraan ko at ang mga taong involve at namimiss ko. It's just Icarius. Nothing more, nothing less. Normal pa ba ito? I guess, yes, since ayoko namang tumatagal ang simpleng away ko sa isang tao. I want it to be fixed as soon as possible but I'm always having second thoughts. I'm always doubting myself. Natatawa lang ako kapag naiisip ko na hinayaan kong tumagal ang hindi pagkakaintindihan namin ni Rad at ng magulang ko. Funny how it lasted this long. Paano ko kaya 'to nakakaya?
"So, how are you holding up? Any plans on going home?"
Right. Ano ba talagang plano ko? Or... do I even have plans to start with? Simula nang magkamalay ako ay bigla na lang nawala ang mga plano't rason ko kung bakit ko 'to ginagawa. Even the revenge that I'm planning for Rad is gone. Aanhin ko naman kasi 'yon? What will I gain from it?
The biggest problem is... I don't even have plans about going home. Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko roon. Hindi ko alam kung ayos na ba o aayusin ko pa. Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako sa pagbalik ko. Worst is... hindi ko alam kung kaya ko pa ba silang harapin.
Damn. I really don't know. Natatakot ako. For now, I just want to focus for myself here. Yes, I have a will to go home and fix everything but I just don't know where and how to start it or to take an action to it. Masyado pang mababaw para lumangoy ulit.
"Thanks to you and your family, I'm slowly healing," panimula ko. "Gusto ko nang umuwi pero... natatakot pa ako. Wala pa akong kahit na anong plano sa ngayon."
"It's okay. You can stay as long as you want."
"Thank you." Napangiti ako.
"Mas mabuting magpagaling ka muna para mahanda mo ang sarili mo."
"That's what I'm doing."
"But avoid overthinking and worrying too much."
Napangisi ako. "To tell you the truth, I'm not. Hindi ko alam kung bakit ang kalmado ko na ngayon kumpara sa mga nagdaang taon ko. Mukhang para talaga sa akin ang lugar na ito."
"Masyado pang maaga para sabihin 'yan."
Napanguso ako't napakunot-noo. "Bakit naman? Magpipitong buwan na akong nandito."
"Your six months is not counted. You're still lost that time, right?"
Fine. Whatever. Basta matagal na ako rito. Kalahating taon na kaya. Alam kong maraming nangyari habang nawawala ako kaya pakiramdam ko ang dami ko na namang nalagpasan sa buhay.
"Pero tanong ko lang, wala ba talagang naghanap sa akin dito? May nagtanong ba sa 'yo o sa mga tao rito tungkol sa akin?"
"Natanong mo na 'yan, 'di ba? Parehas lang ang sagot. Wala ka na sana rito ngayon."
Ang suplado na naman!
"Imposible naman kasi na hindi nila ako hinanap." Nalungkot ako bigla.
My Mom has a branch here in Bicol. Hindi naman dito sa eksaktong lugar pero sigurado akong sakop pa ito ng kakayahan niya. I mean, they can hire some men to find me if her employees and police are not enough. Plus, nandiyan si Van. Or even Rad na mabilis akong mahanap. Anong nangyari ngayon? Bakit parang hinayaan na lang nila ako na tuluyang mawala?
"Ayos lang ba sa 'yo kung tanungin kita tungkol sa nangyari sa 'yo bago ka napadpad dito?"
Here it is again. The question that I wanted to avoid.
"Curious ka rin pala sa akin, 'no?" tukso ko sa kanya pero agad umiba ang timpla ng mukha niya. "Joke lang!" nautal ako.
"I'm just asking but if you're uncomfortable-"
"Hindi. Ayos lang. Uhm, susubukan kong sagutin." Pilit akong napangiti. Ayoko namang sirain na naman ang pagkakataon na ito. Ayoko nang mahirapan ulit dahil sa lalaking ito.
"So?"
Mas na-pressure tuloy ako dahil sa 'so?' niya na 'yan. Ano ba 'yan! Paano ko ba sisimulan?
"Uh, it's a long story. I don't know how to give or state the specific details."
I can see his disappointment and dismay for my answer.
"I can listen to it all night."
I stared at him for minutes before I told him my story. He didn't gave out too much emotions or reactions. He just listened to me the whole hours of talking like he's analyzing it in his own way. That's okay for me. I'm just glad that I finally had a chance to open up something personal and private with someone or... stranger. Well, I didn't consider him as a stranger, though.
Sa tuwing nababanggit ko si Van o kaya si Rad ay doon ko nahahalata ang pag-iba ng timpla ng mukha niya. Binalewala ko na lang iyon dahil sino ba naman kasi talaga ang hindi magagalit kay Rad? Pero kay Van, hindi ko alam. Wala naman akong masyadong sinabi, eh. I tried to explain it in a way that he can immediately understand the whole situation. I didn't gave out too much information because he's right. It's uncomfortable and I don't want it to become the reason to trigger my emotional and mental state again.
"I'm sorry," sabi niya nang matapos na ako sa pagkuwento.
"No, it's okay. I mean, it's not okay pero wala na akong magagawa kasi 'yon na ang nangyari. Paunti-unti ko na lang tinatanggap."
"I'm sorry you need to experience that."
He felt sorry for me. He pitied me. And it makes my heart shatter even more. Nahirapan na nga ako na maipagpatuloy pa 'yong kuwento tapos 'yan lang ang ibabalik niya sa akin? Well, couldn't blame him too. At least, he opened his ears to me. Sapat na sa akin 'yon dahil kahit papaano ay nabawasan ang pamilyar na bigat na dala-dala ko.
"Ikaw!" biglang sabi ko para sa kanya naman malipat ang usapan.
It really is uncomfortable talking about my past and I regret telling him this. May magagawa pa ba ako? At least, I'm able to express myself. Magaan ang pakiramdam ko kay Icarius kaya hindi na ako masyadong nag-isip pa kung sasabihin ko ba o hindi. Kaya lang ngayon, ramdam ko na ang epekto.
"Anong ako?" Nahalata ko naman agad ang pagtataka sa boses at reaksiyon niya.
"Ikaw naman ang mag-kuwento tungkol sa buhay mo." I smiled without showing my teeth just to prove that I'm also willing to listen to him.
"I don't do that." Pag-iwas niya agad sa akin.
"Bakit naman? Kahit pahapyaw lang?"
"I'm sorry but no."
"Magkano ba bayad?"
Tiningnan niya naman agad ako. He seems tired or just lazy to give attention to me?
"Joke lang. Dali na kasi. Kahit childhood memories lang o kaya tungkol sa trabaho mo o kaya sa... lovelife?" pagpupumilit ko. "Hindi naman siguro masama na makilala ko pa ang tagapagligtas ko?"
I'm trying my best here to get to know him, okay? Maki-cooperate naman siya. Gusto ko lang din makipagkaibigan kung hindi pa talaga kami magkaibigan sa lagay na 'to.
Ilang segundo niya akong tinitigan o sinuri bago napabuntong-hininga at napaiwas ng tingin.
"Magtanong ka na lang," walang gana niyang sabi.
Napaisip naman ako bigla. "Eh? Kapag nagtatanong kaya ako, masyadong direct to the point na ang sagot mo-"
"That's the purpose of the questions," pambabara niya sa akin.
"Ang ibig kong sabihin, mag-kuwento ka naman tungkol 'don sa sagot mo o kaya habaan mo pa basta related siya sa... tanong."
I stopped when I realized something. Kung ayaw niya, e 'di hindi ko na siya pipilitin. Gusto ko lang naman na maibahagi niya sa akin ang ilan sa mga naging karanasan niya. Gusto ko lang naman na magkaroon ako ng ideya tungkol sa kanya. But then, I realized it, hindi ko naman kailangang maging ganito. Hindi nga ako naging ganito kay Van, eh. I just let things flow.
"Fine."
Napatingin ulit ako sa kanya. Saktong nakita ko ang galaw ng Adam's apple niya at ang pagbasa niya sa mga labi niya. It's kinda sexy– oh, my God! How scandalous! Umiwas agad ako at napalunok. Hinintay ko na lang na magsalita ulit siya pero lumipas na ang ilang minuto ay wala pa rin kaya pasimple akong sumulyap sa kanya. Tumalon ang puso ko nang magsalubong na naman ang mga mata namin. Shit!
"Nasaan na 'yong tanong?"
Oo nga pala!
Tumikhim ako. "Uh, tell me about your life when I'm still not here."
"Hindi naman 'yan tanong," he said languidly.
"Mag-kuwento ka na lang kasi. Tell me your hobbies, likes and dislikes. Something like that."
"Hindi na tayo mga bata para riyan, Aislinn." I can sense how harsh his voice is.
Hindi raw siya magkukuwento dahil hindi na kami mga bata pero heto't inuunti-unti niya ako. Whenever there are funny moments in his story, I always laugh. Of course, inaayon ko naman ang reaksiyon at emosyon ko. Marunong naman akong makisama at makiramdam, hindi kagaya niya.
We lost track of time. Napansin na lang namin ang liwanag ng buwan sa madilim na lugar ng nayon. So, I have the reason to stare at him in secret in the midst of the darkness with a little light from the moon. I'm amazed how it defines his features in perfect places. Kapag alam kong titingin din siya sa akin ay agad na akong umiiwas, afraid that he might caught me looking at him. Baka kung ano pa ang isipin niya.
"So, graduate kang mechanical engineering? Why didn't you pursue it? Sayang 'nong offer, Icarius! It's a great opportunity!"
He told me about his education and how he got selected as one of the exchange students in Barcelona. Ang sabi niya pa ay libre lahat. May naghihintay din sa kanyang trabaho sa isang sikat na kompanya as soon as he graduate. Sadly to say, he declined that wonderful offer. I wanna know his reasons.
"I'm still pursuing it, Aislinn. Ayaw ko lang na ganoon kadali ang makukuha ko sa lahat ng pangarap ko. I can do it even without the help from other people."
Hindi ko alam ba't panandalian akong natitigilan sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. It's never been this comforting when someone calls me by my name. Parang unti-unti ko na tuloy mas naa-appreciate ang pangalan ko. Not that I didn't want it, naninibago lang talaga ako.
"Icarius naman, lahat ng nagsisimula palang ay kailangan ng tulong sa ibang tao. 'Tsaka mas mabuti kung may kompanya kang pinagtatrabahuhan dahil mas mataas ang chances na marami kang makukuhang kliyente at oportunidad. You can also learn from them in no time." I tried to talk in normal, feeling so confident that he doesn't affect me in any way. Hindi rin ako makapaniwala sa kanya. He's got no mind in business unlike my parents and some businessmen and businesswomen I know.
"Alam ko, Aislinn." He chuckled a bit. "Naghahanap na naman ako ng kompanyang mapapasukan. Gusto kong magsimula sa sarili ko para makita ko kung may natutunan talaga ako. Gusto ko may karanasan na ako bago pumasok sa malaking mundo ng negosyo."
Oh, well. I'm afraid he's got a point there. I suddenly feel ashamed because of my way of thinking. Ang iba kasi sa mga kaalaman ko tungkol sa negosyo ay nakuha ko sa mga magulang ko. Ngayon ko nalaman na magkaibang-magkaiba talaga ang galaw at layunin ng mayayaman sa mahihirap. Pero hindi ko naman kino-consider na mahirap sila Icarius. Technically, they really are rich. Rich in other things that some rich people dreamed of... like me.
"Uh, tama ka naman. Ang akin lang ay mas mapapabilis sana ang paggawa mo ng pangalan if you'd take every opportunities given to you. Naiahon mo na rin sana ang pamilya mo."
My choice of words are wrong! But I couldn't take it back. So, I just hope that he didn't take it in the wrong way.
"I'd like to take it slow to make sure I'll make it. Hindi ko gustong minamadali ako, Aislinn," agap niya bago ako bigyan ng mabilis na sulyap. "Wala rin akong problema sa estado ng pamumuhay namin dahil matagal na akong nasanay. Kinalakihan ko na ito, Aislinn."
Pahiya na naman ako!
"Okay. I get it. Ang sinasabi ko lang naman ay matuto ka ring tanggapin ang mga oportunidad na kusa nang lumalapit sa 'yo-"
"I don't believe in opportunities and coincidences. It happens because of your own drive."
Tinikom ko ang bibig ko at ilang beses napakurap habang nakatitig sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at kitang-kita ko kung pano umangat ang gilid ng labi niya para sa isang nakakainsultong ngisi. Am I too shallow? Do I look like stupid for him? Oh, my God. Sa sunod kasi, Aislinn, huwag ka nang makipagtalo sa kanya tungkol sa mga ganitong bagay knowing na mas matanda siya sa 'yo ng limang taon. Of course, he knows a lot.
Shit. I felt like my heart just flipped. Insane, I know.
Another blink and I chose to look away. "Fine. Hindi na kita kukulitin tungkol sa bagay na 'yan." Still amused and impressed by him, I just smiled weakly.
"How 'bout you?"
Oh no, sa akin na naman napunta ang usapan. This could get rough again.
"Business like my parents," I shifted my weight. "To tell you honestly, I'm an heir so even without the degree, I can still live. There's also some jobs out there that offers without any degrees." Natawa ako na parang ang liit lang na bagay ng sinabi ko.
"That's sad," komento niya.
My brows creased before giving him a look. "Bakit naman?"
"You've got to enjoy the success of others and not yours."
"Well, it's my parents'-"
"Kahit na, Aislinn. Ano bang gusto mo, hindi iyong gusto ng magulang mo sa 'yo? Hindi mo man lang ba iyon paghihirapan na makamit?"
That hit me. What is it that I really like to do in the future? I want to be with the person who loves me and be financially stable. Wala na namang problema ang pangalawang sinabi ko dahil stable na ako sa pera ng mga magulang ko. Pero ngayon na napag-usapan namin ang tungkol dito ay ngayon ko lang din nalaman na wala man lang akong ginustong makuha para sa sarili ko na gusto kong paghirapan, gaya ng trabaho.
Ang buhay ko ay parang bigla na lang natigil nang maka-graduate na ako. I'm forever stuck with my parents' riches. Am I even happy with that? No, because I ran away. Pinili kong tumakbo sa buhay na gusto nila para sa akin para sa buhay na gusto kong mabago o mabuo kahit papaano. Ni hindi ko man lang talaga na-experience ang mga bagay na ginagawa ng normal na bata at teenager noon. My life's a total mess that it sucks.
"Pinaghihirapan ko naman..." nanliit ang boses ko.
Seriously, Aislinn? Pinaghihirapan mo ang alin? Saan? Ang pagtanggol sa karapatan at paniniwala mo? Ang pagtakbo mo palayo sa mga mahal mo sa buhay? Ang pagkawala mo para mahanap ang sarili't buhay mo? Gosh!
"Paano? Ni hindi mo nga iniisip ang degree. Para sa amin, malaking bagay na iyon, Aislinn. Masaya na kami na makakuha man lang ng degree kahit na hindi ganoon kalaki ang trabaho."
"Pinapangaralan mo ba ako?" I gave him a quick look with a smile.
He shooked his head and smiled too. "Pasensiya na kung iyon ang naging dating sa 'yo. We have different views in life and I'm just explaining mine."
Binalot kami ng katahimikan. Nawalan na ako ng argumento sa kanya. He's smart enough to shut me up and I can't help but to get envious.
"Gabi na! Pumasok na kaya tayo? Hindi ba tayo hinanap ni Mama Encarnacion?" I tried to avoid the topic even with a shaky tone. Gusto ko na lang ito matapos. Tama na rin siguro. We've done enough of talking. Kung saan-saan pa tuloy napunta.
"Sige."
Hindi naman siya tumutol pa. Tumayo agad siya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin na siyang tinanggap ko naman. Nang makatayo ay nagkatitigan muna kami which is longer than the usual. It's like there are still unspoken words between us that only the eyes could tell.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top