Chapter 14

"Tangina! Wala kang pambayad? Lugi ako sa 'yo! Nakarating pa naman tayo ng Taguig!" sabi ng galit na driver sa akin matapos niya akong hilahin palabas ng sasakyan.

"Pasensiya na po-"

"Anong pasensiya? Walang pase-pasensiya! Kailangan mong magbayad!" Nanghina ako nang bigla niyang hawakan ulit ng mahigpit ang braso ko. "Kung wala kang perang pambayad, kaluluwa mo na lang! Tangina 'yan!"

My eyes widened when he was about to kiss me. Napapikit ako at nagsimula na namang maluha dahil sa kaba at takot. May narinig akong bumagsak sa sahig kaya napamulat ako. Nakita ko ang driver na nakahandusay na sa sahig at ang isang lalaki na siyang nakahawak na sa hinawakan kanina ng driver.

"Okay ka lang, Miss?"

Napatitig ako sa kanya hanggang sa bigla na lang akong natumba at nawalan ng malay.

I heard whispers as I tried to open my eyes. Agad kong naramdaman ang sakit ng ulo ko at panghihina ng katawan ko kaya mas pinili ko na lang munang manatiling nakapikit.

"Ang ganda niya, Kuya!"

"Oo nga. Saan mo siya napulot? Bakit ganyan ang hitsura niya?"

"Sshh, tumahimik kayo't baka magising siya."

"Sus, Kuya. Huwag mong sabihing nahulog ka na agad sa ganda niya?"

"Umalis na nga kayo riyan. Hayaan niyo muna siyang makapagpahinga. Alis!"

Hindi ko maiwasang matawa sa loob-loob ko. Based from their tiny and cute voices, they're still a child, except 'don sa malagong na boses ng lalaki. Siya ata 'yong lalaking tumulong sa akin kanina. Pero teka, saan niya ako dinala?

Agad akong napamulat at napabangon. Nakita ko naman agad ang dalawang bata na nakatayo at gulat na nakatitig sa akin.

"Kuya!" sabay na sabi nila saka tumakbo palabas ng kuwarto.

My brows furrowed. Natakot ko ba sila?

Umayos ako ng upo bago pinasadahan ng tingin ang paligid. Nasa isang maliit na kuwarto ako. The interior design is simple. Dirty white and cream ang kulay. Mahahalata mong hindi sila mayaman at hindi rin mahirap. Kumbaga may kaya lang.

Tumayo ako at naglakad palapit sa isang lamesa na may mga litrato. Kinuha ko ang isang litrato kung saan nandoon ang dalawang bata at 'yong lalaki. May kasama silang dalawang matanda na sa hula ko ay mga magulang nila.

I can't help but to smile. It's a family picture. It's so obvious in their smiles that they are happy. I can't help but to feel sad and jealous. I want a family picture like this. Naglaho agad ang ngiti ko nang maalala ang pamilya ko.

"Gising ka na pala."

Taranta kong naibalik ang litrato sa dating kinalalagyan nito. Agad ko siyang hinarap. Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng labi niya dahil sa reaksiyon ko.

"Sorry, nagulat ata kita." Naglakad siya palapit sa akin kaya medyo lumayo naman ako.

"Hindi. Ayos lang," utal na sabi ko naman.

"'Yong dalawang bata kanina, kapatid ko sila. Kambal. Mga magulang naman namin 'yang kasama namin sa picture."

I just smiled as a response.

"Pasensiya ka na kung nagising ka nila. Kumusta ang pakiramdam mo?" He scanned through me. Nakaramdam naman agad ako ng hiya.

"I'm okay."

"Mukhang hindi. Look at you. You're wearing a hospital gown. Nakapaa. Muntik ng mabastos ng Mama kanina. Ano bang nangyari sa 'yo? Saan ka nanggaling?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi at mga tanong niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

"Wear this." Napayuko ako nang ibigay niya sa akin ang tsinelas na gamit niya. Siya na tuloy ngayon ang nakapaa.

Agad ko naman siyang tinanggihan. "Hindi na. Nakakahiya. Aalis na rin naman ako."

That stopped me. Saan naman ako pupunta? Paano ako makakabalik sa amin? I don't even have any money with me. Sa hitsura kong ito, mapaghahalataan na takas ako sa mental. Ano ba naman 'yan!

Marahan siyang napatawa kaya nabalik sa kanya ang tingin ko. "It's okay. You can stay as long as you want and I can't force you to answer that questions. Sige na, gamitin mo na muna iyan bilang panloob mo." Turo niya sa tsinelas sa sahig.

"Salamat," nahihiyang sabi ko bago suotin ang tsinelas. Malaki iyon sa akin pero ayos lang naman.

"Halika sa labas. May hinanda kaming pagkain at gusto kang makilala ng pamilya ko. If that's okay with you." Naglakad siya palapit sa may pinto at tumigil. He look at me and wait for my response.

"Ah. Kung gusto mong maligo muna, 'yon ang banyo." Nabaling ang tingin ko sa tinuro niya sa may gilid. "Doon naman ang mga damit. Pumili ka na lang." Turo niya naman sa isang aparador na katabi lang ng banyo.

"Sige, uh, salamat. Maliligo na lang muna siguro ako."

He gave me a smile. "Sige. Lumabas ka na lang pagkatapos mo. Maiwan na kita."

Marahan niyang sinara ang pinto kaya nakahinga na ako ng maluwag. Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko. Grabe, ngayon ko lang naramdaman ang kaba habang kausap at kaharap ko siya kanina. Naninibago lang ako kasi ngayon lang may naging mabait sa akin na ibang tao. Ngayon lang din may lumapit sa akin na lalaki bukod kay Van at Rad. Mukhang marami talaga akong na-miss na mga bagay sa labas ng kinasanayan kong mundo.

Pumasok ako sa banyo. Naghubad ako at tinitigan ang sarili sa maliit na salamin. Napahawak ako sa leeg ko nang makitang namumula iyon dahil sa sakal ni Rad. Tumagilid naman ako at nakitang may malaking pasa sa likod ko.

I drew a deep and heavy sigh. Sinubukan kong mag-inat pero napaawang ang labi ko nang maramdaman ang sakit at ngalay ng katawan ko.

Pagkatapos maligo ay naghanap na ako ng damit sa sinasabi niyang aparador. May nakita akong shorts at t-shirt kaya iyon na lang ang sinuot ko kaysa sa maghanap pa. Sinuklay ko rin ang buhok ko bago lumabas ng kuwarto.

Bumungad sa akin ang malinis at maaliwalas na salas. Inilibot ko muna ang paningin ko doon bago naglakad papasok sa kusina. Wala akong naabutang tao kaya nagtaka ako pero agad akong may narinig na mumunting tawa ng mga bata sa may likod. Napangiti ako. Nasa labas ata talaga sila.

I saw the twins playing, siya na nag-aayos ng setting sa lamesa at ang mga magulang nila na nakaupo habang nag-uusap. Natigil sila sa kanya-kanya nilang ginagawa nang maglakad ako palapit sa kanila. Tumakbo siya palapit sa akin. Inakbayan niya ako kaya nailang na naman ako.

"Ma, Pa, mga bunso, this is, uh, ano nga pala ang pangalan mo?" Ibinulong niya ang tanong na iyon sa akin. Ramdam ko sa may tainga at leeg ko ang hininga niya.

"Aislinn."

"Si Aislinn," pagpapatuloy niya sa naudlot na pagpapakilala sa akin sa kanila.

"Hello po," I said awkwardly.

I saw his parents smiled at me and the twins. Napayuko ako dahil sa hiya. Doon ko nakita ang tsinelas na dapat panloob lang.

"Oh, my God! Sorry, nalabas ko ang panloob na tsinelas," nataranta ako pero tinawanan lang nila ako.

"Ayos lang 'yan, ano ka ba!"

Naglakad na kami palapit sa lamesa. When we started to eat, they also started to ask some questions. Sinagot ko naman iyong mga kaya ko lang sagutin at hindi masyadong personal. Pagkatapos ay tumulong ako sa pagligpit pero sinabihan ako ni Ervin na huwag na dahil bisita nila ako. That's his name.

For almost a month, I stayed with them. Hindi naman ako nahirapang mag-adjust tutal mababait at masisiyahin na tao sila. Unti-unti na sana akong nasasanay at unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga nangyari noon nang isang araw ay bigla na lang dumating ang mga magulang ko kasama si Rad.

"May mga tao sa labas. Hinahanap ka Aislinn," salubong ni Ervin sa amin habang tumutulong ako sa gawaing bahay. Namalengke siya kaninang madaling araw at kababalik niya lang.

"Sino naman? Ano raw kailangan?"

"Hindi ko natanong, e. Labasin mo na lang. Baka importante at baka kakilala mo lang." Tumungo siya sa may lababo para linisin ang isdang nabili niya.

Hindi na lang ako nagtanong pa. Nagpunas ako ng kamay sa damit ko bago lumabas suot ang isang ngiti pero agad iyon naglaho nang makita ko sila.

"Mom, Dad," gulat na bati ko.

Napatingin ako sa likod nila at nakita si Rad. Seryoso niya akong tinignan kaya napaiwas agad ako. Naramdaman ko na naman ang kaba at takot na naramdaman ko 'nong araw na 'yon.

Lumapit sa akin si Dad para yakapin ako pero nanatili si Mom sa kinatatayuan niya.

"I'm so worried about you, sweetheart!" Dad whispered. Binigyan niya ng halik ang noo ko bago kumalas at lumayo sa akin.

"Why didn't you call us?" malamig na tanong ni Mom. "Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sa 'yo? Coenraad told us that Razvan almost killed you that's why you ran away from the hospital. God! I knew he would do that to you. Hindi talaga siya mapagkakatiwalaan."

"Ano? Mom, no! It's-"

"We flew back earlier than expected because of Coenraad's news. Agad naming pinakulong ang lalaking iyon kaya makakabalik ka na sa amin, Aislinn."

Nagulat ako roon. Namuo na naman ang galit sa puso ko.

"Mom, it's not Van! It's Rad! Bakit niyo ginawa 'yon knowing na isa ako sa mga nakakaalam ng totoong nangyari?"

Naiiyak ako. How could they do that to Van without any proof? Without my statement? Naniwala agad sila kay Rad?

"What are you talking about, Aislinn? Coenraad told us that Razvan tried to choke you to death when you woke up!" si Mom na halatang pinipigilan ang galit.

"Isa pa, anak, hindi iyon magagawa ni Coenraad sa 'yo."

Nabaling naman kay Dad ang tingin ko.

"Bakit hindi?! You don't even know what he's capable of! Nagsisinungaling siya, Dad, Mom! Bakit naniwala kayo agad sa kanya?!"

"Oh, Ace, ganoon ka ba kagalit sa akin para pagbintangan mo ako?"

My eyes widened when I saw Rad beside my Mom. Walang nagbago sa kanya. He's still the Rad the last time I saw him in the hospital. Cruel and manipulative!

"Alam natin pareho ang totoo, Rad. Why don't you tell it to my parents?" Kahit na sabog na sabog na ako sa loob ay nagawa ko pa ring sabihin iyon sa kanya ng kalmado.

I saw him smirk. Naglakad siya palapit sa akin kaya agad ko siyang pinigilan.

"Don't you dare come any closer to me! You almost killed me and now you have the guts to show up here with my parents on your side?!"

Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa kamay ko kaya agad akong napatingin kay Ervin na nasa gilid ko na.

"Umalis na po kayo. Nakakaabala na po kayo sa amin." Ramdam ko ang galit at lamig sa sinabi niyang iyon. I didn't expect that.

"And who are you?" It's Mom again, giving Ervin a disgusted look from head to feet.

"Ako po si Ervin. Kami po ang nag-alaga kay Aislinn sa loob ng halos isang buwan. Maaari ko po bang malaman kung sino kayo at ano ang pakay niyo sa kanya?"

Hanga ako sa katapangan ni Ervin. Agad naman akong nakonsensiya nang maalala ko na sinabi ko sa kanila na ulila na ako. Siguradong magagalit sila sa akin kapag nalaman nila ang totoo.

"Hijo, we're Aislinn's parents and this is her fiancè." Turo ni Mom sa katabi niyang si Rad. "We're here to bring her home with us."

Naramdaman ko ang pagkagulat ni Ervin. Napapikit ako at napabuntong hininga. I even felt a jolt of pain when he withdrew his hand on mine. Napatingin ako sa kanya na may nagbabadyang mga luha.

"Ervin, I'm sorry."

I saw the pain in his eyes, mixing with anger and disappointment. Napatango-tango siya nang may mapagtanto.

"Sino ba naman kami para pagkatiwalaan mo? I get it, Aislinn. Sige na, sumama ka na sa kanila." Tatalikuran niya sana ako nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Ervin, magpapaliwanag ako. Hindi mo dapat ako ibigay sa kanila. Please." Hindi ko na napigilan ang pagluha ko.

He looked at me, coldly. "Bakit hindi? Sila ang tunay mong pamilya." Inalis niya ang kamay ko sa kamay niya. Aalis na sana siya nang pigilan siya ni Mom.

"Hijo..."

Humarap si Ervin sa mga magulang ko samantalang ako ay nakaharap sa kanya at nakatalikod sa mga magulang ko at kay Rad.

"We need to express our gratitude to you and your family for taking care of our daughter. Tell us what do you want in return. Money, job, house, food, everything. Name it. We'll make sure to give it to you."

I wiped my tears away. Mapakla akong napangisi bago hinarap ang mga magulang ko.

"Mom-"

"We don't need those. We have all the things that we need already. Thank you."

"All the things? I don't think so, hijo. Just accept it. We don't want to be indebted to you and your family. Halata naman na kailangang-kailangan niyo ng pera."

"Mom!" I shouted while looking at her with angry eyes. Bakit ba palagi niya na lang minamaliit ang mga kalagayan ng tao? Ervin and his family doesn't deserve to be treated this way.

"Again, Ma'am. We don't need those things that you just mentioned. It seems like you need it more than us, especially the love and happiness. Makakaalis na po kayo."

Humarap ako kay Ervin. He looked at me coldly before shutting the gate between us. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at titigan lang siya sa likod habang naglalakad papasok. I closed my eyes tightly and I can feel the tears streamed down my cheeks.

"What a rude child!" komento ni Mom.

"Mabuti na lang ay napunta ka sa mga mabubuting tao, anak," si Dad.

"Mabubuti? Nahihibang ka na talaga, Arieto."

"Don't tell me you have fallen in love with that guy, Aislinn?" sabi naman ni Rad na puno rin ng pamamaliit at galit.

Si Dad at ako lang talaga ang may maayos na utak dito. Bakit ba ako biniyayaan ng mga ganitong kaimportante na tao?

Pinunasan ko muna ang luha ko bago ulit sila hinarap. "Why not? He's far better than you, anyway."

"Better?" He laughed but I couldn't sense the humor in it. "In what way, Aislinn?"

"In everything, especially in character." Hindi ako nagpatinag. Binaling ko naman ang tingin ko sa mga magulang ko nang hindi na siya sumagot. "Hindi ako sasama sainyo. Ayoko nang bumalik knowing na nandiyan si Rad."

"We're your family, Aislinn. Wala kang magagawa kundi ang sumunod sa amin." Mom gave her bodyguards a signal to hold me para puwersahang ipasok sa loob ng van.

"Mom! Dad! You can't do this to me! Pakinggan niyo muna kasi ako! Please!"

"You will never leave home again until your wedding with Coenraad."

Nadismaya ako at hindi ko na nagawang magpumiglas pa nang tuluyan na nila akong maipasok sa loob ng van. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na naman. Habang papalayo ang sasakyan ay hindi ko inalis ang tingin ko sa lugar na pinanggalingan ko. I grew attached with that happy family and it pains me knowing that I left them without saying good bye. I didn't even had the chance to correct the lies that I fed them.

"I want to see Van!" I demanded nang makarating na kami sa bahay. "Hindi niyo siya dapat ikulong! He's not at fault! It's Rad, Mom, Dad! Bakit ayaw niyong maniwala sa akin? Anak niyo ako kaya sa 'kin dapat kayo makinig!"

"You're not going anywhere, Aislinn," ani Mom habang naglalakad paakyat sa kuwarto kasama si Dad.

Lalabas sana ako nang harangan ako ng mga guwardiya.

"Make sure that she'll never step her feet outside again."

Napaatras ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Rad na nakapamulsa. Napailing ako bago siya talikuran at tumakbo papunta sa kuwarto ko. I locked the door to make sure no one would enter, particularly Rad.

Dahan-dahan akong napaatras habang nakatingin sa pinto na parang iyon na ang pinakanakakatakot at pinakamapanganib na bagay sa mundo. Once I open it again, they will enter my world and control it again. Unti-unti na akong nawawalan ng rason para tiisin ang pagkapagod ko sa kanila kaya sana huwag na nilang pilitin pa na pumasok dahil unti-unti lang din nasisira ang lahat.

Nagsimula akong umiyak habang nakahawak sa may dibdib ko pero pinunasan ko agad ang luhang lumandas nang may maalala ako. Naglakad ako palapit sa terasa. I saw the canary bird Rad gave me during my thirteenth birthday. Binuksan ko ang kulungan at pinakawalan siya. Pagkatapos ay itinapon ko sa baba ng terasa ang kulungan.

Naglakad ulit ako papasok at hinanap 'yong mga regalong bigay niya sa akin noon. Lahat iyon ay sinira ko. Wala akong tinira kahit isa. Kahit na ang ibang bagay na nakita ko sa kuwarto ay sinisira at itinatapon ko.

When I'm done, I sat on the floor and hugged my both knees with my chin on it. Sunod-sunod ang naging hikbi ko habang ramdam na ramdam ko ang sakit at poot na bumabalot sa puso ko. How could they do this to me? How could they do this to Van? Van's innocent! Rad is the only one who's complicating things! Bakit hindi nila iyon makita?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top