Chapter 13

I stop dead from walking under the sun, blinking and content with a warm smile on my lips. I used my left hand to cover my bare face from the sunshine to see clearly the bliss of the noontime sky. There's a breeze strong enough to set the tides together with the trees into a relaxing mood. Oh, I really love beaches because of their picturesque sceneries. Wish I could use one of 'em as my wedding destination.

Bahagya akong naantala at nagulat nang may biglang yumakap sa akin patalikod, pero kalaunan ay natawa nang matanto na boyfriend ko pala ang may gawa 'non.

"Baby..." he spoke in a whisper when he reposed his chin on my shoulder.

Napapikit ako at napahawak sa malambot niyang mga kamay, nilalanghap ang pabango niyang humahalo sa pawis at dinadama ang bawat sandaling ito na kasama namin ang isa't isa.

This is what I've been wanting to do ever since we became official five years ago. I always wanted to be with him this way but I just couldn't because of the conflicts and complications. Anyhow, he made it happened and it's enough for me.

"I shall say and ask you this question," he whispered again with a hoarse sound, reason for me to stop myself from imagining and fantasizing things about him.

Umikot ako para makaharap sa kanya habang hindi niya inaalis ang kamay niya sa baywang ko.

I gave him my sweetest smile.

"What about it?" I asked gently as I caressed his both cheeks while looking straight into his eyes.

Ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito na lang kami palagi.

Binigyan niya ako ng masayang ngiti. Inalis niya ang kamay niya mula sa pagkakayapos sa akin saka marahang hinalikan ang mga kamay kong nasa pisngi niya. Lumayo siya ng ilang pulgada sa akin.

What is he trying to do?

May ilalabas sana siya sa bulsa niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nag-alinlangan pa siyang sagutin iyon pero nang makita niya kung sino ang tumatawag ay sinagot niya rin naman agad.

"Excuse me," he said then walked away from me.

Napabuntong-hininga ako. Hindi pa rin talaga maiiwasan na may mangyari bukod sa magaan at masayang senaryong ito. Sino kaya 'yong tumawag?

Tahimik akong naghintay sa kanya habang pinagmamasdan lang ang kabuuan ng likod niya. Hindi ko masyadong marinig ang mga sinasabi niya sa kausap niya sa cellphone pero halata sa kilos niya na hindi maganda ang hatid na balita sa kanya ng kausap niya.

Is it bad news again? I hope not.

Nang makabalik siya ay bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko na siyang ikinagulat ko. He's smiling from ear to ear as if the call was nothing. Inilabas niya ang isang maliit na box mula sa bulsa niya.

The moment he showed me the ring, hindi ko na maiwasang mapaluha dahil sa sobrang kaligayahan. But I knew to myself that somewhere deep in my heart, it terrifies me.

"Aislinn Sinclair, do you want to change your surname to Cronin?"

It took me a minute before I could give him my answer. God, this is not what I'm expecting for our stay here in Palawan for three days and two nights. This is our last day and it became the most unforgettable and memorable moment of my life. Bakit ba palagi niya na lang akong ginugulat?

"Yes! I will marry you!" I said joyfully as the tears continue to fell from my eyes.

Nilagay niya agad sa palasingsingan kong daliri ang singsing saka ako hinalikan sa labi na may galak. Yinakap niya ako nang mahigpit at naririnig ko ang paulit-ulit niyang pasasalamat sa akin sa marahang boses.

Nagtagal ang yakapan namin. Hindi pa rin ako matigil sa pagluha pero may ngiti sa mga labi ko. Bago niya ako tuluyang bitawan ay pinalis niya ang mga luhang iyon sa pisngi ko saka ako binigyan ng matamis na halik sa noo.

"I love you, Mrs. Cronin," he whispered.

"And I love you, my Cronin."

We kissed again while Van's hands are on my back, rubbing it in a slow and gentle manner. Habang tumatagal ay palalim nang palalim ang halik. Nararamdaman ko ang unti-unting paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin to the point na nasasaktan na ako.

"Van," I said between our kisses but that didn't stop him from doing what he wanted.

Dumako ang isa niyang kamay sa may leeg ko papunta sa pisngi habang ang isang kamay ay bumababa sa may puwetan ko. He pulled me closer to him and I can already feel his manhood on my stomach. Nakatingkayad pa ako dahil mas matangkad siya sa akin ng ilang pulgada.

Napamulat ako nang bigla niyang kagatin ang labi ko. Agad namilog ang mga mata ko at naitulak ko siya palayo sa akin nang makitang hindi si Van ang kahalikan ko.

It's Rad!

"R-Rad, what are you doing?" Sobra akong nautal dahil unti-unting nilukob ng kaba at takot ang puso ko.

Ngumisi siya. "Kissing you." He licked his lips, nilalasap ang naiwang lasa ng labi ko roon.

Naglakad siya palapit sa akin kaya umatras naman ako palayo sa kanya. Hindi kalaunan ay umalis siya sa harapan ko, revealing the badly wounded body of Van.

My hands was immediately thrown at my quavering parted lips. My tears streamed down my cheeks as my heart started to pound in a hard and fast manner. Bumibilis din ang paghinga ko habang nakatitig sa duguan at naghihingalong katawan ni Van.

"Van!" I cried.

I ran towards him and knelt. Ipinatong ko ang ulo niya sa binti ko habang sinusuri ang katawan niya.

"Oh, my God!"

Napasinghap ako habang tuloy-tuloy pa rin ang pagluha, hindi malaman kung saan siya hahawakan. Paulit-ulit ko ring sinasambit ang pangalan niya hanggang sa bigla na lang siyang sumuka ng maraming dugo. He gave me a faint smile kaya napahawak ako sa pisngi niya.

Sinubukan niyang abutin ang mukha ko. Agad kong hinawakan ang kamay niya nang makita ang pagpikit ng mga mata niya hanggang sa maramdaman ko ang tuluyang pagtigil ng paghinga niya.

"Van! No!"

Marahas akong napamulat. I stared at the ceiling for seconds with shock and fear. Dahan-dahan akong napabangon. I winced because of the pain I felt in my chin and at my back. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit na bumabalot doon. Napapikit ako at naramdaman agad ang pag-agos ng mga luha ko. Ilang beses akong napabuntong-hininga bago ulit napamulat. Inalis ko rin ang oxygen mask na nakasuot sa akin.

"It's just a dream, Aislinn. It's just a dream..." pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nanginginig ang mga labi.

I have never imagined in my whole life that I'd dream about it. But it made me realize that love can be free, peaceful and joyful but at the same time, can be dangerously violent, miserable and fearsome if we let it control and dominate us.

Kahit na panaginip lang iyon ay hindi ko maiwasang mag-alala. Paano kung mangyari iyon sa reyalidad? Paano kung tuluyan na talagang malukob ng kadiliman ang puso ni Rad? Paano kung hindi lang si Van ang madamay? Paano kung-

My gaze was turned to the door that swung open. Pumasok si Van na halatang matamlay, pagod at malungkot. Ewan ko. Sobrang dami na emosyon ang nakikita ko sa kanya ngayon. Nagbago iyon nang makita niya ako.

"You're awake."

Mabilis siyang naglakad palapit sa akin. Marahan niyang hinawakan ang likod ko para sa suporta habang ang isang kamay ay nakahawak sa kaliwang balikat ko.

"I'm okay," pagpigil ko sa kanya.

"But-"

"I said, I'm okay, Van," ulit ko.

He sighed as a defeat. Unti-unti niya akong binitawan. Hinila niya ang isang upuan saka naupo roon.

"How long am I unconscious?"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad. "Three days."

"Medyo matagal pala. Where's my parents? Ano nang nangyayari?"

"Marami, Aislinn."

Bahagya ulit akong nakaramdam ng kaba. Naramdaman ko rin ang pagkunot ng noo ko. Napaangat ng tingin sa akin si Van. Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti bago ulit nagpatuloy.

"Kinabukasan ng debut mo, your parents flew in California," he paused, sinusukat ang magiging reaksiyon ko. "Your Lolo Tymon had a mild stroke and..." Hindi niya magawang ipagpatuloy ang sasabihin niya.

"Van, tell me."

Mas kinakabahan lang ako sa inaasal niyang ito, eh! Diretsuhin niya na lang kasi ako!

"Your Lola Lucita had a heart attack because of what happened to your Lolo. I heard from my parents that they're holding a funeral there for her."

Napabitaw ako sa hawak ni Van dahil napatakip ako sa bibig ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at kalaunan ay binalot iyon ng matinding sakit. Napapikit ako kasabay ng mga luhang lumabas mula sa mga mata ko.

"Lolo," I muttered. "Lola..." Mas nabasag ang boses at puso ko nang sambitin ko iyon. Napahawak ako sa dibdib ko at hindi na pinigilan ang sarili sa pag-iyak.

Tumayo si Van para maupo sa tabi ko. Niyakap niya ako kaya lalo lang akong napaiyak. Matagal bago ako natigil hanggang sa nagsimulang magpaalam si Van.

"I got to go." Pinunasan niya ang dalawang pisngi ko na nabasa ng luha. Inilagay niya rin sa likod ng tainga ko ang ilang takas na buhok sa mukha ko.

"Why?" My lips trembled.

"Coenraad will be here soon." Tumayo na siya at tinitigan ako. "Ibinilin ka ng mga magulang mo sa kanya at hindi sa akin." He smiled but I can feel the pain and sadness in it.

"You can stay naman," namamaos na sabi ko dahil sa pag-iyak.

Dahan-dahan siyang napailing saka napapikit. "Your parents forbid me from seeing you and... Coenraad has been threatening to kill me-"

"That's absurd! They can't do that to me– to us!"

"They already did, baby. I'm sorry."

"Hindi mo naman kailangang sumunod sa kanila, Van. I'm your girlfriend!"

Girlfriend. Akala ko magiging maayos na ang lahat kapag sinagot ko siya para sa sariling kaligayahan ko pero mas pinalala ko lang ang lahat.

"And they're my girlfriend's parents. I couldn't go against them because I respect them. As for Coenraad, don't worry because I'm trying to fight him back. Wala siyang karapatan sayo at sa atin."

Paulit-ulit akong napailing, ayaw tanggapin ang lahat ng mga sinasabi niya sa akin simula pa kanina. Natulog lang ako ng tatlong araw ay ganito na ang aabutan ko? This can't be happening! Please, just tell me this all a part of that dream! A nightmare, to be exact!

"Pinapaimbestigahan ko si Coenraad and I found out that he's targeting the assets of your parents."

"Ano? Bakit?" I panicked.

"I still don't know the reason. For now, I want you to stop trusting him. He's dangerous. Unti-unti na niya iyong pinapakita. So, be careful when he's with you."

"Why don't you just stay with me?"

"I can't," Napayuko siya. "Pinapabantayan naman kita sa ilang mga tauhan ko pero kailangan mo pa ring mag-ingat lalo na't kayo lang palagi ni Coenraad ang magkasama rito sa kuwarto."

I sighed in dismay. Bumagsak ang mga balikat ko at hindi ko na naman mapigilang mapaluha. Bakit ganito? Anong nangyari sa 'yo, Rad?

"Hey," he caressed my cheek. "I love you that's why I'm doing this for you... for us. Trust me."

Napapikit ako nang halikan niya ako sa mga labi, marahan at punong-puno ng pagmamahal. Kumalas siya pero nanatili akong nakapikit habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Sa pagmulat ng mga mata ko ay siyang pagsara ng pinto ng kuwarto. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod na ako. Ramdam ko rin ang pamumugto ng mga mata ko at ang namamaos na boses ko.

Habang tulala sa kawalan ay bigla na lang ulit bumukas ang pinto. Napadako ang tingin ko doon at nakita si Rad.

"Ace..." Lumapit siya sa akin suot ang mapag-alalang mga tingin. He tried to touch or hold me but I refused.

Nanatili akong nakatingin sa kanya. The burning fire in me is starting to fuel up. Hindi ko na maramdam ang pagmamahal ko sa kanya bilang isang kaibigan. Tanging galit na lang. Dumagdag pa ang mga nalaman ko kay Van kanina.

He stood still. "I see. He came here again."

How...

"Stop meddling with us," paos na sabi ko na lang habang nakatitig sa kanya. Nagbabadya na naman ang luha ko pero pinipigilan ko iyon.

"Bakit ka ba nagkakaganyan dahil sa walang kuwentang lalaking iyon?"

Medyo nagulat ako roon lalo na't tumaas ang boses niya.

"Ikaw, Rad, ano itong mga ginagawa mo? Bakit ka biglang naging ganito?"

His jaw clenched. Binigyan niya ako ng isang makahulugan at malalim na tingin bago talikuran.

"What do you want to eat?" Lumapit siya sa may lamesa na may mga pagkain at nagsimulang kumuha.

"I'm not hungry."

Napatigil siya. "It's been three days since-"

"At hindi man lang ako nakaramdam ng gutom dahil sa mga nalaman ko."

Nagpatuloy ulit siya sa pagkuha ng mga pagkain. Hinarap niya ako at naglakad pabalik sa puwesto niya kanina.

"You need to eat." He tried to spoon-feed me, but I just looked away.

Narinig ko ang buntong-hininga niya. Ramdam ko rin ang pagpipigil niya. No, Rad. Huwag mong pigilan ang sarili mo. Gusto kong makita ang tunay na pag-uugali mo, just like what Van said. Ipakita mo iyon sa akin para mas makilala pa kita. Para mas bigyan mo ako ng rason na magalit sa 'yo at tuluyang kalimutan ang pinagsamahan natin.

"Aislinn, you need to eat," ulit niya pero this time may diin na. He tried to spoon-feed me again pero tinabig ko ang plato na hawak niya, dahilan ng pagkakahulog at pagkakabasag nito sa sahig.

Nagulat ako sa ginawa ko pero tinatagan ko ang pakiramdam ko. Pagbalik ko ng tingin sa kanya ay namilog ang mga mata ko dahil sa galit na nakikita sa mukha niya. Tinapon niya ang kutsara sa sahig kaya nalipat doon ang tingin ko. Mas ikinagulat ko ang ginawa niya nang bigla niya na lang akong sakalin.

"Susunod ka sa gusto ko dahil ikakasal ka sa akin kahit na anong mangyari."

Hinawakan ko ang kamay niyang sumasakal sa leeg ko pero balewala iyon. Nagsimula akong mapaubo nang higpitan niya pa lalo ang pagsakal sa akin.

"Kung sila ang nagiging sagabal at nagiging dahilan kaya nagkakaganyan ka... don't worry because I'm working on it, my beloved," dugtong niya pa.

Him calling me 'my beloved' made my body shiver. Napapikit ako at naramdaman ko ang pag-agos ng luha ko. Ilang beses kong tinapik ang kamay at balikat niya para pakawalan ako pero hindi niya iyon pinansin.

"Pero kung magmamatigas ka, mas mabuting-" I managed to kick his manhood with my weak leg, reason why his grip on my neck loosened up a bit. Sinipa ko pa siya sa may tiyan kaya tuluyan na siyang napalayo sa akin.

"You're crazy, Rad! How could you?!"

Napahawak ako sa leeg ko dahil sa sakit. Hinabol ko rin ang hininga ko habang sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pagkatapos ay taranta kong pinagtatanggal ang mga apparatus na nakalagay sa akin.

Sinubukan kong tumayo pero agad akong nanghina at nanginig kaya natumba ako sa sahig. Nabaling naman ang tingin ko kay Rad nang bigla na lang siyang tumawa.

"You're paralyze, Ace. You can't get away from me anymore."

My eyes widened. Nagsimula akong gumapang palayo sa kanya nang makabawi na siya sa sakit na ginawa ko sa pagkalalaki niya. Nang makarating sa may pinto ay ginawa ko iyong suporta para makatayo ako. Hindi naman ako nabigo. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kanya hanggang sa tuluyan ko nang maramdaman ang mga binti ko.

Binuksan ko ang pinto nang akmang lalapitan niya na ako. I ran as fast as I can until I bumped into someone. Muntikan na akong matumba pero agad niya akong nasalo. Dalawang matipunong lalaki ang bumungad sa akin pag-angat ng tingin ko. Kinabahan na naman ako dahil akala ko ay mga tauhan sila ni Rad, but I guess they're not.

"Ms. Aislinn! Ano pong nangyari?"

"Tulungan niyo ako," nanginig ang mga labi ko. Tuluyan na akong nakatayo. Napatingin ako sa likod ko at nakita si Rad na naglalakad na palapit sa amin. "He... he tried to kill me!"

Naging alerto naman ang dalawang lalaki na nahalata kong sila iyong tinutukoy ni Van na nagbabantay sa akin. Iginiya nila ako sa likod nila para sila ang humarap kay Rad. Sumilip ako sa pagitan nilang dalawa at nakita ang dalang panganib ni Rad sa pamamagitan ng mga tingin niya. I gasped when his look was turned to me. Dahil sa taranta at takot ay nagsimula na naman akong tumakbo palayo. Hindi ako tumigil hanggang sa makasakay ako sa taxi.

The driver looked at me through the rear view mirror with confusion. I was still wheezing. I even felt my tears flowing down my cheeks again. Napatingin ako sa likod. Medyo kumalma na ako nang makitang papalayo na kami sa ospital.

That's where my trauma for Rad started to develop.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top