Chapter 15

Sa loob ng isang taon ay hindi ako lumabas sa kuwarto. Lalabas lang kapag kakain na. Minsan ay nalilipasan ako ng gutom nang hindi ko namamalayan. I just want to be alone. I don't want to be disturb ever again but having parents like them will not give me the freedom that I needed.

"Your teacher is here," sabi ni Mom pagkabukas palang ng pinto ng kuwarto ko.

Mom chose to home schooled me since that day. Ayoko na sanang pumasok pa o kahit mag-aral dahil nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay pero pinilit pa rin nila ako. Pinili ko na lang na sa kuwarto ko lang ako magpapa-tutor. Pumayag naman sila.

"Good morning, Aislinn. Puwede na ba akong magsimula ulit?"

Binigyan ko naman ng malungkot at pagod na ngiti si Ma'am Veronica gaya ng palagi kong ginagawa.

Everyday is always like this. Even weekends Ma'am Veronica is still teaching me. Wala na akong pahinga pero mabuti na rin iyon para ma-divert ko ang sarili ko sa sakit at lungkot. But during at night, it's always eating me up inside. Hindi ko mapigilang umiyak kapag gabi kaya palagi akong hindi nakakatulog.

Isang araw, bigla na lang akong nahimatay dahil sa kahinaan ng katawan. Pinayuhan ako ng doktor na matulog lagi ng maaga at kumain ng tama sa oras dahil nag-low blood daw ako.

"Get a hold of yourself, Aislinn! Hindi habang-buhay ay magiging ganito ka!"

Mom was furious when she found out about it. Inutusan niya ang mga katulong na palagi akong i-check at dalhan ng pagkain sa kuwarto.

"Miss, kumain na po kayo. Baka po sisantehin kami," nanginginig na sabi ng isang katulong na naghatid ng pananghalian sa akin.

"Kakainin ko na lang po 'yan. Makakaalis na po kayo."

That was what I always told to them pero kapag babalik na sila ng hapon para kunin ang pinagkainan ko ay natataranta sila dahil hindi ko man lang nagalaw ang pagkain. Pinipilit nila akong kumain hanggang sa isang araw ay sumabog na lang ako.

"I don't want to eat! Ano ba ang hindi ninyo makuha roon?!" Itinapon ko pa sa sahig ang tray na may lamang mga pagkain.

"Pasensiya na po, Miss." Agad nilang niligpit ang kalat at lumabas na.

Hindi pa nagtatagal ay bumukas na naman ang pinto.

"Anong nangyari?! Talaga bang magmamatigas ka?!" Galit na lumapit sa akin si Mom at binigyan ako ng malakas na sampal. "Wake up, Aislinn! Stop being like this!"

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang pagalitan ako araw-araw. Tulala lang ako sa hangin at hindi ipinapasok sa isip ang mga sinasabi niya. I don't care, anyway. Hinihintay ko na lang talaga na mamatay na ako.

"Coenraad's here. Papapuntahin ko na lang siya rito," malamig na palaging sinasabi ni Mom pagkatapos akong tutor-an.

Ever since that day, hindi ko pa nagawang harapin ulit si Rad kahit na araw-araw niya na akong pinupuntahan. Hindi ko na siya kayang harapin pa kaya kapag nandito siya ay kumukulong ako sa banyo o sa walk in closet ko hanggang sa umalis na lang siya.

He tried to ask for my forgiveness but I didn't gave it to him. He doesn't deserve it. Kahit na binalita niya sa akin na nakalabas na si Van sa kulungan matapos ang isang buwan.

"Van!" Hindi ko maiwasang mapaiyak na naman nang bigla akong tawagan ni Van.

"Aislinn, how are you? Sinasaktan ka pa ba ng gagong iyon? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita!"

Lalong napunit ang puso ko. Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tainga ko para hindi niya marinig ang mahihinang hikbi ko. Nang makabawi ay sinagot ko agad siya.

"Ayos lang ako, Van," Nabasag ang boses ko. "Nasa bahay lang ako, huwag kang mag-alala. Hindi na nakakalapit pa sa akin si Rad."

"Damn! I miss you so much, baby. Please, I hope you're not lying to me. I hope you're in a good shape right now."

Nang malaman ng magulang ko na nagkakausap na ulit kami ni Van ay agad nilang pinutol ang linya ng telepono sa kuwarto ko. Kinuha rin nila ang cellphone at ang ibang gadgets ko.

"Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon na tawagan ka pa! My God, Aislinn! Sakit ka talaga sa ulo!"

"Anak, we're here for you. Coenraad's always here to see you but you're ignoring him. Bakit kay Van ka pa rin lumalapit? Please, you need to come out. You need to be with us again."

"Sinisira niya ang buhay niya, Arieto! She's not listening to us!"

"Matagal na pong sira ang buhay ko simula nang ipinanganak niyo ako," I managed to answer Mom that made her more furious.

Lumapat ang kamay niya sa mukha ko. My head tilted a bit because of the impact of her slap.

"How dare you?!" Dinuro ako ni Mom. Pinigilan naman siya ni Dad nang sasampalin niya ulit sana ako.

"Let's talk when you're okay," huling sabi ni Dad bago sila lumabas ng kuwarto. May mga sinasabi pa si Mom pero hindi ko na iyon nabigyan ng pansin.

My tears streamed down my cheeks the moment they shut the door. Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo na lang ako sa sahig. For countless time again, hinayaan ko na naman ang sarili kong umiyak at malunod sa sakit.

My twenty-third birthday came along with the engagement party. Kinausap ako ni Mom kanina tungkol doon at wala na akong nagawa. They decided to do it earlier than expected. Hindi na nila pinaabot sa twenty-fifth birthday ko kung saan iyon ang napagplanuhan sa simula palang. They want the wedding to be done as soon as possible as if we're being chase by something terrible situation.

"Ang lungkot naman ng buhay mo, hija."

Tinignan ko sa salamin ang nag-aayos sa akin. Hindi ko magawang ngumiti o matigil sa pagluha kahit na ganoon. Tutal, sa tuwing may luhang pumapatak sa pisngi ko ay agad niya naman iyong pinupunasan dahil hinahayaan ko lang iyon.

"I know someday, you'll earn that happiness back again. You just need to keep moving forward no matter how hard it is."

Paano ko pa magagawa iyon kung matagal nang patay ang loob ko?

I suddenly realized that there's someone out there who has worst problems than me yet here I am, nag-ooverreact at nag-iinarte. In fact, I have everything that I needed not what I wanted in life. But problems are problems. I don't need to compare mine to anyone else because I'm also suffering and in pain. Gaano man iyon kababaw o kalalim, ang hirap pa rin and I just couldn't take it anymore.

Hindi pa nagtagal nang sunduin na ako ng mga magulang ko sa kuwarto ko.

"It's time. Avoid making mistakes that might cause an embarrassment to our family and to the Martinez' family," Mom reminded me before going out and socializing with the guests.

"Happy birthday, Aislinn!"

"Congratulations to your marriage with Mr. Martinez!"

May mga ilang bumati pero hindi ko magawang sabayan sila sa ngiti. Kung oo man, nagiging pilit at peke lang iyon kaya mas minabuti kong manahimik na lang. Matamlay ko ring tinanggap ang mga regalong hinanda nila para sa akin. Mayroon ding para sa amin ni Rad pero binalewala ko iyon. As if I'm really going to marry him for convenience.

"Coenraad's here. Talk to him, sweetheart," Dad whispered while he's still talking to someone.

Nakaramdam na naman ako ng paninikip sa dibdib ko. Sa loob ng limang taon, ngayon ko lang ulit matinong mahaharap at makakausap si Rad. I've been avoiding him for years and it was a success but I don't think I can do that today, especially that this party is also designed as our engagement party. Oh, I want to laugh at that.

Nakita ko ang paglapit ni Rad kasama si Mom na may masayang ngiti sa puwesto namin ni Dad. I wanted that smile of her so bad. Kailangan ba talagang sa ganitong sitwasyon niya iyan isuot?

My eyes met Rad's. Agad bumalik sa alaala ko ang nangyari noon. The trauma he brought to me was unbearable. I had to surpass the sleepless nights and emotional days just to completely forget about it. I had to endure it all for me to continue surviving. But seeing him here, walking confidently towards me as if our relationship is still in a good shape, brought me back to the never-ending fiery pit.

I thought I completely forgot about it. I thought I managed to overcome all the emotions he caused me. I guess, I'm wrong. Tuluyan ko na ulit nabitawan ang tapang para protektahan ang sarili ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin at bumeso.

"It's good to see you again, Ace. I just hope that this will serve as the new beginning for the both of us and to everyone else."

His whisper made my whole body shiver and disgusted. Hindi ko inakalang darating ang araw na ganito na lang ang tanging mararamdaman ko sa kanya.

"Happy birthday, my beloved!" He held my hand to kiss the back of it. Hinangaan naman agad siya ng mga tao dahil doon.

Pakitang-tao.

Binawi ko ang kamay ko at iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko masikmura ang presensiya niya rito. Call me crazy or OA, but what he did to me was unforgivable! I can even feel that he's planning something else and that terrifies me the most. Sigurado akong kaya niya pang lagpasan ang mga ginawa niya noon kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko.

Habang lumalalim ang gabi ay palalim nang palalim din ang butas sa puso ko hanggang sa tinawag na kami para pumunta sa stage. We drink a wine after that. Hindi ko rin inasahan ang pagsuot ng singsing ni Rad sa palasingsingan ko. He tried to kiss me after that but I avoided it. Uminom na lang ulit ako ng wine.

"Where are you going?" pigil sa akin ni Rad nang bigla akong tumayo.

"I need to use the bathroom," I answered coldly.

Tumayo agad siya habang hawak pa rin ang kamay ko. "I'll go with you-"

"What? Wala na ba talaga akong privacy?"

"I'll just wait outside-"

"This is outside. Wait here and just socialize with the guests, tutal nasisiyahan ka naman sa okasyon na ito." Nairita ako kaya sinubukan kong alisin ang kamay niya sa kamay ko.

"What is your problem, Ace? Hanggang ngayon ba ay iyon pa rin ang ipinuputok ng butchi mo?"

Wow!

"Hindi ako kagaya mo na madali lang makalimot kaya puwede ba?" Malakas kong hinawi ang kamay niya. Hinayaan niya lang ako.

"Look, I'm sorry, alright-"

"You're not," agap ko sa kanya. "Ginusto mo ang lahat. If I know, may masama ka pa ring pinaplano ng palihim."

His jaw clenched as his expression turned dark. "Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin?"

"Yes," matapang na sagot ko, hindi nagpapatalo sa tingin niya kahit na nangingilid na naman ang mga luha ko. "That's what you made me think and feel when you showed me your true colors."

Hindi siya nakasagot kaya agad ko na siyang tinalikuran at iniwan. I said I needed to go to the bathroom but I found myself packing the important things in one backpack such as clothes, money, credit cards and gadgets.

Hindi ko alam kung paano ko natakasan ang napakaraming guwardiya sa paligid. Namalayan ko na lang na tumatakbo na ako sa gilid ng kalsada palayo sa bagay. Nang medyo makalayo-layo na ay napatigil ako para habulin ang hininga ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang tuloy-tuloy ang agos ng mga luha ko. Napahikbi ako nang ibalik ko ang tingin sa daan na pinanggalingan ko.

I'm sorry...

I've had enough. I'll try to fix everything someday. But for now, I need to find myself. I need to find every reasons that I lost in five years. Walang mangyayari kung habang-buhay akong magiging ganito. I will sacrifice myself for the sake of everyone because the main root of the conflicts started with me. I'm not that brave and strong enough to continue facing it all so here I am, running away like a coward and scared kitten. Wala akong ibang naisip kundi ang tumakbo at lumayo kaya papanindigan ko ito hangga't kaya ko.

Pagkasakay ko sa taxi ay agad kong tinawagan si Van. He answered it right away.

"Aislinn!"

"Van..." My voice cracked. My tears fell from my eyes again so I immediately wiped it away.

"Are you okay?"

"I'm sorry, Van. I'm sorry..." wala akong ibang masabi. Ilang beses din akong napailing-iling.

The pain in my heart is very evident now that I'm talking to the man where my faith has always been intact. He's the only person that I trust. Ni minsan ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya at ganoon din siya. Hindi namin sinukuan ang isa't isa kaya masakit sa akin ang desisyon na gagawin ko. I'm sure it'll hurt him too but I need to choose myself this time.

"Pangako, babalik ako. Babalikan agad kita. Pangako, Van..." Napatakip ako sa bibig ko.

"Anong sinasabi mo, babe?"

"Just please, don't lose your faith in me because I promise that I won't," My voice quavered again so I made a pause. "I love you..."

Napayuko ako at sunod-sunod na naman ang naging agos ng luha ko.

Kahit na kinuha noon ni Mom ang mga gadgets ko ay nakahanap pa rin ako ng paraan para magkaroon ng contact kay Van. They cannot stop me.

Tanda ko pa noon ang ilang beses kong pagmamakaawa sa katulong, mahiram lang ang cellphone niya. Nagpakababa ako dahil kung hindi ay mas lalo lang akong maghihirap. Pero kalaunan ay agad naman iyong nalaman ng mga magulang ko so they got mad again. Mas lumala ang pag-iistrikta nila sa akin. Mas dumami ang guwardiya lalo na nang bigla na lang sumugod si Van sa bahay.

"Aislinn! Talk to me!" Napatakip ako sa bibig nang makita mula sa bintana ng kuwarto ko ang pagpigil sa kanya ng mga guwardiya.

"Huwag niyo siyang ilayo sa akin! We love each other! Please!"

My gaze was turned to my Mom standing meters away from the gate, just looking at Van.

Tatakbo na sana ako palabas nang makitang bigla na lang siyang nanuntok. Bumawi naman ang mga guwardiya sa kanya hanggang sa mapahiga na siya sa sahig. I cried and my heart was in thorn when I saw how he managed to fight back despite the punches being thrown at him.

"Please, Van, stop..." Napahikbi ako. I looked away because I can't take it anymore, lalo na nang makita ang dugo sa mukha niya.

The five years in that so-called home was a total chaos. Hindi iyon naging madali sa akin... sa amin. Last year lang unti-unting humupa ang gulo nang hayaan nila akong tuluyang magkaroon ng contact kay Van since I'm helpless about the marriage.

"Magkano po lahat?"

"Nobenta, Ineng."

Nagpalinga-linga ako sa paligid ng palengke habang inaayos ang sombrebrong suot bago kumuha ng pera sa wallet na dala ko. Alam kong nasa paligid lang sila.

"Ito po. Salamat po." Inilahad ko sa kanya ang bayad. Inabot niya rin naman agad ang sukli.

I was about to walk and leave the place when someone touch my shoulder. Namilog ang mga mata ko at agad siyang hinarap.

"Huwag mo na po kaming pahirapan, Ma'am!"

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. Kahit papaano ay natutunan ko na lang kung paano manlaban. May mga nabuo rin akong plano kung paano harapin si Rad at hadlangan na makapanakit at manggulo pa siya.

Habang papalapit siya sa akin ay unti-unti naman akong umaatras hanggang sa bigla ko na lang itapon sa mukha niya ang mga pinamili ko. Kumaripas agad ako pabalik sa tinutuluyan ko at mabilis na inayos ang mga gamit. Nang makitang papasok sila ay sa likod ako dumaan.

"Sorry po. Sorry, sorry..." nakayukong sabi ko kapag may nabubunggo akong tao dahil sa pagtakbo ko.

Isang taon akong nagpalipat-lipat ng tirahan. Kadalasan ay may mga taong nakakasalamuha at nakakasama pero kalaunan ay mas pinili ko na lang na mag-isa. Hindi naman ako namroblema sa gastos dahil tinitipid ko ang sarili ko. I withdrew all my money from my cards one day bago nila ako matunton. I even sell my other gadgets except for my phone because I still used it to communicate with Van. Yes, Van's helping me to get through this, pero ayoko namang sa kanya na lang ako umasa.

"Van, stop giving me money. Ayos na sa akin ang mga nabigay mo. I still have my money, too."

Isang araw ay tinawagan ko siya para kausapin tungkol roon.

"Why? Mas mabuti na ang sobra kaysa sa kulang. Ayokong mangayayat ka pa lalo. Sigurado akong ang mga kinakain mo ay nakakaapekto sa kalusugan mo. Tell me, ano bang mga kinakain mo diyan?"

"Don't worry, the food here is healthy. So, can you please stop doing me a favor? I-"

"I won't!"

Kahit papaano ay natutunan ko nang tanggapin ang mga pagkain na hindi ko naman kinakain noon. Wala akong nagawa kundi ang piliin na naman ang desisyong nagawa ko.

"But Van-"

"Whatever you say, I won't do it. Kahit sa ganitong paraan ay hindi kita papabayaan."

I sighed. Kahit kailan ay hindi talaga ako nananalo sa kanya.

"Fine."

"Are you watching the news?" He suddenly changed the topic.

"Hindi na simula nang umalis ako. Bakit?" Bigla akong kinabahan.

"Ah. Nothing, nothing. Mas mabuti 'yan. Huwag ka na munang manuod ng kahit na anong balita."

"Bakit?"

"Just don't watch it. Magulo, maingay. Ayokong pati iyan ay makadagdag sa mga iniisip mo."

Hindi ko alam ba't nagsisimula na naman akong mairita sa kanya. Bakit ba ang hilig niyang magpasikot-sikot? Hindi naman siya ganyan dati ah?

"Bakit nga, Van? Just tell me straightway just like what you're always doing back then. Alam mong mas nag-aalala ako sa ganyan."

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. I can also picture out his tired reaction on my mind.

"Bumaliktad na ang relasyon ni Coenraad at ng mga magulang mo. It's getting worser than we thought," he paused. Narinig ko agad ang pagtambol ng puso ko. "'Yan na muna sa ngayon ang masasabi ko."

"Van!" I yelled when the line suddenly cut off.

Itinapon ko agad sa kama ang cell phone saka ginulo ang buhok.

Damn it! What does he mean by that?

Sasaya ako kung sa wakas ay nakita na ng mga magulang ko ang mali kay Rad. Pero iniisip ko palang na pinapahirapan din ni Rad ang pamilya ko ay nasasaktan na ako sa kabila ng galit ko sa kanila.

Rad has been capable of doing everything that he desire. I've witnessed it several times already and I don't want my family to experience it too. I must say, he's a dangerous man but despite being like that why can't my rage and loathe for him lasts longer?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top