CHAPTER 26

CHAPTER 26



"NGAYONG gabi ay sisirain ng kasamaan ang tahimik na mundo ng prinsesa. Papatayin ang sino mang magtangkang umawat," ani ng isang boses at nagpakawala ng nakakakilabot na halakhak.

Nakita ng salamangkero ang dalagang si Morrigan mula sa mahiwaga niyang salamin. Naghahasik na ito ngayon ng kasamaan sa bawat dinaraanan. Panay ang kumpas nito sa hawak na salangkay. Sigawan ng mga inosenteng residente ng naturang lugar ang maririnig.

Mas umalingawngaw ang kanyang halakhak habang pinapanood ang alaga niya na ipakalat ang itim na kapangyarihan.

"Demonyo! Demonyo!" sigaw ng isang lalaki na halos madapa na kakatakbo upang takasan ang babaeng si Morrigan na wala na sa sarili. Mala-demonyo ang ngisi nito at pinapatay ang bawat maabutang nilalang.

Breaking News:

"Nagkakagulo ngayon sa isang barangay matapos lumitaw ang isang babaeng nasa edad bente uno  at pinagpapapatay ang sino mang madaanan. Hindi malaman kung anong ginagawang paraan ng pagpatay ngunit pinag-iingat ang lahat ng magagawi sa---"




Pinatay ni Raven ang TV at aligagang tinawagan ang daddy ni Morrigan. Namumutla ang dalaga at nanginginig. Ilang minuto lamang, sumagot mula sa kabilang linya ang boses ni Jem Sarzuelo, ama ni Morrigan.

"Tito,"

"Hello, Raven? Sorry, I'm in the middle of my meeting. Can you---" Pinutol agad ni Raven ang sinasabi ni Jem.

"It's about Morrigan." Nangangatal na ang boses niya.

"What about her? Nakita na ba ang anak ko?" Tila nabuhayan ng loob ang lalaki.

"Tito, she's in the news."

Bago pa makapagsalita si Jem ay nag-flash na sa white screen ang isang reporter at kuhang-kuha sa camera ang anak niyang si Morrigan. Nakasuot ito ng mahaba at itim na damit habang hawak ang isang stick. May lumalabas na liwanag mula sa bagay na iyon na nagiging dahilan upang bumulagta na lamang sa lupa ang sino mang malapitan niya.

Naningkit ang mga mata ni Jem.

"Anong kababalaghan ito?" sambit ng isa niyang investor at inayos ang suot na eyeglasses habang nakatitig sa screen. Nabahala ang lahat.

"Mr. Sarzuelo, that's your daughter, right?" ani pa ng isa kaya naibaba agad ni Jem ang cellphone kahit nasa linya pa ang dalagang si Raven.

"Damn, is she possessed?!" Nag-ingay ang buong members ng board.

"Tito? Tito! Are you still there?!" paulit-ulit na tawag ni Raven sa kabilang linya pero wala nang sumasagot kahit hindi pa putol ang phone call.

"Fuck!" mura ng dalaga at agad nagdial ng ibang number. Hindi ito mapakali habang inaantay sumagot ang tinawagan. Lakad-balik ang ginawa ni Raven habang sapo ang sintido.

"Hello, mamsh?" Sa wakas, sumagot na si Nathalie.

"Hello? Can you give me LC's contact?" Bakas na ang kaba sa boses niya.

"What? Pati ba naman ikaw interesado na kay---"

"Just give me his number!" bulalas ni Raven at halos maghysterical na.

"Fine, heto na nga!"







"Grabe, the best talaga ang tinola mo 'nay!" malakas na sabi ni  Lucky at kumuha pa ng dagdag na kanin. Ganadong-ganado ito sa pagkain.

"Sige lang, kain pa," wika ni Celia habang humihigop ng sabaw. Napangiti ito sabay baling kay Astrid.

"Ikaw Astrid, damihan mo ang kain."

Alinlangang napatingin si Claud sa dalagang si Astrid habang nakatitig lamang sa mangkok ng tinola. Naroon ang pares ng pitso at hita ng kaawa-awang manok. Hindi maipinta ang pagmumukha niya.

Napansin ito ni Celia.
"May problema ba? Hindi ba masarap ang luto ko?"

"Ay, hindi naman po sa ganoon," giit ni Astrid.

"'Nay, hindi lang po talaga siya mahilig sa mga karne. Vegetarian po kasi iyan," palusot ni Claud at tinapunan ng tingin ang dalaga. Ngumiti siya nang pagkalapad-lapad sa nanay niya nagbabakasakaling maniniwala ito sa kanyang kasinungalingan.

"Ah, ganoon ba? Pero minsan subukan mo ring tumikim. Hindi ka magsisisi, masarap talaga!"

"Makinig kayo! Hoy panoorin n'yo!" sabat ni Lucky habang hawak na ang remote ng TV mula sa sala nila. Kahit puno pa ang bibig ay dali-daling sumugod ang binatang si Claud sa sala upang tingnan ang pinapanood ng kapatid.

Halos mabulunan siya sa nakita.

"Hala! Demonyo ba 'yan? Nasapian? Shet! Malapit lang 'yan rito," bulalas ni Lucky kaya agad hinablot ni Claud ang remote upang lakasan ang volume ng kanilang TV.

Mas nanlaki ang mata niya. Hinding-hindi siya nagkakamali. Si Morrigan ang nilalaman ng balita at sanhi ng kaguluhan.

"Anong nangyayari?" tanong ng walang kaide-ideyang si Astrid na sumunod na rin pala sa kanila.

Sasagot na sana si Claud nang mag-ring naman ang kanyang cellphone.

Unknown number ang nakalagay. Kahit hindi kilala kung sino ang tumatawag, sinagot agad niya ito.

"Hello?"

"LC? Hello! This is Raven! Can you tell me which street do you live in? Please help me find Morrigan! She's under the fucking news!" rinig niyang panginginig ng boses ni Raven at ang desperasyon nitong mapuntahan ang kaibigan.

"Wait lang. Ano bang nangyayari? Sure ka bang si Morrigan itong nasa TV?" paniniguro ni Claud.

"Morrigan or not, just give me the street address and I'll drive right away!"

Nakatitig lamang si Astrid sa screen ng TV kung saan kitang-kita ang mga pangyayaring unti-unti nang nagiging pamilyar sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata.

"Hindi siya si Morrigan," mahinang sambit ng dalaga kaya otomatikong napalingon sa kanya si Claud. Sina Celia at Lucky naman ay nakatitig lamang sa kanilang dalawa dahil walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"Anong sabi mo?"
"Hindi siya si Morrigan. May ibang taong gumagamit ng katawan niya bilang sisidlan," sagot pa nito at tulala pa rin sa TV.

"Dito ka lang. Sasamahan ko lang si Raven sa---"

"Sasama ako," ani Astrid at seryosong tinitigan sa mata ang binata.

"Mapapahamak ka lang! Huwag na," kontra ni Claud pero nagpumilit ito.

"Gusto kong malaman kung sino ang nasa likod ng katauhan niya. Baka may tsansa na mapigilan ko pa siya."

Sa puntong ito ay nagbabadya na ang luha ng dalaga. Kumikirot ang puso nito dahil sigurado siyang hindi niya magugustuhan ang malalaman. Napakagat-labi pa ito.

Muling tumunog ang cellphone ni Claud. Nagsalita roon si Raven.

"LC, I'm on my way."

Napasulyap si Claud kay Astrid na blanko lamang ang ekspresyon habang pinapanood ang live coverage ng kaguluhang sangkot ang dalagang si Morrigan.

Bumuntong-hininga siya at napatango.

"Papunta na rin kami."


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top