Capitulum 007

This chapter is dedicated to @Clouie Mae Domingo

----  

“Rio, sigurado ka ba rito?”

Lalong lumawak ang ngiti ni Rionach habang tinatapos ang pagsasabit ng bawang sa bintana. She adjusted her eyeglasses and handed Cristy a wooden stake, “Of course, I am! Pasensya na pala at naubos ang bawang ninyo. Minsan talaga kailangan nating magsakripisyo para matalo ang mga kampon ng kadiliman! But yeah…I guess you won’t be able to cook fried rice anytime soon.” Pagkibit-balikat nito.

Kamuntikan pang mawalan ng balanse si Rionach kung hindi lang agad naalalayan ni Cristy ang tinutuntungan nitong upuan.

“I-It’s fine. Ang mahalaga naman maging ligtas ang pamilya namin.”

Napabuntong-hininga na lang ang dalaga at kinakabahang tinitigan ang matalim na panaksak na ibinigay nito sa kanya. Kung saan ito kinuha ni Rio, wala na siyang balak alamin pa. Nasanay na lang si Cristy sa pagiging misteryoso (at wirdo) nito.

Sa kabilang banda, hindi pa rin niya maiwasang kabahan.

“Umm… Sasaksakin natin ang bampira?”

Rionach nodded and jumped down from the chair, her large cat earrings dangled. Her eyes were bright with joy.

“A stake to the heart, yes, exactly! Anywaaay, I already surrounded this place with protection spells, pero mas mainam nang maging handa.”

Napalunok na lang si Cristy. 

It was Friday night.

Pero hindi tulad ng ibang college students na may kanya-kanyang gala ngayong gabi, Rio insisted that this was a good time to put up protective spells and other “safety measures” inside the Malvar’s residence. Katulad nga ng sinabi nito kanina, walang nakakaalam kung kailan sasalakay ang halimaw.

‘Sana lang tigilan na kami ng---'

"Nak, kailangan niyo ba ng tulong?"

Mula sa kusina, nilapitan sila ni Mr. Malvar. He still had his sleeves rolled up while drying his hands with a wash towel. Kakatapos lang nitong maghugas ng mga pinggan. Pero sa kabila ng ngiti sa mga labi ng kanyang ama, nararamdaman ni Cristy ang takot sa mga kilos nito. Ever since he found out about his brothers' deaths, kapansin-pansing lumalim ang eyebags ni Mr. Malvar dahil sa kawalan ng tulog.

'That rich boy was right...nasa panganib nga ang pamilya ko.'

But the saddest truth is, si Mr. Kent Malvar na lang ang natitirang pamilya ni Cristy.

A few years ago, her mother died of colon cancer. Magmula noon, inako na ni Mr. Malvar ang pagiging ilaw at haligi ng kanilang maliit na tahanan sa Eastwood Heights.

'Kaya handa kong isugal ang lahat para maprotektahan si papa.'

Cristy forced a smile. "Hindi na, pa. Kaya na namin 'to ni Rio. Let's just trust her. She knows what she's doing!"

She tried to sound cheerful.

Emphasis on "tried".

Thankfully, bigla na lang sumabat ang kanyang kaklase at mabilis na nilapitan si Mr. Malvar. Rionach grinned cheekily and handed  him a gun that she hid inside her large jacket, "Mamaya mo kami matutulungan, sir! Kapag ipapain ka na namin sa halimaw. Sa'yo na muna 'to, sir! That might come in handy later~"

Napanganga naman si Cristy.

Tama ba siya ng dinig?

"I-IPAPAIN?!"

Rionach nodded enthusiastically. "Yes, friend. Why? Is there a problem?"

What the hell?

"Nababaliw ka na ba?! Rio, akala ko ba paprotektahan natin si papa? Bakit natin siya ipapain?!"

But the girl just smirked at them and adjusted her eyeglasses. "Why protect 'just' your father when we can protect everyone in Eastwood? Gagawin natin ito para sa kapakanan ng lahat! Isa pa, magiging immune na ang papa mo sa halimaw na 'yon, Cristy! That gun is loaded with silver bullets!"

Silver bullets?!

Hindi na talaga makapaniwala si Cristy sa mga nangyayari. Gusto na niyang magsising pinagkatiwalaan niya pa ang babaeng ito. Pero bago pa man siya makaangal, Mr. Malvar pocketed the gun and ruffled her hair.

"Like what you said, she knows what she's doing... May punto rin naman ang kaibigan mo, anak. Hindi ko rin naman maaatim na ligtas ako pero 'yong ibang tao naman ang nasa panganib. I'd rather not live with that guilt. Kasalanan namin itong magkakapatid, kaya kailangan namin itong dalhin hanggang kamatayan." He smiled sadly, but his voice was firm.

Napayuko na lang si Cristy, hindi na alam kung anong gagawin.

*

"Another one died."

Wala sa sariling sabi ni Caelum nang mahinto siya sa tapat ng isang appliance store. The flat screen televisions on display were all showing the same news. Ilang oras pa lang ang nakararaan nang mahanap nila ang bangkay ng lalaki. Base sa napakinggan niya sa news report, kahapon ng hapon pa raw ito hindi umuuwi sa kanila. Kaya ganoon na ang pagluluksa ng kanyang pamilya nang matagpuan nila ito sa gubat.


He was nothing more than a dead body that was beginning to decay.

At katulad ng mga naunang biktima, ubos ang dugo nito sa katawan.

He stared at the large bite on the corpse's neck.

'Yup. Same creature. Pero ano naman ang ginagawa ng isang a---'

Buzz.

Agad na napabalik sa reyalidad si Caelum nang biglang nag-vibrate ang cellphone sa kanyang bulsa. As expected, a text message greeted him on the screen.

From : Tita Tessie ://

Cae pasabay naman aqu ng ice cream Bayaran ko mmya tnx.

He sighed.

Hindi dahil alam niyang isang scam na naman ang "bayaran ko mamaya", kung hindi dahil na-realize niyang kailangan na rin pala niyang bilisan. The time on his phone read 7:46 pm, and, unfortunately, the grocery store closes at 8:30 pm. Being only a few blocks away from their house, ayaw nang isipin ni Caelum ang "hassle" na mararanasan niya kung sakaling abutan pa siya pagsasara nito.

With one last glance at the TV screen, Caelum decided to just ignore it.

Tutal, wala rin namang silbi ang mga nalalaman niya, 'di ba?

It's not like an angel is gonna walk up to him and ask for his help.

*

"Sir, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng tulong?"

For the nth time that evening, Damien glared at his cellphone on the dashboard.

"I'm fine, Sorren. Tsk! Hindi naman ito ang unang beses na manghuhuli tayo ng bampira. Naihanda mo na ba 'yong bitag?"

From the other end of the line, Damien can hear his butler shuffling through something.

"Yes, sir. Kumpleto na ang lahat. Nilagyan ko na rin ng Holy Water 'yong water guns na in-order mo kahapon."

"Good. Hintayin mo na lang ang signal ko."

"Noted, sir. Good luck!"

The call ended.

Sandaling napatitig ang binata sa kanyang cellphone. He never really believed in "luck" to begin with, at alam iyon ni Sorren. Para kay Damien, hindi totoo ang "swerte". Ang tao lang din naman ang gumagawa ng kanyang kapalaran. If you don't get what you want, it only means you're lacking effort. Minsan, kailangan mo lang gumawa (o bumili) ng paraan.

Nang sulyapan ni Damien ang kanyang Rolex, his eyes narrowed at the time.

7:50 pm.

'It's stake out time.'

Ngumisi si Damien at agad na kinuha ang kanyang baril mula sa compartment ng limo. Mabilis niyang inayos ang kanyang damit at lumabas ng sasakayan. Tuluyan na niya itong iniwan sa bangketa at tumawid ng kalsada. Hopefully, no one will grow the balls to "carnap" his ride. It would be a shame to lose another one in his collection.

Ilang sandali pa, agad na nagtago sa likod ng mga halaman si Damien.

Just a few feet away from an old gray house.

'Malvar's residence.'

Agad na inilibot ni Damien ang kanyang mga mata at pinakiramdaman ang paligid.

Hindi siya naniniwala sa swerte, pero parang gusto na niyang maniwalang malas ang pamilyang ito.

"Bakit ba kasi nasa pinakadulo sila ng subdivision? Halos katabi lang nila ang gubat! Tsk."

Not that location matters for a cold-blooded monster, of course. Sa ilang taon na niyang pagha-hunting ng mga paranormal entities, nalaman ni Damien na kung ikaw ang "apple of the eye" ng mga halimaw, tila hibla ng sinulid na lang ang humahadlang sa'yo sa kamatayan.

Kaya nang mabalitaan niyang may nahanap na namang bangkay kanina, he decided to take action and catch the monster before it could even harm the Malvars.

Soon, Damien's eyes caught movement from the window.

Mabilis siyang yumuko at pinagmasdan si Cristy habang kinakausap nito ang isa pang babae. Hindi ito pamilyar, at alam niyang wala na ring ibang kamag-anak ang mag-ama. Kumunot ang noo ni Damien sa pagtataka. 'Her father is in danger, yet she still has the time to hang out with friends?'

This is stupid.

"Whoever she is, she shouldn't even be here..." He mumbled to himself.

"Talaga? Eh, mukhang normal naman 'yong kasama nung Cristy, eh."

Damien frowned. "Tsk! Paano na lang kung madamay pa siya? As much as I can shoulder the funeral expenses, baka maging pabigat pa siya sa..."

Napatigil sa pagsasalita si Damien nang mapagtanto ang isang bagay. His eyes widened in disbelief.

'KAILAN PA AKO NAGKAROON NG KASAMA?!'

Nang lumingon si Damien sa pinagmulan ng boses kanina, kamuntikan nang malaglag ang panga niya nang makita niya sina Nemesis at Naythan. Hindi niya namalayang katabi na pala niya ang dalawang ito.

"What are you two doing here?!"

He half-whispered, half-shouted at them. Hindi ba nila alam kung gaano kadelikado ang sitwasyon? Paano ba siya nahanap ng dalawang 'to? Damn. This is making his head hurt!

Pang-asar na ngumiti sa kanya si Nemesis.

"We did a little research on you, rich kid. Hindi naman kami nahirapan dahil sa status mo. Mabuti na lang at maraming magazine sa café malapit sa campus..."

Sabay lahad nito ng isang pahina ng magazine. Of course, Damien recognized it. Iyon ang last month's edition ng Forbes kung saan nakalista ang kanyang pangalan nang kinilala siyang isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo.

It's nothing big really.

'But who would've known that it'll backfire on me?'

Tumango naman ang matalik nitong kaibigan.

"Nice! Bilyunaryo ka pala, bro! Hehe. Kung uutang ba ako---!"

"Shhh!"

Sabay na sumenyas sina Damien at Nemesis para patahimikin si Naythan. Magrereklamo pa sana ito nang mapansing seryoso na palang nakatingin ang dalawa sa direksyon ng bahay ng mga Malvar. Beside them, the clown silently cursed under his breath.

"A-Anong ginagawa niya?"

'Iyon rin ang gusto kong malaman,' isip-isip ng binatang bilyunaryo habang sinusundan ng tingin ang pagkilos ni Mr. Malvar.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, siya pa mismo ang lumabas ng bahay at umalis papunta sa direksyon ng gubat! Damn. Gusto na ba nitong magpakamatay?

He quickly got up.

"Susundan ko siya. Umuwi na kayo," Damien glared at his unexpected "companions". Heck, he doesn't have time to deal with them! Marami na nga siyang pinoproblema, dumagdag pa talaga ang dalawang ito.

Pero imbes na sundin siya, humalukipkip lang si Nemesis at seryoso siyang tinitigan.

"Are we really gonna argue about this now? We're already wasting time, Alcott. Hindi kami aalis dito. Sasama kami sa'yo!"

"W-Wait! Sasama talaga tayo, Nem? B-Baka pwede naman...?" Kabadong tanong ni Naythan, pero agad rin siyang natigilan nang makita ang nanlilisik na mga mata ng matalik niyang kaibigan.

He gulped.

"Y-Yeah! Sasama kami!"

Bago pa man makapagreklamo si Damien, nanguna pa ang dalawang sundan si Mr. Malvar sa gubat. Ni hindi na siya pinansin o hinintay ng mga ito!

The richest man in Eastwood sighed in frustration.

'Damn these two!'

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top