Capitulum 006
This chapter is dedicated to @Ruru Pabingwit.
----
"Nagpapaniwala na naman sila sa mga kwento."
Napailing na lang ang si Tatay Ruben habang tinatahak ang daan pabalik sa kanilang kubo. He wiped the sweat from his forehead and adjusted the stack of firewood on his shoulders. Pagod man sa maghapong pagsasaka at pagpuputol ng panggatong, hindi pa rin maalis sa isip ng matanda ang pinagpipistahang tsismis kanina ng kanyang mga kasama.
"Ubos daw yung dugo 'nong lalaki!"
"Teka, 'di ba ganun din ang nangyari doon sa nahanap nilang propesor?"
"Ang sabi ng iba magkapatid daw sila."
Usap-usapan na ngayon sa buong Eastwood ang nangyaring patayan sa hilagang bahagi ng kagubatan. Kasabay nito, samu't saring mga kwento at kanya-kanyang haka-haka na naman ang bumabalot sa bayan.
Some claim it was the work of a rabid animal.
Others believe that its something deadlier.
'Hanggang ngayon ba naniniwala pa rin sila sa mga halimaw?'
Gustong matawa ni Tatay Ruben sa kababawan nila. Sa ilang taon na niyang paninirahan sa Eastwood, napakinggan na nga siguro niya ang lahat ng mga kwentong nagmula sa malilikot nilang imahinasyon. In the end, stories are just stories---tales told by residents who suffer from boredom.
Naging seasonal na lang din ang mga paksa nila.
Noong nakaraang buwan nga, naging mainit na balita ang pagkakarooon daw ng tiktik sa lugar nila. Ilang linggong nataranta ang kapitbahay nila dahil kasalukuyang nagdadalang-tao noon ang unica hija nila. Lalo na noong nakakarinig sila ng kakaibang mga tunog tuwing gabi.
It made everyone paranoid.
Several sleepless nights and sharpened bolos later, nadiskubre nilang mga bata lang naman pala ang gumagawa ng tunog.
"Sabi ko naman kasi sa kanila hindi naman totoo ang mga halimaw, eh... Paniguradong tao lang din ang pumatay sa propesor."
Napabuntong-hininga na lang si Tatay Ruben. Sabay hawi sa kanyang namumuti nang buhok. Nakakatawang-isipin na nagpapauto pa rin ang mga tao sa mga kwento at sabi-sabi.
Iba na ang panahon ngayon, at iba na ang reyalidad na ginagalawan nila.
If anything, they should be more terrified of the technology that is slowly eating away humanity.
Umihip ang malamig na hangin. Dahil sa unti-unting pagdilim ng paligid, kamuntikan pang dumulas ang matanda sa pilapil. Mahinang napamura ang matanda nang mahulog pa ang ilan sa bibit niyang kahoy.
"Kapag minamalas ka nga naman!"
Pero nang sinimulan na niyang pulutin ang mga ito, nahagip ng mga mata niya ang paggalaw mula sa mga anino ng mga punong-kahoy. Tatay Ruben's eyes narrowed as he silently convinced himself that it was just another forest animal. Wala naman siyang dapat ikabahala, 'di ba?
Nagmamadali niyang pinulot ang kahoy.
Noon niya napansing nanginginig na pala ang kanyang mga kamay.
"H-Hindi totoo ang mga halimaw...hindi sila totoo..."
Agad siyang natigilan nang humalimuyak ang masangsang na amoy ng naaagnas na laman. Bumilis ang pintig ng kanyang puso dala ng kaba. Nararamdaman niya ang mabigat na presensiya. Naririnig niya ang mahihinang yabag ng mga paa. Nang lumingon siya sa kanyang likuran, kamuntikan nang mahimatay ang matanda nang makita ang nilalang na nakatayo roon.
Ilang talampakan lang ang layo sa kanya.
The sight rendered him frozen in fear.
Sinubukan niyang tumakbo papalayo pero agad ring siyang natisod sa nagkalat na kahoy. The rotten smell made him wanted to vomit his insides.
When the creature of the night finally opened its mouth and reached for him, wala nang nagawa ang matanda kung hindi sumigaw at umasang may makakarinig sa kanya.
Kahit pa alam niyang malabo itong mangyari.
*
He set his wineglass on the tray Sorren was holding.
The sound filled the air; expensive glass against an equally expensive platter.
Pero sa kabila nito, hindi pa rin inaalis ni Damien ang kanyang mga mata sa monitor. Dark eyes scanned the digitized pages, reading through paragraphs and classified information. Several tabs were opened as he then navigated through the files and photos. Maririnig sa tahimik na silid ang mahihinang "click" ng kanyang mouse.
"That's interesting..."
Mahinang bulong ng binata, panandaliang natigil sa kanyang ginagawa. Naramdaman naman niyang sumulyap na rin sa screen ang kanyang butler.
"Hindi pala orihinal na nagmula sa Eastwood ang pamilya ng mga Malvar?"
Tumango si Damien bago sumandal sa kanyang upuan. The soft cushion cradled his aching back after several hours of sitting. Ni hindi na siya nag-abala pang tingnan ang oras. It's not like it really matters, anyway.
"Lumipat lang sila dito five years ago. Fresh grad pa noon si Kenneth Malvar nang mag-apply siya bilang propesor sa ECU. Because of his 'outstanding' records, he was readily accepted," he said and clicked on the late professor's profile.
Napahimas naman ng kanyang baba si Sorren, expertly balancing the tray on one hand while he was deep in thought.
"This means the Malvar brothers already had a misunderstanding the same time they moved here. Am I correct, sir?"
"I'm afraid so. At nawalan na sila ng koneksyon mula noon."
Sunod namang binuksan ni Damien ang profile ng ikalawang biktima---ang panganay sa magkakapatid. Halos hindi niya ito makilala. The man in the photo looked like he was in his early thirties. Masigla itong nakangiti sa camera, buhay na buhay.
'At malayong-malayo sa bangkay na nakita namin kanina.' Damien thought as he read through his information again.
Nonetheless, it still amazes him how people would look different when they're dead. Nawawala ang kinang sa kanilang mga mata. Nag-iiba ang kulay ng kanilang balat. Nagbabago ang kanilang katawan hanggang sa tuluyan na itong angkinin ng lupa. It still amazes him...how people decay into a mass of nothingness after they die.
He was still amazed, even though Damien Alcott had his fair share of spotting corpses during their investigations.
"You think that the next victim will be that girl's father, right?"
Napabalik na lang sa kasalukuyan si Damien nang magsalita si Sorren. Kung naramdaman man nitong pinagninilayan ng kanyang amo ang kamatayan, hindi na lang ito kumibo.
"I know he's the next victim. Anuman ang tinatakasan ng pamilyang Malvar, mukhang binabalikan na sila nito. And we need to catch that creature before it harms anyone else."
"But what if it doesn't harm anyone else? Paano kung titigil na ito sa sandaling mapatay na niya ang susunod niyang biktima?"
"It won't. Monsters are monsters, Sorren... Kapag sinapian ka ng kademonyohan, wala nang anghel ang pipigil sa'yo."
Damien sat upright and started scanning through the information again, even though he was clearly exhausted. Nang bumalik siya rito sa Alcott manor, tulad ng kanyang inaasahan, tambak na naman ang paperworks at charity events na kailangan niyang asikasuhin. Sa kasamaaang-palad, hindi niya pwedeng ipagkatiwala sa iba ang trabahong ito.
Inheriting the family fortune is one thing, but inheriting the company is another!
'Companies.' Damien corrected himself and sighed, motioning his butler to get him another glass of liquor.
Pero imbes na sumunod, Sorren patiently smiled at him like a father would to his child. "Sir, sa tingin ko, mas mapapabilis ang imbestigasyon mo kung hihingi tayo ng tulong."
Nang marinig ni Damien ang mga salitang 'yon, agad niyang sinamaan ng tingin si Sorren. "Do you really want me to fire you? Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa'yong hindi tayo hihingi ng anumang 'tulong' mula sa Eastwood Paranormal Experts Society?"
Kalmadong umiling ang butler, hindi natinag sa pagbabanta ng kanyang bugnuting amo.
Sanayan na lang talaga.
"I'm not talking about the Society, sir... I'm talking about that Miss Silverio and company. Naikwento mo sa'kin kaninang sinundan ka pa nila hanggang sa limo, 'di ba? It seems that they're as eager to solve this case as you are."
Lalong sumimangot si Damien. Seriously. Bakit pa nga ba kasi siya nagkukuwento kay Sorren? Kung ano-ano tuloy ang mga ideyang naiisip nito.
"That's almost as worse as asking help from that shitty society."
"Almost, but not quite. Hindi ba't mas mainam kung hayaan natin silang tumulong? Tutal naman nag-'transferee' ka rin sa ECU, kaya magkakaroon kayo ng oras makapag-usap at magplano. It's also near the scene of the crime, so it's more practical."
"Hindi ko kailangan ng tulong. And if I do need any form of 'assistance', I'll just pay someone to do it. Simple as that. Para saan pa't naimbento ang pera?" Naiinis na sabi ni Damien.
Nagkibit lang ng balikat ang kanyang butler, "Indeed. But there are still some things that even money can't buy, sir."
Bago pa man makasagot ang binata, tuluyan nang lumabas ng silid si Sorren para gawin ang kanyang trabaho.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top