[2] Magical Academy
Chapter 2
Mizuki's POV
After ang 4 hours of travel through car, nakarating na rin kami sa bago kong school.
Nakasuot ako ngayon ng blue hoodie, skinny jeans and converse. Yung dark brown hair ko nakalugay at nakasuot ako ng brown contacts.
Simula freshman pa lang ako, dun na ko nag-aaral sa dati kong school. Binubully na nila ko first day pa lang dahil nga sa mata ko. Kaya ngayong school year, gusto kong maranasan maging normal. Not the freak that has blue with a hint of grey and green eyes.
Sa totoo lang, kanina pa kong kinakabahan. Yung school kasi located sa loob ng gubat na malayo sa isang hindi mataong bayan.
Napapalibutan ng matataas na pader ang mismong school. Nasa harap na kami ng malaking gate nito. Mula dito, medyo natatanaw ko na ang itsura ng school.
Binati ni papa ang mga guard na nagbabantay bago pumasok ng mismong school grounds. Pinark ni papa ang kotse sa parking lot at bumaba na sila ni mama kaya bumaba na rin ako.
Nasa mismong harap na ko ng school. Malaki at malawak ito. Mala-kastilyo ang itsura. Yung pader ay may kulay puti na pintura. Mukhang luma na rin tong school kase medyo kupas na ang kulay. May malaking sign board sa itaas ng pintuan.
'Magical Academy' ang nakasulat sa sign board na yun. Bigla akong nagtaka dahil doon.
Anong magi-magical ang ibig sabihin sa sign na yun? Ang weird naman ng school na to.
Tuluyan na kaming pumasok nina mama at papa sa loob school. Mukha naman siyang ordinaryong dormitory school. May mga estudyanteng nagkwekwentuhan at nagtatawanan sa may hallway. Yung iba sa kanila ay ningitian kami meron din namang tinitingan kami ng masama.
Nakarating na kami sa Principal's office. Nang makapasok kami, sinalubong kami ng isang matangkad na babae.
"Mr. and Mrs. Fuente?" Tanong niya samin. Tumango naman si papa.
"Halina po kayo. Kanina pa po kayo inaantay ni Mr. Sanchez." Sabi ng babae. Hinatid nya kami sa loob ng isa pang office. Doon nakita namin ang isang matandang lalaki na nasa harap ng computer.
"Mr. Sanchez, nandito na po sila." Sabi ng babae sa Mr. Sanchez. Agad naman niya kami nilingon at ningitian.
"Ahh, Mr. and Mrs. Fuente. I've been expecting you. " sabi ni Mr. Sanchez habang naghand shake sila nina mama at papa.
"Thanks for having us." Sabi ni mama sa kanya. Tumingin naman sakin si Mr. Sanchez.
"And you must be Mizuki?" Tanong niya sakin.
"Y-Yes sir." Pag-aalinlangan kong sagot.
"So, i'm guessing that your accepting my offer and transfer your daughter here?" Tanong ni Mr. Sanchez sa magulang ko.
"Oo eh. Bigla kasing lumabas ang special ability niya sa school at kelangan namin ng tulong para makontrol niya ito." -papa.
Napatingin ako kina mama at papa. Anong special ability ang pinagsasabi nila?
"Ganun ba? Wag kayong mag-aalala. Kami na ang bahala sa anak niyo. Di namin siya pababayaan." - Mr. Sanchez.
"Aasahan namin yan." -papa.
"T-Teka. Ano po bang pinag-uusapan niyo?" Nag-aalinlangan kong tanong sa kanila. Nakuha ko naman agad ang attensyon nilang lahat.
"Hindi niyo ba nasabi sa kanya?" -Mr. Sanchez.
"Hindi. Biglaan kasing lumabas yung special ability niya." -Mama.
"Ah ganun ba? Kami nang bahalang magpaliwanag sa kanya." -Mr. Sanchez.
"Ipaliwanag ang alin?" -me.
"The truth, Mizu. Meron kasi kaming nalihim sayo." -mama
Tuluyan akong naguluhan. Ano ba ang inilihim nila sakin? At anong special ability ang pinag-sasabi nila?
"Kami na ang bahalang maghatid sa anak niyo sa dorm niya." -Mr. Sanchez.
"Ok. Basta kayo na ang bahala sa kanya." -mama.
Nagpaalam na sakin sina mama at papa at tuluyan ng umalis. Naiwanan ako sa office na maraming tanong.
"Pwede nyo na po bang sabihin sakin ang totoo?" Tanong ko kay Mr. Sanchez. Kaso umiling lang siya.
"Meron pupunta dito para ihatid ka sa dorm mo. Yung karoom mate mo na lang ang bahalang ipaliwanag sayo ang purpose ng school na ito. You will take an exam to determine your level and rank when your ready." -Mr. Sanchez.
"Exam? Level? Rank?" -me.
"Ang room mate mo na ang bahalang magpaliwanag sayo niyan." -Mr. Sanchez
Pagkasabi niya nun, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang Greek God..
Joke lang... Isa lamang siyang napagwapong lalaki. Meron siyang kulay brownish black hair, fierce green eyes, matangos na ilong, mahabang pilik-mata, manipis na kilay, mapulang labi, medyo tanned skin at malaking katawan.
"Brent, iho! Mabuti naman at nandito ka na." -Mr. Sanchez.
"Cut the cr*p, old man. Sabihin nyo nalang sa kin kung bakit nyo ko pinatawag." I flinched on the rudeness of his voice.
"Well, i was wondering if you can take Mizuki Fuente here to her assigned dorm since her supposed to be guide was reported sick today." kalmadong sagot ni Mr. Sanchez. Nagulat ako dahil sa pagiging kalmado niya dahil kung ako siya, baka napatalsik ko na tong lalaking to. Gwapo sana ang sama nga lang ng ugali.
Napatingin si Brent sakin. He looked at me coldly with those green eyes.
"Why don't you assign some other girls. I'm a guy which means i'm not allowed to enter the girls dormitory." Irita niyang sagot.
"I would have done that if i had the chance. But unfortunately, today is the day for the girls examination." -Mr. Sanchez.
"Tsk, fine. I'll take her." -Brent.
Sa totoo lang, parang ayaw kong sumama sa lalaking to.
***
Welcome everyone.. Just so you know, this is the very first Filipino Story i have ever written, Wait-Let me rephrase that.
This is my first ever Filipino Story posted in Wattpad. To tell you the truth, i have more than 10 on-going stories on my phone. I'm just to lazy to continue it, though... hehe
Please Follow me,
Read,
Comment or PM,
and Vote
Love Lots,
☆JeRein_14
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top