77
Sir Syd
8:12 AM
Sir Syd
Hi, Julliana! I just want to ask kung kailan ulit ang uwi mo? Para makapag-proceed ulit sa trainings mo. Ipopolish pa natin ang walk mo
Julliana
hello, sir syd. good morning pooo
sa makalawa po makakauwi na me
Sir Syd
Okayokay! Wala ka naman ng schoolworks diba?
Julliana
wala na po. bakasyon na po namin kaya okay lang magpuspos sa practice hehe
Sir Syd
Oo kasi siksik sched mo simula next week. Kailangan na natin isipin lahat ng isusuot mo sa Bb. Pilipinas. National na rin 'to kaya mas bigatin kumpara sa Mutya
Next week din natin mamemeet si Jude. Designer ng costume mo. Kailangan andon ka para makapagbigay din ng inputs mo
Ang advocacy mo. Ano nangyari don?
Julliana
opo opo gets po
sa advocacy ko po ganon pa rin naman po. ayaw ko po kasi irecord lahat ng nagagawa ko kasi hindi na po pagtulong yon
pero latest po ay yung kahapon lang. bumili po ako ng school supplies sa mga bata rito sa cebu. magpapasukan na po kasi at wala ho silang pambili gawa ng nasunugan sila
Sir Syd
Out of your own pocket?
Julliana
yes po, sir syd
Sir Syd
Grabe ka
I'm so happy na hindi ka puro salita. Karamihan kasi sa mga dumidikit samin ay performative. Pagkatapos ng pageant, hindi mo na maririnig na may nagawa sila. Ikaw talaga may nagagawa
Julliana
hindi naman po for clout yung advocacy ko. wala e. para po talaga ako sa mga bata. malambot po ako pagdating sa kanila
Sir Syd
Im so happy ikaw ang napunta sa akin. Ikaw talaga manok ko. Anyway nagmessage lang ako para mainform ka sa mga ganaps mo and yung mga bilin ko ha? Wag ka magpapayat masyado. Okay na 'yang weight mo. Control lang and wag iinom kasi nakakalaki ng tiyan yan. Workout ka rin
Julliana
yes, sir syd. noted po lahattt. thank u po!
Read
ᝰ🚬
j 🔒 @hideoutnijuju
buong puso ko talaga ibubuhos ko rito
j 🔒 @hideoutnijuju
mamatay na ko kakapractice lahat-lahat pero deadma ako dyan. para sa mga bata, para makita ako ni mama at papa sa tv, para sakin. palagi't palagi
ᝰ🚬
Raphael Madera
8:30 AM
Julliana
raprappp
bat wala ka sa kwarto mo
san ka
Raphael
hi, ma'am. namalengke po
Julliana
WOW ANO ULAM, LANGGA?
Raphael
ahahahhahaa sinigang po
Julliana
SARAP
tagal ka pa dyan?
Raphael
pauwi na rin. naghihintay lang ng tricycle
kakagising mo lang ba?
Julliana
hindi
naghomeworkout ako
tapos kinausap din ako ni sir syd about sa sched ko next week
tsakaaa may mga nakita akong kids. diba kahapon bumili us school supplies pero wala namang shoes na kasama don. what if wala silang shoes diba? papasama sana me bumili huhu sorry ah paisa-isa ako
Raphael
wowww namannn
okay okay pauwi naman na 'ko eh. kain muna tayo saka tayo pumunta sa bayan para bumili ng sapatos ng mga bata
pero, baby, okay pa ba savings mo? may natitira pa ba para sa sarili mo?
Julliana
uu marami pa. diba nagwork ako nang nagwork before mutya and after mutya kaya medyo paldo. no worries may work ako next week din! e gustong-gusto ako ng mga kaibigan ni sir syd e kaya kinukuha ako sa mga photoshoots tsaka model sa boutique nila
TYL NOH GRABE MORE WORK TO COME SANA PARA SA MGA BATA
Raphael
WOWWWWW
I'M SO PROUD OF YOU
nakaka-inspire maging mabuting tao kapag kasama ka hahahahaha
Julliana
baka maging santo ka na niyan
Raphael
basta para sayo eh
Julliana
ngek HAHAHSHAHAHAHAHHA
de basta ingat u pauwi
usap tayo maya sa mga bibilhin
atsaka ANG DAMI PA NATIN DI NALILIBOT DITO SA CEBU
Raphael
yes, baby. magsisimba tayo mamaya tapos kain din tayo kay nanay ming. may sayawan daw sa kanila kasi 'yong anak niya bagong kasal
tapos bukas maaga tayo kasi mag-dive tayo. may underwater cave rin. maganda roon promise
Julliana
WOW talagang planado ah
Raphael
bare minimum, juls. wag ka mabilib sa ganyan
(😆)
Julliana
ibig sabihin lang non sobrang vinavalue mo ko and yung time ko kaya lahat ng gagawin natin planado
Raphael
yes, baby, tama ka
(😅)
ᝰ🚬
j 🔒 @hideoutnijuju
ARGHHHHH tangina ganyan ka gumet ng babae? papakitaan mo magandang trato?
j 🔒 @hideoutnijuju
survey sa mga past gf ni raph, masakit ba bagsak pag kay raph nahulog?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top