76

📓 notes ni julliana ganda 📓

creative din talaga ang Diyos, ano? may purpose lahat kung bakit nasa kaniya-kaniyang posisyon ang bawat parte ng katawan natin. nagssynchronize lahat, mapasa-tao man o pati sa paligid.

matalino talaga ang Diyos. biruin mo inilagay niya sa taas ang utak dahil ito ang nagbibigay-utos sa bawat organs natin na mag-function base sa kung anong purpose ang sini-serve nila. kapag ginamit mo sa metapora o sa mga linya sa soap opera, isip muna bago puso kasi totoo naman talaga. utak ang nauuna. utak dapat ang manguna. sa paniniwala ni plato sa tripartite theory niya, una ring nababanggit ang pagiging rasyonal.

magagalit kaya si plato, ang Diyos, ang mga direktor ng soap opera, o ang mga manunulat kung hindi na utak ang nangunguna sa akin? mabigat ba ang ihahatol nila kung sasabihin kong puso ko na ang nangingibabaw?

ᝰ🚬

happy motmot tomas morato !!!! SALAMAT SALAMAT SALAMAT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #gangsta