6

Sa ikapitong palapag ng gusali na nakalaan para sa mga Criminology students, kasalukuyang nakatayo ang isang lalaking estudyante na may matikas na tindig habang nakatanglaw siya sa kabuuan ng Runic Arcana University.

Sa tapat ng classroom nila, tahimik lang siyang nag-oobserba. Walang nais istorbohin ang kalmadong katahimikang meron siya. Dahil para sa kanila, isang seryoso at hindi dapat biruing tao ang lalaking iyon.

Tumunog ang cellphone nito. Dahan-dahang nitong kinuha ang cellphone para sagutin ang tawag.

"Report," aniya, ang boses niya ay malalim, masyadong seryoso.

'May bago silang dorm mate.'

Ngumiti ang lalaki. "A prospect ally?"

'Sa tingin ko puwede. Pero inoobserbahan ko pa rin ang mga ikinikilos niya. Sa ngayon, wala pa naman akong nakikitang kahina-hinala sa mga galaw niya.'

"Anong pangalan niya?"

'Kent Harada.'

"Mabuti. Dito rin ba siya nag-aaral?"

'Oo. Dito rin siya mag-aaral, nakita kong may uniporme siya ng Runic Arcana, sa Information Technology course.'

Mas malawak na ngiti ang bumalot sa labi ng lalaki. "You know the drill. Collect his information at the administration building. We need to dig some dirt from his past. Para kung sakaling hindi siya tutulong sa atin, may magagamit tayo para magbago ang isip niya."

'Gagawin ko.'

"Magkita tayo mamaya para pag-usapan ang tungkol dito. 12:00 noon, sa cafeteria."

'Sige.'

Pinutol na ng nasa kabilang linya ang tawag dahilan para itabi na rin ng lalaki ang kaniyang cellphone sa bulsa sa kaniyang pantalon.

Ngunit nang ilabas niya ang kaniyang kamay mula sa loob ng bulsa niya, isang litrato na ang kasama nito. Litrato na kaniyang tinitigan bago niya ibaling ang atensiyon sa isang gusali na kitang-kita mula sa kaniyang kinatatayuan.

Ang Dormisteryo.

"Nasaan ka na ba... Casey?" aniya bago niya ibinalik ang litrato ng isang magandang babae sa loob ng kaniyang bulsa habang nanatili namang nakatuon ang kaniyang atensiyon sa Dormisteryo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top