Chapter 24: Sisters Talk And Approval

Continuiation..

"Ano yan hah?" nagulat sila Bambi at Josh sa kung sino ang nagsalita..

Sinarado nya yung pinto sa likod nya at humarap kila Josh at Bambi..

"Ate--" nauutal na sambit ni Bambi

"Josh? Ano yung narinig ko na nag I love you ka sa kapatid ko?" seryosong tanong ni Belle kay Josh

"Ate let me explain!!" sabat ni Bambi

"Quiet sis!! si Josh ang kinakausap ko, mamaya ka na sumabat!" natahimik na lang si Bambi sa utos ng ate nya

"Belle, alam kong masyado pang maaga para sa mga bagay na ito pero di ko sinasadyang magkagusto sa kapatid mo--" hindi na pinatapos ni Belle si Josh at nagsalita na ito

"No need for your explanation, deretsahin mo ako? Mahal mo ba ang kapatid ko as a friend or more than friend?" deretsahan tanong ni Belle kay Josh

"Mahal ko sya higit pa sa isang kaibigan!!" sambit ni Josh

"Ikaw naman baby sis!? Handa ka na bang sabihin sa akin ang totoo? Yung totoo!?" seryosong tanong ni Belle sa kapatid

"Yes ate, handa ko nang aminin sayo na mahal ko ang taong nasa harap natin na higit pa sa isang bestfriend.." pag-amin ni Bambi kay Belle

"Josh, pwede bang maiwan mo muna kaming magkapatid?" tingin ni ate kay Josh

"Sige, Bambi labas muna ako!" tumayo na si Josh at lumabas na sa kwarto ni Bambi, naiwan na lamng silang dalawang magkapatid, sinarado ni Belle ang pinto

Umupo si Belle sa tabi ni Bambi...

"Ate galit ka ba?" natatakot na sambit ni Bambi

"Dalaga na talaga ang baby sis ko!!" nagulat na lang si Bambi ng bigla na lang siya yakapin ng ate nya ng mahigpit

"Ate, can't breathe.." sambit ni Bambi at agad kumalas si Belle sa yakap

"So? Official na ba?" masayang sambit ni Belle

"Agad? Di pa nga nanliligaw yun, official na agad?" sambit ni Bambi

"Alam na ba nila mommy tong kalandian mo este tong inlababo mong peg?" pag-iinarteng sambit ni Belle

"Di pa eh, nagulat na lang nga ako, biglang pumasok si Josh dito at seryoso ang mukha, kinabahan na ako at tinanong ko na kung ano problema tapos yun, napaamin nya ako.." kwento ni Bambi kay Belle

"So harot!!" sabay kurot ni Belle sa tagiliran ni Bambi

"Ate naman!! masakit ah!!" reklamo ni Bambi

"So kailan mo balak iconsult yan kila mommy?" tanong ni Belle kay Bambi

"Di ko pa alam eh, papag-usapan pa namin ni Josh ang tungkol don, don't worry ate once nakapagdecide na kami pareho kung kailan, I will let you know okay?" ngiting sambit ni Bambi

"May magagawa pa ba ako!! K fine!!" surrender ni Belle

"Thank you ate!! you are the best talaga!!" yakap ni Bambi kay Belle

"Mukhang mauunahan pa ako nito magkaboyfriend eh noh!" kalas ni Belle sa yakap

"Ate talaga!! Nandyan naman si Jacob for you.." biro ni Bambi sa Ate

"At bakit naman napasama si Jacob sa usapan?" takang tanong ni Belle

"Naku ate, pakipot ka pa halata naman na crush mo si Mr. Musician, ikaw hah!!" kinikilig na sambit ni Bambi kay Belle

"Tigil tigilan mo ako Bambi hah!! Mabuti pa matulog ka na nga!!" saby tayo ni Belle at akmang palabas na ng pinto

" hashtag JaBelle!" panunukso ni Bambi kay Belle

"Bambi, isa!!" banta ni Belle sa kapatid

"Peace tayo!! Goodnight na po JaBelle!!" patuloy na asar ni Bambi

"Dalawa!!" bilang ni Belle

"Night!!" nagtalukbong na ng kumot si Bambi

"Goodnight JoshBi!! Ayiie" papahuli ba si Belle sa asaran

"Okay lang ate, di ko dinedeny, tsaka masaya ako na we both felt the same!!" bumabanat pa si Bambi

"Landi!! matulog na!!" huling sambit ni Belle bago tuluyan sinara ang pinto na may kilig dahil kay Jacob

Samantala...

Dahan dahang bumaba si Josh sa may sala at nakita nya ang daddy nila Bambi at Belle na nagpapahangin..

"Tito?" sambit ni Josh na kumuha ng atensyon ni Ted

"Oh Josh? Bat di ka pa natutulog?" tanong ni Ted kay Josh

"May gusto po sana akong iconsult sa inyo kung di po kayo busy?" nahihiyang tanong ni Josh

"Sure, halika maupo ka dito iho.." dahan dahan lumapit si Josh at umupo sa tabi ni Ted

"Tito, gusto ko sanang magpaalam sa inyo kung papayag po kayo?" nahihiyang tanong ni Josh

"Ano ba yun iho?" tanong ni Ted kay Josh

"Kung papayag po sana kayo na ligawan ko si Bambi?" sambit ni Josh kay Ted, nagulat si Ted sa sinambit ni Josh, ngunit alam nyang darating talaga sa ganito ang pagkakaibigan ng kanyang bunso at ni Josh

"Josh, may tanong lang ako sayo iho? gusto ko sagutin mo ito ng tapat okay?" sambit ni Ted kay Josh

"Ano po ba yun tito?" takang tanong ni Josh

"Gaano mo kamahal ang anak ko?" tanong ni Ted kay Josh, napalunok na lang si Josh sa kaba at matapang sasagutin ang tanong ng ama ng kanyang minamahal

"Uhm..Bambi is different from all other girls I met, she is smart, sweet, jolly, a kind of girl that anyone would love to be with, Masasabi ko lang po I was a victim of a love at first sight, una naguguluhan pa po ako sa nararamdaman ko po, pero ngayon na we've been friends, alam ko pong masyado pa pong maaga, pero tunay po ang nararamdaman ko for her, She is the girl that I would regret if I make her cry, she is a kind of girl that don't deserve an heartache because she live her life simple yet happy, and I will never ever take that happiness away from her, Tito, I can't promise to be perfect for her but one thing I can promise her, that anything happens I will never left her side no matter what, thats how I truly love your daughter tito!" pagtatapos na speech ni Josh

"Ilan taon ka ba iho?" natatawang tanong ni Ted

"17 po.." sagot ni Josh kay Ted

"Napakamatured mo na agad sumagot, ang lalalim na ng mga sagot mo, english pa!!" natatawang sambit ni Ted at inakbayan si Josh

"Bakit po kayo natatawa tito? May mali po ba sa sinabi ko?" tanong ni Josh

"Wala, natutuwa lang ako na sa kabila ng ganyan murang edad mo eh, nasasabi mo ang ganyan mga bagay bagay.." sambit ni Ted

"Payag na po ba kayo?" tanong ulit ni Josh

"Hmm.." biglang naseryoso ang mukha ni Ted na ikinakaba ni Josh

"Okay lang po tito kung di po maaari, nagbabakasakali lang po ako dahil mahalaga po talaga sa akin si Bambi.." akmanag tatayo ma si Josh ng magsalita ulit si Ted

"Sige na iho, payag na akong ligawan mo ang bunso namin pero.." tumingin si Josh kay Ted

"Pero?" kinakabahan si Josh

"Once na sagutin ka ng anak ko, wag na wag nyong kakalimutan pagtuunan ng pansin ang pag-aaral nyo okay and.." sambit ni Ted

"And?" si Josh

"Magkaintindihan tayo Josh, makinig ka!!" say ni Ted sabay akbay ulit kay Josh

"Ano po yun?" ninenerbyos na sagot ni Josh

"Know your limitation, hindi purkit pinayagan kitang ligawan si Bambi ay aabusuhin mo ito,alamin mo rin kung hanggang saan lang kayo dahil mga teenagers pa kayo, nagkakaintindihan ba tayo?" seryosong payo ni Ted kay Josh

"Opo tito, I bear it in mind, Thank you po tito sa permission, paano po pala si tita?" tanong ni Josh

"Ako ng bahala sa tita mo, Im sure papayag rin yun.." pag-aassured ni Ted

"Thank you po talaga Tito!! Di ko po kayo bibiguin sa mga payo nyo po.." sambit ni Josh at akmang papalakad na si Josh pabalik sa taas ay tinawag muli siya ni Ted

"Josh!" si Ted at lumingon si Josh ng dahan dahan gawa ng cast nya sa paa

"Po?" tanong ni Josh

"Pagaling ka muna, bago mo sya pormal na ligawan, mahirap manligaw ng ganyan ang sitwasyon mo and Goodluck on my daughter, sabi mo nga pihikan ang bunso namin yun, diskarte mo na kung paano mo sya mapapasagot, sige na akyat ka na para makapagpahinga!" huling payo ni Ted kay Josh

"Sige po tito, thank you po ulit sa pagpayag!!" at tuluyan ng umakyat si Josh ng may ngiti sa kanyang mga labi

Guest Room..

Hindi mapakali si Josh at naisipan nyang tawagan si Bambi sa phone..

*Ring...

"Josh?" sagot ni Bambi sa kabilang linya

"Natutulog ka na ba? Sensya na sa abala di lang talaga ako makatulog eh.." say ni Josh sa kabilang linya

"Namamahay ka noh?" biro ni Bambi sa kabilang linya

"Parang ganun na nga.." simpleng sagot ni Josh

"Patawag tawag ka pa eh sa kabilang kwarto lang naman ako.." reklamo ni Bambi

"Masama ba?" ngiting say ni Josh

"Hindi naman, okay lang naman basta ikaw ang tatawag lagi" masayang sambit ni Bambi

"Ang saya ko ngayon Bambs!!" sambit ni Josh

"Tungkol saan? Yung sa kanina?" tanong ni Bambi

"Bukod don.." say ni Josh na hindi mawala ang ngiti sa mga labi nya

"Meron pa? Share naman dyan?" say ni Bambi na nacucurious sa sinabi ni Josh

"Secret!! You will know it soon!!" ngisi ni Josh

"Ang daya!! May secret na sya oh!!" kunyaring malungkot na tono ang pagsagot ni Bambi

"Don't worry Bambs, I know na ikatutuwa mo yun pag nalaman mo.." say ni Josh

"Sige na nga, siguraduhin mo lang na ikatutuwa ko yan soon, kung hindi, masasapak talaga kita!!" pagbabanta ni Bambi kay Josh

"Promise, you will be happy kapag nalaman mo, Goodnight na!! I Love you!!" sambit ni Josh

"Goodnight!!" simpleng sambit ni Bambi

"Wala bang I Love You dyan?" tanong ni Josh

"Saka na, kapag pumayag na sila mommy na manligaw ka.." biro ni Bambi

"Ay!!" lungkot lungkutan si Josh

"Sige na, Good night my prince!!" sweet na sambit ni Bambi na ikinangiti ni Josh

"Okay fine, sige na, Good night din prinsesa ko!! Sweetdreams!!" huling sambit ni Josh bago nya i off ang tawag

Mapapatulog na si Josh ng may nareceive syang text..

Bambi: Sweetdreams hope to see you in my dreams ;)

Josh: Me too!! My princess..

At tuluyan ng sinakop sya ng antok...

================================

Sinong kinilig sa paliwanag ni Josh sa daddy ni Bambi?

More to come...

Abangan...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top