Chapter 41 ∞ Heartless

Ynna POV

Naaawa ako kay James. Bakit kailangang umabot sa ganito? Bugbog sarado sya. Nang makita ko siya kanina sa emergency room, halos mag-maga ang buong mukha niya. Hindi ako makapaniwala na dadating sa ganitong sitwasyon. At sigurado akong dahil yun sa letseng Mandy na yun. War freak yun eh. Baka may pinakitaan sya ng ka-demonyitahan nya tulad ng ginagawa niya saken tapos kay James gumanti. 

Bagay lang sa kanya ang ginawa ni Tita Jamie. Ang kapal ng mukhang magpakita pa dito sa ospital. 

Psh. Napatingin ako kay Tita Jamie na kakalabas lang ulit sa emergency room. May limit ang pagpasok don at hindi rin pwedeng mag-stay ng matagal sa loob. 

"Tita.." Dinaluhan ko siya. Hinang-hina kasi sya at alam ko na down na down sya ngayon. Mahal na mahal pa naman niya ang anak niya. Baby nga kung ituring si James ni Tita. 

"H-humihina ang tsansa na magigising pa ang anak ko---"

Napahagulhol na naman sya. Naaawa ako kay Tita Jamie. Dapat kasi sa simula palang hindi na naglalapit si James kay Mandy eh. Napahamak lang tuloy sya. That bitch. Kainis. 

"Ano pong balak nyo ngayon Tita?" Tanong ko. 

Mabuti nalang pala wala na dito yung mga kapatid ni James na kung makatingin saken, parang nandidiri. Mga bwisit. Ano bang pakialam nila? Ako ang gusto ni Tita Jamie for James 'no. 

Yung bunso nilang si Fancy ba yun? Kung tarayan ako kanina grabe eh. Pasalamat sya nasa harap sya ni Tita kung hindi baka naingudngod ko na sya nang matahimik. Sobrang arte at ingay. Pati pagsasalita ayaw ayusin. Di malaman kung nabaluktot ang dila eh. Kairita sa pandinig. 

Yung si Lance naman walang imik. Para lang akong aninong dinadaanan. Bwisit. Feeling gwapo. Mas gwapo naman sa kanya si James. At yung asawa nyang si Yumiko? Sarap sabunutan. Feeling sexy ang isang yon, hindi naman. Mas sexy pa ako sa kanya. Kung tingnan ako kanina para akong lalamunin eh. Dukutin ko eye balls niya eh. 

I don't need their approval. Sapat na si Tita Jamie, na botong boto saken for James. From now on, kapag nakalabas na si James ng hospital, I will take care of him. I will do everything to makes him fall for me. Hindi naman ako mahirap mahalin. Bukod sa maganda ako, sexy, ano pa ba? Ma-appeal, cute. Nasa akin na nga lahat. Ideal girl ako ng bawat lalaki kaya siguradong hindi ako mahihirapan na turuan si James na mahalin ako. 

"Dadalhin ko si James sa Korea. Doon ko siya ipapagamot. Kailangan niyang ma-operahan. Halos lahat sa kanya may damage. Pati brain niya..heart..naaawa ako sa anak ko.."

Dadalhin si James sa Korea? Good thing. Para maiwalay na siya kay Mandy. Yung bitch na yun, mula ngayon wala na syang karapatan pang lumapit kay James. 

"T-Tita pwede po ba akong sumama? Aalagaan ko po si James. Pwede akong maging twenty-four hours personal nurse nya."

Hinawakan ako sa kamay ni Tita Jamie. "Kahit hindi mo sabihin, isasama talaga kita. Papayagan ka ba ng parents mo?"

"Opo naman. Ilang beses na rin po akong pumupunta sa kung anu-anong bansa. And now, mahalaga po ang rason ko para sumama sa inyo sa Korea. Mahal ko po si James. Kaya gusto ko po, sa operasyon nya hanggang paggising nya, masubaybayan ko siya, na nasa tabi nya lang ako." Sabi ko. I'm sincere. I'm really willing because I really want James. 

"Napakabuti mong bata. Kaya nga ba una palang ay magaan na ang loob ko sayo. Gusto kita para sa anak ko. Katulad mo ang kailangan niya. Sige iha, sasama ka sa Korea."

Halos pumalakpak ang dalawa kong tainga sa tuwa. Sorry Mandy pero saken talaga boto eh. Ako pwedeng sumama sa Korea, at doon bubuo kami ng pangarap ni James. 

"Kelan nyo po balak na lumipad tayo pa-puntang Korea?"

"Sa lalong madaling panahon. Ngayong gabi, kakausapin ko ang Papa nya. Hihiling ako na magpahatid sa private plane nila papuntang Korea. Ayokong isabay sa mga pasahero ang anak ko. He's fragile. Konting kibot, baka magkaroon ng kumplikasyon. At kapag pumayag ang Papa niya, bukas na bukas lilipad tayo. Alam na ng doctor ang tungkol dito. Napag-usapan na namin kanina."

So bukas makakaalis agad kami? Wow. Kailangan ko na palang mag-impake bukas ng umaga. Poor Mandy dahil tapos na ang maliligayang araw niya. Mawawala na si James sa kaniya at saken na sya mapupunta. 

Ito na ang pagkakataon ko. Destiny na ang gumagawa ng paraan para mapasaken si James. 

--

Mandy POV

On the way ako papunta sa lumang building. Alam ko naman kung paano pumunta dun kahit isang beses pa lamang akong nakakapunta dun. 

Malaman ko lang talaga na ang XBang nga ang may kagagawan ng nangyari kay James, ipaparanas ko sa kanila ang aking revenge in a devil's way. 

Pulos talahiban ang nadadaanan ko. Talagang tagong-tago ang hide-out ng mga yun ha? Psh. 

Pagdating ko sa lumang building, ipinarada ko sa gilid ng maalikabok na daan ang kotse ko saka bumaba. Tahimik ang buong paligid. Tanging huni lang ng ibon at ihip ng hangin ang maririnig. 

Habang papalapit ako sa harap ng building ay nakakarinig na ako ng tawanan. 

Damn that gangsters. 

Napansin ko ang red line bago ang pinakapasukan. Walang pinto. 

*krrrrrrinnnnngggg*

Shit. I cussed as I heard that sound. Napaurong ako. Hindi pala basta basta makakapasok dito? At may warning sound pa sila. The hell. 

Maya maya lamang ay nakarinig na ako ng mga yabag. So there they are, I think?

"What are you doing here?" Tanong agad ni XKing. Kasunod ang lima pa nyang ka-grupo. Pulos naka-itim na sando. Alam kong may mga muscles at abs sila pero hindi nila yon kina-gwapo. Psh. 

"I will ask you this once. So answer me, honestly." Matigas na sabi ko. 

Sa ganitong sitwasyon na kinakaharap ko, wala akong nararamdamang takot sa kanila. 

"Oh parang alam ko na." Komento ni Shawn. 

"Yeah, I think so." Sabi naman nung Seth. 

Well, madali naman akong makatanda ng pangalan. 

"Ano yon?" Tanong ni XKing. 

"May kinalaman ba kayo sa pambubugbog kay James Abellano?" Tanong ko. 

Pina-kalma ko ang sarili ko. Ayokong ibuhos ang galit ko ngayon dahil may iba akong plano para sa kanila. Kukumpirmahin ko lang ngayon kung sila ang walang awang nambugbog kay James. 

"Dahil hindi uso samen ang tumanggi, well oo. Kami nga at wala ng iba pa." Mayabang na sabi ni Ace. 

"Yes." Seryosong sagot ni XKing. 

"And why did you do that?"

"Dahil may ginawa siyang isang bagay na ikinagalit ko. He trespassed at my condo unit. He even kicked my unit's door. That fvcking guy."

O_O

Natatandaan ko na. Nung bigla akong iuwi ni XKing sa condo nya nung malasing ako sa Spade bar. Yung biglang sumugod dun si James. Big deal sa kanila yun?

Naikuyom ko ang kamao ko. 

"Alam mo bang walang pwedeng humawak sa kahit anong pag-aari ni XKing? Natatandaan ko pa nga nang minsang may humawak sa kotse ni XKing, hawak lang yun pero binugbog namin yun." Sabi ni Seth. 

O_O

"Isa pa. Yung babaeng basta nalang hinalikan si XKing sa bar? Anong nangyari? Bugbog sarado din yun kahit babae pa sya." Dugtong ni Zaine. 

Ganon sila kalupit? They are heartless. 

"That's true." Kumpirma ni XKing na mataman pa ring nakatingin saken. 

Nakatulala lang ako sa kanila. Naghihintay ng mga sasabihin. Nag-iingat ako sa mga salitang binibitawan ko for my plan. 

"Big deal ba sayo yun? Diba sinabi mong hindi mo mahal ang Abellano na yon?"

Napatda ako. Yeah, I told him. I almost forgot. Tama. "Yes." Sagot ko. 

"Then why are you here bugging about that fvcking guy?"

Fvcking guy? Damn this man. Siya ang fvcking guy!

I cleared my throat. "I just wanna know." Sagot ko. I need to act na parang wala talaga akong pakialam kay James. 

"Oh. Talagang sinadya mo pa kami dito? O baka naman gusto mo lang makita si Xking?" Panunudyo ni Seth. 

Psh. As if? "Maybe.." I lied. 

"Woooohhhh!" Sigawan ng XBang except XKing. Feel naman nila? Sampalin ko sila isa-isa ng buhok ni rapunzel eh. 

Tiningnan ko si XKing. He just grinned at me. So naniwala sya? Kapal ng mukha. "I'm going." Paalam ko. 

Nakuha ko na ang dapat kong malaman. So sila talaga ang gumawa nun kay James. Pasalamat sila nakakapagpigil pa ako ngayon. Pasalamat sila kaya kong mag-acting. Buti nalang may pagka-bitch ako. Psh. 

"Ihahatid na kita."

Napatigil ako. Wow? Just wow. Ihahatid ako ni Xking? So he really likes me huh? Better..for my plan. 

"I have my car."

"Use your car. Then I'll use my car. Ihahatid kita ng nakasunod lang sayo."

"Whoooo!" Sigawan na naman ng XBang. 

"Fvck you all." Narinig ko lamang na sagot ni XKing sa ka-grupo nya. Nakatalikod kasi ako sa kanila. 

I made face bago lumingon sa kanila. "If you say so."

Then naglakad nako ulit at sumakay ng kotse ko. Nakita ko pa si XKing na sumakay sa kotse nya. 

So he's acting like a suitor? Kahit kelan hindi ako magkakagusto sa lalaking walang puso, hayop..demonyo. 

Now that it's confirmed about what happened to James..

Ihanda mo na ang sarili mo XKing. I will do everything to take revenge. 

--

Lance POV

"You don't have to do it Tita."

"I have to."

Fvck. This woman is getting into my nerves. Umagang-umaga, nagulantang ang buong mansyon dahil dadalhin ni Tita Jamie si James sa korea para doon ipa-opera at magpagaling. Damn it. 

Sa ganitong sitwasyon, gusto kong masubaybayan ang kalagayan ng kapatid ko. Kesa lalayo sila at ano? Magmumukha kaming tanga dito sa Pinas sa pag-aalala kung ano ng nangyayari kay James? Hindi namin sya magagawang puntahin anytime we want kung dadalhin siya sa korea. 

Nakaka-badtrip lang dahil pumayag si Papa. Gagamitin pa ang private plane namin. 

"But.."

"Buo na ang desisyon ko Lance. Naiintindihan ko na nag-aalala ka sa kapatid mo pero kailangan ko rin syang ilayo sa panganib. Maaaring balikan pa sya ng mga nambugbog sa kanya. Hindi ako makakapayag. Mas makakabuting lumayo muna sya dito."

Hindi ko na nga yata mapipigilan. For Pete's sake, biglaan ang lahat! Ni hindi pa nagkakamalay si James. 

Aalis na agad sila ng lunch time? 

"Hubby.."

Napatingin ako kay Yumiko. "Ano yon?"

"Kailangan 'tong malaman ni Mandy." Bulong nya. 

Abala na si Tita sa pag-aayos ng bagahe nila. Nandito sila sa mansyon at mamaya ay ihahatid na sila sa platform kung saan naroon ang private plane namin. 

One thing I noticed, mukhang kasama si Ynna--ang babaeng inlove kay James. Ganito ba kakapal ang mukha nya para makisawsaw sa pamilya namin? Tch. 

"Call her." Sabi ko sa asawa ko. 

She has the right to know. Girlfriend sya ni James. At alam kong hindi tamang basta basta nila ilalayo si James nang walang sabi sabi sa babaeng mahal niya. 

Damn situation. Malaman ko lang na XBang ang gumawa nito, malilintikan sila saken. Hindi porket ex-member nalang ako ay may karapatan na silang galawin ang kapatid ko. Fvcking shit, malaman ko lang talaga! I will drag them to hell. 

---

Mandy POV

Maaga akong nagising. Gusto kong pumunta sa hospital. Kahit masilip ko lang sana si James. 

Mugto na ang mata ko kakaiyak kagabi. Kahit kasi gustuhin kong pumuntang hospital, hindi ko magagawa dahil sa mama niya. 

Kahapon nga pala hinatid lang ako ni XKing hanggang dito sa mansyon. At pagbaba ko non sa kotse ko, hindi ko na sya pinansin at diretsong pumasok sa mansyon. 

Wala naman akong sasabihin sa kanya. Gago pala sya. Siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. He messed up with my loved-one. At hindi ko yun matatanggap. Just because of a stupid reason? Ganon ba sila kababaw? Pakshit sila. 

Kumuha na ako ng towel para maligo. Papasok na sana ako ng banyo nang biglang tumunog ang phone ko. 

Yumiko calling..

Kinabahan ako bigla. Nagising na kaya si James? Ano na kayang nangyari?

Nanginginig na sinagot ko ang tawag. "Yumiko.."

[Kailangan mo 'tong malaman Mandy. Dadalhin ni Tita Jamie si James sa Korea. Dun na ipagpapatuloy ang operation sa kanya pati pagpapagaling.]

"WHAT?!"

Ano yon? Para ilayo saken? Kahit matanda sya, kahit nanay sya ni James, kakalbuhin ko talaga sya! Masyado na siyang nagiging kontrabida sa amin ni James!

[Pinigilan na siya ni Lance pero wala din syang nagawa. Ngayon na ang alis nila. Gagamit sila ng private plane.]

"What?" Lalong nanlaki ang mata ko at ang kamay ko? Kung kanina, nanginginig sa kaba, ngayon ay nanginginig na dahil sa galit. 

[Pumunta kana dito sa mansyon. Bilisan mo.]

*toot*

Hindi ko na sinagot si Yumiko saka mabilis na nagpalit ng damit. Di ko na kailangang maligo. Binitbit ko lang ang susi ng kotse at cellphone ko at mabilis na lumabas ng mansyon. 

Pinaandar ko agad ang kotse ko at pinaharurot. 

Nahihibang na ba ang mama ni James?! Dadalhin sa korea? Si james? Damn it. Hindi ako papayag. Di pwede! Hindi. Hindi na nga ako makalapit tapos lalo pa nilang ilalayo? Wala din pala syang puso eh. Bwisit!

Ilang minuto ang nakalipas ng makarating ako dito sa Abellano's mansion. 

Tumakbo ako papasok nang makita ko si Yumiko sa may gate. 

"Sa loob." Sabi nya. 

Tumakbo ako at doon ko naabutan na inaayos ng mama ni James ang mga bagahe. Natigil ako sa babaeng kalmadong nakaupo habang hawak ang bag. May mga maleta din sa tabi nya. 

Don't tell me..

"Do you need anything?" Mataray na tanong ng mama ni James. I don't prefer her calling Tita Jamie. It sucks. 

"Wag po kayong umalis." Kusa iyong lumabas sa bibig ko. Yung pagiging demonyita ko biglang nawala. Hindi ko mailabas pa ang katarayan ko. 

"Why? Sino ka para pigilan ako?"

"Mahal ko po si James..k-kailangan ko siya. Kailangan nya ako.."

"Ang kapan naman ng mukha mo. Ikaw, kailangan ng anak ko? Bakit? Kapag nilapitan mo ba ang anak ko, gigising na sya? Gagaling na siya in instant?"

Damn. Bwisit. "Please wag na po kayong umalis.." Patuloy kong sabi. Kung kailangan ko 'tong gawin, gagawin ko wag lang nilang ilayo saken si James. 

"Kahit pa lumuhod ka sa thumbtucks, it can't change my decision." Sabi nito saa bumaling kay Ynna. "Let's go Ynna. Naroon na ang ambulance sa platform. Kelangan na tayo don."

What the hell? Kasama talaga sya sa korea? "Kasama si Ynna?"

"Yes? Why? Any problem?" Mayabang na sabi ni Ynna. 

Kapal ng mukha. At talagang kasama sya? The hell! Yung kaninang gusto kong magmaka-awa napalitan na naman ng galit. 

Halos wala na akong iluwa dahil sa galit. 

Nagsisimula ng buhatin ng mga katulong ang maleta nila. Napaiyak ako. 

"Sasama po ako." Sabi ko out of nowhere. Hindi maaari to. Hindi pwede. 

"Ynna can take care of my son with me. Hindi kana kailangan."

Naikuyom ko ang kamao ko. Naggigil ako sa galit. Mukhang Ynna na'tong mama ni James. Pag-untugin ko kaya sila? Damn it! 

"I insist."

"I said hindi ka kailangan so umalis kana. Naaabala mo kami."

Shit. "Please po.." Napaluhod ako. I'm crying...in pain. I feel helpless. 

Hinigit lang nya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. 

"Don't ever touch me young lady. Forget about my son dahil sisiguraduhin kong mabubura ka sa isipan ng anak ko."

Natulala ako sa sinabi nya. Bakit ba halos lahat na yata ng tao ngayon ay wala ng puso? Heartless. 

Hinayaan ko na silang maka-alis. Napako ako sa kinatatayuan ko. Nawalan ako ng lakas. Nawalan ako ng buhay. Pakiramdam ko ay agad ng sumuko ang sarili ko. 

Ilalayo nila si James?

"Mandy umalis na sila.." Narinig kong sabi ni Yumiko. 

And there, my world stopped. And suddenly I cry hard. 

*

A/N : Hashtag #DBMHeartless

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction