Chapter 40 ∞ Cry
Mandy POV
I had a great time with James. Ang saya saya ko, super.
We're on our way now back to Manila. Nagda-drive si James.
"Mandy I love you."
Dapat binilang ko yung pagsasabi ni James saken ng I love you. Kanina pa yan eh. "I love you too James."
Itinigil niya sandali ang kotse saka ako hinalikan. Shems! Si James nagiging kiss addicted na.
Then, after a seconds pinaandar na nya ulit ang kotse. Okay. Kotang-kota sa halik saken si James. Hinahayaan ko nalang.
Pero sa tuwing titingnan ko siya sa mga mata, parang ang lungkot? Bakit. Di ba dapat masaya? Kasi ako super saya eh.
"James, any problem?"
"Huh? Nothing."
Wala ba talaga? Bakit kinakabahan ako? Wala sanang mangyari na hindi maganda.
Ilang oras ang lumipas, nag-stop-over na rin kami kanina saka nag-lunch at ngayon, nakarating na rin kami dito sa Manila. Hinatid ako ni James dito sa mansyon namin.
"Mandy.."
"Hmm?"
"I'll call you later. Mahal na mahal kita. Matulog ka muna and magpahinga. Alam kong napagod ka rin sa byahe. Wag mong papabayaan ang sarili mo. Kumain ka din sa tamang oras. I really love you. Lahat ng sinabi ko, tandaan mo okay?"
He kiss me...torridly.
Bakit ganito sya magsalita? Sa dami ng habilin nya, parang aalis siya ah? Parang matagal kaming 'di magkikita.
Nang tumigil siya sa paghalik saken, bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Wag na wag mong kakalimutan, ikaw lang ang laman ng puso ko. I love you so much, Mandy ko."
B-bakit parang naluluha ako sa way ng pagsasalita ni James? May mangyayari ba? Ayokong maging negativr thinker pero si James kasi..
"Tell me, wala namang mangyayaring masama diba?" Naiiyak na tanong ko.
He smiled at me and kiss my forehead. Then umiling siya. "Nothing. So wag kang mag-iisip ng kung anu-ano. I'm here, I'm always here.." Tinuro nya yung bandang puso ko.
"James.."
"Sige na. Magpahinga kana. I'll call you, okay?"
Tumango na ako. Wala naman sigurong mangyayari. I trust him.
"Okay."
Niyakap nya ako ulit. Sobrang higpit. "You're the best gift I ever had in my life, Mandy. I love you so much."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "I love you too James. Pasok na ako."
"Wait.."
Hinawakan nya ako sa braso saka walang anu-ano'y hinalikan niya ulit ako. Soft kiss that can melt my heart. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni James. Napapikit ako habang hinahalikan niya. And I can't help myself to remember our sweet moments.
I'm really happy with this man. And I'm willing to be with him, forever.
--
James POV
Tulala ako ngayon. Hinihintay ko nalang ang oras ko.
Nagsend na ng text message si XKing kanina. Hindi ako pwedeng tumakbo dahil mahahanap at mahahanap nila ako. Isa pa, hindi ako duwag para takbuhan sila. Wala akong kahit katiting na takot na nararamdaman.
"Ten ng gabi. Sa lumang building." Bulong ko.
Nandito lang ako sa kwarto ko sa mansyon. It's already eight thirty in the evening.
Nakipag-bonding nako kay Mama kanina. Then kanina lang dinner, sinabayan ko ang mga kapatid ko. Mami-miss ko silang lahat. Anuman ang mangyari mamaya, handa na ako. Basta ako lalaban ako ng patas. Wala akong pagsasabihan kahit isa.
Nahiga muna ako sa kama ko. Hindi ko pagsisisihan kung nangyayari man ito ngayon. Ito ang kapalaran ko kaya dapat tanggapin ko 'to kahit masakit.
Sobrang sakit. Ayokong iwan si Mandy. Ayokong...fvck! I'm starting to cry. Malakas ako. Pero pagdating sa mahahalagang tao saken, nagiging mahina ako.
I pick up my phone and dialled Mandy's number.
[James?]
"I love you so much, Mandy." Shit. Napapakagat ako sa labi ko para mapigilan ang pag-iyak ko.
Hindi ako bakla. Sadyang may mga pagkakataon lang na kailangan mo ng umiyak..dahil mabigat sa dibdib.
[I love you too James! Susunduin mo ba ako bukas? Sabay tayong papasok sa school?]
Damn it. "Y-yes. I'll pick you up."
Kailangan kong magsinungaling dahil sigurado naman akong hindi ko magagawa yun bukas. Baka nga di na ako sikatan ng araw.
[Okay! So pa'no? Baba ko na 'to. Maaga akong tutulog. I love you James! See you tomorrow.]
See you tomorrow? Fvcking shit.
"Yeah. Okay. I love you too, Mandy."
*toot toot*
FVCK! Ang hirap ng ganitong sitwasyon. But I need to be strong. I am James Patrick Abellano and I'm brave...to face what will happen next.
--
Third Person POV
Tik tok, tik tok!
It's already time. Matapang na nakatayo si James sa harap ng anim na kalalakihan.
Naroon sila sa lumang building---na isa sa hide-out ng grupo ng gangsters na XBang.
"Abellano oras mo na." Sabi ni Ace.
Pawang naka-itim ang mga ito at madilim ang awra. Si James? Walang ni katiting na kabang nararamdaman. Handa sya sa mangyayari.
"Let's get it on!" Sigaw ni Seth saka nag-suguran sila kay James.
Sinuntok ni XKing si James sa mukha. Bagsak agad ito.
"You messed up with me? Now, I'll kill you." Sabi ni XKing at sinimulan na nila ang pambubugbog.
*boogsh*
Hindi lumalaban si James. Nagpapabugbog lang sya. Kahit kinakantiyawan na sya ng XBang na lumaban, hindi niya ginawa. Nagsilbi siyang punching bag ng mga ito.
Suntok sa mukha, sipa sa mukha, siko sa mukha.
Dahilan para magdugo ang labi ni James. Walang reklamong lumalabas sa bibig ni James. Parang willing na willing talaga ito sa pagpapabugbog.
Sipa sa tiyan, suntok at palo ng kahoy sa likod. Dahilan ng panghihina ni James. Duguan na siya.
Nagsabay-sabay ang anim na myembro ng XBang sa pagsuntok, sipa, tadyak at uppercut sa kanya.
Dinaig pa niya ang lantang gulay dahil sa panghihina.
"Fvck you Abellano!" Sigaw ni Shawn saka pinalo si James ng kahoy sa ulo.
Bagsak si James. Nagsimulang tumulo ang dugo mula sa ulo niya.
Sa buong oras ng pambubugbog sa kanya, isa lang nasa isip niya--si Mandy.
"Ano? Lalaban ka? Kaya mo pa?" Sigaw ni Zaine.
"Tangna! Hina mo pala!" Sigaw ni Kieffer.
Saka nagkanya-kanyang atake na naman ang mga ito.
Sobrang dungis na ng mukha ni James. Ang maputing mukha nito, halos mag-kulay pula na dahil sa dugo.
Ang katawan nito, naliligo na sa sariling dugo at pulos galos at pasa. Pero hindi yun alintana ni James. Hinahayaan nya lang ang mga ito.
"Fvck you!" Sigaw ni Seth saka inuntog ang ulo ni James sa pader.
Halos mapapikit na si James sa panghihina pero nilalakasan pa rin nya ang loob niya.
"You asshole!" Sigaw naman ni Ace saka ito pinagsusuntok. Walang awang pambubugbog. Walang puso..
"XKing pang-finale na!" Sigaw ni Shawn.
Lumapit si XKing sa kanya. "This is the finale. And I don't care kung mabuhay ka pa o hindi, bastard."
Isang malupit na suntok, sipa, tadyak combo ang ibinigay ni XKing dito kasabay ang tuluyan nitong pagbaksak.
*boogsh*
Halos patay na ang katawan niya. Papikit na ang mata niya at sa oras na tuluyan yun na magsara, yun na ang katapusan nya.
"Humihinga pa yata! Bugbugin pa natin!" Sigaw ni Seth.
"When I'm done with the finale, it's done." Sabi lang ni XKing.
"Sorry nalang, boy! Ex-member na ang kapatid mo. Kung member pa sya, hindi mangyayari 'to." Sabi ni Ace.
Konting-konti nalang at pipikit na si James. Pero pinipilit niyang maging matatag.
"Tara na brad. Langya di man lang ako pinawisan." Mayabang na sabi ni Zaine.
"Hindi man lang nga nagising ang diwa ko. Inaantok talaga ako! Ang easy brad. Akala ko matatagalan tayo ngayon." Sabi naman ni Kieffer.
"Let's go." Senyas ni XKing kaya sabay-sabay umalis ang mga ito sa lugar na iyon.
*cough cough*
Ang daming dugo ang isinuka ni James. Isa lang ang nasa isip niya ngayon, kailangan niyang makatawag.
Nanghihinang dinukot niya ang phone sa bulsa niya.
May basag na ang screen niyon pero ayos pa naman. He dialled her Mom's number.
And sa pagsagot nito, tanging adress lamang ng lumang building na iyon ang nabanggit nya dahil hindi na niya kaya pang magsalita.
Narinig lamang nya ang natatarantang ina sa kabilang linya.
XBang, magsisisi kayong binuhay nyo pa ako..
BLANK.
--
Mandy POV
Nakakainis. Hindi sinasagot ni James ang tawag ko. Tapos sabi niya susunduin nya ako. Anong oras na oh?
Sinubukan ko ulit mag-dial pero hindi ko na makontak. Bakit kaya?
Mas mabuti pang pumasok na ako. Baka may ginawa lang yung lalaking yun.
Sumakay na ako sa kotse namin. Pero bago pa ako makasakay, naka-agaw atensyon saken ang itim na pusang nakatingin saken di kalayuan.
Kumunot ang noo ko. First time ko lang 'to makita dito. At bakit nakatingin saken ang pusa? Badluck pa naman yan. Kulay itim. Psh! Go away badluck!
Sumakay na ako sa kotse at di ko na pinansin ang itim na pusa. After 987654321 hours, nakarating na ako sa school.
Pagka-park ko, bumaba agad ako.
"Oh Mandy pumasok ka?"
Napatingin ako kay Oliver ng Tigers. Kakababa lang din niya sa kotse niya.
"Bakit? Wala bang pasok ngayon?" Tanong ko.
"H-hindi pero..si James."
Dug, dug..
Dug, dug..
Bigla akong kinabahan. "Bakit? Si James, ano?"
"Nag-aagaw buhay siya sa St. Lukes hospital. Hindi mo alam?"
Nag-aagaw buhay..
Nag-aagaw buhay..
"Tell me you're kidding!" Sigaw ko pero ang luha ko bigla nalang bumagsak.
"May pagka-gago ako pero hindi ko gagawing biro ang mga ganitong bagay. Isinugod si James sa ospital kagabi. Bugbog sarado. Kanina ko lang nalaman kay Lance."
No. This can't be happening? Am I just dreaming?
"Mandy pumunta ka na sa hospital."
Na-alarma ako. Mabilis akong sumakay ng kotse saka pinaharurot yun.
[Play the song sa multimedia. I'll Be There For You by Aiza Seguerra]
Bakit? Anong nangyari? Bugbog sarado? Bakit? Anong ginawa ni James?
T_T
No! Hindi. Hindi totoo yun. Hindi siya nag-aagaw-buhay. Mahal niya ako! Hindi niya ako iiwan. Sinabi nya yun..
Nangako siya. Nangako siya..
T__T
James..
Ilang minuto lamang ay nakarating ako sa hospital. Tinanong ko agad sa information desk kung saan si James Abellano pero halos manlumo ako ng sabihing nasa emergency room ito.
NO! Please. Kung nananaginip lang ako, gusto ko ng magising. Ayoko ng ganito. Ayoko!
*ting*
Lumabas ako ng elevator. At nang papalapit ako sa emergency room, isang sampal ang sumalubong saken.
*PAKK*
"Anong karapatan mong pumunta dito?! Ikaw ang dahilan! Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit nangyari sa anak ko 'to!"
T___T
Nawala yung tapang ko. Sa sinabing iyon ng Mama ni James, lalo akong nanghina. Paanong ako? Ako ang dahilan?
"Tita tama na. Walang alam si Mandy dito." Pigil ni Lance.
Narito sila. Si Yumiko, si Lance, si Fancy at si Ynna na masama ang tingin saken.
"Warfreak ka kasi! Kaya for sure ikaw ang dahilan kung bakit siya nabugbog! Ano pa bang magiging dahilan? Wala na!" Sigaw ni Ynna.
Kung hindi ganito ang sitwasyon, baka nasampal ko na siya o nasabunutan pero ngayon? Parang nawala ang boses ko. Wala akong magawa kundi umiyak at tanggapin ang binabato nila sakeng salita.
Hinila ako ni Yumiko saka inilayo ng kaunti sa harap ng emergency room kung san naroon ang mama ni James. Ramdam ko ang pangangalaiti niya saken. Pinipigilan lang ni Lance.
T__T
Naramdaman ko ang pagyakap saken ni Yumiko. "I know wala kang kasalanan. Wag mo nalang intindihin si Tita Jamie. Nakakapagsalita lang siya ng ganyan dahil.."
Napalunok ako. Parang hindi ako handa sa susunod na sasabihin ni Yumiko saken.
"..fifty-fifty si James."
T____T
Bigla akong napaluhod at napahagulhol. Inalalayan lang ako ni Yumiko.
Damn it! BAKIT? Hindi pwede! Hindi! Ang saya saya namin kahapon! "S-sabi niya susunduin nya ako sa bahay ngayon..sabi niya hindi niya ako iiwan..sabi niya..."
T___T
"Sssh. Mandy.."
"B-bakit? Bakit nangyayari 'to? Nananaginip ba ako? Paki-untog naman ako sa pader oh! Para magising na ako! Para magising nako!!"
T___T
"Mandy.."
"Bakit si James? Bakit..bakit.."
T__T
"All we can do now is pray. Malakas si James. Lalaban siya."
"Pero Yumi..hindi pwede. Paano nangyari 'to? Ang saya saya namin..halos buo na ang mga pangarap namin. Sabihin mo saken, maliligtas siya..maliligtas s-siya.."
"Ssshhh. Masakit Mandy, pero kailangan mong maging malakas.."
Maging malakas..
T___T
Punyeta naman oh! Yun ba? Yun ba ang ibig sabihin non? Kung bakit sinabi ni James na kailangan kong maging malakas at matapang? Ito ba yun? Shit lang! Alam ba ni James na mangyayari 'to?! Bakit hindi niya sinabi! Bakit..bakit..edi sana..edi sana ikinulong ko nalang siya sa kwarto ko para hindi nangyari 'to..
"Sa ganitong s-sitwasyon, hindi ko kayang maging malakas. Hindi ko k-kaya..okay na lahat eh..okay na lahat saka magiging ganito? Sinong mga walang puso ang gagawa nito? Sinong mga hayop! Sino Yumi..s-sino.."
T__T
"Walang may alam. Walang ebidensyang nakita. Pero may kutob si Lance."
T__T
Malaman ko lang kung sino sila...malaman ko lang, pakshit sila! Sa dinami-dami ng tao, si James pa?
Si James na..
Si James na masiyahin? Si James na maraming alam na kalokohan. Si James na kayang pangitiin at patawanin ang kahit sino. Si James na totoong magmahal. Si James na...na..
T___T
Si James na tumanggap sa kung ano at sino ako..naging bitch man ako noon, demonyita man ako pero tinaggap nya ako ng buong buo. Minahal niya ako kung sino ako..minahal niya ako ng sobra.
At dahil don, napalambot nya ang puso ko..
Pinaramdam niya saken na..na..babae din ako, na dapat na minamahal ng totoo, na sa kabila ng masama kong nagawa noon, pinaramdam pa rin nya saken na lahat ng tao, may chance na magbago..may chance na mahalin..
T___T
Fifty fifty siya..God! Please..alam kong masama ako, demonyita ako pero ito ang unang pagkakataon na hihingi ako ng tulong sa Iyo. God..please, si James lang...let him live. Maraming..marami syang napapasayang tao at isa na ako don. Marami siyang aral na na-ipa-re-realize sa mga tao sa paligid nya. Marami siyang..marami siyang..
T__T
"Mandy, ssshh.."
"S-sino ang kutob ni Lance? Sino..because I'll make them suffer."
"Mandy.."
"Sino? S-sino Yumiko? Tell me..hindi ako makakalapit kay James dahil sa mama niya. Kaya isa lang ang gagawin ko, kahit sino pa sila, kahit nakakatakot man sila, hindi nila ako masisindak. Ipaghihiganti ko si James."
"Mandy, ano ka ba? Ipapahamak mo ang sarili mo. Magiging maayos ang lahat. Pakatatag ka lang. Okay?"
Pakatatag? Sinabi rin si James yan saken.
Pero kaya ko ba pang magpakatatag sa ganitong sitwasyon? Hindi ko alam. Mas matindi pa ang nararamdaman ko sa heartbreak. Yung puso ko, kung salamin lang 'to, kanina pa 'to basag na basag dahil sa sakit dito..ang sakit sakit..
T__T
"Tell me Yumi.."
"Mandy, kutob lang naman ni Lance. Ayaw nya munang gumawa ng hakbang. Hinihintay lang nya na magising si James bago siya kumilos. Kilala mo rin si Lance. Kaya nyang pumatay at alam kong nagpipigil nalang siya ngayon. Naghihintay lang siya ng confirmation."
"S-sino.."
"Ang XBang."
Nanginig bigla ang labi ko at lalong naiyak. XBang? Sila? Yung mga pakshit na gangster na yun? Hindi malabo. Hindi..
"Aalis muna ako."
"Mandy saan ka pupunta?"
Hindi ko na pinansin si Yumiko. Nag-diretso lang ako.
Ang XBANG? Malaman ko lang talaga na sila nga ang dahilan..sila..
I told them not to mess up with me.
Nakakatakot sila, oo! Pero sa mga oras na 'to, wala akong ni katiting na nararamdamang takot sa kanila dahil mas nangingibabaw ang galit.
They want to see my devil side? I will show them.
*
A/N : Iniyakan ko ang part na'to kasi kelangan kong i-character ang sarili ko as Mandy. Kailangan kong ma-feel yung nararamdaman niya so yeah, sinabayan ko sa pag-iyak si Mandy. Watch out for the devil's revenge.
Si James? 50-50. And we never know kung ano ang mga mangyayari.
Reactions? Anong masasabi nyo sa Xbang? Kay James? Kay Jamie Tan? Kay Ynna at lalo na kay Mandy? Tweet using hashtag #DBMCry
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top