Chapter 24 ∞ Effort

Mandy POV

I'm here at my room, searching for something that makes me curious. 

Who's that XKing of XBang? Ano ba talaga sila? Sino sila? Anong meron sa kanila? Medyo naguguluhan talaga ako sa real identity nila. 

Ang alam ko lang kase, grupo sila ng mga gangster na favorite color ang black. Si XKing, may pagka-Kyle at Lance siya na ugali pero times eight sa pagka-harsh. 

I open my facebook account to search him. Kahit naman siguro gangster, may facebook din, ano?

Emai l________l  Password l________l

Logging in..

Search l___________l

Ano nga ba ulit full name nung gangster na yun?

Aha!

XKing Salvador

Oh! May facebook siya. Infairness ang astig ng profile picture. May cover photo pa. Ashteg! Gangster na may facebook. 

Teka nga. Ano bang info nito. 

Founder at XBang

Studying at East West University

Okay. So dun siya pumapasok sa kabilang private university. 

Nag-scroll pako sa profile wall niya at napansin ko ang mga post niya na puro pagsusungit. Psh. Likas na talaga sa kaniya yun?

Ano bang meron sa lalaking 'to? Dapat ko ba siyang iwasan dahil gangster sya? Dapat ba akong matakot sa kanya? O dapat hindi ko siya problemahin?

-_-

Bakit ko nga ba siya pino-problema? Dahil lang sa basta na nya lang ako hinila palabas sa room ni Ynna? Aish. 

Teka, ayun yung kanina ko pa iniisip. Paano siya nagkaroon ng access sa Shin-Woo University kung taga East West siya?

XKing Salvador

Add friend

Add ko kaya? Pero baka 'di ako i-accept? Hm. Click! Ayan, in-add ko na. Wala naman sigurong masama 'no. 

Boink!

May notification ako. Chineck ko. 

O_O

XKing Salvador accepted your friend request. 

O_O

Is it real, is it real?

In-accept ako ng gangster na yun? So don't tell me, online sya ngayon? Akalain mo nga naman may social life pa rin pala ang mga gangster sa panahon ngayon. Akala ko bugbugan lang ang alam nila. O baka naman thru facebook sila nagbubugbugan?

Eh? Hindi pala pwede yun. Haha. 

Okay. What's on my mind now? Tanong ni facebook. Wala naman. Curious pa din ako sa katauhan ng XKing na yun. 

Huh?

May nag-pop-out na message sa chatbox ko. 

Xking Salvador: So you're stalking my profile. 

O_o

Kapal talaga nito. Stalk? How dare him. 

Mandy Aguilar: Ang kapal mo. Wag ka ngang feeling. Sino ka para i-stalk ko ha?

Seen

XKing is typing..

Ang kapal talaga. Sya i-stalk ko? Sige. Mangarap ka lang gangster boy. 

XKing Salvador: Kaya pala sinearch mo pa ako para mai-add?

O_O

In-add ko nga pala sya! Aish. 

Mandy Aguilar: Pag in-add, stalker na agad? Di pwedeng curious lang sayo?

Xking is typing..

Nakakainis oh! Malapit na masira ang phone screen ko sa pagtatype ng isasagot sa kulugong 'to. 

XKing Salvador: You're curious about me? So it means, you're thinking of me. 

O_____O

Arrrghhh! Ang lakas talaga ng hangin sa katawan ng lalaking 'to. 

Seen. 

Log out. 

Kala mo ha. Masakit kaya sa feeling ang ma-seen-zoned. Hoho. Kapal ng mukha. Kainis! Nakakasira ng gabi!

Dumapa ako sa kama ko. Naiisip ko pa din si James. Kahit ganitong di kami okay, hindi ko pa din naman maiwasang maisip ang lalaking 'yun. Mahal ko yon eh. 

Ano kayang ginagawa non..

Zzzzzz..

--

James POV

Tang*na. Malapit na agad akong malasing. Andito ako sa mansyon namin. Umuwi ako dahil depressed na ako kakaisip kay Mandy. Fvck. 

Akala ko magiging okay na kami 'pag nagmaka-awa ako sa kanyang bumalik na saken pero mali ako. 

Mas lalo pa siyang nagalit saken. Tapos nagalit din lalo si Mama sa kanya kase nagsumbong si Mama saken na tinawag siya ni Mandy na bitch. Tch. 

Niyaya ko pala na uminom ang kapatid ko. Si Lance dito sa mini bar namin dito sa may kusina. Sinuhulan ko pa si Yumiko ng J.Co Donuts para mahiram ko si Bro. 

Akalain mong maaabutan kong magkasama sa loob ng banyo ang mag-fiance. Haha. Gumagawa ng milagro. Ka-aga-aga. 

"Kung mahal mo, patunayan mo." Sabi ni Bro Lance. 

Kanina pa nyan ako pinapangaralan. Kung sabagay. Malayo na ang narating ng relasyon nila ni Yumiko. Madami na ring dumaang problema sa kanila pero hanggang ngayon, sila pa rin. Meant to be nga yata. 

"Pinapatunayan ko naman bro. Ilang beses ko nabang sinabi sa kanya na mahal ko siya. Na gusto ko siyang makasama. Pero walang nangyari."

"Tch. Hindi sapat na sabihin mo lang yun James. Kukutusan na kita eh. Patunayan mo. Ibig sabihin, ipakita mo sa gawa. Make some effort. Tch. Anong silbi ng pagsasabi mo ng mahal mo siya kung wala ka naman ginagawa para ipakita yun sa kanya?"

Tch. Talaga nga naman. Ako talaga, kanina pa nalabas na mali kay bro. Pinaliwanag ko lahat, lahat. Mali pa din ako. Buhay oh!

Hindi ako 'to eh. Jolly akong tao. Palabiro talaga ako. Pero pagdating kay Mandy, nagiging seryoso ako. Magagalitin at madali mainis. 

"Tch. Pano ako gagawa ng effort kung iniiwasan nya ako bro? Alam mo bang nagpapaka-demonyita siya sa SWU? Lahat na yata ng makasalubong niya, inaaway at tinatarayan niya. Even si Ynna, lagi nyang inaaway."

"Who's's that fvcking Ynna?"

-_-

"Bro. Maka-fvck ka naman dyan. Si Ynna, sa SWU din. Nakasama na natin siya dati. Siya yung kasama ni Drei sa Batangas Escapade natin nun."

"Ah. I don't remember her. Hindi ako madaling makatanda ng tao lalo na kung wala naman sense sa buhay ko."

-_-

Nakakapuro na'tong si bro. "Tch. Oo nalang bro. Masyado ka kaseng loyal kay Yumi kaya halos siya nalang laman ng puso't isip mo. Haha."

"I admit that. Tch. Ang tunay na lalaki, isang babae lang ang laman ng puso't isip."

=_=

Aray bro. "Si Mandy lang naman laman ng pus--"

"How about that Ynna?"

=_=

"Pinagtatanggol ko lang naman siya bro. Kase nga inaaway siya ni Mandy."

"Exactly."

-_-

"Anong exactly bro?"

Ininom ko yung alak ko saka muling tumingin kay bro. 

"Pinagtatanggol mo ang ibang babae sa babaeng mahal mo. What do you expect? Na matuwa sya? Fvck James! Natural magalit si mandy. Magseselos yun! Lahat ng babae, kakaiba ugali ng mga iyan. Kahit sinong babae, hindi matutuwa kung ipagtatanggol ng lalaking mahal nila yung karibal nila. Na-gets mo ba?"

Kru, kru..

Gets ko naman. "Pero si Mandy kase ang mali."

"Are you sure na si Mandy talaga?"

Tumango ako. "Ynna is always crying. Naabutan kong ganon ang eksena so it means, inaway sya ni Mandy."

"Tch. Hindi sa lahat ng pagkakataon James, maniniwala ka sa pag-iyak ng isang babae. May mga babae na dinadaan sa iyak ang lahat para magmukha silang kaawa-awa. Like what Nicole did to me. Masyado akong nabulag sa pa-inosente nyang itsura. Siya lage ang pinagtatanggol ko. Siya ang kinakampihan ko kaya nga 'di ko na namalayan na lumalayo na ang loob saken ni Yumiko. Dahil nasasaktan ko na siya. Tapos ano, in the future, nalaman ko na nagpapanggap lang siya."

Tch. May point si bro. I know Nicole. Yung babaeng walang alam kung hindi magpa-awa kay Bro. Tapos yun pala ang masama ang ugali. 

Ganon din ba si Ynna? Hindi naman siguro. 

"Kung ayaw mong tuluyang mawala sayo si Mandy, kumilos kana. Wag kang tanga."

=_=

"Maka-tanga ka naman bro."

"May angal ka? Tanga ka naman talaga. Galing mong mag-solved ng problema sa love story ng iba tapos sarili mong love story, di mo ma-solve, di mo magawan ng paraan. Tch. Alien kaba?"

=_=

Si bro kanina pa yan na-score sakin. Tinatapakan na pagkatao ko eh. 

"Diba nga may kasabihan. Kung sino pa yung magaling mag-advise, pagdating sa sarili, hindi kayang i-apply lahat ng advise na alam. Naniniwala ako sa kasabihang yun. Example ako eh."

-_-

"Buti alam mo. Tch. Ano? Maglalasing ka na lang? Kung puntahan mo kaya si Mandy at simulan ng gumawa ng effort?"

"Pinapaalis mo na ba ako bro?"

He glared at me. "Oo. Tch. Inistorbo mo kami ng asawa ko."

"Bro. Fiance palang. Dipa asawa."

"Yun na din yun! Fvck you."

Hahahaha. Hanggang ngayon, di na nagbago si bro. Highblood pa din. Nagbago lang yata 'to kay Yumiko eh. Pero sa'min, ganon pa din sya ka-harsh. Lintek. 

"Easy bro. Oo na. Sayong-sayo na nga si Yumi. Wala na ngang kawala sayo. Akalain mong pati sa CR. Hahahaha."

"Fvck you. Tch."

Natatawa talaga ako kay bro. Pero kahit ganyan yan, totoo yan magmahal. Mahal na mahal nyan si Yumiko. 

"Babe."

Speaking of. Si Yumi papalapit sa'min. 

"Why babe?" Tanong agad ni bro. 

"Sa kwarto muna ako ni bubwit. Gusto daw niya makipag-bonding saken."

"No. Patapos na kame mag-usap ni James. Hintayin mo ako sa kwarto natin." Sagot ni bro kay Yumi. 

-___-

Si bro talaga mahigpit pa din. 

"Pero babe.."

"Damn it. Nabitin ako babe. Itutuloy pa natin yun. Okay? I love you. Umakyat ka na sa kwarto. Susunod nako."

Hahahaha. Si Yumi ang pula ng mukha. Nanakbo na tuloy paakyat. Si bro kase napaka-straight-forward. Kita nyo namang andito ako, harap-harapan sasabihin ni bro kay Yumi na nabitin siya. Haha. Laughtrip talaga ang kamanyakan ni bro. 

"Ang manyak mo bro."

"Fvck you. Istorbo ka talaga. Tch. Ano? Uwi na. Puntahan mo na si Mandy mo."

Pinagtatabuyan na ako ng kapatid ko. Ano ba? Pupuntahan ko na ba si Mandy? Ano namang gagawin ko? Paano ko ba mapapa-amo ang isang demonyita? 

Anong effort ang dapat kong gawin? Damn it. Hirap ah. Magaling lang ako sa mga sweet words eh. Hindi sa sweet acts. Pero susubukan ko. Langya. Mababaliw na ako kakaisip kay Mandy eh. 

Kahit ayaw sa kaniya ni Mama. Kahit demonyita pa siya, still, siya pa din ang nagpapatibok ng puso ko.  

*

A/N: Hashtag #DBM. Kasabay po nito ang MY3. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction