Chapter 23 ∞ Access

Mandy POV

"I want you Mandy. I really want you now."

O_O

What the hell? "What!?"

"I want you Mandy..please.."

Kinakabahan ako sa sinasabi ni James ngayon. "Pero.."

"Please?"

Shit. Bakit kelangan niyang mag-please para sa bagay na 'yun? "Hindi ako ganon kababa James. Hindi ako ganong klaseng babae.."

"Fvck! But please..I really want you back Mandy. I want you back..now! Please. Masisiraan na ako ng ulo 'pag di mo pa'ko binalikan ngayon."

~___~

Wait lang. Yung sinasabi nya, he wants me? Hindi yung something green na iniisip ko!? Ibig sabihin niya, he wants me to come back?

>,<

Ako na nakakahiya. Ano ba naman kase 'tong utak ko, ang green eh. "I don't know yet.." Sabi ko. 

Ayokong isugal ulit ang puso ko. Wala na namang kasiguraduhan eh. Alam kong ganito sya 'pag kaming dalawa lang ang magkaharap. Pero 'pag andyan na si Ynna, na-ie-echapwera ako. Nagiging masama ako. Isang iyak lang ni Ynna, galit agad si James sa'kin. 

"Please Mandy.."

Umiling ako. "Give me time to think." Sabi ko. Hindi porke mahal ko siya, makukuha niya agad ang gusto nya sakin. Di ako ganon. Nasaktan ako at umasa sa kanya. Pero ang 'di ko matanggap, yung NABIGO ako sa kanya. 

"Ano pa bang iisipin mo? I'm here. I love you."

Lalo akong napailing. Madali talagang sabihin kung ano ang nasa isip natin. Pero mahirap gawin at patunayan. 

"Andyan ang mama mo, andyan si Ynna. Geez! May laban ba'ko?"

"Ba't di mo subukang ipaglaban ako sa kanila?" May hinanakit sa boses nya?

Gago pala sya eh. Paglalaban ko siya? Eh pano ko siya paglalaban kung 'dun siya mismo kumakampi sa pinaglalabanan ko!?

"I can fight my feelings for you. I just can't win."

Tama naman ako diba? Kayang-kaya ko siyang ipaglaban, o yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero pa'no ko gagawin 'yun? Tell me!

"Damn it Mandy."

Ano? Magmumura nalang siya ganon ba? "Aalis na ako." Sabi ko. 

Wala ng dahilan para mag-stay ako or bumalik ulit sa kanya. Manhid na'ko Abellano. 

"Please Mandy. Mahal kita. Mahal na mahal. Ano pa bang kulang? Ano pang dapat kong gawin? Ilang beses ko bang dapat sabihin na mahal kita at kailangan kita?"

=_=

"I don't trust words. I trust action." Sabi ko saka pilit na kumalas sa kaniya. 

"Mandy!"

"Leave me alone." Slow motion kong sabi saka lumabas na ng kwarto niya. 

Hindi pu-pwede sa'kin 'yung ganon. Basta kana lang iuuwi sa condo niya. Tapos ano? Magmamakaawa na bumalik ka? The hell. Immune na ako sa sakit kaya kahit masakit sa'kin ang balewalain siya, ginawa ko dahil doble ang sakit na mararamdaman ko kung magpapadala na naman ako sa mga salita niya. 

Oo, magaling lang siya sa salita. Hindi naman niya mapatunayan sa gawa. 

"Hoy babae."

Nagpantig ang tainga ko sa tawag sa'kin ng Mama ni James. Nalampasan ko na siya eh. Andito na'ko sa may pinto. Pero hindi, lumingon ako. 

"May pangalan ako. Mandy Aguilar slash demonyita. Kaya wag mo 'kong tinatawag na babae. Hindi porke nanay ka ni James, igagalang na kita....bitch." Sabi ko saka tuluyan ng lumabas ng unit ni James. 

Magsama kayong mag-ina. You both sucks! 

--

Hindi ko alam kung bakit nakarating ulit ako dito sa may SWU. Sa may field ako dumiretso. May bench dito kaya naupo muna ako. 

Habang nakatanaw sa malayo, 'di ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Sh*t naman kase. Alam kong masama ang ugali ko pero totoo ako magmahal. Bakit kailangang masaktan ako ng ganito?

Napahagulhol na'ko. Mahal na mahal ko si James. Siya ang happiness ko pero wala akong guts na balikan siya dahil alam ko na ang mangyayari. Masasaktan lang ako ng paulit-ulit. Kaya bakit pa'ko magpapakatanga sa kanya?

Hindi ako tulad ng ibang babae dyan na kahit nasasaktan na sa isang relasyon, go pa din. Masyado silang martyr sa pag-ibig. Kesyo di nila kakayaning mawalay sa lalaking mahal nila? It sucks. Kaya yang mga lalaki namimihasa eh, pa'no, laging pinagbibigyan ng mga babae. Paminsan-minsan, subukan din nilang maging manhid. Tulad ko, mahal na mahal ko din naman si James ah, pero see? Kaya ko namang mabuhay ng wala siya. Di naman siya pagkain o oxygen para ikamatay ko 'pag nawala. 

"Marunong palang umiyak ang isang demonyita."

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. Then I saw him standing beside me. 

"What are you doing here?!?" Pagtataray ko. 

"I saw you crying. Na-curious lang ako kung paano umiyak ang mga demonyita kaya mas lumapit pa'ko." Sagot nya. 

The nerve of this guy. Xking the gangster. "And then?"

"Broken hearted?" Tanong nya. 

Tumango lang ako. Lalo kase akong naiyak. Ganun kase talaga, may times na kung kelan may parang nagcocomfort sayo, mas naiiyak ka. 

"Oh! Pa'no ka na-broken-hearted? Wala ka namang puso."

=_=

Tiningnan ko siya ng masama. Aba, aba. Tumatawa ang gago. "Get out!"

"Were already outside."

=_=

Pilosopo. "Leave me alone!"

"Sabihin mo yan sa lahat ng dumadaan dito."

=_=

"Bakit ka ba nandito ha!?"

"Nag-transfer na'ko dito sa SWU." Sagot niya. 

O_o

The hell. "What did you say!? Bakit? Sinusundan mo ba ako!? Ang kapal mo din 'no! Hindi uso ang gangster dito sa SWU!"

"Ang kapal din ng mukha mo Miss. Nagbibiro lang ako na nag-transfer ako. Gugustuhin ko bang makasama ka sa iisang school? In your dreams." Sabi niya. 

"Eh ba't ka nandito ha?"

"Girlfriend ba kita para sabihin ko sa'yo? Tch. Aalis nako. Wag ka ng umiyak dyan, 'di bagay sayo. Mas bagay sa'yo ang magpa-iyak kesa ikaw ang umiiyak."

Kru, kru..

Kru, kru..

Ano daw? Medyo slow ako ngayon. "Hoy gangster, anong sabi mo!?"

"Sabi ko may parada ng mga bingi bukas, sumama ka."

=____=

Bastos na gangster. Arrrggggg! Sa halip na nag-e-emote ako, nawala tuloy. Letseng gangster yun, nakakainis ha!

Tumayo na'ko at nagmartsa papunta sa parking ng SWU kung saan naroon ang kotse ko. 

O_______O

May dalawang babae na nagsasaboy ng pintura sa kotse ko. 

"Anong ginagawa nyo sa kotse ko mga hampaslupa!?" Sigaw ko. 

Halata namang nagulat sila kaya napatakbo sila. 

Click, click. 

Oh good. Ang galing kong photograher. Nakuhanan ko agad sila ng picture. Akala nyo 'di ko matatandaan mga mukha nyo. Lagot kayo sa'kin. 

Napatingin ako sa kotse ko na puro pintura. "That car, ah no..it's a trash."

Bibili nalang ako ng bagong kotse. I need to find this girls. Ako pa kakalabanin nyo? 

Gusto yatang makaranas ng devil war. Oh let see what you got bitches. 

--

"NOW TELL ME! Sinong nag-utos sa inyo na pinturahan ang oh-so-expensive car ko!?"

Kanina pa'ko naha-highblood. Wala pang kalahating oras, nahanap ko na agad 'yung dalawang babaeng nag-saboy ng pintura kanina sa kotse ko. Akala nila! Ako pa sinubukan nila? Nalaman ko lang naman na taga-kabilang-building sila. 

Paano ko nahanap? Pina-track ko sa SWU office at dun ko nakita ang mga pangalan nila at saang room sila naroon. 

"W-Wala.."

*PAK*

"Wala!?" Sigaw ko. "Sasabihin mo o sasabuyan ko ng asido ang mukha nyo?" 

Narito kami sa may abandoned room. Nagbayad lang ako ng dalawang lalaki na kaklase ko para tulungan ako na itali sa braso ang mga babaeng 'to. 

"W-Wala po talag---"

"AHHHHHHHH! Ang mukha ko! Ahhhh!" Hysterical na nagtitili ang babae. 

"Wag kang OA. Tubig lang yang sinaboy ko. Hindi pa asido. Psh. Ano, magsasalita ka na ba? SINO!?"

"S-Si..Ynna Mejia po."

Oh, oh. Bingo! "As what I'm expecting. Gusto ko lang talaga ng confirmation. Okay then, boys kayo na bahala dyan."

Tinalikuran ko na sila at iniwan roon. Lumabas na'ko ng abandoned room. Dinukot ko ang sanitizer ko sa bag saka nag-apply sa kamay ko. Bitches all over the world. 

Ihanda mo na ang sarili mo Ynna Mejia. Talagang sinusubukan mo ang ka-demonyitahan ko. 

Nakarating ako dito sa building kung saan naroon ang h-YNNA-yupak na yun. 

"Where's Ynna slash bitch Mejia?" Tanong ko sa ilang estudyanteng narito sa labas. 

Kilala na yata nila ako dahil para silang nakakita ng multo. 

"N-Nasa room po." Tinuro nya yung isang room kaya tumuloy ako dun. 

"Akala nya matatakot ako sa kanya? Bye, bye car! Kawawang Mandy. Wala ng car."

Oh, see. Pinag-uusapan pa'ko. At bilib na bilib sya sa sarili niya ha?

"Happiness mo na yun?" I pouted my lip as I walk towards her direction. 

Nakaupo sila sa mga arm chair sa harapan. Bahagya akong umupo sa table sa harap saka diretsong tumingin kay Ynna na ngayon ay nanlalaki ang mata dahil nakita ako?

"A-Anong ginagawa mo dito? Hindi basta basta pwedeng pumasok ang sinuman sa isang classroom lalo na kung hindi ka naman di---"

"Shut up bitch." I cut her out. "First of all, wala akong pakialam kung bawal na pumasok sa room ng may room dahil in the first place, wala namang sign na nakasulat sa labas. So it's not a legal rule. Second, walang pwedeng magbawal sa'kin sa mga gusto kong gawin dahil in the first place ulit, hindi ikaw ang nagpapakain sa'kin. And last, may karapatan siguro akong gawin 'to ngayon."

*SPLASSHHH*

"Sh*t! What's this!?" Napatayo siya at sumigaw. 

"Bobo lang Ynna? Tinatanong mo kung ano 'tong sinaboy ko sayo? Kita mo oh nakasulat, ALCOHOL."

"How dare you do this to me!"

Binuhusan ko lang naman siya ng alcohol ah? Anong masama dun? Buti nga hindi asido eh. 

Natawa ako sa reaksyon niya. "Calm down honey. Alcohol lang iyan para mawala naman ang bacteria sa buong pagkatao mo."

Halatang-halata 'yung pagkainis niya. Mukhang handa na nga syang sugurin ako at sabunutan. 

"Wala akong ginagawang masama sa'yo Mandy tapos...tapos.."

"Ang bobo mo talagang babae ka. Narinig na nga kitang pinagmamalaki ang ginawa mo sa kotse ko. Alam mo ba kung magkano 'yun? Two million lang naman."

"So what kung two million ang halaga ng kotse mo!?"

"Oo nga. Two million. Para mabayaran mo ang ginawa mo sa kotse ko, bumili ka ng alcohol na worth two million. Then ipaligo mo lahat sa sarili mo. Intendiez?" Mataray kong sabi. 

"Are you crazy!?"

"Ask yourself. Are you crazy?" Balik-tanong ko. Tatanungin ako kung baliw ako. 

-_-

Siya nga 'tong baliw. Haha. 

"I am not. Ikaw! Ikaw ang baliw! Ang sama pa ng ugali mo!"

"Anong sabi mo!?" Seryosong tanong ko. 

"Bingi ka ba? Sabi ko, ang sama ng ugali m---"

*SPLAASH*

"Oops! May extra alcohol pa pala ako. You should thank me, kahit papaano, nabawasan ng bacteria sa pagkatao mo."

Susugurin na'ko ni Ynna. Wow, handa ako. 

"Don't you dare touched her."

O_O

"S-Sino ka..?" Gulat na tanong ni Ynna sa lalaking naka-itim na ngayon ay nakahawak sa braso nya. 

"Hindi tayo close para magpakilala ako sayo." Sagot ni XKing kay Ynna saka tumingin sakin. "Let's go."

~_~

Okay. Basta nalang niya ako hinila palabas ng room na iyon. Hila-hila niya ako hanggang makarating kami dito sa may baba ng building. 

"What do you think you're doing!?" Agad na tanong ko saka hinigit mula sa kanya ang braso ko. 

"Wala sa attitude ko ang makialam sa away ng ibang tao lalo na ang mga away ng mga babae. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Fvck!"

=_=

Ayun. Iniwan ako basta-basta? Pagkatapos akong hilahin? Damn that gangster. 

Psh. Teka, napapadalas yata 'yan dito sa SWU? Paano ba 'yan nagkaroon ng access dito?

Weird. 

*

A/N : Hashtag #DBM para makita ko po ang mga tweets nyo. 

@pinkyjhewelii on twitter. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction