Chapter 14 ∞ Playboy
Mandy POV
Kararating ko lang dito sa school. Hang-over pa. Nagising ako kaninang ang sakit ng ulo ko. Bakit ba ako nagpakalasing kagabi? Psh.
Naglalakad na'ko sa hallway ng building nang makasalubong ko ang dahilan ng pagkainis ko kay James. "Bitch." Tawag ko sa kanya pagkatigil ko sa harap niya. Tumigil din siya.
"Ako ba ang tinatawag mong bitch?" Tanong ni Ynna.
"Baka sarili ko? Sino bang bitch dito bukod sa'kin? 'Diba ikaw? Oh, buti nakalabas ka na ng hospital? Malala yata ang nangyari sa'yo dahil lang sa tabig ko?" Sarkastiko kong sabi.
"Hindi ako naghahanap ng away Mandy. Kaya pwede ba, wag kang ganyan. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo."
Tiningnan ko siya ng masama. "Walang ginagawang masama? Kung maka-epal ka sa'min ni James, sobra." Sabi ko.
Napansin ko 'yung panggigilid ng luha niya. The hell? "W-Wala naman talaga akong ginagawang masama. Hindi ko naman kasalanan kung natutuwa sa'kin si Tita Jaimie. Saka nung nahulog ako sa hagdan, pinagtanggol lang naman ako ni James kasi tinabig mo ako, ikaw naman talaga ang may kasalanan."
Aba, aba. Makakatikim 'to ng pagka-bitch ko. Baka 'di nila alam, bumalik na'ko sa dati kong ugali. "Ako ang may kasalanan? How come!? Kasalanan ko bang clumsy ka? O baka naman sinadya mong ihulog ang sarili mo dun sa hagdan para kaawaan ka. Pathetic."
"I'm not pathetic. Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan. Kung meron mang pathetic sa'ting dalawa, ikaw 'yun." Naiiyak na sabi niya.
Bakit ba siya umiiyak? Sabunutan ko 'yan eh. Paawa na naman. At teka ako daw ang pathetic? "Wow. Who are you para sabihing pathetic ako? Ikaw, anong tawag mo sa sarili mo? An obsessed fan of James Abellano? You really like James 'di ba? Sa Batangas palang dati, pinakita mo na ang kalandian mo."
"Hindi ako malandi!" Sigaw niya habang umiiyak. Yung mga napapadaan dito, napapatingin na sa'min. Yung iba naman nanunuod na. Wala eh, uso tsismosa dito sa school.
Bakit ba umiiyak ang gagang 'to? "Sige kung hindi ka malandi, anong tawag sa'yo? Geez. At bakit ka ba umiiyak? Mukha kang ewan."
She's still crying. Napakunot nalang ang noo ko. Malamang nagpapa-awa 'to sa audience. Sh*t.
"W-Wala naman akong ginagawang masama sa'yo.." Sabi niya.
"MANDY!"
Oh sh*t. Ayan na si James. I bet, si Ynna ang kakampihan niya. As always. Pagbuhulin ko kaya sila tapos ipabitin ko sa poste ng kuryente? Psh. Tumingin ako kay James. Not the sweet looked. Yung mataray looked.
"What happen?" Tanong agad ni James nang makalapit siya sa'min.
"J-James, sinampal niya ako..*sniff*.. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.."
O_O
What did she said? Sinampal ko siya?
"Mandy ano bang problema mo kay Ynna!? Bakit lagi mo nalang siyang sinasaktan?" Tanong ni James. See? Naniwala sya sa babaeng 'yan.
"I admit pinagsalitaan ko siya ng masasamang salita pero hindi ko siya sinampal." Sabi ko.
"Please naman Mandy. You don't need to lie. Tingnan mo nga, umiiyak si Ynna. Sinaktan mo siya physically. Tama ba 'yun? Sabihin mo nga, ano bang nagawa niya sa'yo ha!?"
Fvcking guy. Ayaw maniwala sa'kin. Where's the love? Siguro hindi niya talaga ako mahal, dahil kung oo, sa'kin siya maniniwala. Okay. I'll stay as bitch as I am. "Uulitin ko, hindi ko siya sinampal." Sabi ko tapos ay tumingin kay Ynna. "Pwede ka ng artista. Ang galing mong umarte. Tara punta tayong showtime. Bagay ka dun sa sine mo'to." Pagtataray ko.
"Mandy!? Stop it." Suway ni James. Sh*t siya.
*Ynna's crying*
Tumingin ulit ako kay Ynna. "Will you please stop crying? Mukha kang tanga dyan, umiiyak ng walang dahilan. Gusto mo ipadala kita sa mental?"
"Mandy I said stop it!!" Sigaw ulit ni James. Wala na'kong pakialam sa'yo James. Maniwala ka sa Ynna na 'yan hangga't gusto mo.
"J-James, ihatid mo na'ko sa room ko.."
O_O
Nagpahatid pa ang gaga. Langyang babae, sasabunutan ko talaga 'yan.
"Okay. Mandy, mag-uusap pa tayo mamaya!" Sabi ni James.
"Wala tayong pag-uusapan dahil wala naman akong ginawang masama sa kanya!" Sabi ko.
"Sh*t lang Mandy. Mas naniniwala ako kay Ynna. Mabait siya. Ikaw, kilala kita. May other side ka na pagka-demonyita kaya alam kong kaya mo 'yun gawin." Sabi ni James saka tumingin kay Ynna. "Let's go."
</3
Umalis na sila pero natulala ako sa huli niyang sinabi. Alam ko naman sa sarili kong masama talaga ang ugali ko pero nagbago na'ko dahil sa kaniya. At 'yung sabihin niyang alam niyang kaya kong gawin yun? Ang sakit lang..
</3
Kanina ang tapang-tapang ko pero ngayon, I was crying in pain. Masakit para sa'kin 'yung sinabi ni James. Kasi, wala akong pakialam kung demonyita ang tingin sa'kin ng buong mundo, 'wag lang si James..
Dahil si James, siya ang saksi sa mga pagbabago ko. Pero isa rin pala siya sa buong mundo na 'yun. Na demonyita ang tingin sa'kin..
I wipe my tears and heaved a sigh. "Tutal demonyita rin lang ang tingin sa'kin ni James ngayon, paninindigan ko na."
Isa lang ang nasa isip ko ngayon -- mag-skip ng klase at magpunta sa bar. Wala ng pwedeng makialam sa'kin like before dahil mula ngayon, wala na'kong pakikinggan. Si James? Tatabunan ko na ng galit ang pagmamahal ko sa kanya.
Hindi siya deserving na mahalin ko. Dahil katulad lang siya ng iba. Dun nalang siya kay Ynna. Tutal yun ang mas pinakikinggan niya. Isa pa, yun din naman ang gusto ng Mama niya. Kaya magsama-sama sila. From now on, tatanggalin na kita sa buhay ko James Abellano.
--
At the bar..
"Uy ex, andito ka ulit?" Sinalubong ako ni Ken, ang may-ari ng bar. Maka-ex talaga. Siguro maraming nagulat na naging ex ko pala 'to.
Geez. One day lang naging kami. Nung nagpakalasing ako dito sa bar. Sabi niya siya muna ang boyfriend ko ng isang araw. Nagluluksa ako that time dahil kay Kyle at wala akong karamay dahil wala naman akong kaibigan dito. Kaya hinayaan ko siya. Inaliw niya ako ng isang buong araw. He's not my type. Natuwa lang talaga ako sa kanya.
So that ex thingy na 'yan, hindi 'yan big deal. Wala lang 'yun.
"Masama ba?" Pagtataray ko.
"Whoah! Taray natin ngayon. Lalo ka tuloy gumaganda."
=_=
'Pag. Talaga playboy, bolero. "Tse. Manahimik ka nga. Just give me a shot of tequila." Sabi ko saka itinukod ko ang siko ko sa bar counter.
"Ang taray talaga. Oo na. Dahil tinarayan mo ako at gwapo naman ako, libre ka na ng kahit ano at ilang shots ng alak ngayon. Mukhang may problema ka eh. Parang dati lang, namo-mroblema ka kay Kyle. Ngayon ba sino?"
Kalalaking tao tsismoso. "That bastard.."
"Sinong bastard?"
I look at him. "James Abellano."
"Ayun! Kaya pala. Tsk, tsk. In love ka na ba sa kanya?"
I don't know but I have a feeling na pwede naman akong maglabas ng sama ng loob kay Ken. "He's an ultimate bastard. Mas kinakampihan at pinaniniwalaan pa niya ang ibang babae kesa sa'kin? Arrrghhh! I hate him!" Inis na sabi ko saka tinungga ang shot ng tequila na binigay ng bartender dito sa counter.
"Hahaha. You looked upset. Who's that lucky girl? Baka naman mas maganda at sexy say--AWWW!"
"Nakakainis ka!" Sigaw ko pagkahampas ko sa kanya ng shoulder bag ko. "Wala siyang panama sa kagandahan ko. Lahat ng bagay dinadaan niya sa paawa at iyak. Psh."
"Iba ka kasi. 'Yang katarayan mo hanep eh. Titiklop ang lahat."
"That's why bansag nila sa'kin ay demonyita. Psh."
"Demonyita? Whoah! Sabagay, mukha ka naman talagang demonyita. Sungay nalang ang kulan--AWWW! Nakakadalawa ka na. Hahalikan na kita dyan!"
=_=
Hinampas ko kasi ulit. Lakas kasi mang-asar eh. "Shut up. Umalis ka na nga sa harap ko. Leave me alone."
"Leave you alone? Ano, paaalisin ko lahat ng tao dito sa bar para iwan kang mag-isa dito? Ano ba 'yun Mandy, malulugi naman ako."
=_=
Malapit ko na 'tong sampalin. Pilosopo. I gave him a death glare.
"Ooppps. Galit na ang demonyita. Maiwan muna kita. Mag-e-entertain muna ako ng mga chika-babes." Umalis na siya pagka-senyas sa'kin. Psh. That guy, ang sakit niya sa ulo. Masyadong napuno ng hangin ang utak.
Uminom nalang ako. Pagkakalagay ng shot, tungga agad. Balak ko na naman bang magpaka-lasing? Aish.
"So you're here.."
Tumingin ako sa lalaking umupo sa katabing stool na inuupuan ko. "So?"
"Lalo kang gumaganda 'pag nagtataray ka Mandy. Baka ma-inlove ako niyan sa'yo. Aww! 'Di pa naman handang mabasag ang gwapo kong mukha."
=_=
Nagkalat na talaga ang mga playboy ngayon. "Parang ang lakas ng aircon dito sa bar." Sabi ko.
"Malakas ba?" Tanong niya.
"Oo, dumating ba naman ang isang Luke Palermo na konting konti nalang ay malapit ko ng hampasin ng heels ko sa ulo."
"Awww naman Mandy! Napaka-maldita mo talaga. Paano ka ba natatagalan ni James?" Yang si Luke nakakapuro na.
"Just shut up!" Patuloy na pagtataray ko saka tumungga ulit ng alak.
"Problem?" Tanong niya. Mukha naman siyang sumeryoso. "One shot of hard drinks." Sabi niya pa sa bartender.
"Lahat naman ng tao may problema. Nagkataon lang na ako, lalaki ang pino-problema ko." Sabi ko.
"Oww! Si James ba 'yan? Pagkatapo kay captain, si James naman. Sino na bang sunod? Ako na ba?"
=_=
"I said, shut up.." Ang sakit nila sa ulo. Aish. Bakit ba nakilala ko pa 'yang tigers. Mga playboy. Aish. Si Kyle lang yata, Adrian at Lance ang hindi playboy sa kanila.
"Ayokong tumahimik. May sasabihin akong importante sa'yo eh."
=_=
"Spill it." Sabi ko habang pinaglalaruan ang shot glass.
"Can you be my...girlfriend?"
O_____O
"WHAT!?"
**
A/N: Basta tigers, playboy. Haha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top