Chapter 22
Mandy POV
Hindi ko maialis ang ngiti sa labi ko habang pinapanood ang kambal—mga pamangkin ko. Ang kulit nilang dalawa at mahilig daw talaga silang mag-debate. Five years old pa lamang sila pero napaka-bibo na nila. Just by looking at them made me feel calm. Tama si James. Dapat talaga ay noon pa, pinupunta-puntahan ko na ang kapatid ko at makipaglaro sa mga pamangkin ko.
"Isusumbong talaga kita kay Dad. Lagi mo nalang akong hindi pinapahiram ng books mo na may animals e." Sabi ni Chylee.
"Kaya kita hindi pinapahiram dahil alam kong gugupitin mo lang ang mga animals sa libro tapos pinapalangoy mo sa tubig. As if they're alive!" sagot naman ni Skyler.
They are twins. Of course, they looked super alike. Ang pinagkaiba lang nila, si Chylee ay babae at si Skyler ay lalaki. Kamukhang kamukha sila ng kapatid ko at ng asawa niya.
"Pasensya ka na diyan sa mga pamangkin mo, Mandy. Ganyan na talaga sila. Lagging nagsasagutan. Hinahayaan ko na nga lang dahil minsan, wala rin akong magawa." natatawang sabi ni Chelsea—half sister ko.
Magkapatid kami sa ama. Nagkaroon man ako ng selective amnesia, hindi ko siya nakalimutan. Iyon nga lang, parang nailing ako sa kaniya dahil lagi rin akong nasa mansion namin habang nagpapagaling ako. Iyon kasi ang sinabi ni Thunder na makakabuti sa akin.
"It's okay. Ang cute nga nilang tingnan. I missed them. Sorry kasi ngayon lang ulit ako dumalaw dito. Kung hindi pa dahil kay James..."
Hinawakan ni Chelsea ang mga kamay ko. Ngumiti siya sa akin. Nai-kwento ko na sa kaniya kanina iyong tungkol kay Thunder—na mali ang pinaiinom niyang gamot sa akin and she got mad. Kung hindi lang nagising ang kambal kanina, nagsisisigaw pa siya sa galit hanggang ngayon. Sinabi niya sa akin na ipa-pulis namin pero ako na ang tumanggi. Ayoko nang makita si Thunder. Ayoko na.
"Because animals love to swim! Lalo na 'yung cat saka dog."
"Hera! Kaya namatay 'yung cat mo kasi pinalangoy mo. Cat is a land animal. Mga fish lang ang nagsu-swim!"
"Pero she likes swimming naman e! She laughed kaya when I put her on the water!"
"Your cat laughed? Seriously, Hera?"
"Hmp! I hate you Skyler! I hate you."
"Fine. I will let you borrow my book but don't cut the animals there. Okay?"
"I won't."
Napapailing na napapangiti ako sa kambal. Parang may parte sa akin na, kalian kaya ako magkakaroon ng sariling pamilya? Kids.. and husband.
"Paano kung guluhin ka pa ni Thunder sa mansyon? That guy is a lunatic. Hindi ko akalaing nagtiwala kami sa kaniya na matutulungan ka niyang makaalala ng tuluyan. Kaya naman pala ilang taon na, hindi ka pa magaling." Sabi niya.
Huminga ako ng malalim. Actually, I don't know. Sa totoo lang, alam kong posibleng manggulo si Thunder sa mansyon lalo na't may nangyari sa amin. Hindi niya ako patatahimikin. Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon.
"Tito James!"
Napatingin ako sa gawi ni James. Kanina ay nagpaalam siyang bibiling pagkain. Magapa-deliver nalang sana kami kaso, dumaan pa siya sa doctor at nagpa-reseta ng gamot na maaari kong inumin para mabawasan ang pagsakit-sakit ng ulo ko. madalas na kasing sumasakit ngayon ang ulo ko lalo na't hindi ko na iniinom iyong ibinigay sa akin ni Thunder.
Yumakap agad sa may binti ni James si Chylee. She likes her Tito James so much sabi ni Chelsea, paboritong Tito daw ni Chylee si James.
"Here. For you." Inabot ni James kay Chylee ang isang box ng chocolate cake.
"Thank you Tito James!"
Inabot naman niya kay Skyler ang isa ring box ng cake. Small boxes lang naman ang mga iyon. Saka niya inilabas sa plastic ang ilang pagkain para sa amin.
Tumabi siya sa akin. "I set an appointment para mai-check ka ng doctor para sa condition mo. Bukas, we'll go there together. Is it okay with you?" tanong niya.
Wala namang masama kung pumunta akong doctor. Mas maigi na iyon para malaman ko ang totoong kalagayan ko at totoong gamot na maaari kong inumin.
"Mabuti naman at nagpa-set ka na ng appointment, James. Nag-aalala ako kay Mandy." Sabi ni Chelsea.
"Magiging okay rin ako, sis." Sabi ko kay Chelsea saka ako tumingin kay James. "Okay sa akin. Sinong doctor? Hm, susunduin mo ba ako sa mansion?"
He just smiled at me. "Let's eat first. I will discuss it to you later." Aniya saka kumindat.
Ano 'yon? Biglang kumabog ang dibdib ko sa pagkindat niyang iyon. Para akong teenager para maapektuhan ng kindat niya. Shit!
Ilang oras din kaming nagkwentuhan at nakipaglaro sa kambal. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. At isa pa, masaya ako ngayon.
We decided to go home. Ihahatid na siguro ako ni James sa mansion.
Nagulat ako ng hawakan ni James ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nasa manibela ng kotse.
"Mandy."
Ang puso ko... it's beating. Hindi ko na talaga maintindihan kung gaano katindi ang epekto ni James Abellano sa akin.
"James."
"I'm sorry but you can't say no to me."
Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? "What do you mean?" tanong ko.
Nanatili ang mga mata niya sa daan. Diretso pa rin siya sa pagda-drive. Wala akong ideya sa sinasabi niya.
"Sa condo ko ka muna titira simula ngayon. I'm sorry for deciding but I think you need to live with me. Hindi ako mapapanatag kung hindi kita kasama palagi."
Napalunok ako. Magsasama kami sa condo niya? Doon ako titira? Magsasama kami na parang mag-asawa? Bakit ganito na lamang ang pagkabog ng dibdib ko?
"Alam ko ring guguluhin ka pa rin ng kulog na iyon. Kaya mas mabuti kung sa akin ka muna titira. I want to stay beside you always. Kung kailangan kong maging bodyguard mo, gagawin ko. I won't let something happen to you."
He's worried about me. Samantalang ako, nagsisinungaling. Meron siyang hindi alam na nag-uugnay sa amin ni Thunder and I really hate to admit but it happened.
"Pero James, 'yung Mama mo." Iyon agad ang itinanong ko.
Why? Dahil ba may parte sa akin na gustong kami lang dalawa ni James ang nasa condo unit niya? What am I thinking?
"Umuwi lang siya sa unit ko pero hindi siya doon nag-stay. Saka aalis na rin siya pabalik ng Japan or States. Don't worry, you'll live with me. Only with me."
Gosh, I can't say no. Is it because I'm in danger or because I really like the fact that we'll live together in one roof? Grabe itong naiisip ko.
"Pero hindi ba ako magiging abala sa iyo? Saka..."
"Never. All I want is to be with you, Mandy. I can spend my whole life being with you so don't ever think that you'll be a disturbance to me."
Ang puso ko, naghihihiyaw na. Ang lakas lakas ng epekto. I don't know anymore!
"Pero kasi..."
"You don't need to worry. Dadaan tayo sa mansion niyo para makakuha ka ng gamit mo. I will call your father later to ask his permission. Though, kahit hindi siya pumayag ay magmamatigas pa rin ako. A least alam niya."
Napailing ako. Hindi ko alam kung bakit wala akong makapang pagka-irita sa kaniya dahil sa pagdedecide sa buhay ko. Para ngang gustung gusto ko pa ang idea na magsasama kami sa condo unit niya. How does it feel to live with him in one roof? I sighed. Ano ba itong mga iniisip ko.
"Are you sure about that?"
He smiled at me. Hinila niya ang kamay ko papunta sa kaniyang labi at hinalikan iyon. "I will protect you, no matter what."
I bit my lower lip. Ngayon ko mas nararamdaman kung gaano kalapit ang puso ko sa kaniya. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Kung sana ay hindi ako nagpadala sa mga pinagsasabi sa akin ni Thunder, e 'di sana ay walang nangyari sa amin at baka malapit na akong makaalala sa tulong ni James.
"James..." tawag ko sa kaniya. He's busy driving again.
"Hmm."
"Thank you." I said. Demonyita ako pero marunong akong magpasalamat. Nararamdaman ko kasi kung gaano ako pinapahalagahan ni James kahit hindi ko pa siya gaanong maalala. He's doing his best for me.
Ngumiti lamang siya bilang tugon.
Ilang saglit lamang ay nakarating kami sa mansion pero nakita ko agad si Thunder na nakasandal sa kotse niya na nakaparada sa may labas ng gate.
Kumabog ang dibdib ko. Paano kung sabihin niya kay James na may nangyari sa amin? I can't. Ayokong malaman ni James. Ayoko.
"Fucking asshole." Ani James saka itinigil ang kotse niya sa gilid ng daan. Parang ayoko pang bumaba dahil kinakabahan ako sa maaaring gawin ni Thunder.
"James."
He looked at me at alam kong nakita niya ang takot sa mga mata ko.
Pumungay ang mga mata niya saka ako hinalikan sa noo ko. "You're with me. Don't worry about him. Let's go." He said.
Hindi naman ako natatakot kay Thunder. Natatakot ako sa maaari niyang sabihin kay James.
Bumaba na kami ng kotse niya at sinalubong agad kami ni Thunder. Hinila ako ni James sa likod niya like he's protecting me.
"Why are you here?" tanong agad ni James. Ayokong tingnan si Thunder. Ayoko siyang tingnan dahil maaalala ko na naman ang nangyari sa amin.
Narinig ko ang pagtawa ni Thunder. "Seriously, you're asking me that? I am here to talk to Mandy, privately."
Napalunok ako. No. I won't talk to him.
"Wala kayong dapat pag-usapan. Tangina, umalis ka na. Baka hindi kita matantiya. Alam ko na ang pinaggagagawa mo kay Mandy. You gave her medicines na hindi naman makakatulong sa kaniya para gumaling. Wow. Damn you for using your profession to decieve her."
Sinilip ko si Thunder at mukhang nagulat siya sa sinabi ni James.
"No!" sigaw niya. "Wala kang ebidensya!"
"I have. Fuck you to death."
"No."
"I can send you to jail for doing that, you asshole. Get out my sight, now or I will call the police."
Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Anytime ay maaari niyang sabihin kay James na may nangyari sa amin at hindi ko alam kung paano ako magre-react kapag nangyari iyon.
Ngumisi si Thunder. "We're not done yet, Abellano. May hindi ka pa alam. Palilipasin ko 'to ngayon but expect me some other time." He said. Sumilip siya sa akin. "Right, Mandy?"
"Don't fucking talk to her. Get out." Sigaw ni James.
Sumama ang tingin ni Thunder sa akin. Mariin akong pumikit. Hinihiling na sana'y umalis na siya.
"Prepare yourself, Abellano. Dahil sa susunod na magharap tayo, you're not going to protect her again." Aniya saka umalis na.
Mabilis siyang sumakay ng kotse niya saka pinaharurot iyon. Nakahinga ako ng maluwag. Nanginginig pa ang tuhod ko.
Hinarap ako ni James saka niyakap. "He's gone."
Kusang tumulo ang luha ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nalaman na ni James ang nangyari sa amin ni Thunder. Hindi ko pa man siya gaanong naaalala, may takot sa dibdib ko na mawala siya at iwan ako. Tulad ng sabi ni Thunder, sa susunod na magharap sila ni James ay sisiguraduhin niyang hindi na ako po-protektahan ni James. Alam kong ang ibig sabihin niya roon ay sasabihin na niyang may nangyari sa amin.
But no. I can deny it. Wala siyang ebidensya. I'm not a virgin anymore—according to James. So I know, wala siyang ebidensya. Huwag lang sana na... no! I can't even think about being pregnant. Hindi maaaring mangyari iyon. Hindi ko matatanggap.
"Sshhh. I know you're afraid of him but I'm here, Mandy. I won't leave you. I'll be here beside you, protecting you, always."
Na-guilty ako. He cares for me so much. Ang swerte swerte ko dahil may James Abellano sa buhay ko dahil kung wala, hindi ko na siguro alam ang gagawin ko ngayon.
There's nothing here in my heart that I felt for Thunder. Walang wala. Kaya alam kong kahit walang James Abellano na nag-e-exist, hindi ko pa rin siya matatanggap sa buhay ko dahil lang mahal niya ako. Thunder is a lunatic. I can't believe I trusted him for how many years.
Alam kong utang ko sa kaniya ang buhay ko. He saved me. But that doesn't mean that I should love him like he did. I'm still thankful to him for saving my life but he can't make me stay with him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top