CHAPTER 2
CHAPTER 2
THE HOSPITAL ROOM SHE WAS currently in, turned into a normal room in just a matter of hours after Dr. Jacobe announced that she was officially okay after two weeks since she woke up. Pinalabas lang siya ng kwarto sa loob ng tatlong oras at nang pabalikin siya ay isa na iyong simpleng kwarto. The medical equipments are now gone, but her uncomfortableness did not go away because it was replaced by two guards outside her room
Magdadalawang linggo na siya sa bahay na 'yon mula nang gumaling siya pero para siyang preso. Lahat ng galaw niya ay dapat naayon sa gusto ng may-ari ng bahay. She cannot leave her room without the company of the guards and she was not allowed to roam around the house. She cannot eat without his permission and she will not be stunned if he told her. She was not allowed to breath without his consent.
Dr. Jacobe already said that she was completely healed, but the man of the house, that man who has a commanding aura around him, did not even let her set off outside the household.
She planned to beg him to let her go and explain that there must be a misunderstanding, but he haven't been home for weeks now. She tried asking around, but no one would answer her. Palaging umiiwas sa kanya ang mga tao sa bahay na 'yon na para bang mayroon siyang nakakahawang sakit.
Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang mga tingin nito sa kanya na para bang may kasalanan siya sa mga ito.
The woman who looked like her—that man's wife must've done something bad in this household. Akala niya pinaglalaruan siya ng mga taong naroon, lalo na ng lalaking 'yon, pero nang makita niya ang larawan ng babae sa salas na nasa ikalawang palapag ng bahay. Halos nanlamig ang buong niyang katawan.
They were alike in every angle. Physically. Wala silang pagkakaiba. Magkamukhang-magkamukha sila.
And her desperation to escape from this house—from that man—only grows. Kailangan niyang makaalis sa bahay na 'to. Houses like this was uncomfortable for her. It made think about an old and ugly memory from her past and nightmares plague her sleep.
Every night that she spent in that house, she shivers in fear. She trembled in her sleep. Her feet and hands were cold because of fear whenever she heard a creak on the floor. And no amount of expensive duvet can calm her nerves.
All she wanted was to stay in a rundown small hotel so, she could do what was needed to be done.
Berry nearly jumped out of her skin when the door opened.
It was one of the nurses, Clara. "Bumaba ka na. Kakain na raw."
Halata ang iritasyon sa boses ng babae pero hindi niya pinansin iyon. Sanay na siyang gano'n ang pakikitungo sa kanya ng lahat ng tao sa bahay na 'yon.
Walang imik siyang tumayo at maingat ang mga hakbang na lumabas ng kwarto.
Nakahinga siya ng maluwang nang makitang wala doon ang dalawang bantay sa labas ng kwarto niya.
Napatigil siya sa paglalakad nang biglang humarang sa daraanan niya si Nurse Clara.
"I'm not buying this act of yours, Bitch," wika nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa na parang diring-diri sa kanya. "Ang kapal din ng mukha mo, 'no? Wala akong pakialam kung magalit ka. You have no power in this house. Sana namatay ka na lang at hindi ka na bumalik pa."
Hindi niya mapigilan ang matawa sa huling tinuran nito. If this woman only knew that she wanted that too.
Mas lalong nairita sa kanya si Clara dahil sa pagtawa niya. "At anong nakakatawa sa sinabi ko?" Sikmat nito sa kanya.
Walang imik siyang umiling saka nakatungong nilampasan si Clara at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
Nang makababa sa unang palapag, nakatungo pa rin siya habang naglalakad patungo sa hapag-kainan. She was taught not to look at other person if not asked, or else, she will be beaten up again. Nadala niya iyon hanggang sa paglaki niya.
When she entered the dining hall, her feet halt. Kaagad siyang nakaramdam ng pagkailang at kaunting takot nang makitang naroon na ang lalaking may-ari ng bahay.
She was in the middle of calming herself when someone pushed her, causing her to stumble and fall.
Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakadapa at lumingon para tingnan kung sino ang tumulak sa kanya.
Nakita niyang nakangisi sa kanya si Clara at matalim ang matang tinarayan siya.
Umayos siya ng tayo saka walang ingay ang bawat hakbang na naglakad palapit sa mesa.
Nang makalapit sa mesa, nanatili siyang nakatayo sa tabi at nakatungo hanggang sa magsalita ang lalaking kumakain.
"Tatayo ka na lang ba diyan o kakain ka?"
Napalunok siya. "K-kakain."
"Then sit." Wala mang emosyon ang boses nito pero ramdam naman niya ang talim no'n.
Maingat siyang umupo saka ilang segundong tinitigan ang pinggan. Akmang itataas niya ang kamay para kumuha ng pagkain nang naglagay ang katulong ng pagkain sa pinggan niya.
"A-ako na." Nahihiyang sabi niya saka kinuha ang pinaglagyan ng ulam sa katulong at siya na ang naglagay sa pinggan niya.
"That's a first." The man said in a gruff voice. "You like slaving the maids."
Naglakas ng loob siyang tumingin sa lalaki at napatigil ang paghinga niya ng makitang nakatitig din sa kanya ang kulay tsokolate nitong mga mata.
Kaagad siyang nagbaba ng tingin.
He tsked. "Look at me."
Slowly, she looked up at him and her breathing became uneven when her eyes met his.
"So this is how you want it, huh?" His jaw tightened. "You deserve an Oscar award for your acting. Bravo, wife. But you will never fool me again."
She averted her gaze. "H-hindi ako ang a-asawa mo, S-Sir."
He laughed coldly, making her goosebumps. "Sir? Really?" He laughed again with no emotion. "You really wanna play with me?
Umiling siya. "N-no, S-Sir." Palihim na kumuyom ang kamao niya. "N-nagsasabi lang h-ho a-ako ng totoo."
He chuckled. "But you're a very good liar, Cherry. I'll give you that. Sa tingin mo maniniwala ako sa mga kasinungalingan mo—"
"P-pero hindi ho ako si C-Cherry." Giit niya.
"Bullshit."
"T-totoo ho 'yon." Naglakas ng loob siyang tumingin sa lalaki. Magkasalubong ang kilay nito at matalim ang mga mata. "Hindi ho a-ako si Cherry. Berry p-po ang pangalan ko. M-magkamukha lang k-kami ng asawa mo, S-Sir."
Ilang segundo siyang tinitigan ng lalaki saka mahinang tumawa. "You know what, Cherry, I will never fall for your acting anymore. Siguro kung noon nagawa mo akong paikutin dahil sa pagpapanggap mo, hindi na ngayon."
"Pero S-Sir—"
"Shut up." He sneered at her. "Eat. And go to your room if you don't want to angry me more."
Kaagad siyang tumahimik nang makitang kumuyom ang kamao nito.
Would he hit her? Where?
Ilang sigundo niyang pinakiramdaman ang kasama kung sasaktan siya, saka lang siya nakahinga ng maluwang nang tinapos nito ang pagkain at iniwan siyang mag-isa sa hapag-kainan.
Ipinikit niya ang mga mata saka pinakalma ang sarili. Ilang minuto pa ang lumipas bago naging normal ang pagtibok ng puso niya. Saka lang niya nagawang kumain.
"ANONG PINAGGAGAGAWA niya habang wala ako?" Tanong niya kay Manang Josie, ang mayordoma sa bahay niya. "I'm sure her acting is off since I'm not around."
"Wala kaming masyadong nakita, Sir Cadmus." Kunot ang noo ng mayordoma na para bang may gumugulo sa isip nito. "Hindi siya lumalabas sa kwarto niya noong wala ka. Lumalabas lang siya sa tuwing kakain na. At kahit nasa labas siya, hindi siya nagsasalita. Palaging nakatungo ang ulo niya kapag naglalakad at parang hindi siya si Ma'am Cherry."
Tumaas ang kilay niya saka mahinang natawa. "Looks like she fooled you again."
Nagbaba ng tingin si Manang Josie. "Pasensiya na, Sir Cadmus. Kakaiba lang talaga ang kinikilos ni Ma'am Cherry—"
"Of course she's acting weird. That's her act to fool everyone again." Napailing siya saka nagtagis ang bagang. "Naalala mo nang huli siyang umaktong parang ibang tao?"
"Oho."
"Yes. I remember that too. And she fooled me into giving her another chance and a lot of money. Hindi na mauulit 'yon, Manang Josie."
"Oho, Sir Cadmus."
"Good." He, then, dismissed her. "Sige, makakaalis ka na. Good night, Manang Josie."
Tumango si Manang Josie saka lumabas sa pribado niyang opisina.
Hinilot niya ang sentido saka isinandal ang katawan sa likod ng swivel chair.
Lahat nang nakakausap niya na kasama ni Cherry sa loob ng dalawang linggo na wala siya ay pare-pareho ang sinasabi. Para raw itong ibang tao.
But he will never be fooled again.
She will pay dearly.
Malalim siyang bumuntong-hininga saka binuksan ang desktop niya at ini-open ang live surveillance ng bahay at inumpisahan niyang panoorin ang footage sa kwarto ng asawa niya mula ng araw na umalis siya.
Like what the maids and the guards said, she didn't leave her room. She just stayed there, reading and lying on the bed. She only goes out to eat at lunch and dinner. Other than that, she stayed in the room. And at night, she would trash on her bed and woke up scared.
Kumunot ang noo niya sa pinapanood. Nakakailang araw na siyang nanonood ng footage pero walang nagbago sa routine ng asawa niya.
She didn't even try to escape from the guards. She didn't try to trick them so, she could get her phone in his private office to call her lover.
Cherry cannot stand a lifeless room like what she'd been using for weeks. Umasa siyang nagpabili na ito ng mga furniture habang wala siya pero wala ni kaisa-isang palamuti ang kwarto nito.
The room is in the same state when he left.
Napailing siya. For two weeks, she was in perfect character.
"She must be planning something big." Napailing siya saka walang buhay na natawa. "I won't let you fool me again, Cherry. Hindi mo na ako maloloko kahit ano pang klaseng pagpapanggap ang gawin mo."
Galit na pinatay niya ang desktop saka bumuga ng marahas na hangin bago tumayo at lumabas sa opisina niya.
Nasa kalagitnaan siya sa pag-akyat sa ikatlong palapag ng bahay para magpahinga dahil maghahating-gabi na nang mahagip ng mga mata niya ang asawa na papalabas ng kwarto nito.
There were no guards to stop her and to follow her because he already sent them home.
I should have lock her up in her room. He tsked. Knowing Cherry, she would do something just to escape. Nagtataka nga siya at hindi pa ito tumatakas sa pamamahay niya. Kaya nga naisip niya na tiyak na may pina-plano ito para tuluyan siyang mapabagsak.
He nearly lost his two companies against her last attack. Hindi na niya hahayaang mangyari ulit iyon.
With a frown, he followed her quietly.
She was sneaking all right. She was up to no good again. Sabi na nga ba't hindi magtatagal ang pagpapanggap nito.
Nang makababa ang asawa niya, dinala ito ng mga paa nito sa kusina.
He was still wondering what she was up to. Then, she picked up a knife on the sink.
His eyes widen, the scene in front of him was like in slow motion. Nagawa lang niyang makagalaw sa kinatatayuan nang makita ang dugo na umagos mula sa pulsuhan nitong walang pag-aalangang hiniwa.
"Damn it!" Galit siyang napamura saka nagmamadaling sinalo ang pabagsak na katawan ng asawa. "What the hell are you doing, you witch!"
Madilim ang mukhang kinarga niya ang asawa patungo sa kwarto nito saka tinawagan si Dr. Jacobe at nagmamadaling kinuha ang first aide kit sa master's bedroom at bumalik sa kwarto.
Just like earlier, she was still unconscious.
Mabilis niyang nilinis ang sugat ng asawa saka nilapatan niya iyon ng pang-unang lunas habang hinihintay si Dr. Jacobe.
Nang bahagyan na lang ang pagdurugo, tinawagan niya si Clara, ang private nurse na inutusan niyang bantayan ang asawa.
"Cherry's room. Now!" He ordered and went back to stop the bleeding.
Did she cut herself that deep? Matalim ang kutsilyo sa kusina. Nasisiguro niya iyon.
Gumagalaw ang panga niya sa galit at frustrasyon. "What the hell are you thinking, woman?! You will really stoop this low just to fool me?"
Cadmus was putting a pressure on his wife's wrist when Dr. Jacobe and Clara came into the room.
Kaagad siyang umalis sa pagkakaupo sa gilid ng kama para bigyan ng lugar ang dalawang bagong dating.
Dr. Jacobe immediately examined Cherry's wound. At nang makita niyang para itong nakahinga ng maluwang, doon lang niya pinakawalan ang hininga na kanina pa pala niya pinipigilan.
"May history ba ng pananakit sa sarili ang pamilya ng asawa niyo, Mr. Valcarcel?" tanong sa kanya ni Dr. Jacobe habang tinatahi ang sugat ni Cherry sa tulong ni Clara.
Mabilis siyang umiling. "Not that I know of. Her mother has no history of self-harm. So is she."
"Then why did she slit her wrist so often?"
Natigilan siya sa tanong ni Dr. Jacobe. "What do you mean?"
"I didn't tell you this because it was irrelevant at the time, but your wife has healed cuts on both of her wrists."
"Meaning?"
"Ibig sabihin palagi niyang hinihiwa ang pulsuhan niya." Napailing ang doktor. "Some are deep and deadly. At itong hiwa niya, hindi ito malalim. I know some people who would cut themselves because they want to feel pain."
He's baffled. "Why would she do that? She's a proud woman. The last thing in her mind is to kill herself and damage her skin."
"Well... people kill themselves for far more less reason," sabad ni Clara.
"She's my wife," iritado niyang wika. "At hindi siya pwedeng mamatay hangga't hindi niya pinagbabayaran ang kasalanan niya sa 'kin."
Galit na umalis siya ng kwarto pero natigilan din noong nasa may pinto na siya.
He felt a magnet forcing him to look back. And he did.
And the most absurd thing happened, his heart pounded. It wasn't loud, but enough to anger and disgust him.
Not a chance. Not again.
Nagmamartsa siyang umakyat sa master's bedroom saka pabagsak na ihiniga ang katawan sa malapad at malambot na kama.
'Hindi ho a-ako si Cherry. Berry p-po ang pangalan ko.'
Marahas niyang ipinilig ang ulo. Impossible!
BERRY WOKE up alive again. When she opened her eyes and saw the ceiling of her prison room, she knew shen wasn't dead.
Tiningnan niya ang pulsuhan niya na nababalot ng bendahe.
Malalim siyang bumuntong-hininga saka bumangon at umalis ng kama. Nang lumabas siya ng kwarto, hindi na siya nagulat nang makita ang dalawang guard sa labas ng kwarto pero naroon pa rin ang takot niya.
Mukhang wala rito ang lalaking 'yon.
That's a good thing.
He makes her very uncomfortable.
Mabagal siyang naglakad pababa ng hagdan saka nagtungo sa kusina para kumuha ng makakain.
The only good thing in this house was the food. Hindi siya nagugutom at palaging may pakain nang nakahain sa kanya pagkababa niya.
But today was different.
When she entered the dining hall, the table wasn't empty. A beautiful little girl was there, eating.
Berry felt a small spark of happiness inside her when he saw the little girl. She was so beautiful and cute.
Only kids can make her dark world lit up. They were the only thing that made her feel good. Maybe because she knew that they won't hurt her like the grown ups would.
Nilapitan niya ang bata saka umupo sa katabi nitong upuan.
"Hello, baby girl." Masuyo ang boses na kuha niya sa atensiyon ng bata.
Nang mag-angat ito ng tingin, bumukas ang takot sa mga mata ito at kaagad na umalis ng hapag-kainan at tumakbo palabas.
Gulat siyang napakurap-kurap. She knew that fear in the little kid's eyes all too well. Berry knew the little girl must be frightened by now, but she adore kids and she can't resist.
She followed her and found her in the living room.
Nang makita siya ng bata, akmang tatakbo na naman ito palayo sa kanya pero humarang siya sa harapan nito.
Kaagad itong umatras, halata ang takot sa kanya. "I'm sorry. Hindi na po ako mag-iingay, Mommy."
Mommy? Napakurap-kurap siya. "Did you just call me... M-mommy?"
The little girl nodded, her eyes tearing up. "I'm sorry na, mommy, hindi na po ako mag-iingay. Makikinig na po ako sa inyo. Sorry. Mommy. Sorry."
She doesn't want to pretend to be someone else's, but she couldn't let the little girl cry.
"Hey... it's okay." Lumapit siya sa bata saka masuyong tinuyo ang luha sa pisngi nito. "I won't hurt you," malumanay ang boses na pagkausap niya sa bata. "Gusto ko lang makipaglaro sa 'yo."
May pagdududa man ang titig sa kanya ng bata, pagkalipas ng ilang segundo ay tumango ito bilang pagsang-ayon sa gusto niya.
"Promise, you won't hurt me again?" anang bata.
She frowned. "Again?"
"Yes." Napahawak ang bata sa pisngi nito, "you slapped me, remember? Because I'm too loud and so noisy."
What kind of mother does this little girl have? "I'm sorry." Hinaplos niya ang buhok nito saka pinanggigilan ang pisngi nito. "I promise I won't hurt your cute fluffy cheeks again. Are we friends now?" Inilagad niya ang kamay.
May pag-aalangan man ay tumango pa rin ang bata. "Sige. Kung 'yan ang gusto mo, Mommy."
Hindi niya pinansin ang tinawag nito sa kanya. She was delighted that there's an innocent soul in front of her, untainted from all the cruelty in the world. How she wished to be just like this little girl, oblivious and unharmed.
Hinawakan niya ang kamay ng bata saka masuyo iyong pinisil. "Gusto mo bang maglaro, baby?"
Kaagad na tumango ang bata. Bakas ang excitement sa mukha nito habang nakatingala sa kanya. "Yes po."
"Okay," she softly smiled at her, "anong gusto mong laruin natin?"
"Dolls?" She cutely suggested as she pouted her lips.
That made her smile. "Okay. Let's play dolls."
Parang bumalik sa pagkabata si Berry habang nakikipaglaro sa batang babae. Nakalimutan niyang kumain at nawala sa isip niya ang gutom na naramdaman kanina. She even forgot about her nightmares and she felt a spark of light in her void existence.
For the first time in a long time, she was happy.
"WHERE'S MY DAUGHTER, damn it!" Galit na sigaw niya kay Clara na siyang tumawag sa kanya at nagbalita na iniwan ng ina niya sa bahay ang anak niya dahil may importante itong lakad. "Nasaan si Snow?"
Namumutlang sumagot si Clara. "Sa kwarto ho ni Ma'am Cherry."
Fear and anger filled him. The last time Cherry and Snow were together, she slapped his baby girl! And that was the last straw of his patience.
Mahigpit na kumuyom ang kamao niya habang malalaki ang hakbang na tinungo ang kwarto ng asawa.
If she lay a finger on his princess, he will not hesitate to end her life. Pinalampas niya ito noong una pero kapag may ginawa pa ito sa anak niya, magkakamatayan silang dalawa.
Every step he makes, dread consumed him. He can still remember Snow's whimpers and sobs. The redness of his Princess' cheeks and the pain and fear in her eyes as she looked at him.
No. Not again.
He have to hurry up! Baka kung ano na ang ginagawa ni Cherry sa anak niya.
Ang malalaking hakbang ay nauwi sa mabilis na pagtakbo. Hinihingal siyang nakarating sa kwarto ni Cherry. Kaagad niyang binuksan ang pinto pero bigla siyang natigilan sa nakita.
Nakadapa si Cherry at Snow sa sahig habang naglalaro ng Building Blocks at nagkalat naman sa sahig ang mga barbie dolls ng anak nila. Pareho ang dalawa na walang pakialam sa paligid habang masayang naglalaro.
Napatitig siya sa anak niya. Walang takot sa mukha nito. Her face was filled with happiness. Just like Cherry's. His wife looked happy... genuinely happy. Her eyes even sparkles in happiness and it's the first time he ever saw his wife like this.
It's an act. Anang likod ng isip niya.
Marahas niyang ipinilig ang ulo saka nilapitan ang anak at kaagad na kinarga palayo kay Cherry.
"Daddy, we're still playing—"
"No." He said, firmly.
"But Daddy—"
"No buts, Snow." Pinanlakihan niya ng mata ang anak. "Go to your room. Now!"
Nakasimangot na nagpaalam si Snow kay Cherry na tinugunan naman nito ng tipid na ngiti.
Nang makaalis ang anak niya, hindi niya alam kong sasakalin niya si o tatawa dahil sa pagpapanggap nitong mapalapit sa anak nila.
She had already done this before, trying to get to him through their daughter and he will not let her do that again.
"So this is your plan? Be nice to Snow so I'll be nice to you?"
Tumayo si Cherry mula sa pagkakadapa saka inayos ang bahagyang nalukot na damit. "A-ayos lang n-naman kung hindi ka maging mabait sa 'kin, basta huwag mo lang pagagalitan 'yong bata." Nakatungo ito habang malumanay ang boses na nakikipag-usap sa kanya. "Ako ang nag-aya sa kanyang maglaro."
Pagak siyang natawa sa sinabi nito. "Wow. You're giving me a parental advice?" Dinuro niya ito. "Just priceless and full of bullshit coming from you!"
"Nakikipaglaro lang naman ako—"
"I don't care. And can you cut out this nice-and-pitiful-woman act of yours? It's starting to get into my nerves." Nanggigigil sa galit na sinapo niya ang mukha nito saka pilit na pinatingin ito sa kanya. "And don't you dare talk nor play with my daughter again. The last time you did, you used our daughter in your schemes, you have hurt her. I'm warning you now, Cherry, I can be a monster when I need to."
Malakas niyang itinulak ang asawa sa kama saka malalaking hakbang na umalis ng kwarto nito at nagtungo sa kwarto ni Snow.
Cadmus already left the room so, he didn't see the tears of self-pity and fear of being beaten in Berry's eyes.
CECELIB | C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top