CHAPTER TWO


CHAPTER TWO

KRISTINE'S POV

Weeks turned to months, namalayan ko na lang na tapos na ang first year sa college namin.

As usual, second highest pa rin ako at first pa rin si Chad. Sa hindi ko nga malamang dahilan ay tila ba walang naaalala si Chad, o si Bryle, o kahit sino tungkol sa nangyari noon na pag-kidnap sa akin ni Chad.

Para naman sa kapatid niyang si Crystal, okay naman na siya. Nakakapagsalita na ulit. Parang wala talagang nangyari. Pero kung walang nalalaman ang lahat, bakit alam ko pa rin?

Si Mari naman ay hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon sa school. Baka hindi lang talaga kami nagkakatagpo o baka nasa ospital. Hindi ko na talaga sigurado.

Gusto ko sanang kausapin si Cyril tungkol sa bagay na iyon pero hindi pa ako nagkakaroon ng lakas ng loob na humarap sa kahit sino sa kanila. Simula rin kasi nang may mangyari sa ball ng STEP UP Univ eh kalat na sa campus ang relasyon nila Jairo at Blaire.

Syempre, laging kasama ba naman ni Jairo si Blaire at nakikitang naghahalikan ang dalawa sa kahit anong parte ng campus. So sino ba namang hindi makakaalam, diba?

At dahil laging magkasama ang dalawa, lagi ring nakasunod ang mga alagad ni Jai sa kanila. Maliban kay Bryle, umiwas siya sa lahat eh. Iniiwasan niya ako at hindi na rin siya sumasama sa grupo. Though noong graduation ay nakakausap ko na ulit siya ng may ngiti sa labi niya.

Speaking of graduation, buti na lang at nakapagtapos ako ng unang taon nang hindi na masyadong pinag-uusapan eh. Though of course, I could still hear some whispers here and there.

Naging maingay nga kasi noon ang pangt-trip ni Jairo sa akin at ang panliligaw niya, kaya naman ang mga tingin ng tao kada daraan sila Jairo at Blaire sa harap o gilid ko ay napupunta sa akin.

Muli na lang akong napabuntong hininga saka pilit na inalis ang dalawang iyon sa isip.

"Ate, ayos ka lang?" Napatingin naman ako sa nagtanong saka nakitang umuupo sa tabi ko si Angelica.

Kasalukuyan akong nasa probinsya at kasama ang aking pamilya. As usual, wala si Papa dahil nasa ibang bansa pero nangako siyang uuwi siya sa pasko kaya naman excited na kaming lahat.

Mahina naman akong tinulak ni Angelica. "Ate. 'Yung totoo, ayos ka lang po ba? Simula nang umuwi ka rito panay na ang pagtulala mo. Kahit sila Mama at Allen eh nag-aalala na."

Huminga ako nang malalim bago ngumiti at humilig sa balikat ng kapatid ko. "Ayos lang. Medyo hindi lang maka-get over sa univ."

Ramdam ko naman ang paggalaw niya. "Nako naman, Ate. Kalma lang naman kasi. Puro ka naman aral eh. May kaibigan ka na ba roon? At hindi libro ha? 'Yung totoong tao, Ate."

Mahina naman akong natawa saka nakangiting sumagot. "May kaibigan na ako. Hindi ko nga inaasahang magiging kaibigan ko sila pero mababait naman sila." Pumasok sa isip ko ang Concepcion twins, Ayel, at sila Bryle. "For the first time, may kinakausap na ako sa univ. Himala, diba?" Muli akong natawa.

"Ang mahalaga ay sigurado na akong hindi ka na mag-isa roon, aute. Uso rin naman kasing mag-enjoy. 'Yung gala gala. Tapos tinatanong na nga ni Mama kung may kasintahan ka na raw eh."

Agad akong napaupo nang maayos at hindi makapaniwalang napatingin sa kapatid ko. "Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "Magkakaroon ng kasintahan?" Saglit na pumasok sa isip ko si Jairo saka umiling. "Napaka-imposible."

Angelica shrugged at my reaction. "Nako, Ate. Papayagan ka naman ni Mama eh. Tatanda ka na ulit sa makalawa kaya legal ka nang magka-boyfriend."

Napailing lang ako nang napailing. "Ayokong magkaroon ng boyfriend. Ang dami-raming problema sa mundo, magdadagdag pa ako ng batong ipupukpok sa ulo ko."

Natawa naman siya. "Ay ang bitter, Ate ah."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Nagsasabi lang ako ng totoo." Umalis naman ako sa pagkakaupo sa papag at tumayo. "Halika na't pumasok. Malapit nang magdilim, baka lamukin tayo rito."

Hindi naman na umangal si Angelica at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Sakto namang nagsisimula nang mag-ayos ng hapagkainan si Mama kaya tumulong na rin kami ni Angelica.

"Asaan na ho ba si Allen?" tanong ko kay Mama nang makumpleto ang pagkain at gamit sa lamesa.

"Malamang eh nasa kapitbahay pa. Nagpaalam 'yun kanina na makikipaglaro kela Nelson eh. Nakakalimot ata ng oras." Napailing si Mama. "Nako talaga iyong batang 'yun."

Napangiti naman ako. "Sunduin ko na lang, Mama." Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako.

"Ay teka lamang! Ito oh," sabi niya sabay abot ng plastic tupperware sa akin na may lamang ulam. "Ibigay mo na rin kela Franceska," tukoy ni Mama sa nanay ni Nelson na kapitbahay namin.

Ngumiti lang ako saka tinanggap iyon at lumabas na. Magkakalapit-lapit lang naman ang mga bahay rito kaya hindi rin ako natagalan sa pagpunta sa bahay nila Aling Franceska.

Ilang katok lang ay bumukas ang pinto at sinalubong ako ng nakangiting ginang. "Oh! Kristine, ikaw ba 'yan? Kay gandang dalaga naman!" puri ni Aling Franceska.

Naiilang naman akong ngumiti saka inabot sa kanya ang tupperware. "Ipinabibigay po pala ni Mama." Nang tanggapin niya iyon at nagpasalamat ay saka ako muling nagsalita. "Si Allen po pala?"

"Ayy! Oo nga pala." Natawa ito. "Orven! Paki tawag nga si Allen! Sinusundo na siya ng Ate Kristine niya!" sigaw ng ginang na ikinapilit ko ng ngiti.

Akala ko ay si Allen na ang lumapit sa pinto kaya lang iba ang sumilip. Medyo pamilyar ang mukha niya sa akin pero hindi ako sigurado. Mas lalo namang lumaki ang ngiti ng lalake sa akin.

"Tintin?" banggit niya sa isang napakaluma kong palayaw.

Napakunot naman ang noo ko. Iisang tao lang ang tumatawag nun sa akin. "Venven?"

Nakangiting tumango ito ng sunod-sunod. Nilampasan niya ang nanay niya saka tuluyang lumabas ng bahay nila kaya medyo napaatras ako ng hakbang. "Ikaw nga! Akala ko hindi na ulit kita makikita. Akala ko rin namali lang ako ng dinig kay Inay."

Ilang beses akong napakurap. Siya nga! Halos hindi ako makapag-salita. Nagkahiwalay kami noon nang pumunta ako sa Maynila para mag-aral, at kung hindi ako nagkakamali ay sa Cavite naman siya nag-aral noon. Ibang-iba ang itsura ni Venven ngayon. I mean he still has those pretty brown eyes and charming smile, but he's a lot taller and his body built is something to praise about.

Orven Salazar... my childhood best friend and first-ever crush.

What a coincidence.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top