CHAPTER THREE


CHAPTER THREE

KRISTINE'S POV

"Kumusta ka na?" muling tanong sa akin ni Venven nang hindi ako nakasagot kaagad.

Ilang beses akong napakurap pero ngumiti. "Ayos lang naman. I wasn't expecting to see you here. Akala ko ay nasa Cavite ka pa rin."

Mas lalong lumaki ang ngiti niya saka lumapit muli sa ina at niyakap ito mula sa gilid. "Nami-miss na raw kasi ako nila Inay kaya syempre, nung nagkaroon ng ipon at break, agad akong umuwi." Mukha pa siyang nanlalambing lalo na yumakap kay Aling Franceska.

Mahina naman siyang tinapik nito sa balikat. "Nako kang bata ka. Simula nang makauwi ka ay grabe ang panlalambing mo, ha? Hindi ka naman ganyan noon," wika ni Aling Franceska na nagpangiti sa amin ni Venven.

"Ito naman si Nanay eh. Sige na nga. Miss na miss ko naman po kasi kayo nang sobra kaya ginusto ko na talaga umuwi. Isipin mo, Nay. Ilang taon na hindi tayo magkakasama. Tuwing pasko lang ako nakauuwi. Syempre nagplano ako ng ganito," Venven explained, which made my heart soften.

Miss na miss ko rin kasi sila Mama at Papa kaya naman alam ko rin ang mararamdaman ni Venven kung ganoon katagal ko rin silang hindi nakakasama.

Nanatili siyang nakayakap sa ina saka tumingin sa akin. "Ayy oo nga pala. Tatawagin ko muna si Allen." Pinakawalan ni Venven si Aling Franceska saka nagpaalam at pumasok nang tuluyan sa bahay nila.

Ilang saglit lang ay nakabalik din siya agad kasama ang kapatid ko. Nagpaalam na kami't aalis na nang muling magsalita si Aling Franceska. "Ihatid mo na rin kaya sila, Orven."

Ngumiti naman si Venven. "Sige po, Nay." Tumingin siya sa akin saka mas lumaki ang ngiti. "Tara na? Para 'di na tayo gabihin."

I rolled my eyes at his playful remark. "Oo nga naman. Magta-tricycle pa pauwi eh," pagsakay ko sa trip niya.

Sabay kaming natawa saka tuluyan nang nagpaalam kay Aling Franceska. Nasa harap si Allen na parang may sariling mundo habang nasa likuran naman niya kami ni Venven.

"Musta ka na?" tanong ko sa aking kaibigan.

Nakatingin siya sa harap pero nanatili ang ngiti sa labi niya. "Ayos naman. Bale masaya yung napili kong course. Pakiramdam ko bagay na bagay sa akin." Lumingon siya sa akin. "Ikaw ba? Musta?"

Napahinga ako nang malalim saka tumingala sa langit. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang gusto kong sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. "Pagod na pagod na." I wanted to stop myself from breaking the wall I built to keep myself okay, but it started crumbling. "Pagod na akong magpanggap na okay ako. Pagod na akong lokohin ang sarili kong kaya ko pa. Pagod na akong isipin na kung sinabi ko sa kanya nang maaga edi sana ako ang kasama niya ngayon, na ako yung pinili niya, na ako yung mahal niya."

Hindi ko namalayang umiiyak ako kung hindi ko pa naramdaman ang malambot na bagay sa pisngi ko. Venven was wiping away my tears using a handkerchief. Bigla naman akong napatigil sa paglalakad saka yumuko. Pilit kong pinapahid ang mga luha sa pisngi ko.

Nang masigurong wala nang luhang tutulo ay pinilit kong ngumiti. Napabalik naman ako sa kasalukuyan kung saan gusto kong batukan ang sarili ko sa pag-iyak sa harap ng ibang tao. Porkchop ka talaga, Tine! Porkchop ka!

Saglit akong natigilan sa pamamaraan ng tingin ni Venven. His cold stare sent shivers to my spine, but when I blinked, it was gone and replaced with eyes filled with worry. Baka mali lang yung tingin ko. I mean...

Bakit naman niya ako titingnan na para bang gusto niya akong makitang nasasaktan?

Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating na sa bahay namin. Nginitian na lang ako ni Venven saka nagpaalam na aalis na kaya naman pumasok na kami ng tuluyan ni Allen.

Kumain na rin kami ng hapunan saka nagligpit ng pinagkainan. At dahil si Allen ang rason kung bakit lumamig ang pagkain namin—dahil hindi siya umuwi kaagad—siya ang naghugas ng mga pinggan.

Maayos naman na ang mga sumunod na araw namin. Madalas kong sunduin si Allen kela Aling Franceska kaya naman madalas din kaming magkita at mag-usap ni Venven.

Hanggang sa huling linggo ng summer break naming dalawa ay magkausap kami. Bumalik na rin si Papa noong isang linggo sa abroad dahil saglit lang naman ang bakasyon niya rito sa Pinas.

"Sa tingin mo... kung ibang course at hindi Psychology ang kinuha mo last year, ano 'yun?" isa na naman sa mga random question ni Venven.

Napaisip naman ako habang nakatingala sa maulap na langit. "That would've been Pharmaceutical Sciences." Nang hindi siya muling nagsalita ay nilingon ko siya. "Ikaw ba? Kung hindi IT-related ang kinuha mong course, ano 'yun?"

He looked me straight into my eyes and sincerely said, "Siguro Cardiac Care Technology."

"B-Ba't naman..." nakatingin ka sa akin nang ganyan?

"Para magamot ko ang puso mong nasasaktan," seryosong bitaw niya ng linya.

Ilang saglit lang ay sabay kaming natawa. "Baliw ka talaga eh, 'no?"

Natatawang napakamot siya ng batok niya. "At least seryoso ko siyang nasabi."

Naiiling na lang akong napangiti. "Ewan ko sayo, Venven." Muli akong napatingin sa langit.

"Sa tingin mo, Tintin, magiging okay ka ba pagbalik mo bukas?" tanong niya sa akin na tanong ko rin sa sarili ko.

Napabuga ako ng hangin. "Oo? Sana? Siguro? Bahala na. Basta ang alam ko ay kailangan kong maging okay. Saka hindi naman siya ang ipupunta ko sa univ eh, kundi ang pag-aaral ko."

Tuluyan naman na kaming nilukob ng katahimikan bago napagpasyahang umuwi na sa kanya-kanyang bahay.

Agad bumungad sa akin si Mama na nakangiti at para bang may gustong tanungin. "Bakit po, Ma?"

"Kayo na ga ni Orven?" diretsuhang tanong ni Mama na nagpabukas ng bibig ko.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "Mama naman. Napaka-malisyosa mo po." Napailing na lamang ako. "Magkaibigan lang po kami ni Venven."

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ni Mama. Na para bang bigla siyang nalungkot at nanghinayang. "Bagay naman kayo simula pa noong bata pa kayo. Bakit ba ayaw mo pang magka-nobyo? Ha, Kristine?"

Agad nanlaki ang aking mga mata. "Ma! Bakit yung ibang mga magulang eh ayaw pang magka-jowa yung anak nila pero ikaw ay go na go na?" Napabuga na lamang ako ng hangin. "Gusto ko po munang mag-focus sa pag-aaral ko, Mama."

Si Mama naman ang napabuntong hininga. "Eh may naikwento kasi si Winette noon. Akala ko tuloy ay pag-uwi mo ay may ipapakilala ka na sa amin."

Ilang beses akong napakurap. May ipapakilala? May kinwento si Tita Winette? Ano 'yun? Sino? Hindi ko na lang tinanong si Mama at hindi na rin naman siya nagsalita pa kaya naman diretso na kami sa pag-aayos ng hapagkainan.

Hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano ang posibleng naikwento ni Tita kay Mama. Sila Ayel ba? Si Bryle? Si... Si J—Umiling na lang ako saka humiga sa kama ko.

Nang dahil sa binanggit ni Mama kanina ay medyo kinabahan na naman ako para sa pagbabalik ko sa Maynila bukas. As usual, kay Tita Winette ulit ako pansamantalang makikitira at bibili muna ako ng mga kakailanganin kong gamit dahil next week na ang pasukan.

Inaayos ko naman na ang mga requirements ko at ipapasa na lamang iyon pag-uwi ko bukas.

Sana lamang ay sa loob ng isang linggo bago ay pasukan ay hindi kami magtatagpo ng landas. Kaya lang...

Bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. It was a text message from Ayel.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: Ayel

Are you finally coming back tomorrow? If yes, I'll pick you up from the bus terminal. If not, I'll just pick you up from your house. Okay?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mahina na lang akong natawa saka napailing. Kahit kasi alam ni Ayel ang nangyari sa amin ni Jairo ay hindi pa rin siya tumigil sa pakikipag-usap sa akin. Her point? "We're friends whether you and my cousin end up together or not."

Napabuga naman ako ng hangin saka tumingin sa kisame. Babalik na bukas. Babalik na sa mundong pilit kong tinakasan at kinalimutan ang sakit na dala nito. Ano na lang kaya ang mangyayari sa amin? Sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top