Chapter 5

(A/N: Di po talaga original song ni Nicole to. kunwari lang. It's MAPA by SB19 and No copy right intended. Thanks)

++++++++++++

Nag umpisa na kong magplucking at sabayan ang kanta.

"Latara tara
Latara tara
Latara tara tara
Latara lata
Latara tara
Latara tara
Latara tara tara
Latara lata"

pinikit ko lang ung mata ko ng kantahin ko na ung unang line ng kanta ko. And yes it's dedicated for my mom..

"Mama, kumusta na?
'Di na tayo laging nagkikita
Miss na kita, sobra
Lagi na lang kami ang nauuna
'Di ba pwedeng ikaw muna
Akin na'ng pangamba"

mama janice is not my real my mom but she treats me as her real daughter. Hindi nya pinaramdam na ampon lang ako at hindi nya kamag anak. kahit galit sakin ung pamilya ni Papa mondy at ung pamilya nya. hindi sya nagpatinag at inalagaan ako. kaya gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanya.

"Dahil ikaw ang aking mata
Sa t'wing mundo'y nag-iiba
Ang dahilan ng aking paghinga"

di ko alam kung anong gagawin ko pag pati si mama nawala sakin. baka mamatay ako ng di oras. ung buhay pero patay na.

"Kaya 'wag mag-alala
Ipikit ang 'yong mata, ta'na
Pahinga muna, ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Mama, pahinga muna
Ako na"

napamulat ako at napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin lang sakin na nakangiti,  ung iba naman parang naamaze sa naririnig nila. ako, idadamdam ko lang ung kanta. napatingin ako kay Kim na nakathumbs up at teary eye. Alam nila ni Danica ang kwento ko kaya ganyan yan.

Latara tara
Latara tara
Latara tara tara
Latara lata
Latara tara
Latara tara
Latara tara tara
Latara lata

at tinapos ko ang kanta ko ng isang stram.. di man ako humihiling ng palakpak pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil binigyan nila ko nun.

"Thank you po. pasensya na kung may mga mali. hehehe" sabay kamot ko sa ulo ko habang nagpapasalamat

"grabe! may lapse pa un? ang ganda na nga ih!"
"namiss ko tuloy si mama kahit lagi naman kaming magkasama."
"Sir! pwede ba tumawag sa nanay ko ngayon? kakamustahin ko lang."

Sabi ng mga kaklase ko. natawa naman ako ng unti kasi naman ih...

"Hahaha. actually that's exactly what i want to do, call my mom and ask if she's doing good. Salamat sa kantang yan Ms. Ferrer, lahat ata kami ay namiss ang parents dahil sa kanta mo." komento ni Sir na nakangiti.

"Salamat po, Sir." sabi mo at yumuko pa.

"No, Thanks to you. pwede bang irecord mo yan, i want my friends to hear that song of yours." sabi nya at ngumiti at tanging ngiti na lang din ang nasagot ko sa kanya.

"iba din magpakitang gilas!" sabi ni Tal na pumapalakpak palakpak pa.

"Sabi sayo ih! mamalasin sila pag di nila narinig boses mo!" sabi naman ni Kim.

"Mga baliw." Sabi mo naman at naupo na sa pwesto ko.

Nagtuloy pa nga ang activity namin at nang matapos na.

"Okay. Thank you sa inyong lahat na nagparticipate. I really appreciate it kahit na gasgas na gasgas na ang activity natin kanina." sabi ni Sir ng matapos ang last student.

"ayoko munang maglecture sa inyo. ngayong araw let us all enjoy our time. pero hindi ibig sabihin na wala akong maituturo sa inyo. ayoko lang talagang magturo pa dahil it's just 3 days since nagstart ang class." paliwanag nya samin. may point naman si sir. "tapos bibigyan ko agad kayo ng quiz, lecture, exam and pressure."

"I once was a student and i don't want a pressure and stress. Hindi ko din balak gayahin ang Prof ko na nagpaexam sa first day nya." mahaba at natatawa nyang paliwanag.

grabe! first day magpaexam?! anong alam ng estudyante nun. Buti na lang mababait ung Prof namin ngayon at walang ganung ganap. Hahahaha

"So tomorrow we will start our formal discussion. I expect all of you na mag advance reading kung kaya. para medyo mabilis ang discussion natin. Understand?" pagtatapos na sabi ni Sir Henry. "Okay! Goodbye to all of you." pagpapaalam nya habang nililigpit ang gamit.

Akala ko aalis na si Sir ng biglang tawagin nya ang pangalan ko.

"And oh! before i forgot. Ms. Ferrer the record of your song pakibigay sa office ko mamaya. i'll wait for that. bye guys!" at tuluyan na nga syang umalis.

"Special mention ang pangalan bruha! wag mong sabihing aagawan mo pa ko. may kuya daniel ka na!" sabi ni kim na walang preno ang bibig!

"sabi ko na type ka ni kuya daniel ih!" singit naman ni tal. hay naku!

"Pinagsasabi nyo?!" sagot ko lang sa kanila na dapat naman ay sasagutin ni Kim pero may dumating ng prof kaya natahimik na kami.

Discuss
Discuss
Discuss

Natapos ang Discussion sa iba naming subject at maglalunch na kami ngayon. dahil may baon ako, sila lang ang bumili ng pagkain nila at kasabay na namin si Danica. at ako pinag iisipan ko kung irerecord ko ba talaga ung kanta ko at ibibigay kay sir. 2 hrs vacant namin kaya kung gagawin ko un. bahala na!

"Hey! Bring back our dear Nicole into reality!" nawala naman ako sa pag iisip dahil sa salita ni Danica. "Ano bang iniisip mo at di namin maabot?" dagdag tanong nya.

"ay naku! iniisip nyan ung sinabi ni sir na irerecord ung kanta nya." sabi ni tal

"really?! you sing? your own song? omg! i want to hear that song Nics! Hindi pwedeng hindi. 1 hr ang vacant ko kaya pwedeng pwede mong iparinig yan while you recording it." masiglang sabi naman ni Danica.

"Okay lang ba talagang irecord ko? parang nakakahiya." sabi ko naman na pinaglalaruan ang kutsara ko.

"of course it's okay! si sir na nga mismo ang nagsabi diba? gaga to! opportunity ko na un para makita si sir ulit!" sabi ni kim na nakatingin pa sa taas.

Tumaas naman agad ang kilay ni Danica at Tal. "Really YOUR opportunity not NICOLE's?" mataray na sabi ni Dani

"Ay! sorry ou nga. sayo pala! Hahahahaha" parang wala lang sa kanya ang pagtataray ni Dani.

"Kain na tayo! maya na lang natin isipin un. Gutom na ko." sabi ko sa kanila

Panigurado kasing hindi titigil yang si Danica at Kim sa rambulan habang ang Tally tawa lang ng tawa. Naiiling na lang naman ako sa kanila. pag talaga etong dalawa ng sama! sabog ang buong pagkatao ko. HAHAHAHAHA

"So what's your decision Nics?" inip na tanong  Danica. "Unting oras na lang matitira sa vacant ko... parinig na ko.." dagdag pa nya.

"Oo na sige na. Tara record na natin." sagot ko sa kanya at pumunta sa medyo tahimik na lugar para maganda din ung recording.

"Waaaah! i want to call mama because of this song!" sabi no Danica after kong irecord ung kanta. Buti na lang kanina pinapakinggan nya lang at hindi nagsasalita..

"Tara na! ibigay na natin to kay sir henry at ikaw?! pumasok ka na sa next class mo." nakangiting sabi ko na lang sa kanya at niyaya na nga ung dalawa pumunta ng office ni sir.

"Ay?! Anong meron?! Bat andaming tao? Wag mong sabihing lahat to hiningan ni Sir ng reocrded song?" Sabi ni Tally

"Ay wow! ganyan kadami? wag na lang. Hahahaha. bahala si sir dyan sa request nya. hahahahaha" sabi ko at paalis na dapat ng hilahin ako ni Kim

"Ako na lang ang magbibigay! Sige na oh! Support mo ko dito!" Sabi nya at ngumuso pa.

"Ganun mo talaga ka crush si sir? na okay lang sayong makipagsiksikan?" Tanong ni Tal na di makapaniwala sa nakikita at narinig nya.

"ahm.. yes. hihihi" nakangiwing sabi nya. kahit kailan talaga tong babaeng to! "ih kasi naman.. sayang ung record tas diba si sir naman mismo nagsabi.. kaya sige na!" pangungulit nya sakin.

"Sige na.. Ou na. ikaw na magpasa kay sir nyan. ayusin mo ah! at isa pa! wag mong gagamitin ang pangalan ko para makuha ang number ni sir! kekeltokan talaga kita ng solid!" pagpapaalala i mean pagbabanta ko sa kanya.

At tanging tawa lang ang naging sagot nya. Umiling na lang ako at niyaya si Tal na umalis na, mapapadaan kami malapit sa pintuan ni sir kaya naman medyo masikip. Sakto namang bumukas ang pinto ni Sir Henry ng malapit na kami at agad din nya kaming nakita ni Tally.

"Nicole!" tawag nya sakin at nahiya naman ako kasi biglang tumingin sakin ung mga babaeng nakatambay sa labas ng office ni sir. "What are you doing there?" natatawang sabi ni sir.

"Ahm. ung record po kasi na sabi nyo. okay na po. ibibigay ko lang sana kaso madami pong tao kaya po ung friend kong si Kim na lang po sana ang magbibigay." Sagot ko at tinuro pa si Kim na nakangiting tingin samin.

"Oh! sorry about that. naabala ko pa ata kayo ng mga kaibigan mo. Let's go inside andun kasi ang phone ko. So you know, you can pass it to me." nakangiting sabi ni sir at tinawag pa si kim.

proud naman na lumapit si Kim at parang akala mo ih nakajackpot!

"Let's go." aya nya sa amin at hinarap ang ibang mga estudyante.

"Guys! go back to your own business. baka may mga pasok na ang iba sa inyo. kaya naman pumasok na kayo. and please don't do this again. baka matanggal ako sa trabaho."saway ni Sir Henry sa mga kapwa namin estudyante at nagpatuloy sa paglalakad.

Sumunod lang kami sa kanya at di na tinignan ung mga babaeng estudyante na malamang sa malamang pinapatay na kami sa isip nila. Pero bakit ba? si Sir naman ang pumansin samin. Hehehe

"Upo muna kayo. Asan na ba un?" sabi samin ni sir ng makapasok kami sa office nya. at susyal! malaki at parang ipinagawa nyang mismo. Dahil sobrang comportable ng atmosphere dun..

"Eto na! wait paano pala natin ipasasa?" Tanong naman nya na nakangiti samin.

"Ou nga. paano ih! mukhang mamahalin ung phone nyo sir." dahil ou nga naman at di ko naisip un. paano ko ipapasa???!!!

napaisip naman kaming lahat.

"Eh kung kantahin mo na lang kaya ulit dito tas sa phone na ni Sir irerecord. para di na mahirapan pa!" suggestion naman ni Kim na komportable sa inuupuan nya. bruhang to!

"Great idea Ms. Santos, pwedeng dito mo na nga lang ulit irecord. If it's okay with you." sang ayon naman ni sir kay kim.

"Ahm.. sige na nga po. mukhang no choice naman na po kasi andito na rin kami. Hehehehe" sagot ko naman na nahihiya pa.

"Yun! so anong need mo para sa recording mo?" masiglang tanong ni sir na parang gustong gusto talaga nya ung kanta ko.

"Ahm. katahimikan lang po. pakitapalan na lang po ung bibig ng babaeng yan, para po hindi marinig ung tili nya. Salamat po." sabi ko na tumuturo pa kay Kim.

Tawa ang naging sagot ni Sir pati na din si Tally. samantalang si Kim ayun nakanguso at magkasalubong ang kilay. Hahahaha. asar na naman yarn? hahahaha

"Okay. i'll do that for you and heres my phone nasa record na yan pindutin mo na lang." sabi pa ni sir at tumingin kay Kim na ikinagulat pa ng gaga. "Wag ka muna maingay ah. I just need this song for my friend kaya gusto ko iparecord. Thanks" sabi ni sir na ikinapula ng mukha ni Kim.

Natawa naman kami ni Tal at hindi na nagsalita. inayos ko ang gitara ko, pinindot ko na ang recording at nag umpisa. Nakatingin lang sakin sila Sir habang nagrerecord. naiilang man pero kailangan kasi andito na kami ih. Hihihi

"Thank you ulit Ms. Ferrer for the song. i'll treat you three some snacks kung okay lang din ulit. Hahaha" sabi nya ng matapos ung recording namin.

"Hindi na po sir. Okay lang po. Sana po mag enjoy ung kaibigan nyong pagbibigyan nung kanta. maramdaman nya po ung meaning nung kanta. Okay na po ako dun. Hehe" sagot ko kay sir na nakayuko at inaayos ung gitara ko.

"I'm sure maeenjoy na to" sagot naman ni sir na siguradong sigurado. "Salamat ulit." nakangiting sabi nya ng mag angat na ko ng tingin sa kanila.

Tango lang ang naging sagot ko at nagpaalam na dahil papasok na kami sa klase. Medyo matagal din ung inantay namin bago magkaroon ng prof. 2 subjects na lang tas uwian na.

"Sasabay daw ba ulit si Danica satin?" Tanong ni Kim habang nag aayos ng gamit.

"Hm. di ko alam ih. mukhang mamaya pa tapos ng klase nun." sagot ko naman na ganun din ang ginagawa.

Naglakad na kami palabas ng room ng matapos kami sa pag liligpit. hay! buti na lang at walang aaway saming mga girls dahil sa nangyari kanina. kung hindi yari talaga!

Katulad nga ng inaasahan di namin kasabay si Dani kasi may klase pa sya so kami lang tatlo ang sabay sabay umuwi.

pagkauwi ko wala pa si mama, ganun na lang ulit ang ginawa ko nagligpit ng gamit ko, magpahinga/ advance reading sa mga subjects ko at nagluto ng hapunan.

Nung dumating si mama, kumain na lang kami, naghugas at nagkwentuhan saglit pagkatapos ay nagpahinga na din.

Sana talaga magustuhan nung kaibigan ni Sir ung kanta. Kung hindi man sana wag laitin.

Humiga lang ako at madali akong nakatulog dahil sa pagod na din.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top