Chapter 6

NICOLE

Sa loob ng isang taon puro aral ang ginawa namin nila Krystal, Kim at Danica. Minsan sabay sabay kaming umuuwi kapag swak sa oras, pati sa lunch ganun na lang din. Minsan kasi iba ang oras ni Dani dahil nga iba ang course niya. Minsan naman sinusundo kami ni Kuya Daniel pagkatapos ng work niya sa company nila.

"Second year na tayo, tapos 18 ka na! pwede ka ng sumama sa bar! whoo!" saad ni Kim dahil matagal na nilang inaantay na mag-18 ako.

Well! Matagal na naman akong 18, February pa. Anong month na ngayon, August, 'di lang talaga nila ako mayaya sa mga gala nila.

"Baka mayaya natin yan. Lagi naman ang sagot satin n'yan walang kasama si Tita Ja," saad ni Tala

Natawa naman ako sa kanila.

"May point si Tala, kahit anong yaya mo sakin, Kimberly, hinding-hindi ako sasama dahil ayoko ng alak at ayoko din ng maingay," saad ko naman sa kan'ya.

"Sige na naman.. Kahit ngayong gabi lang! please..." nagpapaawang sabi ni Kim

"No." maikling sagot ko.

Alam n'yang ayun na ang end ng conversation namin dahil hindi na n'ya ako mapipilit.

Nung gabi nga na yun ay nagbar silang tatlo, samantalang ako ay nasa bahay at gumagawa ng kanta. Kasi balak kong sumali sa band sa school. Sayang naman kung hindi ako makakasali at sabi nga ni Kim, minsan masarap mag-enjoy pero 'di ko gusto ang ginagawa nilang enjoyment.

Kinabukasan nakita ko na lang si Kimberly na punong puno ng red marks sa leeg. 'di na ‘to bago kasi simula nang mag-18 s'ya at si Danica nagbabar na ‘to at minsan nga may nakikita akong mga ganto sa kanila pero hindi ibig sabihin na okay lang sakin.

"Ano na namang ginawa mo?" inis na sabi ko sa kan'ya nang tabihan n'ya ako. Bigla naman n'yang tinago ung leeg n'ya. "Wag mo na itago. nakita ko na!" dagdag ko pa.

"Sorry na. make out lang naman! wala namang nangyaring you know?!" sabi naman ni Kim na pilit pa ding tinatago ung leeg n'ya.

"As it should," inis pa ding sabi ko sa kan'ya. "Si Krystal pala? wala pa din s'ya e," tanong ko sa kan'ya dahil ang Krystal wala pa talaga.

"Baka may hang over kaya malelate yun," saad naman ni Kim na inaayos ang scarf n'ya na nilagay sa leeg.

"She did make out din ba last night?" mataray na tanong ko. Kagat labi lang ang naging sagot n'ya alam ko na ang sagot.

Not long enough our first professor already arrived and Krystal is still nowhere to be found.

***

"So you also had a kissmark,” saad ko kay Danica habang nakaupo kami ngayon sa lamesa dito sa field. “Did kuya see that? How about tito and tita?”

"They didn’t see it, as per he didn’t go home, maybe doon siya sa condo niya natulog..." nakangiwing saad nito.

Agad akong napatingin sa phone ko nang marinig ko itong nagring. Marahan ko itong hinarap kay Danica nang makita kong si Kuya Daniel ang natawag.

"Why?" tanong ko sa kan'ya nang masagot ko ung tawag n'ya.

[are you with Cass?] tanong niya sa kabilang linya.

Agad naman akong napatingin kay Dani na kasalukuyang nakapikit. Alam siguro n'ya kung bakit tumawag ‘to.

"Nope, iba ung sched namin ngayon ih. Try to call her,"

[I did that pero 'di n'ya sinasagot] sabi naman n'ya na halatang naiinis pa dahil sa ginawa ng kapatid n'ya.

I looked at Danica and slowly shook my head.

[If you see her, please tell her that I'm going to fetch her after her class and also pakisagot kamo ng tawag ko habang hindi pa ko inis na inis sa ginawa n'ya kagabi]

Dugtong n'ya sa sinabi at sinen'yasan ko naman si Dani ng 'hala' habang nagsasalita si Niel.

"Yes po, sabihin ko sa kanya. So, calm down and focus on driving. Bawal yan ‘di ba?” saway ko sa kan'ya para mabago ang usapan namin.

Tinawanan naman ako ni Kim dahil alam nila ang ginagawa ko. Nililihis ko ang galit ni Niel para di na maalala ung inis n'ya kay Danica.

[Concern? Yeah! I know that, I just want to call you para itanong si Danica,]

Hindi ko gaano narinig ang dulo ng sinabi niya kaya naman hinayaan ko na lang.

"Sige na, sabihin ko na lang sa kan'ya kapag nagkita kami. Bye! Careful sa pagdadrive, kuya," paalam ko sa kan'ya, nagpaalam na lang din s'ya sakin at ibinaba na.

"Anong sabi ni kuya?" tanong ni Dani ng mababa na ang tawag.

"Susunduin ka raw n'ya at sagutin mo raw ung tawag n'ya habang hindi pa s'ya inis na inis sayo," tugon ko at alam kong kinakabahan na s'ya.

"Papagalitan ako. You know how he is when he is mad," pabulong na sabi n'ya.

"And that is exactly why you need to answer his call,” I said, which made her sigh.

After lunch, bumalik na kmai sa room. Wala naman kaming ginawa ngayon bukod sa nagdiscuss ang mga professor namin pati na pagpapaalala about sa mga organization and club na dapat naming salihan.

Maaga nagdismiss ung last prof namin dahil may nagsabi na mga blockmates ko na may audition sila sa org na gusto nilang salihan.

"Anong org sasalihan n’yo?" sabi ni Gab nang makasabay namin sila.

"Ako, baka sa Dance Troupe na lang. magkasama kami ni Clare, diba?" sagot naman ni Kim

"Yep! If I'm not mistaken, Irine already joined the theater club. Akala ko nga hindi pwede dun kapag hindi ka art major," saad ni Clare na nagtataka naman.

"Baka magaling talagang umarte si Irine kaya nakuha s'ya. malay natin! Ako kasi Pallete Pals ang sasalihan ko since may alam naman ako," saad naman ni Tala

"Ikaw ba, Nics?" tanong ni Gab dahil nakikinig lang ako sa kanila.

"Sa Musicalista ako mag-aaudition, may audition sila in two days, lahat ng band na kulang ng member nandoon tapos pipili lang sila," tugon ko sa kanila dahil nakatingin na sila sakin

“Oy! Perfect yon sa’yo! You're really good!” saad ni Clare na ikinangiti ko lang.

“Salamat,” nakngiti kong tugon.

***

Months had passed and academic responsibility filled in. Sama pa ang mga organization na sinalihan ko.

Nakapasok ako sa dalawang sinalihan ko: ang isa ay Musicalista, kung saad nakuha ako ng Adhika Band. Ang pangalawa naman ay Kinaadman Council—para siyang Student council pero ang nasa Kinaadman ay mga scholars.

Katulong kami ng Student Council para sa mga events and others activities ng school. Hindi na dapat ako sasali because I have too many on my plate but since scholar ako, kailangan kong sumali.

"Sobrang busy nyo naman!" sabi ni Krystal nang minsang magsabay sabay kaming kumain ng lunch.

"Hoy! Eto lang. hindi ako busy, 'no!" saad naman ni Kim habang tinuturo pa ko.

"Sorry! Naging busy lang pero hindi na ngayong week kasi tapos na ang election at ung ibang gagawin sa band," tugon ko naman sa kanila at sumubo na sa pagkain ko

“So, since you’re not  busy, sasama ka saming lumabas ngayon?" ngiting tanong naman ni Danica.

"No!" mabilis na sagot ko sa kan'ya. Balak na naman kasi nilang magbar kahit na may pasok bukas.

"Seryoso ka?" sabi ni Kim na nanlalaki ang mata. Natawa naman ako pero tinanguan ko lang siya.

"Yes, ayoko talaga. Kayo na lang at walang kasama si mama sa bahay," tugon ko naman sa kanila.

Natapos ang lunch na pinipilit pa din nila ako pero sa huli nagkaroon na lang kami ng deal na kapag tumawag sila at nagpasundo, susunduin ko sila at ako ang magdadrive ng kotse ni Danica. So I agree kesa naman kung saan pa sila mapunta o baka maaksidente.

And yes! marunong akong magdrive tinuruan ako ni Kuya Daniel kasi kailangan ko ng driver's license so hinayaan ko ng turuan niya ko. Madali lang naman akong matuto kaya nakakuha ako agad. Unlike kay Kim at Tal na hanggang ngayon wala pa din.

"Basta ung deal natin ha... Susunduin mo kami..." paalala ni Danica bago ako lumabas sa kotse niya

"Basta tumawag kayo sakin," tugon ko naman at bumaba na ng kotse.

Pumasok na ako ng bahay at sana pala sumama na lang ako kila Danica dahil nandito sila Tita Jazz ngayon nakasama niya si Tito Ben, ung asawa n'ya.

"Oh! Ate nandito na pala ang ampon mo e!" sabi n'ya habang kumakain ng meryenda.

"Hello po," bati ko at magmamano pa sana kaso iniwas niya agad ang kamay niya kaya kay tito ben na lang ako nagmano.

"Bakit ka magmamano sakin? kaano ano kita?" sabi n'ya na parang diring-diri sakin.

"Jazzmine!" sita ni mama sa kan'ya at lumapit na sakin.

Humalik na lang ako sa pisngi ni mama at sinabing aakyat na. Nakarinig pa ako ng violent reaction kay tita jazz pero si mama na ang bahala doon.

Alam ko naman yon na hindi ako tunay na anak ni Mama Janice at Papa Mondy. Nakuha nila ko nung nagpunta sila ng Pangasinan at saktong nasunog ang compound na tinutuluyan namin ng pamilya ko. Tumulong doon si Papa Mondy, nakita niya ko na nakabalot ng basang kumot.

Kinuha ako ni Mama Ja at si Papa Mondy naman ay sinundan ang mga magulang ko para sana tulungan ang mga ito. Habang kami ni Mama Ja, sinunod ang sinabi ni Papa Mondy.

Hindi sila nakalabas dahil natupok na ng apoy ang bahay namin. Iyak nang iyak si Mama Ja habang yakap-yakap niya lang ako habang bumubulong;

'ikaw ata ang iniwan ng asawa ko para makasama ko habang buhay'

Hinintay naman ni Mama Ja na may kumuha o magclaim sakin na kamag-anak ko pero ayaw ata nila sakin dahil ni-isa sa kanila ay hindi ako pinuntahan o kinumusta man lang. kaya naman na pagdesisyunan ni Mama Ja na s'ya ang kukupkop sakin.

Inilegal n'ya ang adaption sa DSWD at kinuha lahat ng important documents ko sa school para makapag-aral ako dito sa Maynila. Hanga ako sa kan'ya kasi ginagawa n'ya yon habang nakaburol si papa. Napakasakit ng pinagdadaanan n'ya pero inaasikaso n'ya pa din ako kaya laking pasalamat ko sa ginawa n'ya at kinupkop n'ya ko.

Kahit na ayaw at ako ang sinisisi ng mga kamag-anak n'ya at kamag anak ni Papa Mondy sa nangyari sa kan'ya. 'di nagpatinag si Mama Ja at tinuloy pa din ang pag aampon sakin dinala n'ya ko sa bahay nila ni papa at dito itinuring na parang sariling anak. Pinag-aral niya ko. Doon ko nakilala sila Kim at Danica. Grade 4 ako nang mapunta ako sa kan'ya, kaya alam ko lahat ng nangyayari dahil may isip na ko noon.

"Anak?”

Mama’s voice pulled me back again to reality and I turned my gaze on my room door.

"Mama?" sagot ko at agad pinunasan ang luha ko.

"Kain na tayo. Umalis na sila tita mo," saad ni mama habang dahan-dahan na binubuksan ang pintuan.

“Sige po, susunod ako, ‘ma,” saad ko na pilit pinapasigla ang boses.

When I got here, I always heard mama crying because she lost her other half. By the day when she was there in-front of me telling me that everything will be alright. She always hugs me while whispering those words.

But I know deep down in my heat, it’s actually our fault. And that day, I promised myself that I will do everything for her. Not because I need to repay her but because she’s my only family.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top