Kapitulo Trece
Vacation
Lia's
AGAD namang tinawagan ni Lemuel si Diego. Galit na naman siya. Galit nag alit siya kay Atlanta. Ilang beses niyang sinabi na kung sana hindi na lang sila nagkatapusan sa set up na ito, walang probelema ngayon, pero heto nga at malaki ang kinahaharap naming problema. Inalalayan ko na lang si Atlanta papunta sa guest room na nasa may first floor lang. I tried waking her up but she was too intoxicated. Hindi ko alam kung bakit siya nagpakalasing at kung bakit dito siya sa bahay namin nagpunta. I get that she's scared to lose the reputation of her company that she worked hard for, I get that she's mad at us for not including her to our decisions and I get why she wanted us to separate after a week.
Sa ngayon kasi nasa gitna kami ng isang malaking kontrobersya at dahil sa kontrobersya na iyon ay mataas rin ang peak ng emotions naming lahat. Atlanta clearly told me that maybe this thing that both Lemuel and I are feeling are just a spur of the moment thing, paano kapag nag-die down na ang lahat? Will our feelings for each other remain the same? It's not that I am doubting Lemuel's veracity, it's just that I sometimes think that this is too much. Paano nga kung magkamali kaming dalawa sa desisyon na kailangan naming gawin? What if we're just being carried away with all of these? Paano kung napagkamalan lang pala ni Lemuel na pagmamahal ang bagay na nararamdaman niya sa akin but in the end it's just familiarity? Nakasanayan na lang pala niya ako at masasaktan ako kapag nangyari iyon.
The move won't be easy on me too, but I support it. I want us to be sure of each other, kahit na may agam – agam ako, kahit hindi ako naniniwala sa distance makes the heart grow fonder, isusugal ko ang pagmamahal na ito sa distansya dahil iyon ang tamang gawin sa oras na ito.
"Halina." Nagulat ako nang biglang magsalita si Atlanta. Mulat na mulat na ang mga mata niya.
"Bakit nagpakalasing ka? Anong problema mo?"
"Where are the contracts?" She asked me. Alam kong iyong kontrata na iyon ang sinasabi niya.
"Bakit?"
"Where are the contracts?" May diin na ang bawat salitang binitiwan niya. Tinanguan ko na lang siya at agad akong lumabas para kuhanin ang copy ko ng contract na iyon. Tatlo lang naman kaming may kopya, ako, si Lanta at si Lemuel. Habang naglalakad ako papunta sa staircase ay nasalubong ko si Lemuel. He took me in his arms and looked at my face. Inayos niya pa ang nagulo kong buhok tapos ay saka siya nagsalita.
"Where are you going, Love?"
"We need to find our contracts. She's asking for it."
"But why?" Tanong ni Lemuel sa akin. I touched his face.
"Let's just give in to what she wants, Lem, please? Alam kong naiinis ka sa kanya, pero pagbigyan na natin ha? She needs us to be with her on this. Hindi lang naman tayo ang nahihirapan kundi siya na rin so let's give her this, alright?"
He sighed and then he kissed my forehead. "Fine, baby. Let's go." Magkasama naming tinahak ang daan papunta sa itaas. He went inside his room and I went in mine. I took the contract from my closet. Tinitigan ko pa iyon bago ako nagbuntong – hininga at lumabas ng silid ko. Nakita kong naghihintay sa akin si Lemuel sa may hagdanan. He pecked my lips and hand in hand we went back to where Atlanta is.
Mukhang nahimasmasan naman na siya. Nakaupo na siya sa kama, magkasiklop ang mga kamay at naghihintay sa aming dalawa. Hindi ko mabasa ang expression ng kanyang mukha pero hindi siya nakangiti. She looked at us. Si Lemuel, siyempre, iniirapan si Atlanta na para bang sa kanilang dalawa ay siya ang babae. Nakakaloka. She held out her two hands, na para bang sinasabi niya sa amin na ilagay na roon ang mag kontrata and I did. Atlanta looked at those papers and then she sighed.
"Online... they were speculating that all of these are not real. May mga taong nakikipaglaban na talagang totoo kayo at pagsubok lang ang lahat ng ito sa inyong dalawa. That you are meant for each other but some people... they know, they are so observant na hindi na theory ang nilalapag nila. Natatakot ako..." She looked at us. "That this, whatever we worked hard for will just fade away because of the truth. Paano na ang career mo, Lia? Paano na ang reputasyon ni Lemuel? He worked hard for his career in politics. Si Lia... she worked hard too. Maka-cancel kayong dalawa. Maka-cancel rin ang management dahil damay tayong tatlo rito, paano na ang ibang artists natin?" Atlanta seemed to be so stressed. Naiintidihan ko naman lahat ng alalahanin niya.
"I know you hate me for trying to break you apart, pero mas mabuting maghiwalay muna kayo habang mainit ang lahat, para kung sakaling lumabas man ang katotohanan, the blow will be lesser..." Napahagulgol si Atlanta. "Kasalanan ko ang lahat ng ito..." She started crying.
"Nasaan na ba si Diego, bakit kasi dito ka pa pumunta, pwede ka namang umuwi sa inyo."
"Lemuel!" I shushed him. Napailing na lang siya, hinawakan ko ang kamay niya at niyakag siyang umalis. Lanta needed time and space, baka mas makalma siya kung siya lang ang nasa silid at hindi kami kasama.
"Bakit ba sa ating dalawa parang siya ang mas affected? Parang ang lumalabas mas iniisip niya pa ang kompanya kaysa—"
"Naiintindihan ko siya, Lemuel. Bago ang contract natin sa kanya lahat tayo struggling. These past four years brought us luck, at maaaring mawala ang lahat ng iyon dahil sa issue na ito. Hindi lang naman tayo ang mawawalan, pati na rin ang iba pang umaasa sa talent agency ni Atlanta. She's just being careful..." Plus I really want to test kung hanggang saan ba tayong dalawa – pero hindi ko na sinabi iyon dahil baka tulad ko ay mag – alala siya. He sighed.
"Bakit ba napakabait mo?" Napapailing na wika niya. "Come, let's rest." He said to me. Niyakag na niya ako hanggang sa makaratin kami sa guest room sa itaas. While we were laying down next to each other, Lemuel was caressing my cheek, may ngiti sa labi niya.
"Why?" I asked out of curiosity.
"I just can't believe that I am able to touch you like this, Love. That I can finally embrace you, that you're so near me and that I cam finally be with you." My heart burst with so much emotions. Bakit ba ganito si Lemuel? Mas mahihirapan kaming dalawa na maghiwalay kung ganito siya sa akin. Mami-miss ko siya ng sobra – sobra. Gusto ko siyang yakapin nang sobrang higpit kaya ginawa ko iyon.
"I love you, Lemuel. I don't care about what other people might say about us or how they might perceive us, what is important is that I love you and I will never let us go. I love you so much, Lemuel."
"And I love you too. I'll make sure we make this work, Love. I love you much that even when we're just inches apart, I miss you."
Napahagikgik ako. Ang corny naman ni Lemuel, pero kinikilig ako.
Magkayakap lang kami buong gabi, hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog but I did fell asleep, kahit napakarami kong iniisip, nakatulog ako nang mapayapa ng gabing iyon dahil alam kong narito si Lemuel at hinding – hindi niya ako pababayaan. Even as I sleep, I could feel his love.
But in the middle of the night, I woke up when Lemuel suddenly sat up. Gulong – gulo ako sa nangyayari sa paligid, but when I heard the smoke detectors, nagising ang diwa ko. Sumunod ako kay Lemuel, we found Atlanta in the kitchen, may sinusunog siya.
"Atlanta!" Pumailanlang ang tinig ni Lemuel sa buong kabayahan. Pumasok din ang mga bodyguards ni Lemuel na naka-duty noong gabing iyon. Mabilis naman nilang napatay ang apoy, pero wala nang natira sa sinunog ni Atlanta.
"It's gone..." Atlanta said. "The contracts are gone. No one will find out about them."
"Atlanta!"
Awang – awa na talaga ako sa kanya. Hindi na niya kinakaya ang stress. I immediately walked to her. Niyakap ko siya nang napakahigpit.
"It's gonna be okay..." I told her. "Don't cry, okay? Everything is gonna be okay."
xxxx
"WHERE are we going?" Nasa sasakyan na kaming dalawa ni Lemuel nang tanungin ko siya nang araw na iyon. Maaga niya akong ginising, pagbangon ko ay wala na si Atlanta sa bahay. Sabi ni Lemuel ay sinundo na raw ni Diego, hindi nakarating si Diego kagabi dahil walang mapag – iwanan kay Nebraska. Dumating raw sa bahay ang Mommy ni Diego kaya nasundo niya ang asawa niya.
Lemuel just told me to take a bath and get dressed. Nagulat na lang ako noong mapansin kong may dala siyang mga maleta at sumakay na nga kami sa kotse ni Paolo. Sa likod kami dumaan kaya hindi kami natunugan ng mga media. We've been driving for an hour now. He brought us some food and coffee and off we went driving again.
"Hmmm?" He kissed my hand and smiled at me.
"Where are we going, Lemuel?" I asked again.
"It's a surprise, Baby love." Kinindatan niya pa ako. Kinilig naman ang pepe ko. Jusko, naisip ko kung hindi dumating si Atlanta kagabi, siguro na-invade na ni Lemuel ang Bataan ko. Handa na akong isuko ang lahat sa kanya, pero dahil hindi nga naganap, sisiguruhin kong kung saan man kami pupunta, magaganap at magaganap iyon. Hindi ako aalis ng Pilipinas nang virgin pa!
"Lia..." Napalingon ako sa kanya.
"Hmmm..."
"I love you and I will tell you that everyday even if we are miles apart."
Jusko, tuyot na tuyot ako sa pagmamahal noong mga nakaraang taon pero heto ako ngayon, inuulan, baka malunod pa ako.
"I love you too." Ngumuso pa ako. He just giggled. He continued to drive. Every five minutes yata sinasabihan niya ako ng I love you. May moment pang huminto kaming dalawa sa gilid ng daan para lang maghalikan. It was getting hot when we heard a knock on his door. Inayos muna kami ni Lemuel bago niya binuksan ang bintana. It was one of his bodyguards.
"Mayor, may problema po ba? Huminto po kasi kayo,"
May sumusunod pala sa amin. I just sighed. Nginitian ko na lang ang bodyguard ni Lemuel, si Lemuel naman ay napakamot ng ulo.
"Ang horny mo kasi." Sabi ko sa kanyang tawa nang tawa. Lemuel just arched his brow and continued driving. Habang tumatagal ay nagiging pamilyar sa akin ang daang tinatahak naming dalawa.
When I saw the sign, doon ko nakumpirma ang lahat. I looked at him.
"Nueva Ecija..." I said. "Uuwi tayo sa amin?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ilanga raw ko nang iniiwasan si Mama at Papa tapos biglang uuwi kaming dalawa sa Nueva Ecija. Hindi ko nga alam kung nasa matandang bahay ba sila Papa o nasa Amerika pa siya hanggang ngayon. Nakakaloka talaga! Anong sasabihin namin sa kanila? Anong mangyayari? Iniisip ko pa namang honeymoon stage ito, pero uuwi kami ng Nueva Ecija tapos... tapos...
Hinawakan ni Lemuela ang kamay ko.
"Don't worry. Sooner or later naman talaga kailangan nating harapin ang parents mo. I want to talk to them. I want this to be real at magiging totoo lang ito kapag nasabi ko sa kanila ng harapan ang nararamdaman ko para sa'yo." Lalong hindi ako nakapagsalita. Lemuel just smiled at me, pero hindi naman iyon naging enough para mapakalma ang puso ko.
xxxx
PARANG kaming nasa ilalim ng microscope dahil sa mga tingin ni Papa sa aming dalawa ni Lemuel. It's a good thing that they welcomed us, kahit na surpresa ang pagdating namin. Wala pa si Mama, nasa bayan daw kasama si Sagana. Napabuntong – hininga ako. Kabang – kaba ako. Hindi nagsasalita si Papa. Titig na titig lang siya sa amin ni Lemuel.
"Halina, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko nitong mga nakaraang araw? Alalang – alala kami sa'yo. Hindi ka rin sumasagot sa tawag ng mga kapatid mo. Gusto lang naming malaman kung ano bang nangyayari sa inyong dalawa ng magaling mong asawa." Wika ni Papa sabay tingin kay Lemuel.
"Busy po ako, Pa. I'm sorry."
"Busy o iniiwasan mo kami ng Mama mo? Ano bang nanggayari sa inyong dalawa? Ang ayos – ayos ng relasyon ninyo! Sino itong Gino na lumalabas na ito, at ano naman iyong sinasabi ng babaeng iyon, Lemuel? Nambabae ka? Hindi ba't sabi ko sa'yo kung hindi mo kayang alagaan ang anak ko, ibalik mo na lang sa akin?"
Mas nakakatakot kasi si Papa ngayon kasi seryoso siya, may diin ang boses pero malumanay ang pagsasalita niya. Guilty na guilty ako.
"Sir..." Si Lemuel ang nagsalita. "Kaya po kami nagpunta rito para linawin ang lahat. Wala pong kasalanan si Lia sa lahat. Wala silang relasyon ng Gino na iyon, si R3 naman po ay pinsan ko at matalik na kaibigan ni Lia. Si Gino, siguro po ay sinasamantala ang pagkakataong nagkakagulo kami para sa kaunting kasikatang maaaring madala sa kanya ng problemang ito."
"Kung ganoon, ang gago naman ng batang iyan." Sabi ni Papa. Humigpit ang hawak ko kay Lemuel. "Pero ano ang video na iyon, Lemuel? Alam kong asawa mo ang anak ko pero bigyan mo naman siya ng respeto."
"Kasalanan ko po iyon, Sir." Mahinang wika ni Lemuel. "Nalasing po ako, alam kong hindi valid reason iyon pero hindi ko po talaga napigilan ang sarili ko. Ako po ang puno't dulo ng lahat ng ito, Sir. Sana mapatawad ninyo ako. Gusto kong harapin kayo para patunayan na sa kabila ng lahat ng ito, I deserve to be with Lia. I can change, I will change for the better and I'll be a better husband to her."
Naluluha ako. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan ni Lemuel na maitama ang lahat. I had to bite my lower lip to stop myself from crying or whimpering. Mahal na mahal ko talaga siya.
"Pa... I'm so sorry..." Tumabi na ako sa kanya. Humilig pa ako sa balikat niya. "Papa, sorry na... we're making things work, Papa..."
"Hay nako, ang mga kabataan talaga. Dalhin mom una si Lemuel sa silid ninyo at mukhang pagod iyang asawa mo. Mag-uusap pa tayo mamaya pagdating ng Mama mo. Sige na. Hindi pa tayo tapos, Lemuel." Wika ni Papa sabay tayo. Naiwan kami sa sala. I stood up again and sat beside him.
"Aren't we gonna tell them the truth?" I asked him.
"You mean about the contract? That we married each other out of convenience and then we fell in love during the process?"
Napatango ako. Iyon naman ang totoo.
"Hindi ba ako mabubugbog ng Papa mo noon?" He tried to sound as if he is joking pero ramdam ko rin ang takot sa kanya. Inakbayan ko si Lemuel at saka ako humilig sa balikat niya.
"I never regretted it." I told him. "All of this. I never regretted marrying you, kahit na ang hirap noong una, kahit na akala ko ay walang pag – asa at masasaktan ako sa matagal na panahon, I never regretted it and if I had to do it again, I will, just to be with you..."
Lemuel cupped my face and gave me a kiss. Right now, everything is a mess but I believe like what I have told Atlanta last night, everything will be okay... We will be okay because we are in this together.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top