Kapitulo Seis

Mayor Lemuel 2.0


Lia's

HINDI na naman kami okay ni Lemuel at pinipilit kong h'wag magkaroon ng pakialam sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya noong nakaraang gabi. Sa tagal ng pagsasama naming dalawa, ganoon lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Sa dami ng mga kabutihang ipinakita ko sa kanya, hindi kaya niya naisip na kahit may kasamang kontrata ang kasal na ito ay iginagalang ko ang kung anumang relasyong mayroon sa aming dalawa? How dare him tell me something like that? Ganoon lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Pakiramdam ko kagabi, ang liit – liit ko.

I never treated him bad. Kahit na madalas niyang nakalilimutan ang mga bagay tungkol sa akin, kahit kailan ay hindi ko iyon isinumbat sa kanya. Hindi ako nagdala ng lalaki sa bahay na ito – not that I have other men on the side – but other than R3, I have other male friends, pero kahit kailan ay hindi ko sila dinala rito kasi nirerespeto ko siya bilang asawa ko. Unlike him, he keeps his girls around here. Iniisip ko nga kung alam niyang alam ko ang pinagagawa niya. Most of the time, si Libby ang dinadala niya rito, hindi ako nagtatanong sa kanya pero alam ko naman ang buhay na posibilidad na siguro si Libby ang mahal niya.

But he was giving me mixed signals last night. Sa buong buhay naming mag-asawa ay ngayon ko lang nakita na gumaganoon siya sa akin – and even though I don't like it, a tiny bit of hope was planted in my heart...

Pero nabasag din iyon kagabi.

I sighed.

"Nandito na tayo, Lia. Hindi ka pa ba papasok sa bahay ninyo?" Sa kakaisip ko kay Lemuel ay hindi ko napansing nakauwi na pala kami. Tiningnan ko lang ang manager ko at ang driver ko bago muling nagbuntong – hininga. This house doesn't feel home anymore. I used to always look forward on coming home, pero ngayon, ayokong umuwi. Ayoko siyang makita, nasasaktan kasi ako.

Pero... napansin ko ang sasakyan ni Lemuel na naka-park na sa loob ng garahe. Nagtataka ako, bakit napakaaga niyang umuwi? Hindi kaya may sakit siya? But then, anong pakialam ko? Napailing na lang ako at bumaba ng sasakyan. Pagod ako at wala sa mood na makipag – usap sa kanya pero pagpasok ko ng bahay, hindi lang pala si Lemuel ang naroon kundi pati na rin si Atlanta. She was all smiles when she saw me. Tumayo pa siya para hagkan ako sa pisngi at yakapin.

"You look so tired. Did they give you breaks sa shoot kanina?"

"Yup. Napagod lang ako sa byahe. Anong meron?" Hindi ko matiis na itanong. Lemuel looked at me with worry in his eyes, pero para sa akin bai yon o baka naman naiisip niyang sasabihin ko kay Atlanta ang mga sinabi niya kagabi? Anyway, hindi ko naman sasabihin iyon.

"Oh, nasabi ko na kay Mayor. Ikaw at siya ay lalabas mamayang gabi! It's been a while since you two are trending kaya magkakaroon kayo ng public appearance. The boys will be launching their new album tonight. Mag-attend kayo roon para naman support na rin kina Diego. Also, please wear some couple stuffs. Ang cute noon! Oh my god! Sure na sure akong pag-uusapan na naman kayong dalawa.

"Can't I not go?" Mukhang ikinagulat ni Atlanta ang sagot ko. I used to be so excited about all of this pero hindi ko talaga magawang i-uplift ang spirit ko.

"Lemuel!" Sumigaw agad si Atlanta. "Ano na namang ginawa mo?!"

"Atlanta, wala siyang ginawa." Mariing wika ko. "Pagod lang ako. Hindi baa ko pwedeng mapagod?" Nakaramdam ako ng pagkainis. Hindi ko na hinintay si Atlanta na magsalita pa. Agad akong umakyat sa silid ko para magpahinga. I felt like crying, pero hindi ako iiyak para kay Lemuel. Sayang ang luha ko sa kanya. Sa ganang ganito ay naiisip kong magtaas nang puting panyo. Ayoko na talaga. I felt so small. Akala ko naman sa mga taong pinagsamahan namin, magiging maayos na kami, na makikilala niya ako at alam niyang hindi ako basta tatalon sa isang relasyon tulad ng ginagawa niya.

Matagal akong nakahiga sa kamang iyon bago ko narinig ang mahinang pagkatok sa aking pinto. Hindi ako nagsasalita, but then I heard Lemuel's voice.

"Do you need anything?" He asked me.

"No. Leave me alone." I told him off. Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Narinig ko rin ang pagbuga ng hangin ni Lemuel.

"I'm sorry." Mahina ngunit napakalinaw na wika niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi siya tingnan. I turned to him and saw his sad face. He looked like a kicked puppy and I hate it. Ayokong – ayokong makikita ang ganoon kay Lemuel. Gusto ko na lang siyang yakapin nang mahigpit at ikulong na lang sa mga bisig ko t siguraduhing hinding – hindi siya masasaktan but then, galit nga pala ako sa kanya.

"What are you even apologizing for?" I challenged him. Gusti ko lang namang malaman kung alam niya kung bakit ako nagkakaganito.

"For what I said last night. I never want to meddle in your personal relationships. Kung anuman ang meron sa inyo ni R3, igagalang ko iyon."

Tumaas ang dulo ng bibig ko. Gago talaga. Tumayo ako, gusto ko siyang layuan sa ngayon. Nangigigil ako sa kanya.

"Lia, where are you going?"

I faced him. "Pupunta tayo sa album launch. That's why you're apologizing diba? Kasi gusto mo ng public appearance? Fine. We'll go there." Sabi ko na lang. "Magbibihis ako. Ikaw bahala ka sa sarili mo."

"Lia it's not—" Hindi ko na narinig ang sinabi niya kasi sinara ko na ang pinto ng walk in closet ko. Nakatayo lang ako roon, I closed my eyes and counted one to ten, ayokong umiyak. Ayoko siyang iyakan.

Hinding – hindi ako iiyak para kay Lemuel Arandia.

xxxx

WE were in the car. Nakahinto na kami sa labas ng venue ng album launch ng Synesthesia. Hindi ko nga alam kay Lemuel kung bakit hindi pa kami bumababa. Buong byahe ay hindi kami nag-uusap. Ramdam na ramdam ko iyong bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa. Hindi naman kami ganoon dati, noon kasi napipigilan ko ang lahat ng emosyon ko pagdating kay Lemuel, noon kasi nakikita ko lang si Lemuel bilang isang anghel. I don't know what changed – maybe I am getting tired, maybe I want to finally end this, maybe I don't want to love him anymore, or maybe, it's because I'm starting to hate myself for giving him my everything while I don't receive anything from him.

"Lia—"

"Hindi pa ba tayo bababa? Lanta is looking for us. We should get this show started na. Para makauwi na rin tayo." Walang abog na wika ko. "Pagod talaga ako." Sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay sumagot. Kusa na akong bumaba. Sumunod naman siya sa akin. Sabay kaming naglakad papunta sa loob ng venue.

Synesthesia is one of the biggest bands in the industry now kaya hindi na ako nagulat na napakaraming media sa paligid ng lugar na iyon. Bago pa kami makarating sa gitna ng media ay kinuha ko na ang kamay ni Lemuel. I put on my sweetest smile and looked forward. Hindi naman nagtagal ay napansin na kami ng media, they started taking our pictures, nagsimula na rin ang pagbabato sa amin ng tanong.

Lemuel put his arm around my shoulder. Maganda sa shot iyon, mukha siyang protective husband. I kept on smiling and trying to be cool kahit na nagsisirko ang puso ko dahil sa pagkakalapit naming dalawa. Kahit nagagalit ako sa kanya, kahit nasasaktan na pala ako basta hawakan niya ako ay ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Napabuntong – hininga na lang ako, I felt the tension leaving my body the moment we sat down. Magkahawak pa rin kaming dalawa ng kamay. Kailangan – lalo na ngayon, Kung maraming media sa labas, mas marami rito sa loob.

"We should talk when we get home." Wika ni Lemuel sa akin. Tumango na lang ako. Maybe it's for the better. Maybe this time he'd know what he's actually apologizing for.

After ten minutes, nagsimula na ang programa. Si Atlanta ay larawan ng isang proud na proud na asawa – nanay sa kanyang mga unang alaga. Palakpak siya nang palakpak habang kumakanta ang mga alaga niya. Kulang na nga lang ay talunin niya si Diego sa stage at halikan nang walang humpay.

I felt myself enjoying the show, pero siyempre, kasama roon ang panaka – nakang paghaplos sa kamay ni Lemuel, ang pagtingin at pangiti sa kanya, habang siya naman ay paulit – ulit hinahagkan ang kamay ko, nang muli akong tumingin sa kanya ay hinagkan niya ako sa labi – saglit lang naman iyon, but it was enough for me to feel those butterfly in my stomach. Galit man o hindi – Lemuel has the same effects on me and I hate and love it. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Kung kanina ay naiinis at nagagalit ako sa kanya, ngayon naman ay gusto kong malapit lang kami sa isa't isa. I couldn't get enough of his touches. I want more. I want him to kiss me more, and so I did. I kissed him more, just pecks but it was enough to send shivers down my spine.

Ako lang naman ang ganito sa aming dalawa.

Lemuel now is smiling. Ako rin naman, ngumingiti kahit na may kaunting sakit sa dibdib.

Natapos ang launching ng album nila Diego, and it was a success. Success din ang balak ni Atlanta na maging trending kaming dalawa. Nasa social media na naman kami, people think that we're so in love with each other, ang iba naman ay may negatibong sinasabi.

User32323: Publicity nga naman. Nakakatawa na politico pero ang hilig sa gimik. I bet, hindi naman talaga kasal si Mayor at si Lia.

Megatron73: Ang trying hard maging sweet. Look at Lia's eyes, mukhang napipilitan. Lia, Blink twice if you need help.

I guess, hindi lahat mapapaniwala naming dalawa. Sabagay matatapos na rin naman ito. Isang taon na lang, then I'll be free.

We attended the after party. Sa party na iyon ay hindi pa rin nababawasan ang media people. Mas lalong dumami ang mga kilalang personalidad sa party na iyon. Naroon ang mga kaibigang artista ni Atlanta, ang mga asawa ng mga kabanda ni Diego, ang ilang mga Arandia, si Yves at Mcbeth ang naroon, nakita ko rin si R3, pero kasalukuyan siyang nakikipag – usap sa bartender, mamaya na lang ako lalapit sa kanya.

Si Lemuel ay nasa tabi ko this whole time. Nakaupo lang kami sa isang booth, I was drinking pina colada, si Lemuel ay beer lang. May pasok kasi siya bukas.

Hindi nagtagal ay naupo si Atlanta sa tabi ko.

"Girl! I saw him!"

Natawa ako. "Sino?"

"Si Gino!" Pagkasabi ng Gino ay may isang taong sumulpot sa likod ni Atlanta. Ako naman ay napatayo na.

"Hala! Gino! Oh my god nandito ka rin pala!" Natatawang niyakap ko siya nang mahigpit. Si Gino ay kaklase ko noong high school, matalik rin kaming magkaibigan at sinuwerte na iisa kami ng karerang tinahak. I haven't seen him in a while, maliban sa kabilang istasyon siya nagtatrabaho, busy talaga siya sa buhay niya. He's one of the biggest stars in the industry. Kabi- kabila ang mga proyekto niya.

"I missed you, Rio!" Hinagkan niya pa ako sa noo. I giggled like a little girl. My high school friends and my family, they all call me Rio. Hindi na ako nagulat nang lumabas iyon sa bibig ni Gino. "It's been a while. Nakita ko ang manager mo and she led me to you. Guess what, Lanta told me we'll be starring in Synesthesia's mv, ikaw at ako ang main lead."

"That's great!" Tinanguan ako ni Atlanta kaya natuwa talaga ako. "Remember noong high school, we always role play, it can be like that!" Tawang – tawa ako. Seeing old friends make me happy.

"Can I snatch her for a while? I'll take her to meet some of my friends." Sabi pa ni Gino. Without minding anything sumama naman ako sa kanya. Noong nasa ibaba na kami saka nagtanong si Gino. "May lalaki roon sa booth, is that your husband?"

"Ah... Oo si Lemuel! Naku hindi kita naipakilala sa kanya!" Sabi ko na lang kay Gino.

"Mamaya pag binalik na kita sa kanya." He smiled at him. He introduced me to his labelmates. Nag-e-enjoy akong lalo sa party. We joked, we laughed, and we drink. Marami – rami kaming napagkuwentuhan. Hindi ko na nga namalayan ang oras, noong bumalik ako sa booth namin ni Lemuel ay lasing na lasing na siya.

"Anong nangyayari?" I asked him. Ako na lang ang bumalik mag-isa roon kasi biglang nawala si Gino sa crowd. Langong – lango na yata si Lemuel, nakailang bote na siya, but when he looked at me, I saw something in his eyes.

He stood up and walked towards me. Matangkad si Lemuel – kung susumahin ay hanggang dibdib niya lang ako kaya nakatingala ako sa kanya ngayon. He grabbed my hand and pulled me closer.

"Le-lemuel..." Kinakabahan ako. Hindi naman siya ganoon tumingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko – lalo nang mapansin kong unti – unting lumalapit ang mukha niya sa akin. When our faces were inches away, I closed my eyes and waited for his lips to land on mine. It's just a kiss, ilang beses na ba akong nahalikan ni Lemuel noon? Hindi naman na nakakagulat iyon but his kisses now are different.

It's demanding, possessive and conquering. He licked my lips, I gasped and he took that chance to enter my mouth. His tongue licked the insides of my mouth and I felt fire all over my body. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari kay Lemuel, fuck! Hindi ko na rin naiintindihan kung anong nangyayari sa paligid ko, basta nanghihina ang tuhod ko. I want him to want me, and maybe this is the time. Hindi ko alam kung anong mangyayari, pakiramdam ko ay babagsak ako kaya ipinalupot ko sa leeg niya ang mga kamay ko ko. Pakiramdam ko ay malulunod ako.

His kissed became more daring and bolder. He traced my jawline, his lips peppered kissed down my neck. Naramdaman ko rin ang kamay niya sa loob ng blusa ko. I gasped hard when I felt him palmed my right breast. Napahawak ako sa kamay niya.

"Lem... Lemuel ahhh..." I moaned when I felt his hot lips in that soft skin on my neck. He bit it a bit harder. I am so sure it will leave a mark. His hand inside my shirt found my nipple, he flicked it and I was about to lose my mind when I saw a flash – a camera flash.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naitulak ko si Lemuel, pero muli niya akong hinawakan sa braso. Punong – puno ng galit ang mga mata niya. Again, he marked my neck, wala na yata siyang pakialam kahit na ilang beses ko na siyang pilit itinutulak o hinahampas, good thing Diego pulled him away, si Pascal naman ay kaagad akong binalutan ng jacket ay inilapit sa kanya.

I felt my tears falling, si Lemuel ay titig na titig sa akin.

"Diego, sa kotse." Utos ni Atlanta.

I was trying not to sob, but I could only hold it in hanggang sa nasa parking lot na kami. Pagpasok sa van ay tulog na si Lemuel. Ako naman ay tahimik na umiiyak.

"You're shaking, Lia." Wika ni Pascal sa akin. Hindi ako nakasagot. "Bakit ba lahat kayong magpipinsan, Diego, gago? Kita mo naman si Lemuel, hindi man lang naghanap ng kwarto! Is he expecting that they would do it in the middle of a crowded club?" Napapailing si Pascal. Ako ay sisinghot – singhot.

"Pasensya ka na, Lia. Nawala yata si Lemuel sa sarili niya." Sabi pa ni Diego. "Atlanta stayed she'll fix everything."

"Sana nga... trending sa socmed itong dalawa for the wrong reasons." Wika ni Pascal sa akin. Hindi ako interasado sa socmed ngayon. I was busy trying to pull myself together.

In our years together, ngayon ko lang nakikita lahat ng kagaguhan ni Lemuel and it scared the fucking out of me. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top