Kapitulo Cinco

Please, Halina, be discreet about it


Lemuel's

"Flowers? Mukhang napapadalas ang pagbibigay mo ng flowers kay Lia, Mayor ha? Hindi pa ba kayo okay?"

I was getting ready to leave the office that Friday afternoon. Uuwi ako ng maaga at aayain kong kumain si Lia sa labas. It's my own decision. Hindi alam ni Atlanta ito at wala akong balak ipaalam sa kanya. I'll take Lia to a private restaurant, doon sa walang makakita sa kanya. I want to make it up to her for what I did last week. Isang linggo nang nakalipas mula nang mangyari ang hindi namin pahkakaintindiha. She forgave me and I was so grateful. Nagpasalamat rin ako kay Mommy dahil sumama siya sa akin. Alam ko namang kung ako lang ang pupunta sa kanya nang araw na iyon ay hindi naman talaga niya ako kakausapin.

Lia had always been kind to my family – kahit nga si Luigi na kahit ako ay hindi ko maintindihan ang pinagagawa sa buhay ay hindi niya kahit kailan pinakitaan ng hindi maganda. Lia is kind and warm – she is always like that and at times when the going gets tough, the thought of coming home to her with her warm smile and sweet voice makes me feel good.

I looked at Kim. "Lia likes flowers. Iyong mga bigay ni Atlanta, itinatago niya pa. Also, I think that we're gonna have dinner tonight." Natatawang wika ko. Si Kim ay nakatingin lang sa akin. I want to ask her why she was looking at me like that pero hindi na ako nagtanong, may palagay akong mayayamot lang ako.

I was inspecting the flowers. Iniisip ko pa nga kung lalagyan ko ng card o iaabot ko na lang sa kanya sabay sabing let's have dinner. Tama kayang ganoon ang sabihin ko? She's been busy these days, promotion ng movie niya, kabilaan ang appearances niya at guestings, may mga online fan meet din siya kaya halos hindi kami nagkikita. I want us to have dinner, para na rin makabawi ako sa nangyari noong nakaraang linggo.

I'm sure na nagtatampo pa siya sa akin. I want her to know that we're okay, that I am really apologizing for what I have said to her. Hindi ko kahit kailan maiintindihan ang trabaho niya – hindi ako sing patient ng Daddy ko, pero pipilitin kong tanggapin iyon dahil kasama iyon sa pagkatao niya. I know how passionate she is when it comes to her work and her art. I'll try to be more open minded about it. Kung iyon ang paraan para magkasundo kaming dalawa.

I told Kim that I'll be going home early that day, mukhang wala naman siyang reklamo, nginisihan niya lang ako tapos ay pareho na kaming bumalik sa trabaho. Saktong alas quatro nang hapon nang umalis ako ng office. People were looking at me, wondering where on Earth will I go. I was only smiling at them. Halata naman yata kung saan ako pupunta dahil sa bouquet ng rosas na dala ko.

Pagsakay ko ng kotse ay tinanguan ko agad ang driver. I took my phone out to message her, para alam niyang pauwi na ako, itinanong ko rin kung nasa bahay siya. Ang sabi ni Lanta sa akin ay off ni Lia, pero baka umalis siya, baka dinalaw niya ang kapatid niya sa Rizal, bob aka nag- grocery. I told her na hayaan na lang ang cleaning lady na mag-grocery para sa amin pero mas gusto niya talagang siya na lang daw para mas alam niya kung anong kinakain naming dalawa.

She's thoughtful that way, and I really admire her for that.

Naghihintay ako na mabasa niya ang message ko pero hindi niya iyon na-seen. I texted her again, but then ten minutes later, malapit na ako sa bahay ay wala pa rin siyang reply, hindi niya pa rin na-si-seen ang messages ko. Di bale, nandito naman na ako sa bahay.

"Salamat Kuya Tristan. Pahinga ka muna, kakausapin ko muna si Mayora." I grinned at him. Pagbaba ko ng kotse ay saka ko lang napansin ang isa pang sasakyang naka-park sa tapat ng bahay namin. Pamilyar sa akin ang sasakyan, pero hindi ko maalala kung kanino iyon. I was sure that I had seen that before, kung saan ay hindi ko matandaan. I was rocking my brain while walking inside our home. I was even clearing my throat – the car outside totally forgotten – in my head I was practicing what I would be saying to her. Sana hindi siya mairita sa akin tulad noong nangyari noong nakaraan, sana hindi na siya nagtatampo, sana maging okay na kami pagkatapos ng gabing ito.

Sana, sana, sana, pero lahat ng sanang iyon ay lumipad sa bintana nang makapasok ako at nagtapuan ko sa living area si Lia, kasama si Ricardo III Arandia, habang naghahalikan...

xxxx

Lia's

I didn't have work that day. Maaga naman akong nagising pero hindi tulad ng dati na babangon ako para ipaghanda ng almusal si Lemuel. Bahala siya sa buhay niya. Inaamin ko namang lumambot na ang lahat ng depensa ko, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako nagtatampo. Nakakainis naman kasi talaga si Lemuel. Hindi niya ba naiintindihan na ang lahat ng iyon ay parte ng trabaho? Na oo, sige, hinahawakan ako ng mga modelong nakakapreha ko, o ng mga artistang leading man ko, pero walang malisya iyon. It's all work. Hindi ko ugaling makipaglaro sa mga katrabaho ko – sa kanya lang naman ako nagkamaling mahulog, samantalang katrabaho ko naman talaga siya kung tutuusin.

I heard him knocking on my door, thirty – minutes after I woke up. Hindi ako gumawa ng kahit anong galaw at ingay. Siguro naisip niyang tulog pa ako kaya umalis siya. Hindi ko siya masyadong kinakausap. Kapag tinatanong niya ako, sumasagot naman ako, pero hindi na tulad nang dati na kahit wala lang bigla ko siyang kakausapin.

He knows that we're only okay now because of his mother. Basta, bahala siya sa buhay niya.

Seven – thirty nang umalis siya sa bahay. Kumatok na naman nga siya sa silid ko, pero hindi talaga ako lumabas. He even texted me, bahala siya talaga sa buhay niya.

Maghapon akong nasa bahay. I cleaned the house, I did some grocery shopping, balak kong matulog lang muna ng ilang oras pro nag-text sa akin si R3 – ang isa sa mga pinsan ni Lemuel. We're close because we both have the same interest in music, movies, books and even sports. According sa text niya, kababalik lang daw niya galing Bangkok – nanood siya ng concert ng isa sa mga girl groups na paborito niya at may pasalubong daw siya sa akin.

Dahil wala naman akong gagawin, at nabo-bored na rin naman ako, I told him to come here. I wanted to catch up with him. Three months ago nang huli ko siyang makita, also, curious ako sa pasalubong na ibibigay niya sa akin.

At one in the afternoon, he came. Nasa may pinto pa lang siya ay tinakbo ko na siya. I We hugged each other. Napakabait ni R3 sa akin kaya super nice rin naman ako sa kanya.

"How have you been?" He asked me. He even touched my cheeks. Medyo nag-lean pa ako sa touch niya. I pout my lips a bit. Kumunot naman ang noo ni R3. "Anong ginawa ng gagong si Lemuel sa'yo?" Malumanay pero mariin ang tinig niya. I made a face. Ipinalupot ko ang kamay ko sa braso niya sabay hatak sa kanya papasok sa loob ng bahay. Nagdiretso kami sa kitchen. I told him to put aside his mga dala para kumain na kami.

And while eating, I told him everything.

"He got mad because of my pictures. Sinapak niya ang reporter. Okay lang naman, R3 kung sinapak niya lang ang reporter pero sinabihan niya ako ng You could be more covered. Why do you still accept work like that? It's not good for our marriage! I did my best Lemuel impersonation. Natatawan man si R3 pero kita ko sa kanyang naiintindihan niya kung saan ang pinanggagalingan ko.

"That only means that what I am doing is not good for his image. Ang nakakainis pa, alam niyang yamot ako sa kanya kaya dinala niya noong isang araw si Mommy Daisy sa tv station – para kausapin ko siya. Sabi ko sa kanya, okay kami, alam mo naman ako, mahal ko siya, hindi ko siya matitiis nang napakatagal na panahon, pero sa huli, hindi ko pa rin siya kinakausap, baka sakaling maintindihan niya ang pinagagawa niya sa akin. Nasaktan naman kasi talaga ako, Tres!" Umalma ako.

Talking to R3 is like talking to a confidante. Wala akong kaibigang maituturing sa showbusiness, may mangilan – ngilan pero hindi ko nasasabi sa kanya ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. But with R3, I feel like everything is safe kaya comfortable na comfortable ako sa kanta. Plus, he really gets me. Sa tingin ko pa nga sa kanilang magpipinsan, si R3 ang pinakamabait. Lahat naman sila ay mabait, pero napansin kong may kanya – kanya silang topak sa buhay.

But si R3? What you see is what you fucking get.

"Gago talaga si Lemuel. Tapos ginamit pa si Tita para sa'yo. Sana hindi mo pinatawad agad!"

"Eh?" I looked at him while munching on my pizza. "Hindi ko kayang magalit sa kanya nang matagal." Nagpa-cute pa ako kay R3. Napailing na lang siya saka tumatawa.

"Marupok ka talaga, Halina!" Sabi niya sa akin. Aminado naman ako roon. Ganoon lang naman ako palagi, magtatampo, kaunting di ko siya kakausapin pagkatapos kikiligin na naman ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito, gustong – gusto ko na talagang h'wag siyang mahalin. I want to forget him and make sure that I'll move on no matter what happens. Kung alam ko nga lang kung paano ako makakalimot agad, sana noon ko pa ginawa. I sighed again.

"Don't be sad. Matutuwa ka sa mga pasalubong ko sa'yo!" He tried to cheer me up. Pagkatapos maglipit ng pinagkainan ay pumunta na kami sa living area para buksan ang mga pasalubong niya sa akin.

Ibinili niya ako ng Mason Margiella boots, a Gucci wallet, some make up and the most important thing – iyong mga keychain na alam niyang kinokolekta ko.

I was so happy that I hugged him so tight, nagkauntugan pa kaming dalawa, tumama ilong ko sa noo niya, nasaktan yata siya that's why I had to tilt his head and made sure that he is alright.

"Huy, okay ka ba? Luh, nagkabukol ata!"

"Mukha siguro tayong naghahalikan sa angle na ito." Bigla niyang nasabi. Hindi naman ako nakaramdam ng pagkailang. He's always telling unexpected jokes and this isn't the first time he said that. Natawa na lang ako sa kanya.

"Bwisit ka talaga!" I giggled. Nilamutak ko ang mukha niya. Sa ganoong pagkakataon ko narinig ang napaka-OA na pag – ubong narinig ko sa buong buhay ko. Both R3 and I looked and we saw him – Lemuel – standing near the couch looking at us like he had seen a ghost.

"Pinsan!" Kumaway pa si R3 sa kanya.

xxxx

MUKHANG constipated si Lemuel sa totoo lang. Inabot nang hapunan si R3 sa bahay kaya nagluto ako ng dinner para sa amin. I cooked sinigang na baboy kasi favorite ni R3 iyon. Okay naman ang lahat sa amin ni Lemulel, nagpapasalamat din ako na si Ricardo III ang nandito sa bahay at hindi ang kahit na sinong kamag-anak niya dahil kung si R3 lang, pwede akong hindi kumilos bilang asawa ni Lemuel.

Wala siyang alam tungkol sa kontrata, ang alam niya talagang mag-asawa kami, paminsan – minsan kasi ay nakakapagsabi ako sa kanya ng problema, but I am not including the part where Lemuel and I were only married because it both benefited us both.

"Ang sarap naman nitong sinigang mo, Lia! The best talaga!" I smiled at R3. Nilalagyan ko siya ng sabay sa mangkok, habang si Lemuel, nakaupo sa kabisera at palipat – lipat ang tingin sa aming dalawa. Hindi nga siya kumakain. Napansin kong walang kanin at ulam sa plato niya samantalang malapit lang naman sa kanya ang kanin. Sira ulo na yata itong si Lemuel.

"Favorite mo ito, diba? Kaya niluto ko. Oh, Lemuel, kumain ka na." Wika ko nang hindi man lang siya tinitingnan. Nagulat ako dahil iniumang niya sa akin ang mangkok niya matapos kong ibigay ang mangkok ni R3.

Anong problema nito? Wala ba siyang mga kamay para magsandok ng ulam?

"Pwede bang pahingi?" He asked me in a calm voice – na ikinagulat ko kasi kaiba ang ekspresyon ng mukha niya sa tono ng boses niya. Wala akong choice, alam pa rin naman ni R3 na mag-asawa kami, kailangan ko siyang pagsilbihan kahit nayayamot ako sa ngayon.

"Thank you, love..." He smiled at me, kasabay noon ay kinuha niya ang kamay ko upang pisilin pero binawi ko iyon agad. Inabutan ko si R3 ng patis at sili at inudyukan na siyang kumain. Nakatingin pa rin sa amin si Lemuel. I heard him sigh in a violent way.

"So, R3, akala ko ba nasa Bangkok ka? Bakit hindi ka na lang doon tapos h'wag ka nang bumalik?" Napalingon ako kay Lemuel nang nanlalaki pa ang mga mata. Buti, si R3 hindi siya pikon. Tumawa lang siya at witty namang sumagot.

"Oo, pinsan, pero siyempre kailangan ko ring umuwi. Minsan, sumama ka sa akin, Lia ha? May mga off days ka naman siguro. Sumama ka sa akin sa next concert ng TWICE! Magpaka-fan girl ka doon! I'll even let you borrow my LS!"

"Talaga?! Omg! Game ako! When is the next ba? Saka Where?" I felt excited. Ang tagal ko nang hindi lumalabas ng bansa.

"Sa Japan ang next! Iyon ang last leg nila at manonood ulit ako! Ano? G!"

"Sure!" But then, Lemuel took my hand.

"Lia, kailangan kita rito."

"Napaka-oa naman, insan. Isang linggo lang mawawala si Lia. Ano, jusko mamamatay ka na ba?!" Tumawa si R3 noon. Ako naman ay awkward na awkward. Why is he acting like this? A clingy boyfriend – he's not even my fucking husband!

"Isang linggo? Isang gabi lang ang concert? Bakit siya mawawala ng isang linggo? What the hell do you plan to do with my wife." Kinabigyan niya ng diin ang salitang wife. Tumaas ang kilay ko.

"Pinsan, siyempre nasa Japan kami, example ang concert ay Biyernes, siyempre, Lunes kami aalis, magsa-sight seeing kami pagkatapos mamili ng mga pasalubong – pagdating ng Friday, pahinga, kasi concert tapos, pinsan, pagdating ng Saturday another sightseeing, Sunday ang uwi namin. Right, Lia!"

"Oh yeah."

"Oh no! Kung ganyan katagal, sasama pala ako." Giit pa ni Lemuel. Napakunot ang noo ko. Hinuhuli ko ang mga mata niya, asking him what the hell is happening and why is he acting like that pero hindi naman siya tumitingin sa akin.

Hindi na ako masyadong kumibo pagdating kay Lemuel. Hanggang sa natapos ang hapunan ay hindi na ako nagsalita. R3 stayed up until ten pm. Nagkukwentuhan kaming dalawa. Nakaramdam lang siya ng pagod kaya umuwi na siya.

Hindi pa ako inaantok. Iniisip ko kung bakit ganoon si Lemuel sa akin. Sakto naman na pag-alis ni R3 ay nakita ko siyang nag-aabang sa may hagdanan. He looked as if he wanted to say something but then he acted as if he was being held back. Napakunot ang noo ko.

"What's your problem, Lemuel?" I finally asked him.

"Lia, do you really like Ricardo III?" He asked in a tone that he never used to me before. It was soft, calm and yet alarming. It's as if he was just trying to calm himself down. Anong problema ni Lemuel?

"Of course, I like R3." Wika ko sa kanya. Wala namang masama kung gusto ko si R3. Magkaibigan kaming dalawa. "Ikaw, anong problema mo? Why do you act that way? Why do you act as if you're in love with me, Lemuel?"

Hindi naman ako ipinanganak kahapon. Ramdam na ramdam ko ang mga pinagagawa niya kanina. It was as if he was trying to mark his territory around me. Mukha siyang aso kanina at kulang na lang ay ihian niya ako para maamoy ni R3 na pag-aari niya ako, pero hindi ganoon iyon.

"Are you in love with me, Lemuel?" I asked again. This time, fiercer, bolder. I wanted to know. And there's a part of me that's hoping that he will say yes, and if he says yes, we'll take it from there. I will tell him that I love him and maybe we can make this work.

But then, Lemuel shook his head.

"I'm just worried about you. I don't want to hold you back because of this contract. If you like R3, tell me, so I know where to put myself when he is around, and please, Halina, be discreet about it."

My mouth parted.

I think... I think... I think he was implying that R3 and I have a romantic relationship.

Lemuel turned his back on me. Ramdam na ramdam ko naman ang panginginig ko.

Ganoon ba kaliit ang tingin niya sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top