Fancy 38
Fancy POV
I can't pigil my tawa. It's like OMG! My tiyan is sasabog na because of my malakas na laugh.
Blake and I are watching comedy movie. Jim Carrey movies. That's why I'm kanina pa tawa ng tawa. Even Blake, he's malakas pala tumawa.
"That man, he's really funny." Blake said.
My fancy language is nag-comeback na ulit. It's kusa and I don't know how it happened. Maybe because I'm masaya. My saya is genuine and not fake. Kase I'm masaya talaga now with Blake. We're enjoying each other company lang dito. I don't want to make isip his sakit. I don't want to isip what will happen in the future. What's mahalaga is today kaya nga I'm savouring the moment that I'm with Blake.
I'm tumatawa pa rin when suddenly, I felt his hands on my shoulder. He's nakaakbay to me and I let him nalang. Like omg, it's nakakakilig kaya. He's mas dumikit pa sa'ken. We are magkatabi here sa mahabang sofa but he keeps on usod sa'ken so we're being magkadikit ng bongga na.
"Jewel.."
Napatingin ako sa side niya. He's looking at me pala so our lips are muntik nang magkadikit. My eyes are nanlaki but I'm nakabawi agad. Ewww! I don't want Blake to see my malaking eyes naman 'no! Baka he's matakot pa.
"W-why?"
Automatic nalang ako napa-close ng eyes when he kissed me. Blake is adik yata sa kiss but I admit, I like his kisses. He's my first kiss, second kiss, third kiss..wait? Third kiss is Sydd. Omg. Why Sydd is biglang pumasok sa mind ko? And the image? When he kissed me at the rooftop. Kyaaaa! I'm namumula yata!
Blake is kissing me, yet my mind is making isip with Sydd? What's happening to my mind?
Nang tumigil si Blake, he's looking at my face. I'm napatingin din sa eyes niya.
"Your face is red." He said. Nesfrutaaaa! He didn't know that my mukha is mapula not because he kissed me but because Sydd is biglang pumasok sa mind ko!
"A-ah, Blakey.."
He kissed me again. He's so adik talaga. I'll make him pahuli na sa pulis. He's adik! So adik...sa lips ko.
"I love you, Jewel."
I smiled at him. I don't know. I can answer his I love you to me naman but there's nothing na, na nagre-react here sa dibdib ko. There's no more dug dug like what happened to me when Sydd is making some nakakakilig moments. Wait..Sydd again? Why am I thinking that dragon Sydd? I'm with Blake! Blake! Blake! Blake! Sydd! OHMYGULAYNALANTA!
I'm napaisip tuloy If what happened na to Sydd. I'm sure naman na he's gising na now. Hay, I said, I will enjoy this moment with Blake but Sydd keeps on making gulo my isip.
"Hey.."
I'm natauhan nang maramdaman ko ang hands ni Blake to my cheeks. He's cupping my cheeks and kissed my nose. "I said, I love you."
I cleared my lalamunan. "I love you too, Blake." I answered. It was like, a natural response lang but there's no effect sa system ko. Oh, what's happening to me kaya talaga.
Mahal ko pa ba si Blake? I don't know.
Mahalaga pa ba siya sa'ken? Oo naman.
Gusto ko pa ba siya makasama? Ayos lang.
Kapag pumikit ka at nag-isip ng masayang moments, anong pumapasok sa isip mo? Si Sydd.
God! Why? Si Sydd..
I'm umiling-iling. I want to make him alis sa isip ko. I only want Blake as long as I'm here with Blake itself.
"Are you okay?" He's worried. I don't want him to mag-alala pa naman because of his kalagayan. Dapat he's masaya lang.
Pinilit kong mag-smile. "Yes naman. I'm okay, Blake. Don't mag-alala na."
"Are you sure?"
I carressed his face and tumango to him. Assuring him that I am okay talaga. "I'm okay."
He smiled at me and hugged me. Oh fries, bakit there's no kuryente na between me ad Blake? Why is that?
"Jewel, thank you. Thank you for letting me do this. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo. Malaking kagaguhan ang pinairal ko. At alam kong sobra kitang pinaiyak. Pero eto ka, pinagbibigyan akong makasama ka na parang walang nangyaring masakit between us."
My eyes is nag-teary nalang bigla. I know naman kase what's his kalagayan that's why pinagbigyan ko siya. He's mahalaga pa rin naman to me.
"Masaya ako na kasama kita ngayon. Hindi ko pa rin nga lubos maisip na kayakap kita ngayon. Na hinalikan kita kanina. Na kumain tayo ng sabay. Nanonood at nagba-bonding together. Laughing together na parang wala tayong problema. I'm enjoying this thing with you, Jewel. I know that in the future, baka hindi na natin 'to magawa, baka hindi na mangyari.."
Tumuloy na sa pagtulo ang tears ko. Yes, he's right. Kapag hindi siya naka-survive sa sakit niya, it's really impossible na, na maulit ito.
"Kasi..sa future, iba ang mapapangasawa ko."
No, Blake. You're saying this not because you will marry other girl but because you're not sure of what will happen to you. Because of your sakit..
If I don't alam lang his sakit? Baka I'm maniwala that he want to be with me kase he'll marry Hazel bitch someday and there's no chance na that we can be magkasama like this. That he's saying that we can't do it again in the future because of Hazel? Because of his arranged marriage? But no, it's still because of his sakit. Always his sakit! That's the main reason. But he can't tell me kase he don't want na mag-alala ako. Hell! He have no idea how worried I am, how I'm nasasaktan for him because I know the fact that he's sick!
"Hey. Sshh, stop crying love."
Love..
Hindi ko ma-stop ang iyak ko. It hurts kase. And it's really hard to pretend that you're okay but the truth is you really want to cry.
Naiisip ko nga, sana 'di ko nalang nalaman na may sakit siya because my system can't tanggap that there's a possibility that he will die. But on the other hand, I realized that I should be thankful to my Kuya Reid because he told me the whole thing. At least I can make Blake happy even in a short period of time. Kase if I don't alam? Baka I'm mag-hysterical talaga and make layas agad when I woke up one day with Blake because he kidnapped me. And there, 'pag gano'n, I know Blake will make me pauwi na and would not pilit his self na to me. That's Blake.
Being his stalker since highschool? Being so inlove with him and being little demonyita when there are girls around him? That's me to Blake.
"B-Blakey.."
"Yes, my Jewel? Hey, stop crying. I don't want to see tears from your eyes. Please. Naaalala ko lang ang kagaguhang ginawa ko sa'yo."
I tried to stop myself from making iyak. I wiped my tears and bumitaw na sa yakap ni Blake. I also tried to smile while nakatingin sa kaniya.
"I hope, I can make you masaya." I said.
Again, he's ngumiti to me. He's always nakangiti naman eh since kaninang umaga when I woke up.
"Jewel. 'Yung narito ka lang, kasama ko? Masaya na ako. What more kung ganitong nakaka-bonding kita? Nahahalikan? Nayayakap? Nakakausap ng maayos? No hard feelings? Sobrang saya. And I'm thankful. So much."
He lapit his mukha sa mukha ko. He'll kiss me again ba? He's really an adik na.
And there, I'm not nagkamali. He gave me peck on my lips. "Being with you is one of the happiest moment of my life, Jewel."
Ayan..ayan, I'm mapapaiyak na naman. I am touched with his salita.
"At kahit kailan, hindi ko pagsisisihan na ikaw ang laman ng puso ko. Na ikaw ang babaeng minamahal ko at mamahalin pa kahit wala ka na sa tabi ko sa future."
My tears is tumulo na. When I heard the word 'future' I always thought that he's pertaining to his death. God! I don't know why I'm thinking like this pero..
"B-blake.."
He tried to smile pero I saw tears na sa eyes niya. "You know what? It's hard..it's hard to let go. Yung tipong ayokong mawala ka sa tabi ko. Gusto ko nan'dito ka lang? But I don't want to be selfish. I want you to be happy at alam kong hindi na ako ang makakapagpasaya sa'yo, Jewel. Kaya ngayon, hangga't may pagkakataon gusto kong kahit papaano ay mapasaya ka sa piling ko. Kase sa future.."
Pakshit na future naman 'yan eh! Blake is pertaining to his death! That word! Sinasabi niya na sa future hindi na kami magkakasama because he thinks na baka he's dead na that time. And it hurts. I know he's nahihirapan. He's nahihirapan din na itago ang kalagayan niya sa'ken. Ayaw niyang malaman ko.
"Stop." I said. I'm napatungo na because my tears keeps on falling.
"Jewel.."
"Let's..let's just b-be happy, Blake? Let's not talk about sad...things and such. Just be happy." I said while biting my lip to stop myself from sobbing.
He's napatungo then but tumunghay agad and he's trying his best to show his smile. "Okay, Jewel. Let's be happy. No sad things.."
I hugged him. Gusto kong maramdaman niya that I'm here for him. Kahit he don't alam that I know his condition.
Knowing that he really loves me, it feels like natural. Parang wala ng effect sa'ken and whenever I think of the word love while closing my eyes? It's always that sampid who's appearing in my mind. That sampid Sydd. And I really don't know why.
-
Sydd POV
Shit! Nagising ako sa kwarto ni wifey kanina at hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Bakit nakatulog ako do'n? At nasaan na si Fancy?
"Hey, kiddo. Can we talk?"
Napatingin ako sa nagsalita--si Kuya Lance. Ano kayang gusto niyang pag-usapan namin? Seryoso kase siya. Baka bigla akong suntukin nito. Dapat yata magdala ako ng shield. Aba, mabuti na ang sigurado.
Tumango ako. "Sige, Kuya."
"Library." He said. Sumunod ako sa kanya paakyat sa second floor.
Nang makarating kami rito sa library ay prente siyang naupo sa couch. Gano'n din ako. Lalaki sa lalaki 'to. Dapat confident.
"Sydd Agoncillo. I want to talk to your father."
Kumunot ang noo ko. Bakit gustong makausap ni Kuya Lance ang Papa ko? Kelan pa naging guidance counselor si Kuya Lance? "Why?"
"Gusto kong pag-usapan ang arranged marriage na ipo-propose ko sa Papa mo. I want you to marry my little sister, Fancy Abellano."
Loading...99%
Marry? Si Fancy? Wait, arranged marriage? "Anong ibig mong sabihin, Kuya Lance?"
"I-a-arranged marriaged namin kayo. Ikaw at si Fancy."
Nagulat ako sa sinabi niya. Lalaking lalaki ako pero parang maba-bakla ako sa gulat. Tangna, bakit nila ako i-a-arranged marriage kay Fancy?
"But why?"
"I want her to be happy. At sa nakikita ko, alam kong mapapasaya mo siya. I know you loves my sister. Do you?"
Tumango ako. "Hindi ko itatanggi. Mahal ko si Fancy. Kaya nga narito ako sa Pilipinas eh. Dahil kay Fancy. Siya ang tanging dahilan kaya iniwan ko ang pamilya ko sa Paris. Sabi kase ng Papa ko, follow your dreams. That's why I'm here. I follow my dream--Fancy."
"That's good to know. Hindi kami hihingi ng kahit anong deal since may partnership na between Abellano and Agoncillo. I just want you to marry my sister."
Tangna, sino ba ako para tumanggi na pakasalan si wifey? Oo isa 'yun sa gusto kong mangyari sa future ko. Pero hindi ako bakla para pumayag sa arranged marriage dahil lang gusto ko siyang pakasalan. Ayokong samantalahin ang pagkakataon. Lalaki ako, gwapo at gwapo ulit. May paninindigan ako.
"Sorry, Kuya Lance pero gusto kong pakasalan si Fancy dahil gusto naming dalawa, dahil mahal ko siya at mahal niya ako. Ayokong ipakasal kami dahil lang sa arranged marriage. Kung tutuusin, swerte na ako dahil mapapakasal ako sa babaeng mahal ko pero ayokong i-grab ang opportunity para lang sa sarili ko. I'm doing my best for Fancy and hindi ako nawawalan ng pag-asa na mamahalin din niya ako. Gagawin ko lahat ng bagay na maaaring makapagpasaya sa kanya, aaluin ko siya kapag umiiyak siya, sasamahan ko siya sa lugar na gusto niyang puntahan, sasakyan ko lahat ng trip niya ma-satisfied lang siya. Lahat gagawin ko para kay Fancy. Pero ang arranged marriage na 'yan? Sorry but I'm against with that."
He grins. And swear! Naba-bakla ako sa ngisi na 'yan ni Kuya Lance. Nababahag ang buntot ko at naduduwag ako. Putek! Para kaseng may masamang balak. Parang gusto ko na tuloy maniwala kay wifey na si Satan nga 'to.
"Very well said. Okay then. Goodluck sa panliligaw mo sa kapatid ko. May pagka-demonyita lang talaga 'yun pero mabuti ang puso ng kapatid ko. And don't worry, I'm on your side." He smiled and left me clueless.
Goodluck daw sa panliligaw ko? Nasa side ko siya? Wala naman siya sa side ko. Iniwan nga ako dito sa library. Aba! Tch.
Pero tama naman ang desisyon ko 'di ba? Ayokong ipakasal kami. Gusto ko magpakasal kami dahil gusto namin pareho. Hindi ako mapapagod na ipakita kay Fancy na mahal ko siya. Kahit minsan, dinadaan ko sa pambubully at pang-aasar sa kanya ang nararamdaman ko. Gusto ko lang maging komportable siya sa'ken. Ayoko 'yung pure love lang ang namamagitan sa'men, dapat may naughty side, may funny side, may kalokohan side..lahat ng side! Kahit ba side by side. Basta ayoko 'yung masyadong seryoso. 'Yung manliligaw na puro positive lang ang ipapakita? Tch. I want Fancy to see my positive and negative side. I want her to see the real me. I rather choose to be real that to be fake just to get her.
At sa hinaba-haba ng sinasabi ko kanina pa, isa lang naman nasa isip ko. Putek! Nasaan ba ang wifey kooo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top