Fancy 39
SECOND DAY
Fancy POV
I didn't expect na I'm magiging komportable ng ganito kay Blake in just one day. Magkatabi kaming nag-sleep last night sa room and he's hugging me the whole time. I'm nagising kaninang umaga na he's nakayakap pa rin to me and it made my heart giggles.
I'm still kinikilig pa rin naman pala to him. To his kilos, but there's no more dug dug na talaga here in my puso and I can't explain why. Eh, what I know is, I love him. Diba? I have love him since I was in highschool. And I know that mahal ko pa din siya until now.
"Jewel?"
I'm sumilip kay Blakey. He's naligo eh that's why I'm watching TV lang here sa living room.
"I forgot my clothes. Sa kwarto na ako magpapalit."
I'm napalunok while nakasunod ng tingin kay Blakey papuntang kwarto. It's was like, OHMYKATAWAN! He's hot. Really. That was the first time na I saw Blakey na naked but may nakatapi lang ng towel sa bewang niya. Ohmychickenjoy! He really looks hot and something something is happening with me right now. Why it's so mainit bigla?
I'm nagpaypay gamit ang hands ko. It's really mainit na talaga. Summer na ba? The aircon is open naman ah.
Umayos ako ng upo sa sofa saka nag-focus. I'm nawawala na yata sa sarili ko. While thinking about Blakey's body that I saw a while ago, biglang nag-popped out sa isip ko ang..
RED BOTTLE
My eyes are biglang nanlaki! Omg. I have dala nga pala ng red bottle but why? Eh? I'm wala sa sarili that time that's why I have my red bottle with me. My innocent mind, oh no! What am I thinking? I'm going to seduce Blakey ba? Naku! That's mali. Pero..
Waaaaa! I'm dinedemonyo ng isip ko! Wait..paano pala ako dedemonyohin eh I'm demonyita na talaga. Psh. Alright, I'm insulting myself.
"Hey, Jewel? Are you okay?"
"Ay, red bottle!" I'm napatakip sa bibig ko. My madaldal na mouth! It's so nakakainis! I'm making patahi na talaga nito eh! But then, on second thought, that's masakit so..wag nalang.
"Red bottle? Ano 'yon?"
Ohmyinnocentmind! He's making tanong! What to do? Should I say..it's kailangan to make a baby? Omg. I kennat! Baka he'll make yaya me agad to make a baby! Omono! I'm not ready! But swear, after one minute, I'll be ready.
"Jewel?"
"A-ah! Ano, hehe. Blakey you know red bottle. It's ah, strawberry juice in a bottle. It's color pula right? That's why red bottle. Pero if it's mango juice, it's yellow bottle. He-he."
His noo is naging pretzel knots. Parang he's not naniniwala to me. Omo!
"Where's the red bottle?"
Nanlaki ang eyes ko! Blakey os excited! It's maaga pa yet he's asking for red bottle agad? Are we going to make a baby na agad? Holycow! Wait..I'm being OA na pala. He didn't alam nga pala about the red bottle. He thought, it's just a strawberry juice. Okay. I'm so feeler na nga, OA pa.
"Jewel? Where's the red bottle you're talking about?"
"In my bag..OHMY! I mean, in my bag but I drank it already so there's no more na." I showed him my peace sign. I'm natataranta tuloy! Baka 'pag pinakita ko ang red bottle, he makes tikim pa. At pag natikman niya, oh no, I should tago na if ayaw kong ma-pregnant.
"Ah, I see. Parang ang mysterious ng red bottle na 'yan. Haha. By the way, what do you want to do today?"
"Make a baby--aha! Ah, I mean, sinigang na bibe. He-he." My mouth is so daldal talaga! Gawd! It's nakakahiya!
"Nilagang bibe? Pero walang bibe dito. Mga pork and chicken lang ang nasa fridge."
I smiled at him. "Chicken is okay na. They are kamuka lang naman ng bibe eh. They are magkaiba lang naman sa paglalakad eh. Bibe is making kembot pa kase while walkling unlike chicken that is straight walking lang. He-he." I can't tawa ng natural pa. Seriously. I'm natataranta now. And that's because of that red bottle. Argh!
"Al..right? Sige. But wait, wala namang sinigang na manok. Sinigang na baboy kaya?"
"Anything nalang Blakey! Anything will do. I'm not pihikan sa food naman eh. You want me to help you to cook?" I asked.
"Marunong kang magluto?" He looks amazed.
"Yes, I'm the taga-chop ng onions and garlic. He-he."
He's napailing. Oh why! He's disappointed ba? Chopping is part of cooking pa din naman, right?
He's lumapit to me and make hila my kamay. I'm napatayo tuloy. "Ikaw talaga." He said then make me yakap.
I noticed that he loves hugging me. Am I a huggy bear? Oh no.
"What's your ginagawa, Blakey? Why are you hugging me? Is there a problem?"
He makes kalas the yakap and cupped my cheeks. Omo! Is he going to kiss me ba? I'm kotang kota na sa kiss niya.
"Nothing. Okay? Naiisip ko lang na pagkatapos ng araw na makasama ka, back to normal na. I'll be back to Hazel because she's my fiance. And sorry kase kailangan ko na ding umiwas no'n. Saka baka hindi na ako masyadong pumasok sa school.."
Here we go again. He's talking about..
"Why?"
"Magiging busy na ako sa kasal namin ni Hazel. May mga aasikasuhin so hindi ako masyadong makakapasok."
My luha is gusto ng lumagpak. I want to away him. Kase oh, he's telling me na baka he's not makapasok na lage because of his kasal but I know the truth is, he's mao-ospital na. He's not nahihirapan ba to make tago his kalagayan to me? I'm nasasaktan din naman eh.
Tumango-tango ako. Pinipigilan ko ang self ko to speak kase baka I'm madulas pa at malaman niya that I know his condition.
He makes me yakap again and I yakap him too. Being with Blake, like this is priceless. I know napapasaya ko siya. Kase he loves me eh and we're together now. If he knew lang na alam ko ang condition niya.
"Blakey.."
"Yes?"
"Can we still be..close? Even if you're getting pakasal na?" I still want to get in touch with him. I want kase na madalaw-dalaw siya sa ospital. I want to tell him na tuloy na I know his condition but I have no lakas ng loob.
Umiling siya. "No, Jewel. You can't understand. Mas magandang magkalayo na tayo or mag-iwasan after this."
My dibdib is nanikip. "B-but why? I mean, it's okay with me na that you're magpapakasal kay Hazel bitc--I mean, her. We can still be close pa din naman right? We're still magpapansinan sa school."
Napansin kong there's something ma-watery sa eyes ni Blake. Is he going to iyak?
"Basta, hindi mo maintindihan, Jewel. We can't. I don't want to hurt you. Please. Pagkatapos ng mga araw natin dito, we'll be back to normal. Isipin mo na ulit na sinaktan kita at pinaiyak. Kasuklaman mo na ulit ako. Forget about me, Jewel."
Wala na. I'm napaiyak na. I'm naiiyak kase I know what he's talking about. He wants me to do that, or he want us na magkagalit ulit kase he has sakit. He don't want me to be close to him kase I'm masasaktan 'pag bigla siyang nawala--na sana 'wag naman.
"I don't know, Blakey. Why? Why do you want me to do that?"
"Because I'm gett--"
"You're getting married? Huh?" Hindi ko na napigilan ang sumagot. I'm sick of this! Ang hirap eh. Ang hirap magpanggap. Lagi niyang nire-reason 'yung magpapakasal niya but the truth is, it's because of his sickness! "That is bullshit, Blake!"
Magkaharap na kami. Nakatingin lang siya sa'ken pero may luha na sa mga mata niya. Eto na naman 'yung sakit dito oh, sa puso ko. Ramdam na ramdam ko. I'm trying to be strong for him. Pero hindi ko na kayang makinig sa kaniya dahil alam kong nagsisinungaling lang siya.
"Jewel.."
Tiningnan ko siya sa mga mata niya habang umiiyak ako. "Blake, tama na! Tama na 'yang kasal kasal na 'yan! Lagi nalang 'yan ang bukambibig mo!"
"W-wait, I'm sorry kung lagi kong nababanggit ang kasal. Jewel, sorry. Okay, hindi ko na babanggitin 'yan okay? Calm down. Don't cry please."
Umiling ako. "Hindi kase 'yun, Blake eh. It's not about that marriage! Hindi dahil lagi mong mine-mention na ikakasal ka na! Kasi..kasi.." Lalo akong napaiyak. Sorry, pero 'di ko na kayang itago pa 'to. Feeling ko sasabog na ako eh.
"W-what do you mean?"
"Kasi ang hirap na. Ang sakit na! Dito oh!" Tinuro ko ang bandang puso ko. "Masakit! Masakit marinig mula sa'yo na gusto mong lumayo ako sa'yo at kasuklaman kita ulit dahil ikakasal ka na pero ang totoo, dahil..dahil.." Napatungo ako at napahagulhol.
"J-Jewel.."
Muli akong tumingin sa kanya. "D-Dahil may sakit ka. May sakit ka, Blake! May sakit ka na pwede kang mamatay! You keep on saying that you're getting married that's why ganito, ganyan. No, no Blake! You have cancer. You don't know if you're going to die. K-Kaya gusto mo akong lumayo." Hiningal ako sa sinabi ko. Masakit talaga.
Alam kong 'di ko dapat sinabi sa kaniya na alam ko pero hindi ko na kayang itago eh. Hindi ko na kayang magpanggap na sa tuwing mag-uusap kami, i-bo-brought out niya ang kasal kasalan na 'yan. Na ang laging reason niya sa mga sinasabi niya ay 'yung kasal na 'yan but the truth is, it's because of his condition. Ayaw niya akong masaktan. Period.
Nanlaki ang mata niyang nakatingin sa'ken. Tumulo na rin ang luha niyang kanina pa nagbabadyang tumulo. "H-How did you know? Paanong.."
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman, Blake. Stop fooling me around. Stop talking about your marriage! I don't care! Sige magpakasal ka. Tanggap ko na naman eh! We're not for each other but hell, Blake! I still care for you. For you, alone. And not with your damn marriage."
"I'm sorry. But, Jewel. No, hindi mo dapat nalaman. Hin--"
"No, Blake. May karapatan akong malaman! Kase kapag alam ko, mas naiintindihan ko ang sitwasyon. Hindi ako nagmumukhang tanga kakaiyak, kakakulong sa kwarto dahil sinaktan mo ako! Gayong 'di mo talaga ginustong saktan ako. Ang sabihin mo sa'ken na hindi mo naman ako mahal, it hurts like hell! But then, I understood na sinabi mo lang 'yun dahil sa sakit mo. Gusto mong magalit ako sa'yo at lumayo. Para ano? Ha? Para hindi ako masaktan habang nakikita ang kalagayan mo. Tama 'diba? Diba? Tell me!" Lalo pa akong napahagulhol. Napahawak ako sa magkabilang braso niya.
"T-Tama na please. Stop crying, Jewel. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang itago sa'yo ang kalagayan ko. Hindi ko ginustong mangyari 'to.."
"But you did, Blake. It was all done. You can't undo that mistake. You hurt me. You made me cry. You made me believe that you don't love me. You made me believe that all the things you did are for your marriage--for Hazel. But not. No! It was all because of me! Kase ayaw mong mas masaktan ako. Kase hindi mo alam kung anong mangyayari sa future. Hindi mo alam kung gagaling ka. Pero hindi ba, pwede ka namang lumaban? If you really want to be happy, just fight."
Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak. "I'm sorry. Sorry."
Lalo pa akong napaiyak habang nakayap sa kaniya. "Now that you know that I know your situation, pwede na bang 'wag mo akong palayuin sa'yo? I'm here, Blake. I'm here for you because I care."
Kumalas siya ng yakap sa'ken. "Yes. Alright, Jewel. Hindi na kita palalayuin sa'ken. Hindi na. Pero, pero..still, I have cancer. What if I die? What if mas lumama na'to? What if wala ng silbi kung labanan ko pa ang sakit na'to?"
"Yan! 'Yan hirap sa'yo Blake eh! You kept on thinking that damn what if's! Why don't you live your life to the fullest? Bakit sa halip na isipin ang mangyayari sa future, bakit hindi mo nalang pagtuunan nalang muna ng pansin ang present? Ang nangyayari? Andito ka, Blake oh! Nasa harap ko. You're fine. So why the hell did you ask me that what if's? Ang mahalaga 'yung ngayon. Yung ngayon, Blake." I tried to wipe my tears with my hands pero wala, tulo pa rin ng tulo.
Tumungo siya saka lumuhod sa harap ko habang nakahawak sa mga kamay ko. Napatungo ako sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya.
"Jewel, sorry. Sorry kung naging mahina ako. Sorry kung hindi ko inisip na dapat nilulubos ko nalang 'yung mga araw na andito pa ako. Hindi 'yung pilit kitang pinapalayo sa'ken. Nasaktan pa tuloy kita. Sorry kung para akong bakla na hindi kayang harapin ang sitwasyon ko. Laging nasa isip ko ang mangyayari sa future. I never think about the present. Sorry.."
"T-Tumayo ka diyan. Basta promise me, lalaban ka. Lalaban ka."
Tumayo na siya saka ako hinalikan sa tungki ng ilong ko. "Lalaban ako."
I smiled at him. Ang saya pakinggan na lalaban siya but at the same time, masakit. Dahil sa katotohanang wala pa ring may alam kung ano ang mangyayari sa future.
Muli niya akong niyakap. Gumanti ako ng yakap. Ngumiti ako habang patuloy sa pagtulo ang luha ko.
"Dadalawin kita sa ospital." Alam ko namang magiging madalas na siya d'on sa mga susunod na araw. At ayoko naman na umakto na walang alam. Gusto ko pa ring ipakita sa kaniya na kaya ko, na malakas ako para harapin ang tunay na kalagayan niya. Dahil ayoko rin naman siyang mag-alala sa'ken.
"Jewel.."
"'Yun lang, Blake. Sana hayaan mo na akong gawin 'yun."
Tumango siya habang nakayap pa din sa'ken. "Ayokong makita mo ako sa sitwasyong alam kong masasaktan ka.."
"Mas masakit 'yung alam ko ang sitwasyon mo pero wala ako sa tabi mo para palakasin ang loob mo." Sagot ko.
Mas humigpit ang yakap ni Blake sa'ken. "Sorry kung naglihim ako. Hindi ko naisip na maiintindihan mo naman eh. Na nandito ka para sa'ken, na nandito ka para palakasin ang loob ko. Ang inisip ko lang kase, masasaktan ka 'pag nalaman mo."
"Enough, Blake. Nandito tayo para magsaya 'diba? So..let's stop talking about your condition. I'll be at your side." Sabi ko saka kumalas na sa pagkakayakap sa kaniya.
"My Jewel." He said then cupped my face and kissed my lips. Hinayaan ko lang siya. Tumugon ako sa halik niya hindi dahil lumalandi lang ako kundi dahil gusto kong iparamdam sa kaniya that I care for him. I love him. Yes, I love him. And I'm always here for him no matter what.
Tumigil siya sa paghalik sa'ken saka pinagdikit ang mga noo namin. He's looking at my eyes. "I love you, Jewel. I'll fight for you. Magiging malakas ako para sa'yo."
Ngumiti ako bilang tugon. So..this is the start? Start of accepting his real condition. Start accepting that something might happen to Blake in the near future. And start accepting that we're not meant to be.
-
Tatlong linggo na ang lumipas mula nang magkasama kami ni Blake sa sexret place namin. Kung saan nagsimula ang sunday affair namin, kung saan napaparamdam namin sa isa't isa ang pagmamahal. But life is unfair. Kung kelang masaya ka na, saka naman babawiin ang dahilan ng kasiyahan mo. But all I need to do is to accept. Kahit..masakit.
Nung last day namin sa secret place, nakailang suka pa ng dugo si Blake. Ang sakit na makita siya sa gano'ng kalagayan. Gusto pa niyang mag-stay kami ng matagal d'on but I insisted na tama na. Kailangan na niyang pumuntang ospital para ma-monitor ang kalagayan niya. Hinatid ko pa siya no'n sa ospital. At doon ko nalaman na kailangan na pala niyang maoperahan pero tumanggi muna si Blake para mapaglaanan niya ako ng oras. Hindi ko alam kung gaano karaming luha ang nailabas ko sa mga mata ko. Basta ang alam ko, iyak lang ako ng iyak.
Ngayo'y dinadalaw-dalaw ko si Blake sa ospital. Alam na rin ni Hazel ang kalagayan niya. At para kay Blake, nakipag-ayos ako sa kaniya. Ganon din siya kaya nagkasundo na kami. Kinalimutan na namin ang mga bagay na nangyari na naging sanhi ng pag-aaway namin. Nakilala ko na din ang parents niya at nagpasalamat sila dahil naroon ako para kay Blake. Kailangan na kasi siyang mag-stay sa hospital lalo't napapadalas ang pag-ubo niya ng may kasamang dugo. Makakasama sa kalagayan niya. Mas makakabuti na ma-monitor ng doctor ang status niya.
Naalala ko 'yung huling araw naming magkasama sa secret place namin. Wala kaming ginawa kundi tumawa at magpakasaya. Pinaramdam namin sa isa't isa ang pagmamahal. Na kahit hindi kami sa huli ay nananatili ang pagmamahal dito sa puso namin. Ilang beses kaming nagyakapan at nag-kiss but then it's all worth it. Masarap sa pakiramdam eh. Na sa kabila ng pagtanggap mo sa maaaring mangyari, kahit papaano ay naranasan mo pa ring sumaya muna bago matapos ang lahat.
Nang bumalik ako sa mansyon, sinalubong ako ni Sydd. I still remember his reaction. And his blah blah..
"Wifey! Alam mo bang apat na araw akong nauulol kakahanap sa'yo? Sabi ni kuya Lance, nagbakasyon ka daw! Nag-beach! Aba! Dapat sinama mo ako. Nagso-solo ka na naman! Alam mo namang kaya kitang samahan sa mga lugar na gustod mong puntahan. Alam mo din na kaya kong sakyan lahat ng trip mo. Alam--"
"Shut up."
Napakamot siya sa ulo niya. "Wifey naman. Nagsusungit ka. Ikaw na nga nakapag-bakasyon, ikaw pa nagsusungit. Napaka-unfair mo. Halikan talaga kita diyan eh."
Nilampasan ko siya saka dumiretso pataas sa kwarto ko. Pero nakasunod siya sa'ken. Isasara ko na ang pinto ng kwarto ko nang iharang niya ang paa niya.
"Wait! Hep hep! Di ka ba mag-e-explain sa'ken?" Tanong niya.
"Why should I? Guidance counselor ka ba para mag-explain ako kung bakit ako nawala? Psh. Pagod ako. I want to take a rest so stop bothering me."
Inakto niya ang kamay niya na parang sumusuko. "Alright! Sungit mo. May period ka siguro. Ahahaha!" Sabi niya saka tumakbo paalis sa harap ko.
That Sydd...is totally crazy.
Napangiti ako sa naalala ko. Ilang araw akong balisa dahil kay Blake. Ilang araw na din akong laging nasa kwarto lang. Ilang araw na ding hindi nagka-comeback ang fancy language ko. Wala eh, apektado.
"Little devil. Here." Inabot sa'ken ni Reid ang sobre.
Kanina pa pala ako nakatulala. Nakaupo lang ako sa sofa habang nanonood pero wala naman sa TV ang atensiyon ko.
I opened it and I saw credit cards and ATM. May cash pa. "Thank you, Kuya." I often call him kuya this past few days. Siguro dahil isa siya sa taong nakaintindi ng feelings ko.
"Handa na ang private plane natin. The day after tomorrow, you'll fly to New York and you can..move on."
Tumayo ako and I hugged my brother. Thanks God I have brother like him. Alam niyang masakit. Alam niyang kailangan kong lumayo. Alam niyang ito ang nararapat kong gawin para sa ikabubuti ko.
Yes. I planned to fly to New York. Doon ko muling bubuhayin ang ka-demonyitahan na nananalaytay sa katawan ko. Doon ko muling bubuhayin ang nag-iisang Fancy Jewel Abellano--the crazy little devil.
Si Blake? Ayun, namamayat na siya at nanghihina na siya. Sa loob ng tatlong linggo, makikita agad ang epekto sa kaniya ng sakit niya. Lumalaban naman siya at masaya siya na maraming nagmamahal sa kaniya. Maraming nagdadasal para sa kanya.
I want to stay with him. I want to be updated with his condition but he told me to stay away from him. Ayaw niyang makita ko pa siya sa kalagayan niyang iyon. Sinabi niya na mas magiging masaya siya kung lalayo ako at kakalimutan siya. I agreed kase masakit talaga. Masyado pa akong bata para maranasan ang ganitong sakit. Nagpasya akong lumayo muna at hahayaan si Blake na magpagaling at lumaban sa sakit niya nang wala ako sa tabi niya. Naisip ko rin kase na habang nasa tabi niya ako, mag-aalala lang siya dahil alam niyang nasasaktan ako na makita siya sa gano'ng kalagayan.
Sabi niya, lumayo at kalimutan siya. I agreed with the first but to the second? Ang kalimutan siya? No. Hindi ko 'yun kayang gawin. He will always be in my heart and in my mind. Hindi ko kakalimutan na may Blake na nag-e-exist sa buhay ko.
Malakas pa rin ang pakiramdam ko that he can make it. Gagaling siya. At sana sa pagbabalik ko, makita ko siyang masaya sa piling ni Hazel. Malakas, magaling na at wala ng sakit. I know Hazel can take care of him. I know she loves him that much like what I felt before. Mahal ko pa din si Blake, oo. Pero iba na eh. May lamat na. Kumbaga, nagkaroon na ng leak kaya tumagas na at nabawasan na.
The reason why? I still don't know.
Si Sydd nga pala, sumasama siya sa hospital minsan 'pag dinadalaw ko si Blake. Minsan pa nga, seryoso silang nag-uusap na parang silang dalawa lang ang tao sa room ni Blake. Pero wala akong idea sa pinaguusapan nila.
Alam ni Sydd na aalis ako. Actually, sabay kaming aalis. Nagpasya din siyang bumalik muna sa Paris habang hinahayaan akong lumayo. At sa araw na pag-alis namin, dadaan muna kami pareho kay Blake para magpaalam.
Si Blake. Ang first crush, first like at first love ko. Minahal niya din ako tulad ng pagmamahal ko. But then, tulad sa mga story laging may twist, laging may hindrances. At 'yun nga ay nagkasakit si Blake--kasama na rin ang arranged marriage niya. Mahal namin ang isa't isa but we can't be together. Kailangan naming magparaya. Kailangan naming tanggapin ang katotohanang hindi kami para sa isa't isa.
Sabi nga nila, hindi lahat ng love story nagtatapos sa nagkakatuluyan ang dalawang taong nagmamahalan. Love has no end. Kahit pa hindi kayo magkatuluyan, mananatili ang pagmamahal sa puso natin. Hindi lahat ng love story ay perfect. Hindi lahat ng taong nagmamahalan ay nag-e-end up with each other. Hindi lahat ng taong nagmamahalan ay sasaya sa piling ng isa't isa. Hindi lahat ng nagmamahalan ay magkakasama hanggang sa pagtanda tulad sa mga movies o teleserye. Hindi lahat ng nagmamahalan ay magiging katulad sa fairytale na laging nakakamit ang happy ending. We are in the real world. This is life. And this is the reality.
◆◆
Last chapter next update.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top