Fancy 37
Fancy POV
Hindi ako mapakali dito sa kwarto ko. Kagagaling ko lang sa school. Hapon na at mamaya, ki-kidnappin na ako ni Blake. Wala siyang ka-ide-ideya na alam ko ang plano niya. Sabi ni Reid, pupunta dito si Blake tapos kakausapin ako tapos biglang tatakpan 'yung ilong ko ng panyo na may pampatulog. Napaisip nga ako, sana humingi nalang siya ng blue bottle sa'ken tapos ipainom niya sa'ken. Psh.
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi dahil ki-kidnapin ako ni Blake kundi dahil 'di ko alam kung paano ako aakto sa harap niya gayong alam ko ang tungkol sa sakit niya. I'm sure mahihirapan ako. Tulad ngayon, tuwid na naman ang salita ko. It's because I am hurt. Apektado ang buong sistema ko sa nalaman kong kalagayan ni Blake. Kinakaya ko na nga lang maging malakas eh. Pero deep inside, hinang-hina na ako.
Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. And'yan na kaya sa baba si Blake? Lalo akong kinakabahan. Sa oras na mapunta na ako sa kamay ni Blake, I need to act. Kaya ko ba? Kakayanin.
Binuksan ko ang pinto at tiningnan kung sino pero wala naman. Nagkamali ba ako ng rinig? Pero malakas 'yung katok kanina.
I tilted my head. Baka nga imagination ko lang 'yun. Isasara ko na ang pinto nang..
"BOOOO!"
"Alright. Nagulat ako." Nag-poker face ako kay Sydd. Anong trip na naman niya para manggulat?
Nagkamot siya ng ulo. Nakalimutan ko na naman siyang bilhan ng suyod.
"Wifey naman. 'Di ka man lang nagulat?"
Tumaas ang isang kilay ko. "Nagulat ako. See? Gulat na gulat ako oh." Sarkastikong sabi ko.
"Pero teka, bakit straight ka magsalita? Wait, wifey? Are you okay?" Biglang tanong niya. Sinipat pa niya ang noo ko kung mainit. Baliw talaga.
"I'm okay." Simpleng sagot ko.
But wait, si Sydd nga pala nandito. Magiging sagabal siya. Siguradong makikisawsaw 'yan kapag nandito na si Blake. Ayokong pumalpak ang plano ni Blake dahil gusto ko rin siyang makasama.
"Sure ka, wifey? Gusto mo ng gamot?"
Napaisip ako. "Juice lang ang gusto ko sana, Sydd." Nag-pout pa ako para mas effective.
"Sus. Juice lang pala. Wait for me. Ikukuha kita sa baba." Nakangiting sabi niya saka tumalikod na.
Okay. I need my blue bottle. I'm sorry Sydd pero kailangan mo munang matulog.
Kinuha ko ang maliit na blue bottle sa pinaka-ilalim na drawer ko saka naupo sa kama. Hinintay ko si Sydd. Well, sa kanya ko ipapainom ang juice.
Ano kayang mangyayari mamaya? Kase alam ko, tutulungan ni Reid si Blake na maisakay ako sa kotse nito 'pag nawalan na ako ng malay. Hay, 'di ko pa rin ma-imagine na napapayag ni Blake si Reid sa ganitong klaseng plano. He's so protective pa naman.
"Wifeeeyyy!"
Ang bilis naman ni Sydd. "Pasok."
Pumasok siya sa kwarto ko at nilapag ang juice sa side table. Saka siya naupo sa sofa.
"Inumin mo na 'yan, wifey."
Ngumiti ako saka tumango. Uminom ako sa juice pero kaunti lang. "Wait, kulang sa lasa Sydd. Pwede mo ba akong ikuha ng maliit na sachet ng sugar sa kitchen? Tanong mo nalang ang maid kung saan nakalagay?"
I'm sorry Sydd.
Tumayo siya at ngumiti. "Oo naman. Ako pa? Wait ka lang wifey."
Naiwan na naman akong mag-isa kaya dali-dali kong pinatakan ng blue bottle ang juice. Saka itinago muli iyon sa drawer ko.
"Wiffeeeeeyyyy!"
Ang bilis naman. Mukhang nanakbo si Sydd. "Thanks, Sydd."
"Basta para sa'yo, wifey."
Kinuha ko sa kanya ang inabot niyang sachet ng sugar then I opened it. Naglagay ako ng konti sa juice then I looked at Sydd na nanonood sa'ken.
"Ah, Sydd.."
"Yes, wifey?"
"Pwede bang ikaw muna tumikim kung okay na ang lasa?" Sabi ko. Sorry talaga, Sydd.
Ngumiti siya. "Oo naman." Sagot niya saka lumapit sa'ken.
Naupo siya sa tabi ko dito sa kama saka kinuha ang baso ng juice. Ininom niya iyon saka tumingin sa'ken.
"Okay naman ang lasa wifey. Sarap nga eh."
Tinitigan ko lang siya. Alam kong makakatulog na siya.
Napahawak siya sa ulo niya. "Pero alam mo wifey? Inaantok talaga ako. Bigla akong parang.."
Knock down. Sorry talaga Sydd. I need to do this. Nakahiga na siya sa kama ko pero 'yung paa niya nakababa sa sahig kaya tumayo ako at iniayos siya sa kama. Dito nalang muna siya. Mawawala naman ako.
Huminga ako ng malalim saka lumapit sa closet ko. Kinuha ko ang phone and wallet ko saka inilagay sa bulsa ng maong short ko. Mabuti na ang handa.
Hm, magdala kaya ako ng red bottle? Shems, ano ba'tong nasa isip ko? Am I ready to give myself to Blake? Seriously? Okay, bahala na si tweety bird.
Lumapit ako sa drawer ko at kinuha ang red bottle. Pumikit ako ng mariin. Hindi ko ma-imagine na ako mismo ang gagamit nito. Ohmygulay, sigurado ba ako dito? Bahala na nga. Basta dadalhin ko 'to! In case lang, kaya 'wag kayong mag-isip ng kung ano.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok do'n. Mam Fancy, may bisita po kayo sa baba."
Shems. Blake is here. Ready na ba ako? Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Sige, bababa na ako." Sigaw ko sa katulong.
I took a deep breath saka tumingin sa human size mirror ko.
"You can do it, Fancy. Kaya mo 'yan! Acting lang ang kailangan." Sabi ko sa sarili ko saka huminga muli ng malalim.
Nang maramdaman kong handa na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko. Bumaba ako sa salas at doon, nakita ko si Blake. Tumikhim ako.
Acting starts.
"Why are you here?" Kelangan kong mag-english para hindi halatang hindi ako nagpa-fancy language. Baka magulantang pa siya 'pag nag-pure tagalog ako. Pero kaya ko naman sigurong mag-fancy language.
Tumayo siya habang nakatingin sa'ken. "Jewel.."
"Diba I told you before, don't call me by my second name kase we're not close? And who's nagpapasok ba sa'yo dito? You're not welcome here." Okay, kaya ko 'to. Bat kase biglang natuwid 'yung dila ko.
Napansin kong kinakabahan siya. "I'm sorry, Jewel. I just want to talk to you kahit sandali lang. Please."
That 'please' tho. Nakakainis kase nanghihina na agad ako.
"You better go, Smith."
"No, Jewel. Let's talk."
He really wants to talk with me. Talagang gagawin niya ang plano niya. Alam kong iniisip na niya ngayon kung paano niya isasagawa iyon. Hindi ko na siya pahihirapan. Bibigyan ko siya ng access. Nasa kanya na kung mage-gets niya at kung gagamitin niya ang pagkakataon para matakpan na ng panyong may pampatulog ang ilong ko.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Napatayo din siya. "Get out. I don't want to talk with you." Sabi ko saka dahan dahang tumalikod. Ito 'yung pagkakataon na pwede na niyang gawin ang plano niya.
"Damn. Sorry, Jewel." I heard him whisper. So ito na 'yun?
Binagalan ko ang kilos at nang maramdaman kong hinawakan na ni Blake ang braso ko habang nakatalikod ako, alam ko tatakpan na niya ang ilong ko.
And I'm right. May itinakip siya sa'keng panyo at narinig ko pa siyang magmura bago ako tuluyang mawalan ng malay.
-
Nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa bintana. Kumunot ang noo ko. Nasaan ako? Napaisip ako. Ah, okay. Kinidnap nga pala ako ni Blake. Ako lang yata ang kinidnap na aware.
Tumingin ako sa paligid. Nasa kwarto ako. Pambabaeng kwarto? At aminin ko man o hindi, ang calm lang at comfortable sa pakiramdam. Kanino kayang kwarto 'to? Baka kay Hazel bitch 'to ah. Susunugin ko 'to. Psh.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Blake. May dala syang tray ng pagkain yata.
Acting, Fancy! Action!
"Where am I? Why are you here? What's happening Blake?!" I'm trying to be hysterical.
Para namang nataranta siya. Ipinatong niya ang tray sa side table saka naupo sa kama. Napaupo din ako.
"Look, Jewel. I'm sorry pero--"
"Tell me! Nasaan ako?! Why..why.." Mahirap mag-act, promise!
"Jewel.."
"Bakit? Tell me? Nasaan ba ako? Bakit kasama kita?!" Sigaw ko.
Hinawakan nya ang braso ko. Shems. Blake, you don't know how much I want to hold you..
"Don't touch me! Nasaan ako! I'll call the police!" Sigaw ko. Nagpumiglas ako. But..
This is all an act..
"No! No, Jewel. Please, listen to me. I'll explain."
Ayan na, ipapaliwanag na nyang kinidnap niya ako. But I know, wala siyang balak sabihin sa'ken ang tungkol sa sakit niya.
Act, Fancy! "No! I can't believe this is happening?! I don't want to see you! I don't want to talk to you! I want to go home!" Sigaw ko pa.
"I'm sorry. Okay iuuwi kita--"
Ang bilis naman. Ba't nya ako iuuwi? Dapat pala 'di ko 'yun sinabi. Ohmykilay!
"Why I'm here?!" Pag-iiba ko nang usapan. Baka iuwi niya nga ako.
"Jewel.."
"Tell me?!"
"I want to be with you. Please.."
Natigilan ako. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil nanggigilid ang luha niya. He's staring at me. At ramdam ko dito sa bandang dibdib ko, masakit. Dahil habang nakatitig siya sa'ken, lalong nagsi-sink-in sa utak ko na may sakit siya.
"W-Why?" Tanong ko. Kahit alam ko kung bakit. Dahil mahal niya ako. Mahal ako ni Blake.
Pinigilan ko ang sarili kong maluha. Matapang ako eh. 'Di ko dapat ipakita kay Blake na mahina ako--na may alam ako.
Napalunok siya sa tanong ko. Alam ko kung bakit. Dahil magsisinungaling siya sa'ken.
"I really want to be with you. I want to make it up to you. Alam kong naging rude ako sa'yo. Alam kong nasaktan kita pero hayaan mo akong bumawi. You're important to me, Jewel. And I love you. I really do. Sinabi ko lang na 'di kita mahal kase may fiance na ako at ikakasal na ako sa iba. Maniwala ka sa'ken."
Hindi, Blake. Sinabi mong 'di mo ako mahal dahil may sakit ka. May sakit ka..
Gusto kong umiyak pero pilit kong pinipigilan. Ang hirap din palang magpanggap na okay sa harap ng taong dahilan ng pagiging malungkot ko.
"B-Bakit.."
"Masasaktan ka lang, Jewel. Kung patuloy mo akong mamahalin, masasaktan ka at ayokong mangyari 'yun. Ikakasal ako sa iba. Sorry kung 'di ko kayang ipaglaban ka.."
'Di mo kayang ipaglaban ako dahil may sakit ka, Blake..
Tama na siguro ang acting ko ng pag-iinarte. "What do you want?" Tanong ko. Pinatatag ko ang sarili ko kahit kanina ko pa gustong umiyak at yakapin nalang siya.
"You. I want to be with you, Jewel. Let me do the things I want to do with you bago ako tuluyang lumayo sa'yo."
Lalayo. Kase..kase may possibility na mamatay ka, Blake..
"Lalayo.." Sambit ko.
"Oo. Dahil ikakasal na kami ni Hazel. Gusto kong bago ako matali sa kanya ay malaya kong ma-iparamdam sa'yo na mahal talaga kita."
Hindi totoo 'yan Blake. Lalayo ka hindi dahil ikakasal na kayo ni Hazel bitch. Kundi dahil may sakit ka..
Bakit ba hindi mo nalang sabihin sa'ken na may sakit ka?! Gustong gusto ko na siyang sigawan. Ang hirap pang magpigil ng luha.
Demoyita ang ugali ko pero may puso din akong nasasaktan.
"B-Blake.."
Niyakap niya ako. Hindi na ako pumalag pa. Gusto ko 'to. Ito ang bagay na gusto kong gawin kanina pa. Ang yakapin siya kase alam kong nahihirapan siya. Alam kong nasasaktan siya..
"Please. Kahit ilang araw lang, Jewel. Hayaan mo ako."
I bit my lower lip para pigilan ang luha ko. Lalo kase akong naiiyak kapag ganitong pinipilit niya ako. Sa halip na sagutin siya ay yumakap nalang ako sa kanya. Gets na naman niya siguro 'yun. 'Di ko kase alam ang sasabihin ko.
"T-Thank you.." Bulong niya. Na-gets niya.
Lihim akong napangiti. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kayakap ko ngayon ang lalaking simula't sapol ay pinangarap ko na. Ang lalaking nanakit at nagpaiyak sa'ken pero dahil alam ko na ang dahilan niya, naiintindihan ko na siya.
Kumalas na siya ng yakap sa'ken at sumalubong sa'ken ang mukha niya. May luha sa mga mata niya. Para bang sabik siya sa'ken na parang ang saya saya niya.
He cupped my face. Hindi na ako tumanggi pa nang halikan niya ako. Wala akong maramdamang kilig dahil purong pagmamahal lang ang nararamdaman ko ngayon. Tumugon ako. Alam kong mali 'to dahil wala ng kami. At hindi na magiging kami pa pagkatapos ng mga araw na nilaan niya para sa'ken.
Mali pero 'di ba dapat sulitin ko nalang ang pagkakataong ito?
Paano kung mawala na si Blake?
Paano kung lumala ang sakit nya?
Paano kung tuluyan na niya akong iwan?
Magiging selfish muna ako ngayon. Lulubusin ko ang oras na kasama si Blake. Dadamahin ko ang pagmamahal na ipaparamdam niya sa'ken kase masakit eh..masakit na isipin na kelangan kong maging selfish dahil baka ito na ang huli. Baka hindi na maulit pa 'to.
Naramdaman kong lumalalim na ang halik ni Blake and it's fine with me. I respond to his kisses. Malayang tumulo ang luha ko. Hindi ko na kayang pigilan pa.
Eto ngayon, ramdam na ramdam ko ang labi ni Blake. Ito na ba talaga ang huli? Hindi na ba mauulit ito sa future?
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinaramdam kay Blake na mahal ko siya. Alam kong may kakaiba na akong nararamdaman para kay Sydd pero iba itong para kay Blake. Iba..pagmamahal na matagal nanirahan dito sa puso ko.
Kaya ko bang palayain si Blake? Kaya ko bang pakawalan na siya ng tuluyan? Kaya ko bang alisin na siya sa puso ko? Kaya ko bang tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa? Kaya ko ba?
Tumigil na si Blake sa paghalik sa'ken. Nanatili akong nakapikit. Humihikbi ako. Parang ayokong imulat ang mga mata ko. Ayokong makita ang kalungkutan sa mga mata ni Blake dahil nasasaktan ako.
"Jewel.."
Lalo akong napahikbi. Pamamaalam na ba ang mga araw na inilaan niya para sa'ken? Mamamatay ba si Blake? Pwede bang 'wag nalang? Pwede bang bigyan siya ng chance ni God na mabuhay? Pwede bang...wag pahirapan si Blake ng ganito?
Hindi ko pa rin minumulat ang mata ko dahil alam kong umiiyak din si Blake. At kapag nakikita ko siyang umiiyak ay lalong bumibigat ang dibdib ko. Dahil alam ko ang dahilan ng pag-iyak niya. Alam ko..
He wiped my tears and kissed my forehead. Mariin akong napapikit. "B-Blake.."
"Sshhh. Stop crying, Jewel. I'm here. Nandito tayo dahil gusto kitang pasayahin. Hindi para paiyakin ka. Come on, cheer up my crazy little devil."
Nagmulat ako ng mga mata ko. Nakangiti si Blake pero kitang-kita sa mga mata niya ang kalungkutan. Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan. Gusto niya akong pasayahin. Kaya papasayahin ko din siya.
And oh, he called me, his crazy little devil. I should be offended but no, natuwa pa ako.
He sighed. "By the way, we're here at our secret place, Jewel."
Kumunot ang noo ko. "Secret place?"
"Our sunday affair." Matipid na sambit niya.
So we're here? Secret place ni Blake na ako lang daw ang sinabihan niya about dito. Nandito kami para iparamdam sa isa't isa na mahal namin ang isa't isa. Pero kasabay niyon ang pag-aaral kung paano namin pakakawalan ang isa't isa. Masakit isipin pero kailangan.
Pilit akong ngumiti. "A-ah, anong oras na?" Tanong ko.
"Nine in the morning. Haba din ng natulog mo. Sleepy head." He tried to smile and cheer me up pero kitang-kita pa rin sa mga mata niya ang kalungkutan.
Why, Blake? Bakit ikaw..bakit ikaw pa..
"B-Breakfast tayo?" Sabi ko. I'll try to act normal. Hindi tamang umiyak nalang ako lage sa harap ni Blake. Nandito kami para sumaya at hindi para lumungkot.
Napangiti siya. And this time, it's genuine. "Let's go. Ipagluluto kita." He said saka ako hinila patayo. Nagpadala na lang ako.
I'll be with Blake. We'll live here for how many days. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang magtiis at magpanggap na walang alam pero kakayanin ko. Para kay Blake..
Hindi muna ako ang demonyitang maraming trippings. Ang demonyitang maraming alam na kalokohan. Ang demonyitang supladita at maarte. Ang demonyitang nakakadugo ng ilong ang salita.
Ako muna si Fancy Jewel. Simpleng babae. Nagmahal ng totoo. Nasasaktan, sumasaya, na-apektuhan. At hindi conyo magsalita. Just a plain and normal girl who loves a guy named Blake.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top