Two

Kalahating oras na rin ang nakalipas nang dumating ako dito. Masarap ang simoy ng hangin, presko. At kitang kita ko ang view sa baba. Sana ganto nalang lagi.

Napagdisisyunan ko nalang na bumaba na dahil nagbell na rin naman. Second subj na pala namin after ng 1st break. Nakita ko naman si Jenny na naglalakad papunta saakin. May kasama siyang babae na singkit. Ang cute! Mukha siyang bear.

"Anne! Si Liza nga pala. Classmate ko. Grabe! Ang hirap mong hanapin!" Sabi ni Jenny saakin.

"Hello po ate Liza" Nagsmile ako sakaniya "Naku wag mo na ako iate! 3taon lang naman tanda ko sayo." Tumango naman ako sakanya

"May ipapakilala pa ako sayo. Isang taga college deperment at isang grade 10. Tinext ko na sila na makipagkita saatin." sabi ni Jenny saakin.

Nakalipas ang ilang minuto ay dumating na sila.

"Late nanaman kayo! Lagi nalang!" Sabi ni Jenny sakanila

"Kailangan magretouch kasi siempre magaganda kami" At nagflip naman ng buhok yung medyo chubby pero cute na matangkad

"Gaga. Nagcr kami kaso maraming nakapila." Sabi nung parang sintanda ko lang pero naka pang college dept. uniform. Naupo na sila sa bench kung saan kami nakaupo.

"Hi ako si Ella, Nice to meet you" At nagsmile saakin yung chubby na matangkad. Ella pala name niya.

"Ako naman ang pinakababy faced sa lahat. Im Sabrina by the way highway" Siya yung college.

"Ayan! At dahil magkakakilala na kayo, friends na tayong lahat!" Sabi ni Liza at maggroup hug kami. Ay ang cute? hihi

Nagbell na at pumunta na kami sa room namin. Sabi kasi nung mga taga student council, e paparating na daw ang mga teachers kaya pumunta na kami sa room.

At muli, bumalik nanaman ang mga takot na nararamdaman ko. Shit ayoko neto.

Pagpasok ko e para bang pinagsasabihan nila si Jungkook. Si Taehyung naman e nakahawak sa balikat ni Jungkook habang si Jungkook naman e nakatungo lang. Pinaupo ako ni Taehyung sa tabi niya.

"Namjoon, Ikaw na muna bahala kay Jungkook." At pinatayo niya si Jungkook papunta dun sa mukhang badjao.

Tumingin naman saakin si Taehyung at mukhang dissapointed siya.

"Sabi ko naman sayo. Act normal when you see me. Lalo na kapag you're with me." Sabi niya at tumingin saakin. Ako naman, ayun. Nakayuko at pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. Natatakot ako e. Mamaya suntukin ako neto

"Wag ka magalala. Hindi ako nananakit. Tumingin ka nga saakin." Natakot nanaman ako kasi may authority yung boses niya.

Tumingin ako dahan dahan sakanya at Nakita kong nakangiti siya. Teka? Pangalawa na yan a!

"Oh? Bat ngingiti ngiti ka diyan?" Nagtataka nyang tanong at nakakunot nanaman ang noo niya. Napasimangot naman ako kasi d na siya nakangiti. Ang cute pa naman niya pag nakangiti. wait? Sinabi ko yun? Nvm..

"Ngumiti ka kasi. Ang panget mo pag di ka nakangiti" Mukha namang nagulat siya. "First time na may nagsabi niyan saakin. Pero since naggaling sayo, tatanggapin ko nalang." Sabi niya at tumingin na sa board

"Yung tungkol kay Jungkook, ano ba meron sakaniya?" Tanong ko sakaniya at sumeryoso ang mukha neto.

"Bestfriend ko si Jungkook. At masasabi kong bully siya. Noon mga lalaki lang ginagago niya. Pero nung nakita kong binangga ka niya kanina sa canteen, nagulat ako kasi hindi niya yun gawain. At paalala ko lang. hindi baliw si Jungkook. Tanga mo nalang kung iisipin mo yun" Huh? Kaso inisip ko talaga yun kanina e. Nung pinagkukumpulan nila siya hehe.

"Ikaw ang unang babaeng pagtritripan niya. Kaya ihanda mo na sarili mo." Sabi ni Taehyung saakin. "Hindi mo manlang ba sasabihing 'magingat ka sakaniya'?"

"Bat ko naman sasabihin yun? E careless ka. Kahit sabihin kong magingat ka, mapapahamak at mapapahamak ka rin." Sa inis ko pinalo ko siya sa braso niya. Tumawa naman siya ng mahina.

"Wah! Tumawa ka! Yes!" At nawala nanaman yung ngiti niya. Puta naman neto o.

Hinawakan niya ang balikat ko at linapit niya ang mukha niya sa tenga ko "Andito lang ako pag may nangyaring masama sayo. Dont hesitate to call me okay?" Tinignan ko siya at seryoso lang siyang nakatingin saakin. "So I'll say that's a yes?" at bumalik na siya sa upuan niya.

Dumating na ang teacher namin at nagturo na siya. Hay.. grabe nakakantok talaga ang math kahit kelan.

Lunch na! Lumabas na ako ng room. Naglalakad ako papuntang canteen nang makita ko uli yung apat na nagtatalo habang inaabangan ako.

"Alam mo namang ayaw ni Anne ng ganyan diba?!" Jenny

"Baka naman! Gusto niya yan! Pakelamera naman netong kano na to" Sagot naman ni Liza sakaniya.

Papunta na sana ako sakanila pero may humawak sa braso ko at pinaharap ako sakaniya. Laking gulat ko nang makitang si Jungkook yon.

"Ba-bakit?" Tanong ko sakanya

"Sumama ka saakin." Seryoso ang mukha niyang nakatingin saakin at hinila niya ako papunta sa rooftop.

An-ang sakit. Ang sakit ng hawak niya saakin. Parang babaliin pa ata niya kamay ko. Shit ang sakit talaga!

Binitawan na niya ako at hinawakan ko agad ang braso ko. Nakatingin lang siya saakin. Nang napansin niyang masakit ang braso ko, kukunin niya pero linayo ko. Tinignan niya ako ng 'Akina-kung-ayaw-mong-ihulog-kita-sa-bangin-look' Ibinigay ko nalang sakaniya at nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya at binalot niya sa braso ko.

Seryoso lang siya. Ang gwapo pala niya. Para talaga siyang super star. Ang laki lang ng ilong pero matangos naman.

"Hindi na ba masakit?" tanong niya at umoo naman ako.

Binitawan niya ako at pumunta siya sa may grills. Para siguro makita ang view.

"Be my girlfriend." Ano daw? Nampuputa ba to?!

"A-ano?"

"Bingi ka? Sabi ko BE. MY. GIRLFRIEND. okay na?" Sabi niya nang hindi nakatingin saakin.

"Ayoko." aalis na sana ako pero hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap ako sakanya at tinulak niya ako sa may pader. Masakit na likod ko putangina mo Jungkook!

"Papayag ka o may mangyayaring masama"

"Ano namang masama yun ha Jungkook?" Tinignan lang niya ako at ngumisi siya.

"Basta ayoko Jungkook. Hindi ako---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang pumikit siya at unti-unti niyang linapit ang mukha niya sa mukha ko. Ilang inch nalang mahahalikan na niya ako!

"Papayag ka o hindi?" nakapikit pa rin siya. Puta ang gwapo-- Hindi! Hindi!

"Hindi!" Ngumisi naman siya at nagsalita ulit.

"Last question. Papayag ka o hindi?" Hindi ako makasagot. Ano ba??!

Pinikit ko nalang din ang mata ko. Hindi ko siya matutulak. Nakalagay ang mga braso niya sa gilid ng ulo ko. At masyado siyang malakas.

Naaamoy ko ang mint strawberry niyang hininga. Nakakaadik.

Naramdaman ko nalang na dumampi na ang labi niya sa labi ko. Hindi ako makagalaw. Ilang segundo lang ay bumitaw na siya.

Tinignan niya ako ng matagal sa mata. "You are now officially, Jeon Jungkook's Girlfriend." sabi niya saakin at hinalikan muli ang tungki ng ilong ko.

Hindi ako makapagsalita. Hindi dahil sa halik. Pero- sige isali na naten yun. Pero una ganun pa rin ang pwesto namin, pangalawa ay ang ngiti niya. Ang gwapo ng ngiti niya.

---- hi! Salamat talaga sa mga nagtyatyagang basahin to! I love you na talaga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top