Three

Puta. Puta. Puta. Puta.

Bat ako nagpahalik?! Tinakbuhan ko siya at dumeretso ako sa girls cr.

Mga cubicle ito at may malaking salamin na parang sa mga mall. Hugas lang ako ng hugas sa bibig ko. Mangiyak ngiyak ako dahil sa nangyare. Pangako ko sa sarili ko na ibibigay ko ang first kiss ko sa first love ko! Tapos ngayon.. urgh!

Mas lalo lang akong natakot kay Jungkook. Kahit ano kaya niyang gawin. Pano kapag.. pano pag hindi niya nakuha ang gusto niya saakin, may gawin siyang iba? Puta nagdradrama ka nanaman e.

Paglabas ko ng cr e nakita ko ang Bangtan. Nagkatinginan kami ni Jungkook pero umiwas ako. Naglakad na ako papunta sa canteen para makita sina Jenny. Nung nakita ko sila ay kinawayan ko sila.

"Oh Anne, bat ang pula pula ng labi mo? Ano nangyare sayo?" Tanong ni Liza saakin.

"baka naman naglipstick lang kayo talaga" sabi naman ni Ella.

"Kumain ka na Anne. Mukhang hingal na hingal ka ata?" Tanong ni Jenny saakin.

"Ano nangyare? Bat ka naluluha?" Nagaalalang tanong ni Sabrina.

"Wala na ang first kiss ko." At ngumawa na ako dun. Waah!! Di ko talaga matanggap! First day ko palang dito pero ang dami nang nangyare!

"Yan lang pala e haha!!" Ano naman nakakatawa dun?!

"Okay lang yun Anne ano ka ba! Walang masama dun. Maliban nalang kung Isa sa Bangtan ang nakakuha non!" At nang sabihin ni Liza yun e nanahimik agad sila.

"Sino ba nakakuha ng first kiss mo?" Tanong ni Sabrina saakin

"Jung..." at lahat sila napamura.

"Puta" Sabrina

"Shit" ella

"Tanginu min mo Jenny wag kape ko puta naman neto" Liza

"Pak you ka wala akong ginagawa sa kape mo polar bear" Jenny

"Wah! Ayoko na!" At idinukdok ko ang ulo ko sa table namin. Kaso kung mamalasin ka nga naman. Nauntog pa ako.

"Tanga mo naman Anne haha!!" Tawa naman ng tawa to si Ella. Head bang pa

"Sabi na careless ka talaga e " liningon ko naman ang nagsalita at nakita ko si Taehyung kasama ang bangtan

"Wala ako sa mood. Lumayas ka V" sabi ko sakaniya

"Sungit mo talaga" tinignan ko siya ng masama at natawa naman siya. Matutuwa sana ako kasi ngumiti siya pero wala ako sa mood

"Layas" at umalis na nga siya. Buti naman.

Pagharap ko sa mga kasama ko. Nakatingin sila ng nakakaloko saakin. Problema netong mga to?

"Oh bakit?"

"Sigurado ka bang si Jungkook ang nakakuha ng first kiss mo?" Pinapakyou ba ako ni Ella

"Bat mo natanong at pwede ba wag natin yun pagusapan?"

"Mukha kasing close kayo ni Taehyung e." Sabi ni Sabrina "pano mo naman nasabi?"

"Walang tumatawag ng V sakaniya sa school na ito bukod sa Bangtan." sabrina

"Napansin niyo? Nagulat din yung members. Lalo na si JUNGKOOK" Sabi naman ni Jenny. Tignan mo to. Kanina kung maka 'layuan mo sila kahit nasa iisang room kayo' tapos ngayon. Inemphasize pa ang pangalan ni Jungkook.

"Sa totoo lang, okay lang kami kay Taehyung. Kinakabahan lang kami kay Jungkook kasi hindi siya ngumingiti. Ngingiti lang yan pag nagawa na niya ang gusto niya." Paliwanag naman ni Sabrina

Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Urgh! Ayoko alalahanin!

Nagstay lang kami doon at nagkwentuhan. Kahit papaano naman nalimutan ko ang nangyare sakin. Hanggang sa nagbell na at bumalik nanaman ang kaba na nararamdaman ko.

Pumasok na ako sa room at sumalubong saakin si V.

"Narinig ko usapan niyo." Kinabahan naman ako lalo dun. "A-anong usapan?"

"Hinalikan ka ni Jungkook?" At iritadong iritado na siya. Ang sama na lalo ng aura niya. Mas lalo lang ako natakot sakaniya.

"Sumama ka saakin." At kinaladkad niya ako papunta sa janitors room. Tinatawag pa siya ng mga kaibigan niya pero hindi niya yun pinansin.

"Ano pumasok sa isip mo at nagpahalik ka kay Jungkook?!" Sigaw niya saakin. Hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya ng mahigpit sa kamay ko.

"Hindi ko yon ginusto. Sinubukan ko siyang itulak--"

"Pero wala! Nahalikan ka pa rin niya! Ano?! Alam ko na yan. Shinota ka niya no? Putangina naman this Anne!" Hindi ko na alam isasagot ko. Nakatungo lang ako habang sinesermonan niya ako.

Naramdaman ko nalang na may luha na palang tumutulo sa pisngi ko.

"Shit." Naramdaman ko nalang na yayakapin niya ako pero lumayo ako.

"Layuan mo ako" patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Nadagdagan ang takot na nararamdaman ko sakaniya. Nung una palang naman takot na talaga ako kausapin siya e. Nadagdagan pa ngayon.

"Sorry Anne. Hindi ko sinasadyang sigawan ka." Kita ko sa mukha niya ang pagpapanic pero lumayo pa rin ako.

"Lumayo ka sakin." At tinalikura ko siya. Bubuksan ko na sana yung pinto pero hindi ko nagawa.

Nakayakap na siya sa likod ko. Nakabaon ang ulo niya sa leeg ko. Patuloy lang akong umiiyak. Kahit sina mama at papa hindi ako nasigawan ng ganun.

"Sorry Anne. Sorry. Sorry. Sorry talaga. Nagalala lang ako. alam kong may balak si Jungkook. Ayokong mapahamak ka dahil nung nakita kita kanina alam ko na kailangan kita protektahan. Kahit mula pa yan kay Jungkook. Basta kailangan kita alagaan." Mas humigpit ang yakap nito saakin.

Maya maya pa ay lumipas na ang iyak ko. Salamat kay Taehyung at napatahan niya ako.

"Salamat Tae--"

"V." Pagtatama niya saakin. "Salamat V. Sorry din dahil.." hinarap niya ako sakaniya at pinunasan ang luha ko.

"Ayos lang Anne. Magiingat ka lang lagi. Tawagan mo ako pag kailangan mo ng kausap. Handa akong makinig sayo"

"Salamat V." Nginitian ko siya at dumeretso na kami sa room. Pagpasok namin ay wala pa ang teacher namin. Nakatingin lang saamin ang bangtan. Pati si Jungkook.

"V. Saan mo siya dinala?" Tanong ni Suga. Habang naglalakad kasi kami, sinabi sakin ni V lahat ng pangalan nila. Nakakatawa pa nga pagdescribe niya e.

"Yung magilagid si Suga. Yung mukhang badjao naman ni Namjoon. Napansin mo yung lalaking maganda? Yung kulay pink ang bag? Si Jin yun. At yung mukhang manyakis, si Jimin. Iwasan mo yun. Yung mahaba naman ang baba si Hoseok. At yung malaki ilong, kilala mo na yun."

"Wala ka na dun." Sagot naman ni V. Nginisihan niya pa ito.

"V ah. I smell something." Sabi naman ni bakla-- Jin pala.

"Tigilan mo ako." Napansin ko namang sumimangot nanaman siya. Napansin siguro niya na nakatingin ako sakanya kaya medyo maaliwalas na mukha niya.

Naupo na kami. Malayo pa rin ako sakanila. Takot pa rin ako sakanila. Bukod kay V. Sana lang ganun siya lagi saakin.

Lumipas ang mga oras at naguwian na. Sa wakas. Matatakasan ko na lahat ng problema ko ngayong araw!

"SA WAKAS!" ay. Napalakas ata. Tumingin pa saakin ang bangtan. Natawa naman si V. Na ikinagulat ng members niya.

"Okay ka lang ba?" Nakangiting tanong saakin ni V. "Ha? Ah-eh.. oo! Oo! Sige, aalis na ako! Bye Taehyung! Salamat sa lahat!" tumakbo na ako palabas at nakabangga ko naman si Ella.

"Nagmamadali ka ata?" Tanong ni Liza saakin.

"Baka may ginawa si Jungkook?" Sabrina

"Baka may lbm?" jenny

"baka manunuod ng forevermore?" Ella

"Gaga mamaya pang 8:40 yun" jenny

"Sasamahan ko lang sina mama sa bahay! Bye!" At tumakbo na ako palabas ng gate.

Isang buong araw ng kamalasan. Pero siempre masaya naman. Nakilala ko yung apat na baliw, at si V. Malas lang talaga si Jung.. hay! Ayoko na! Uuwi na ako!

------ hai!! Sorry di ko malagyan ng MM. Ayaw kasi malagay dito sa phone ko e huhu. Pero to make things clear, ito yung mga portrayer ng nga kaibigan ni Anne.

Jenny - Wendy
Liza - Seulgi
Ella - Joy
Sabrina - Irene

Ayun! Salamat sa mga nagbabasa! I love you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top