Chapter 43: Let's compact!

Shameless promotion!!

Ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako ng romance story since kino-consider ko na weakness ko ang romance. (I am a fantasy and horror writer). If you have time or wala na kayong ibang mabasa, you could check "Nuisance Kiss" in my works. Naisip ko kasi na karamihan ng mga romance story sa wattpad ay puro point of view ng babae so I will create a series na kung saan point of view naman ng lalaki pagdating sa love story.

Ngayon pa lang ako nag-i-start sa romance so nangangapa pa ako pero gagawin ko ang best ko para maipakita sa inyo na nag-improve ako. ☺️

*******

DALI-DALI akong tumakbo papasok sa kuwarto ko, sumandal ako sa pinto habang unti-unting dumadausdos papaupo, pinapakiramdaman ko ang bilis nang tibok ng puso ko. Wow, I am really affected by his words. Ano ba ang nakain ni Seven at naging ganoon siya kaseryoso? I mean, madalas naman kaming mag-usap ng mga seryosong bagay pero ngayon lang yata kami nag-usap ng mga seryosong bagay sa pagitan namin.

"Jamie, kalimutan mo na 'yon," sinampal-sampal ko ang aking pisngi at humiga sa kama. "He's just concerned to you, leader kasi siya." Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili. "Ang mag-assume, talo." Dugtong ko pa.

Gusto kong matulog ulit pero hindi ko na nagawa. Sumikat na ang araw pero nakatulala lang ako sa kisame. Pineke ko lang naman na may klase ako ng 7:00am, absent ang prof namin ngayon at sinabi na niya iyon kahapon.

Bangag akong tumayo sa kama at naghanda para pumasok. I am preparing my breakfast noong biglang pumasok si Mild sa kwarto. "Hey," she greeted me. "Ayos ka na? Kahapon tinawag kita pero dire-diretso ka lang sa kwarto mo."

"I am sorry for that," sabi ko at pinatay ang kalan. "Oatmeal for breakfast?" tanong ko sa kanya at tumango siya.

"Apology accepted. So ano ngang ganap?" She asked at umupo sa tapat ng lamesa habang nagse-serve ako.

Umupo ako sa tapat niya. "Mild, random question lang," napatigil siya sa pagsubo ng oatmeal. "Paano mo malalaman kung may gusto sa 'yo ang isang tao? I mean, ano yung sign?"

"Why did you asked? Did Seven already confessed to you?" Mabilis akong umiling-iling.

"No, kay Aris na problema yung tanong ko." Mabilis kong tanong.

"He's gay." Mild stated.

"Bakit? Bawal ma-fall ang mga bakla?"

"I don't know, mararamdaman mo naman 'yon kapag may nag-iba na. Yung magiging concern ka na lagi sa kanya, sasagi siya sa isip mo out of nowhere, yung gusto mo siyang Makita. Ganoon," nagpatuloy na si Mild sa pagkain ng oatmeal. "Huwag na tayong maglokohan, Jamie. Everyone in class zero, iniisip nila na may gusto sa'yo si Seven." Isa pa 'tong babae na 'to, prangka.

Naalala ko pa yung mga senaryo kagabi, yung titig niya, yung tono nang pananalita niya. "Hindi. Hindi."

"Denying that you're also inlove with him? Okay, it's part of the process naman," casual niyang sagot. "But kung ako sa'yo para ma-avoid ninyo yung iwasan... clear the things out. Kung nakikita mo siyang friend mo lang, e'di sabihin mong friends lang kayo. Kung gusto mong i-take into next level, then sabihan mo. Linawin mo para hindi mag-assume yung tao, mamaya baka i-pursue ka bigla ni Seven tapos ba-basted-in mo lang. Sabihan mo na agad si pinunong Pito."

Yung mga sinasabi ni Mild ang nagpapula ng mukha ko. "H-hindi nga kasi ako, si Aris nga kasi." Sabi ko at iniligpit na ang oatmeal na kinakain ko kahit na nakakailang subo pa lang ako. "Ikaw na ang mag-lock ng kwarto ko. Labas na 'ko."

"Iba na talaga kapag inlove,"

"Tse!"

Lumabas na ako ng dorm, hindi ko naman alam kung saan ako pupunta ng ganitong oras lalo na't wala naman akong klase. Tumambay na lang kaya ako sa library. Ah! Sa Zero base na lang ako tatambay—kaso ay baka nandoon si Seven.

Naglalakad lang ako sa pathway nung biglang may tumapik sa likod ko. "Good morning, Jamieee!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Kiryu. Ang hyper ng taong 'to.

"Kung makasigaw ka naman ay akala mo ay nasa kabilang building ang kausap mo," sabi ko sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawag pero mukhang malalim ang iniisip mo, eh," sabi niya at sumubo muli ng pochi. Hindi ba talaga 'to nagsasawa sa matamis? Ang lala ng sweet tooth niya, seryoso! "Hindi ka ba pupunta ngayon sa zero base?" Tanong niya.

"S-sa library ako pupunta,"

"Ha! Sa zero base ka na tumambay. Wala sila kambal, nasa misyon," sabi niya at napakunot ang noo ko dahil wala akong ideya sa misyon na sinasabi niya. "Hindi mo alam? Umalis sila kaninang madaling araw. Sila Minute, Seven, Kiran, Teddy, at Roger ang kasama sa misyon, pumunta silang Pangasinan."

So ibig sabihin ay wala ngayon si Seven? Safe naman pala ako. I don't know, parang hindi pa ako handa na Makita siya ulit matapos nang usapan namin kagabi.

"Bakit hindi tayo sinabihan na may misyon?" Tanong ko sa kanya.

"In-assign lang naman ni sir Joseph kagabi, eh. Hindi niya rin naman kailangang i-inform tayo since we're not part of the mission," paliwanag ni Kiryu at napatango-tango ako dahil nakuha ko naman ang punto niya. "Hindi ka talaga pupunta sa Zero base ngayon?" Tanong niya ulit sa akin. Ang weird naman kung biglang magbago ang isip ko, baka mamaya ay magtanong din si Kiryu, tsismoso pa naman 'yan.

"Hindi na, may mga textbook akong babasahin sa library, eh." Sabi ko. Charot lang, ako mapagbasa ng textbook? Himala na 'yon.

"Okay. See yah later!" Napatakip na naman ako ng tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Kiryu, "By the way, dadalaw sila Tom dito mamaya ng bandang ala-una. Baka lang gusto mo sila Makita, nasa classroom sila natin." Sabi niya pa bago tuluyang naglakad paalis.

Pumunta ako sa library ng college namin, nakaupo lang ako sa isang table. Kunwari akong nagbubuklat ng mga libro pero tinitingnan ko lang naman ang mga pictures at walang binabasa na mga facts. "Ang gulo ng utak ko," dumukdok ako sa table at napaayos ako ng upo nung mag-vibrate ang phone ko.

Seven:
You're thinking about what we talked last night?

Jusko! Wrong move na binuksan ko ang message galing sa kanya, ngayon ay nakita niya nang na-seen ko yung message niya Bumuntong hininga ako bago ako nag-reply.

Jamie:
No, not really

Seven:
Gotcha, akala ko ba may exam ka ng 7 pero nakakagamit ka ng phone mo ngayon?

Sabi ko na sinabi mo lang 'yon para makaalis kagabi eh.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Shit Jamie, ang wrong move mo talaga kahit kailan. Ang palpak ng mga decisions mo. Ilang beses kong binatukan ang sarili ko bago ulit nag-reply sa kanya.

Jamie:
Wala pang prof.

Seven:
Liar.

Huwag mo nang isipin yung mga sinabi ko sa'yo kagabi.

Tama ka, sinabi ko lang 'yon kasi nag-aalala ako sa'yo AS A LEADER.

Jamie:
Wow. Capslock ah!

Seven:
I emphasized the word baka kasi
ma-misinterpret mo yung sinabi ko
sa'yo kagabi.

Jamie:
Sabi na eh!

Yah! 'di ko naman na masyadong iniisip 'yon

Hoy ingat kayo sa misyon ninyo.

Mabuti na lang at nilinaw ni Seven ang tungkol doon kasi ginugulo talaga no'n ang utak ko kanina pa... I Mean, kagabi pa.

Seven:
Thanks.

Inilagay ko na ulit ang phone ko sa aking bulsa at tiningnan ulit ang libro. "Wala naman palang feelings. Sabi ko na, eh. Mabuti talaga at hindi ako nag-assume." Para bang nabunutan ako ng tinik dahil ngayon ay wala na yung bigat sa dibdib ko.

Halos dalawang oras din akong tumambay sa library bago ako pumunta sa canteen para mag-almusal. Hindi nga ako maayos na nakapag-almusal kanina dahil na rin kay Mild kaya heto, kakain ulit ako kasama sina Aris at Diana.

"So ayon na nga mga 'te! May naka-neargroup ako, taga-Engineering. Magkikita kami mamaya," kilig na kilig na kwento sa amin ni Aris dahil daw halos gabi-gabi raw silang magka-chat nung ka-near group niya.

"Kapag ikaw na-scam na naman," naiiling na sabi ni Diana sa kanya. "Yung ka-neargroup mo nung nakaraang buwan, si ano... si Baldo,"

"Baste! Anong Baldo ka diyan!" Natawa ako sa pagtatama ni Aris kay Diana.

"Basta, 'diba nagpalibre lang sa'yo nung nakaraan ng sine tsaka sa buffet, pagkatapo no'n hindi na ulit nakipagkita sa'yo. Tigilan mo yung meet-up na 'yan, baka mapahamak ka lang." Paalala ni Diana kay Aris pero inirapan lang siya nito.

Masaya lang kaming nagkwentuhan na tatlo pero nabigla na lang ako nung biglang huminto ang galaw ng mga tao rito sa canteen. Napalingon-lingon pa ako sa paligid—devil hour!? May lawbreaker ba ngayon sa school namin?

I grabbed my phone at tinawagan ko agad si Mild. Mabuti na lang at sinagot niya ang tawag. "Hello, anong nangyayari? Sinusugod ba ulit tayo ng lawbreaker sa school?"

"Nope, walang lawbreaker. Pero mas may interesting na nagaganap ngayon, pumunta ka na lang sa school field. Nandito kaming lahat," sabi sa akin ni Mild at mabilis na in-end ang tawag. Out of curiousity ay pumunta nga ako sa field.

Nandito ang lahat ng class zero at maging ang servant of elements. Tumabi ako kanila Mild at Kiryu. "Tingnan mo si Ace," sabi sa akin ni Mild.

Napansin ko si Ace na kaharap ang servant of lightning na si Kean. "Anong mayroon?" Tanong ko may Mild.

"He's asking Kean na makipag-compact sa kanya. Ngayon, magkakaroon silang duel na dalawa at kapag natalo ni Ace si Kean ay papayag itong makipag-compact sa kanya." Paliwanag sa akin ni Mild.

"Handa ka na bang makipag-compact sa'kin?" Nakangiting sabi ni Ace kay Kean pero nginisihan lamang siya nito.

Umupo kaming lahat sa bench habang nasa field silang dalawa. Sa tabi ko ay umupo si Tom, he smiled on me nung Makita ako.

"Kahit na kidlat ang kapangyarihan mo, it doesn't mean na makikipag-compact ako agad sa'yo," sagot sa kanya ni Kean.

Ang intense nung mga tingin nila. Mayamaya pa ay may kidlat na dumaloy sa kamay ni Ace, sa isang iglap ay nasa harap na siya ni Kean at nakaambang susuntukin ito. Hindi naman maipagkakaila na isa si Ace sa pinakamalakas sa aming class zero kaya alam kong malaki ang tiyansang manalo siya sa labanang ito.

"Ang bagal mo," narinig kong sabi ni Kean. "Shield." Sabi niya at biglang nagliwanag ang kanyang kamay at nagkaroon siya ng shield na hawak. Mabilis niyang nasangga ang atake ni Ace.

"Knife," as soon as he said it ay mabilis na napalitan ang anyo ng shield at naging kutsilyo ito, mabilis niyang sinaksak si Ace. Luckily, Ace managed to dodge it pero napunit ang uniform niya dahil sa nangyari. "Not bad." Sabi ni Kean.

The fight continues pero may bagay akong itinanong kay Tom. "Tom," tawag ko sa kanya at napalingon siya sa akin. "Kapag nakipag-compact kayo sa aming may abilities, anong mangyayari sa inyo?" Tanong ko.

"Maglalaho kami," he said na nakapagpatigil sa akin panandalian. "Ibig sabihin no'n ay ibibigay na namin sa inyo ang kakayahan namin, kapalit no'n ay ang buhay namin." Kaswal niyang paliwanag na para bang hindi siya natatakot kung mangyari iyon.

"Hindi ka ba natatakot? Maglalaho ka, makakalimutan ka ng lahat ng tao na nakakakilala sa 'yo." Samantalang ako, iniisip ko pa lang na maglalaho ako ay natatakot na ako lalo na para sa pamilya ko. Ayokong kalimutan ng mga tao na nag-exist ako sa mundong ito.

"That's our destiny," he smiled as he watches the battle between Ace and Kean. "At isa pa, kung iyon ay magiging paraan para matalo ang Black Organization... we are happy to do it. Iyon nga ang dahilan kung bakit pinipili namin maigi ang magiging master namin, Jamie. We're not being maarte or what, we're picky because we don't want our strength and power turns into waste."

Ngayon ay mas naiintindihan ko na ang mga servant of elements. Hindi pala madali maging sila.

"Damn!" Narinig kong mura ni Ace at nakita ko na lamang siya na nakaupo sa sahig habang may sugat sa kanyang braso at mukha. He lost.

"It's a good battle pero kulang pa, Ace." Nakangising sabi sa kanya ni Kean at tinulungan niya rin naman ito tumayo.

Ace smiled at tumawa. "Asar, akala ko pa naman ay makikipag-compact ka na sa'kin ngayong araw," buti na lang talaga at sports itong si Ace at hindi napikon. "Hindi ako susuko, balang-araw ay matatalo rin kita at makikipag-compact ka rin sa akin."

"I am looking forward to it." Nakangiting sabi ni Kean.

Matapos ang labanan nung dalawa ay bumalik ako sa canteen at umupo muli sa tabi nila Aris bago pa man nila i-end ang Devil hour.

Sa mga nangyari kanina, doon lang tuluyan nag-sink in sa akin na parte nga pala ako ng isang malaking gulo. Everyone is doing their best to improve kung kaya't iyon din ang gagawin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top