Chapter 42: The alliance

MILD and I decided to fetch Tom and his friends at main gate. Actually dapat ako lang ang susundo pero nag-insist si Mild na sumama dahil gusto niya rin daw Makita ang mga servant of elements.

"Wow, I thought na isang malaking joke lang ang tungkol sa servant of elements pero totoo pala sila," sabi ni Mild sa akin habang naglalakad kami. "Sino-sinong servant ang imi-meet natin, Jamie?" Tanong niya pa.

"The servant of fire, lightning, and spirit." Sabi ko sa kanya.

"Kanino kaya magandang makipag-compact sa tatlo?" Tanong ni Mild sa kanyang sarili. Naku! Maaarte yung tatlo na iyon, ayaw nilang nakikipag-compact sa basta-bastang tao, they are looking for their master and sabi nila ay gusto nila na compatible sa kanila ang magiging master nila. Hindi ko rin maintindihan yung tatlong iyon, eh.

"Yung pakikipag-compact agad ang iniisip mo, hindi mo pa nga alam ang ability mo." Sabi ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit sa aming lahat ay si Mild na lang ang hindi pa nakakaalam nang ability niya, ilang buwan na rin naman ang nakakalipas. Malakas naman si Mild, matapang, at sobrang palaban nitong babae na 'to. Kahit ako ay hindi ko rin ma-gets, eh.

"Malay mo naman. Baka siguro kaya ako ang huli ang pinakahuling makakaalam ng ability ko ay ako ang pinakamalakas sa ating lahat? Ganoon sa mga nababasa kong manga at napapanuod kong anime, eh." She's really an optimistic type of person kagaya ni Kiryu.

Malayo pa lang kami sa main gate ay natatanaw na namin ang maraming kumpol ng tao. Mukhang pinagkakaguluhan ang tatlo na 'to. "Iba rin talaga ang kamandag ng mga taga-Northford, 'no? Basta Northford, gwapo!" Sabi pa ni Mild at tumakbo na siya papunta roon.

"Mild, wait lang," tawag ko sa kanya at sumunod na rin naman.

Nakipagsiksikan kaming dalawa sa maraming bilang ng tao. Ngayon lang ba nakakita ng lalaki ang mga babae dito sa school namin!?

Tom saw me, he smiled and waved his hand. "Yow, Jamie! Long time no see," sabi niya at naglakad tungo sa aming direksyon. Mukhang galing sila sa school na tatlo dahil na rin nakasuot pa sila ng kanilang school uniform.

"We're causing a commotion here," sabi ko at itinuro ko sa kanya ang maraming bilang ng estudyante. "Huwag tayo rito mag-usap. Tara sa loob ng campus, ipinaalam na rin kayo ni sir Joseph para makapasok kayo. Iwan ninyo na lang yung ID ninyo sa guard house." Sabi ko sa kanila.

"Ehem... Jamie, hindi mo ba 'ko pakikilala?" Biglang nagsalita sa tabi ko si Mild na manghang-mangha na nakatingin sa tatlo. "Ang bagal mo, ako na nga lang. I'm Mild." She introduced herself at kinamayan niya pa ang mga ito.

"I am Tom," nakangiting sagot sa kanya ni Tom. "The one who's wearing glass and a book-nerd, si John. Yung pinakapangit sa 'ming tatlo, si Kean."

"Gago ka, ah!"

Mabilis na naging kaibigan ni Mild ang tatlo, hindi ko alam kung dapat bang tawagin ko si Mild na friendly o feeling close, eh. We walked towards the classroom of class zero, sabi ni sir Joseph ay hindi namin sila pwedeng dalahin sa Zero base dahil secret hideout lamang iyon para sa class zero at isama na rin si Vincent na doon tumatambay.

Umupo ako sa aking pwesto at nakatayo sina Tom sa harap naming lahat.

"Alam ninyo naman ang sitwasyon nating lahat dito, 'diba?" Tom said and napatango-tango kami. "Ang daming tao na ang nadadamay sa gulong ito, we all have one goal... Iyon ay ang matalo ang Black Organization. It's much better if the servant of elements and class zero form an alliance,"

"So you're willing na maging master ninyo kami?" Roger asked.

"If that person deserve to be our master. We also don't want to waste our powers, kung makikipag-compact kami ay gusto namin na sa taong deserving iyon, yung alam namin na magagamit ang kanya-kanya naming element sa mas mabisang paraan." Paliwanag ni Tom at napatango-tango kaming lahat. Hindi naman pala maarte si Tom, gusto niya lang talaga na hindi sila magkamali sa pipiliin nilang master.

"Kayong tatlo lang ba ang servant of elements?" Curious na tanong ni Minute.

"If I am not mistaken, there are 16 servant of elements in our country... Pero hindi rin namin alam kung nasaan ang iba," sabi ni John sa amin. "Pero dahil nga makikipagtulungan kami sa inyo, tutulong kami mahanap ang iba pang servant."

Inayos ni John ang suot niyang salamin. "If you want us to be your servant, prove it." He said.

Mayamaya lamang ay pinalabas na kaming lahat ni sir Joseph except sa tatlong servant dahil may mga pag-uusapan daw sila. Habang naglalakad kami sa pasilyo ay napatingin ako sa aking kamay, sapat na ba ang kakayahan ko ngayon para matalo ang mga Black Organization? Kung sakaling magkita ba kami ulit ni Edel ay matalo ko na siya? I guess not.

"Seven," tawag ko sa kanya at lumingon sa akin si Seven, nakakunot ang kanyang noo na parang nagtataka kung bakit ko siya tinawag.

"Pwede mo ba 'kong turuan mo 'ko ulit?" Tanong ko sa kanya. He looked atme at tumango.

He lead the way and I just followed him, nakahiwalay na rin kaming dalawa sa ibang class zero members. "Bakit gusto mong makipag-compact sa kanila, Jamie? Wala ka bang bilib sa sarili mong ability?" He asked, hindi ko nakikita ang ekspresyon niya dahil nauuna siyang maglakad sa akin.

"Disappointed ka ba sa'kin?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Masakit man pero hindi naman siya magiging si Seven kung hindi direkta ang mga sinasabi niya. Sinasabi niya talaga kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak. "I mean, you guys can improve yourselves without the help of others. Wala ba kayong tiwala sa sarili ninyong abilities?"

Natahimik ako saglit, wala nang tao sa pasilyo na 'to dahil karamihan sa mga estudyante ay nag-uwian na. "I believed in my ability, Seven," napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa akin.

"Hindi ibig sabihin na gusto kong makipag-compact sa mga servant of elements ay mahina na ako... I want to become stronger. Gusto kong bigyan katarungan si Casey, ayokong mabaliwala ang pagkamatay niya. Gustong-gusto kong lumakas, Seven."

"Ikaw na rin ang may sabi sa akin na tayong Class zero ay dapat protektahan ang mga inosenteng tao, hindi ba't mas madali iyon kung makikipagtulungan tayo sa servant of elements? Hindi ko kailangang makipagmataasan ng pride sa'yo, if servant of elements can help me to become stronger, makikipag-compact ako." Paliwanag ko sa kanya.

Nauna na akong maglakad sa kanya. "Next time na lang tayo mag-practice." Tipid kong sabi.

"Jamie wait..." I heard Seven said pero hindi ko ito pinakinggan pa.

Pagkarating ko sa dorm ay napansin ni Mild ang ekspresyon ko.

"Nag-away ba kayo ni Seven?" She asked pero hindi ko siya pinansin, dire-diretso akong pumasok sa aking kwarto.

"Nakakainis." Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tumingin lamang sa kisame. "Palibhasa ay malakas na siya, hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko."

Seven is strong, siguro nga ay hindi niya na kailangan nang tulong ng Servant of elements pero paano naman kaming gusto pang maging mas malakas? May mga tao rin akong gustobg protektahan lalo na't sinasabi nila na marami nang nasasangkot sa gulong ito. Baka sa susunod na araw ay madamay na ang mga pamilya namin. (Huwag naman sanang mangyari.)

Itinulog ko na lang ang inis ko kaysa pakaisipin ang tungkol dito.

***

NAGISING ako at napatingin sa orasan, halos mag-a-alas dose na pala nang gabi. Mukhang napahaba ang pag-idlip ko. May usapan pa naman kami ni Mild na sabay kaming magdi-dinner pero mukhang napansin niya na wala rin ako sa mood.

I grabbed my phone at napakunot ang aking noo nung makita ang sunod-sunod na chat mula kay Seven.

Seven:
Let's talk.

Akala ko ba ay magpa-practice ka pa?

Marami pa 'kong nabasa na chat mula sa kanya pero karamihan naman doon ay inaaya lang ako na makipag-usap sa kanya. Well, people can't blame me kung bakit bigla akong nainis kanina. Seven only think about his self and his pride, hindi niya kami naisip.

Papatayin ko na ulit sana yung phone ko nung mapansin ko yung typing na word sa screen.

Seven:
Seen, huh?

Let's meet at the field, right now. Kung ayaw mong makipagkita ay aakyatin ko ulit 'yang kwarto mo.

Seven:
Hindi ka talaga magre-reply, ha...

Kapag wala ka pang sagot in three seconds, aakyat ako diyan.

3...

2...

Jamie:
Sa field na lang.

Eto talagang si Seven, kayang-kaya niya pasunurin yung mga tao sa paligid niya. Dis-oras na nang gabi pero magkikita pa rin kami. Kumuha lang ako ng sweatshirt sa kabinet bago naglakad palabas ng room ko, masyadong malamig ang klima ngayong araw.

Lumabas ako ng dormitory at ang dilim na ng paligid sa school, ang tanging nagbibigay liwanag na lang ay ang mga street lights. Maririnig din ang ingay ng kuliglig sa paligid. Pagkarating ko sa school field ay nakita ko agad ang isang lalaki na nakasuot na itim na hoodie at nakaupo sa bench.

Bumuntong hininga ako at naglakad tungo sa kanyang direksyon. "Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"I just want to say sorry on what happened earlier. I know, I became insensitive that time..." panimula ni Seven sa akin, nung una ay nakatingin pa siya sa akin pero mabilis siyang nag-iwas nang kanyang tingin. "Ayoko lang na sa ibang tao ka dumedepende, Jamie."

Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko, jeez! Hindi ko yata kinakaya ang pagiging straightforward masyado ni Seven. "It just pissed me off kapag naiisip ko na kapag naging malakas ka na... hindi mo na ako kailanganin."

"H-Hindi naman sa ganoon 'yon," Hindi ko na alam ang sunod kong sasabihin, para bang in a snapped ay nawala na ang inis ko sa kanya at para bang naubusan ako nang salita na ibabato sa kanya. "You are Seven, hindi ko maiiwasang dumepende sa'yo."

"Really?"

"Oo naman," Pabiro kong hinampas ang kanyang braso. "You're the class zero leader afterall, dedepende talaga kaming lahat sa'yo. Ang galing mo kayang maging leader."

"Wow, Jamie, I am really amazed na nagawa mong sirain ang atmosphere ngayong gabi." he sitted on the bench at tumanaw sa kalangitan. Umupo ako sa tabi niya at doon ko napansin na ang daming bituin ngayon sa kalangitan. Nakakatuwa silang pagmasdan sa open field na gaya nito.

"Gusto mo pang mag-practice?" He asked.

"Hindi na, next time na lang," nakangiti kong sagot sa kanya. "Huwag kang mag-alala, Seven, hindi ako maglalaho." I want to give him an assurance dahil parang iyon ang bagay na ikinatatakot niya. "Hindi ako mamamatay sa laban na 'to."

"Hindi ko hahayaang maglaho ka," Yung intense na titig sa akin ni Seven ngayon ay nagiging sanhi ng pagpula ng aking pisngi. Kailan pa ba ako nakaramdam ng ganito kapag kasama si Seven? Parang dati ay hindi naman ganito, ah?

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, baka mabigyan ko 'yan ng meaning." I tried to fake laugh... pero hindi natawa si Seven.

"Gusto mo bang malinawan, Jamie? Read my mind... I am allowing you this time,"

"H-hindi na," Dati ay gustong-gusto kong nababasa ang iniisip ni Seven pero ngayon ay parang hindi ko kaya... para bang may natatakot akong malaman.

Nagpeke ako ng hikab and I wish na kagatin niya. "Dis-oras na nang gabi," tumayo ako. "May exam pa ako bukas ng umaga. Good night, Seven!" Tumakbo na ako pabalik sa dormitory.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top