Epilogue

.

Mira's (P.O.V)

"Prepare your things. We're going to France tomorrow." -Lolita.

"What!!?" Gulat na gulat kong sabi. This is so unexpected.

"Yes. I'm serious about it, Mira. Dun tayo magsa-summer vacation. Namimiss ka na ni Miguel at ng iba mo pang pinsan, eto ang request nila. Is there a problem?" -Lolita.

"Uhh-- kasi po lolita. Next week may out of town kami nila Jhay--" -Ako.

"Then cancel it or wag ka na sumama dun. C'mon! Mahi-hindian mo ba si Miguel?" -Lolita. I can't decide! Jusku.

We're here in dining room at kumakain ng breakfast. For you to be updated, it's already been 2 weeks simula nung naging kami ni Mr. New Guy ko.

Myghad! Di pa rin ako sanay na kami na talaga. Akalain mo yun? Isang Mira Aguinaldo at Rhobert Castro, in a relationship na? Jusku. Nakaka-loka!

Mas naloka ako ngayon kasi this time, real na real relationship na unlike before, fake relationship.

Ang saya lang! Parang nagka-kulay ang buhay ko na ubod ng dilim!

K. Ang corny diba? Pagbigyan nyo na ako!

Napayuko ako bago sumagot kay lolita. "Hindi po."

"Then save the date. Bukas na ang flight natin patungong France." Sabi saka tumayo na pagkainom ng tubig. "I need to go. May meeting kami mamaya with the shareholders. Later dear." Pagpaalam sakin ni lolita kaya tumayo na ako at bumeso sa kanya. At umalis na nga sya at lumabas na ng dining room. Malamang sa labas ang deretso nun.

Ako naman napatitig sa pagkain ko at parang nawalan ng gana sa binalita sakin ni lolita. First time kong di maexcite sa pagpunta namin sa France. Parang mas gusto ko pa dito sa Pilipinas dahil siguro madami na akong kasundo ngayon dito. At higit sa lahat nandito ang boyfriend ko.

2 weeks palang naman lumilipas simula nung maging kami tapos eto ako, isanasama ng lola sa ibang bansa para dun gawin ang summer vacation ko dapat. Mawawala ako ng halos 2 months at baka di ko kayanin. Baka mamaya may mahanap na iba yung baby loves ko. Baka yung mahanap nya eh never syang iiwan pag kakaumpisa palang nila. Huhuhu di ko hahayaan na may mahanap pang iba si Rhobert Castro. Tandaan lang nya na sapat na ako, si ako, at ako at lalo na si Mira Aguinaldo. Sya lang sapat na para kay Rhobert Castro.

"Good morning!" Napalingon naman ako sa pintuan at nakita ko si kuya na halata namang bagong gising dahil sa itsura ng muka.

"Good morning din." Pinipilit kong di maging matamlay boses ko pero la epek. Napatingin tuloy sakin kapatid ko ng deretso.

"Ayos ka lang? May problema ba?" Yung kapatid ko kahit madalas kami mag-debate kahit maliit na bagay lang alam kong may care sya sakin.

"Wala. Iniisip ko lang na mamimiss ko boyfriend ko for sure." Sabi ko nalang saka humalumbaba.

Bukod kay mommy, kay kuya rin sya nagpaalam na liligawan ako at gagawing girlfriend nya. Malaki tiwala sa kanya ni kuya kaya ayun. Pumayag na rin si kuya. At dahil dun, syempre bukod sa barkada, isa sya sa mga unang nakaalam na ako'y in a relationship na.

Ehem. Bakit kinikilig ako sarili kong naiisip? Ako'y in a relationship na kay Rhobert Castro. Yiiee myghad!

"Mamimiss? Bakit may pupuntahan ka ba?" Sabi ni kuya saka sinubo yung isang kutsarang kanin na may ulam.

Inirapan ko naman sya dahil napaka-outdated nya. Hay. "Duh? Di mo ba alam na bukas pupunta tayong France?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ahh. Yun ba? Kayo lang muna ni lolita pupunta bukas. Baka ako sa darating na Sabado nalang sumunod. May aasikasuhin pa ako dito eh." Sabi nya at humigop naman ngayon sa kape nya. Nagpapaka-busog ang loko.

"Ano pa gagawin mo dito, aber?" Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Basta. Related sa bagong University na papasukin ko. Saka kailangan ko pa ng konting time with my girl." Pagkatapos nya sabihin yun ay sumubo naman sya sa isang wheat bread.

"Pinayagan ka ni lolita?"

"Oo naman." Gara! Bakit sya pinayagan eh ako barkadaka naman kasama ko?

"Ang unfair. Bakit ikaw pinayagan." Naiinis kong sabi. Napatawa naman sya.

"Kasi kami ni Fatima, kahit di pa naman kami atleast legal kami sa pareho naming pamilya. Eh kayo? Kelan mo ba balak ipakilala si Rhob kay dad at lolita?" Napatahimik naman ako sa sinabi ni kuya. Tama naman sya eh. Di pa kami legal ni Rhob.

Wala rin kasi akong mahanap na tyempo para masabi kay daddy na may boyfriend na ang unica hija nya. Kasing busy rin nya si lolita dahil sya ang Vice president ng mga kumpanya na hawak namin. Si lolita naman ang president ng Aguinaldo Group of Companies. Pareho silang busy kaya talagang si kuya palang at mga kaibigan ko lang nakakaalam na taken na ang Miss Perfect wala nang iba kundi ako.

"Di nga sabi ako makahanap ng perfect timing. Pareho silang busy at bihira natin makita dito sa bahay. Kaya wag ka mag-expect na mapapakilala ko agad sa kanila si Rhobert." Naiinis kong sabi saka napa-buntong hininga. Busy sila sa business para sa future namin ni kuya. I should understand them right?

"Kung pagdating kaya sa France saka mo sabihin kina lolita? For sure naman na pag sa France ang punta, wala syang gagawing trabaho. It's her relaxing time kaya di na sya busy. Masasabi mo na ng deretsahan." May point sya pero di ba nya magets yung akin?

"Yun nga! Relaxing time tapos pano kung mastress sya sa ibabalita ko?" Sabi ko nalang. Nilingon naman nya ako with inis expression on his face.

"Hay! Nagsasuggest lang ako para di kayo mahirapan ni Rhobert. Kung ayaw mo edi wag." Sabi nya at biglang inistraight yung kape at tumayo na mula sa upuan nya.

"Mira sinasabi ko lang toh para wala kayong problemahin. Masarap kaya sa feeling yung legal kayo sa harap ng magulang nyo. Sige na may date pa ako. Maya nalang!" Saka sya ngumiti ng maliit at umalis na sa kusina.

Napa-buntong hininga nalang ako sa sinabi ni kuya. Di naman talaga sa ayaw ko. Natatakot lang ako baka kasi umangal si lolita kay Rhobert. Katulad ng umangal sya kay ma'am Fatz at kuya. Natatakot ako na kaya kong suwayin ang sarili kong lola at baka magkagalit kami.

Hay jusko! Mira! Wag ka ngang paranoid. Sabi nga dati ni Kea sakin, forget the past, enjoy the present and wait for the future. Kahit ano pa yang mga pagsubok na yun, alam kong kakayanin namin yun ni Rhobert. We're going to fight 'till the end of the battle.

Tatayo na sana ako at balak ng lumabas ng dining room nang mag-ring phone ko at kinilig naman ako nung mabasa ko pangalan nung tumatawag sakin.

Baby Loves ❤ calling....

Oh bongga diba? Yan na official endearment namin. Di na lang basta 'Mr. New Guy' or 'Miss Perfect'.

Agad kong inislide yung answering button at tinapat sa tenga ko yung phone. Excited lang talaga ako marinig boses ni baby loves ko. Kailangan ko rin ipaalam na aalis kami bukas. Papayagan nya kaya ako o magagalit sya?

"Good morning baby loves." Malambing kong sabi sa kabilang linya.

[Good morning din. Kumain ka na ng breakfast?] Malambing rin yung boses nya. Iihh nakakatuwa.

"Opo. Kakatapos ko nga lang eh. Ikaw?"

[Ah tapos ka na? Sayang. Yayayain sana kita kumain sa labas ng agahan.] Narinig ko pa pagbuntong hininga nya kaya natawa ako.

"Pwede namang ireschedule. Later lunch time, you want?"

[Talaga? Pwede ka mamayang lunch?] Aba. Parang nagdududa pa.

"Pwedeng pwede po. So mamayang lunch ha? Saan mo gusto?"

[Ako na bahala dun. Kita nalang tayo mamaya sa Twins Plaza?]

"Yeah. Sure." Sagot ko habang malaki ang ngiti.

[Okay then! It's a deal. See you later my one and only baby loves. I love you.]

Everytime I hear the magic words from him, I think I fall for him again and again.

"I love you too." At saka ko na binaba yung tawag.

Naeexcite na akong makita sya kasi for sure matagal pa bago ulit kami magkita dahil buong summer vacation kami nasa France. Bakit ba kasi talaga kailangan dun kami mag-summer? Pwede namang dito nalang sa Pilipinas.

Umakyat na ako sa kwarto ko para dun magpalipas ng oras. Masyado pa kasing maaga para maghanda sa lunch date namin ni Rhobert. Nanood ng k-drama, nagbasa ng libro, at nag-instagram. Yun lang ginawa ko habang nagpapalipas ng oras. Mabilis lang naman ang oras kaya ayun dumiretso na ako sa banyo para maligo at magbihis. Duh? We're having a date kaya dapat maganda talaga ako.

Time check, 11:30 am. Buti nalang naka-bihis na ako and ready to go. Simple lang suot ko ngayon, pink blouse then white mini skirt tapos white converse shoes. Half girly and half boyish dahil sa sapatos.

Lumabas na ako ng bahay at dederetso na sana sa garahe para magpahatid sa isa sa mga driver namin nang makita ko si ate Alice na parang wala sa sarili habang hawak ang hose. Nagdidilig sya ng halaman pero lunod na lunod na yung isang paso dahil dun lang nakatutok hose nya at deretso lang tingin nya. Problema nito?

"Huy! Ate Alice!" Panggugulat ko sa kanya.

"Ay broken!" At nagulat nga sya at nabitawan pa yung hawak na hose.

Napatawa nalang ako. "Anong broken? Ayos ka lang ate?"

"Oo naman. Ayos na ayos lang ako. Kelan ba ako hindi naging maayos?" Saka sya ngumiti sakin.

Di ko alam kung ano dapat kong isipin. Kung totoo ba yun o hugot sa buhay pagibig nya?

"Ahm. O-kay? Sure kang ayos ka lang ate Alice ha?" Mabilis naman syang tumango. Ang weird nya ngayon ah?

"Oo nga. Teka saan ba lakad mo?" Tanong nya nung mapansin na bihis na bihis ako.

"May date ako ngayon." Saka ako ngumiti ng ubod ng tamis.

"Ay sus! Naging in a relationship ka lang, natuto ka nang makipag-date." Pangiinis nya sakin.

"Yun nga eh. Ano ba ginagawa na taong in a relationship? Edi malaman makipag-date sa partner mo. Sige na. Later nalang. Ciao!" At tinalikuran ko na sya. Narinig ko pa pag-angal nya pero natatawa nalang ako habang papunta sa garahe.

Nagpahatid na agad ako sa isa sa mga driver namin sa Twins Plaza. Naka-recieve narin naman ako ng text message kay Rhobert kung saang restaurant kami kakain. Pagkadating sa Plaza ay excited akong pumunta sa restaurant na sinabi nya. Naeexcite ako kasi makikita ko sya at makakakain ako ng libre. Treat nya dapat ako, aba!

Pagdating sa restaurant ay nilibot ko agad paningin ko at nakita ko naman sya mag-isang nakaupo dun sa tabi ng glass window kung saan kita mo mga dumadaan. Naupo ako sa harapan nya nung mapansin ako. Kanina pa kasi sya naka-tingin sa labas.

"Oh. Nandyan ka na pala." Saka sya ngumiti ng maliit sakin. Sinuklian ko din naman sya ng ngiti.

"Oo. Sorry kung medyo late ako. Kanina pa ba nandito?" Tanong ko.

"Hmm. Di naman. Mga 20 minutes palang siguro akong nandito." Sagot naman nya habang naka-tingin sa relo nya sabay balik ng tingin sakin.

"Ahh. Order na tayo? Nagugutom na kasi ako eh." Umiling naman sya kaya nagtaka ako.

"No need. Kanina pa ako umoder."

"Wow. Advance?" Natawa naman sya kaya napangiti ako.

"Basta para sayo, lagi akong advance and ready. You're one of my top priorities so expect everything from me."

I'm giving my full trust to his words. Ineexpect kong tutuparin nya lahat ng sinasabi nya. Basta sa kanya, handa akong isugal buong puso at tiwala ko sa kanya. Kaya sana sya din handang ibigay sakin yung puso at tiwala nya ng buong buo.

"May gusto nga pala akong sabihin." Sabi ko nung maalala ko na bukas nga pala flight namin papuntang France.

"Ano yun?" Tanong nya habang malaki ang ngiti. Natatakot akong bigla mawala yung ngiti nyang yun sa sasabihin ko.

"Di ako makakasama sa planong outing ni Jhaycee. Pupunta kami nina kuya at lolita sa France." Naka-tungo kong sabi. Ayokong makita reaction ng muka nya. I don't want to see his disappointment reaction.

"Hmm. I see. I understand. It's your family get together, right?" Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Malaki parin ang ngiti nya sakin. Di ko tuloy mapigilan isipin kung plastik ba yun o totoo.

"Payag kang aalis ako? Di ka magagalit?" Mas lalo naman lumaki ngiti nya.

"Boyfriend mo ko. Never akong magagalit sayo sa mababaw na dahilan at trabaho kong intindihin ka sa anumang sitwasyon." Gusto kong maluha sa sinabi nya.

Oo na. Ako na pinaka-mababaw na tao dahil gusto ko agad maluha sa sinabi nya. I want to burst out my tears of joy. Sa tingin ko nahanap ko na ang perfect boyfriend sa mundo. I feel so lucky.

"Thank you for choosing me as your girlfriend."

"Mali. Dapat ako ang magpa-salamat sayo dahil binigyan mo ako ng chance." At bigla syang tumayo ng kaunti at lumapit sakin muka nya kaya nanlaki mata ko.

Akala ko hahalikan nya ako pero di naman ako nagkamali. Hinalikan nya ako-- sa noo ko. Akala ko sa lips huehue joke. Ayon sa iba the most sweetest kissing action is a kiss to the forehead.
.

Lumipas na ilang araw after ng araw na hinalikan nya ako sa noo ko. Mag 1 week na kami dito sa France. Si kuya bukas palang darating dito. Tuwing gabi magkausap kami ni Rhobert sa facetime or skype. Minsan kasama nya pa buong barkada namin. At ang mga boys nagre-request na uwian ko daw sila ng chocolates pag uwi ko. Yung girls naman yung perfume na gawa talaga dito. Kilala rin kasi bansa na toh sa may pinaka-mahal at magandang amoy ng pabango.

"Mira? Tara. Sa Paris tayo." Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko dito sa mansion namin sa France. Yung pinsan kong si Miguel at sya yung nag-aya sakin.

"Gagawin natin dun? Kagagaling lang natin kahapon dun at nakita ko na muli ang Eiffel Tower." Tanong ko sa kanya.

"Puntahan lang natin si Lance dun sa coffee shop nya. Libre daw tayo ngayon dun. Sayang yung opportunity!" Si Lance na sinasabi nya ay isa din sa mga pinsan namin na dito sa France nakatira. Pareho sila ni Migs na mahilig sa kape. Actually ako din pala. Magkakasundo kami basta usapang kape.

"Totoo ba yan?" Taas kilay kong tanong.

"Oo nga. Kaya mag-bihis ka na. Hintayin kita sa labas ah?" Malaki ngiti nya saka na lumabas ng kwarto ko.

Ako naman eto nag-bihis na agad. Naka-white plain shirt ako tapos pencil skirt. Pinatungan ko nalang sarili ko ng pink sweater. Dala ko syempre yung purse ko na may lamang wallet at phone. Baka kasi mamaya biglang tumawag ang boyfriend ko.

Nga pala, alam na din ni Migs at Lance na may boyfriend na ako. Pero di ko parin nasasabi kina lolita at dad. Baka mamaya di sila umagree na in a relationship na ako at baka di na ako pauwiin sa Pilipinas. No way!

Bumaba na ako at umalis na din naman agad kami papunta sa coffee shop ng pinsan ko. Nga pala, si Lance ay tunay na lalake. Baka mapagkamalan nyong bading dahil nagma-may ari sya ng coffee shop eh.

Pagkadating namin sa shop nya eh medyo matao din. Masarap kasi talaga gumawa ng kape tong si Lance. Tapos magagaling pa yung mga chef nya dito. At dahil Aguinaldo ang may ari ng shop na toh, kilalang kilala talaga at dinarayo. Maganda din yung view dahil kitang kita ang Eiffel tower.

"Iba't-ibang cakes, pasta at coffee ang pina-handa ko para sa inyo ngayon." Naka-ngiting sabi samin ni Lance. May dimples sya at bagsak ang buhok kaya parang may bangs.

"Salamat!" -Miguel.

"Siguraduhin mo lang na libre talaga kami ngayon ah?" Natawa naman si Lance sa sinabi ko. Naninigurado lang naman ako eh.

"Oo nga. Minsan ka lang naman mapunta dito eh kaya ayos lang." Naka-ngiti nyang saad.

"Dapat kasi dito ka nalang mag-aral para sama sama ulit tayo. Parang nung middle school lang." Sabi ni Miguel sabay higop dun sa kape nya.

Inirapan ko nalang sya sa sinabi nya. Nakalimutan na ba nya yung nangyare sakin dito nung middle school? Saka masaya na ako sa Pilipinas. Dun ko nakilala mga tunay kong kaibigan saka dun ko nadin nakilala boyfriend ko.

"Mas gusto nyan sa Pilipinas. Nandoon BOYFRIEND nyan saka mga kaibigan nyan." Namula naman ako sa sinabi ni Lance. Diniin pa nya yung word na BOYFRIEND. Ang laki din ng ngisi sakin ng loko.

"Baka naman nakalimutan mo Mira? Di pa kayo ng gago na yun pina-iyak ka na tapos ngayon kayo na? Tsk." Sinamaan ko naman ng tingin si Miguel sa pagmura nya sa boyfriend ko.

"How dare you to cuss at him!?" Nag-make face naman sya. "Saka nag-sorry sya at ang tagal din bago nya makuha ang acceptance ko sa sorry nya."

"Oh! Wag na kayo mag-away. Enjoyin nyo nalang yung pasta." Pag-awat samin ni Lance saka sumubo ng cake.

"Nga pala, bukas nandito na si kuya kaya may dinner bukas sa bahay. Isama mo sina tita, Lance pati mga kapatid mo." Pagsabi ko sa pinsan ko nang maalala ko na may darating bukas na playboy ng taon.

"Bakit bukas palang si kuya Marky?" -Miguel.

"May inasikaso daw muna sya dun sa Diamond University. College na sya remember?" Napa-tango naman sila pareho sa sagot ko.

"Mukang mag-sisipag na kapatid mo ah?" -Lance. Ngumiti nalang ako sa kanya ng maliit.

Magseseryoso talaga yun ngayong college. Para kay ma'am Fatz. Sa pagkakaalam ko kasi pagka-graduate palang ni kuya ng college saka palang ibibigay ni ma'am Fatz matamis nyang oo kay kuya. Saka magseseryoso si kuya para may mapatunayan sya kay lolita at daddy.

"Syempre. Sa kanya ata ipapamana ni lolita yung main company na nasa Pilipinas." Pag-explain ni Miguel na ang kinakain naman ngayon ay cookies.

"Ang babata pa natin usapang kumpanya na. Wag nga yan!" Naiirita kong sabi sa kanila. Feeling ko kasi tumatanda na ako at kailangan na magtrabaho pag tungkol sa companies namin ang naririnig ko.

Mabilis lang na lumipas ang araw. Tanghali na at mamaya na dadating si kuya. Masaya ang lahat dahil complete family nanaman kami maya maya lang. Pero ako eto, puyat at bad mood dahil sa isang lalakeng nag-ngangalan na Rhobert Castro.

Excited na excited pa naman ako kagabi na maka-usap ulit sya kaso di pa sya online. Naghintay pa ako ng ilang minuto, actually ilang oras pero wala talaga. Nakatulog lang kaya sya o may ginawang kalokohan? Naku! Subukan lang talaga nya gumawa ng kalokohan sa Pilipinas habang wala ako dun, papadalhan ko sya ng bomba. Yung tipong pag-kahawak palang nya sasabog na sya. Hays!

"Bakit ba ang paranoid ko?" Irita kong sabi sa sarili. Naka-harap ako ngayon sa salamin at nag-kukulot ng buhok. Wala akong magawa eh. Mema lang toh.

"Mira?" Napatingin ako dun sa nag-bukas ng pinto. Si Miguel pala.

"Bakit?" Tanong ko habang naka-harap parin sa salamin at patuloy sa pagku-kulot ng buhok ko.

"Bakit ayaw mo tumulong dun sa baba? Mas busy ka pa talaga sa buhok mo?" Natatawa nyang tanong sakin saka naupo sa kama kong pink, nakita ko sya sa salamin.

"Pake mo ba? Saka tinatamad ako bumaba eh. Mamaya nalang pag kumpleto na lahat." Tinatamad din ako bumaba kasi may hinihintay akong tawag or video call. Alam nyo naman na siguro kung sino hinihintay ko noh?

Nakita ko din sa salamin na nag-kibit balikat sya. "Sigurado ka dito ka lang?" Tumango naman ako bilang sagot. "Okay. Baba ka na mga bandang 6 ha?" At tumayo na sya at lumabas ng kwarto ko.

Maya maya lang tumunog yung laptop ko kaya sinilip ko toh at nakita kong may message ako sa skype. Di kaya si baby loves na toh? Hadali ko namang inopen at nanlata naman ako nung hindi pala sa boyfriend ko. Kay Jhaycee pala.

@JhayceeCorpuz14
Bh3! Video call tayo. Reply ka nalang pag online ka na :)

Pinagbigyan ko naman sya at nagsend ako ng request na video call. Inaaccept naman nya agad.

[Omg! Bilis mo ah!] Kitang kita ko sa screen ang buong barkada pero wala si Rhobert. Bakit di nila kasama si baby loves? Nasaan si baby loves?

"Nasaan si baby loves?" Tanong ko sa kanila.

[Ay grabe sya!] -Keana.

[Kami kausap mo tapos boyfriend mo hinahanap mo? Wag ganon!] -Jaraica. Napa-iling nalang ako sa kanila.

"Nag-aalala lang ako. Kagabi di sya tumawag. Ni text wala akong natanggap sa kanya." Girlfriend ako kaya normal lang na mag-alala sa boyfriend na di nagpaparamdam. Duh?

[Di mo ba alam? Ngayon alis ny-- SHH!!!] Di natuloy ni Angeloy sasabihin nya nung takpan ni Zeid bibig nya at nag-'shh' ang mga babae sa kanya.

"Ahm. Ano ulit yun Angeloy?" Di ko kasi masyadong naintindihan sinabi nya.

[Ah ano... Ibig kong sabihin, di mo ba alam na ngayon ang alis namin? Pupunta kaming Zambales. Baka kaya di ka natawagan dahil busy sa pag-aayos ng gamit. Yun!] Ahh. O-kay? Baka nga kaya di nakatawag si baby loves.

"Baka nga."

[Oo kaya ikaw wag kang mag-isip ng kung ano ano dyan. Enjoyin mo nalang bakasyon mo dyan sa France.] -Jhaycee.

[Oo nga! At pag-uwi mo wag mo kalimutan pasalubong namin ha? Chocolateeeees!] -Brine.

[And perfumes! Hihihi!] -Jaraica and Keana.

Napatawa naman ako sa kakulitan nila. "Nakaka-miss kayo. Dapat talaga kasama ako dyan sa outing nyo eh."

[Miss ka na rin namin. Basta pasalubong ha?] -Zeid.

"Hahaha oo na! Oy end call ko na ha? Kailangan ko pa tumulong sa baba eh." Saka ako ngumiti ng ubod ng laki sa kanila.

[Sure! Anyway bagay sayo yang curly hair. May pinaghahandaan?] Saka naman ngumiti sakin si Jhaycee. Eto nanaman weird smile nya. Ugh!

"Wala noh! Sige na. Byeeee later nalang."

[Byeee!] At inend call ko na.

Nakakamiss talaga sila. Di bale 2 months lang naman. Sisiguraduhin kong pag-uwi ko madami silang chocolates na matatanggap from me.

Malapit na mag-six pm nung maisipan kong bumaba at tignan kung ano kaganapan dun. Normal naman pero halos nasa kusina lahat ng katulong. Busy sa pag-luluto dahil malapit na ang dinner time. Madaming ihahanda dahil special dinner mamaya. Kumpleto ang Aguinaldo, well si mommy at lolo ko lang ang kulang sa family dahil nasa heaven na sila pareho.

"Oh. Buti naisipan mo nang bumaba?" May narinig akong nagsalita sa likod at nakita ko nanaman si Miguel ulit. Etong lalakeng toh panay ikot sa mansyon. Daig pa yung mga guard sa bahay na ito.

"Sabi mo diba bumaba ako pag mga bandang 6 na?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Sabi ko nga." At natawa nalang sya at tumalikod na at umalis. Baka sa garden naman nya trip mag-ikot ngayon.

6:30 pm. Nandito na sina Lance at kumpleto sila. Syempre nandito din pamilya ni Migs at nandito si dad at lolita. Si kuya nalang ang kulang.

*Ring!!!-Ring!!!*

Nag-ring phone ko senyales na may nag-text. Inopen ko naman phone ko at nakita pangalan ni kuya.

From: Kuya Pangit
Nasa taxi na ako. Malapit na ako dyan. Pasabi nalang kela lolita :)

Ahh. K. Malapit na daw sya. Wag nyo nalang pansinin yung pangalan nya sa contacts ko. Mabait kasi akong kapatid.

"Dad! Naka-sakay na daw po ng taxi si kuya." Napalingon naman sakin si daddy.

"Oh. Okay. Ingat kamo sya papunta dito." Sabi ni dad kaya tumango ako ng mag-ring nanaman phone ko. Nagtext nanaman si kuya.

From: Kuya Panget
Another thing, may kasama ako.

May kasama sya? Si ma'am Fatz kaya? Baka ipapakilala na nya sa buong family. Naks. Iba talaga si kuya gumalawan eh.

Ilang minuto lang lumipas ay narinig ko sigaw ni Miguel na nandito na daw si kuya kaya lahat naman kami hadaling pumunta dun sa sala, oo pati sila tito at tita pumunta sa sala para lang salubungin si kuya. Grabe sila magbigay ng attention sa kapatid ko noh? Hahaha.

Pagdating namin sala ay di ko expect yung kasama ni kuya.

*Dug-dug!!! Dug-dug!!!*

Yung lalakeng kagabi ko pa hinihintay yung tawag..... n-nandito na sa France!!?

"Marky nandito ka na!" Bati nang isa kong tita kay kuya.

"Opo." Malaki ang ngisi ni kuya at di ko mapigilan na tignan sya ng masama. Deadly glare.

Bakit di man lang nya sinabi na ang kasama pala nya ay si Rhobert!? Ano? Trip nya akong isurprise? Eto din ba dahilan kung bakit kagabi pa di nagpaparamdam sakin boyfriend ko? Wow. What a very surprising night!

Saktong nandito lahat ng relatives namin ni kuya. Kay lolita and dad nga natatakot akong ipakilala si Rhobert tapos ngayon kumpleto pa silang lahat. Juice colored! Kaya ko bang ihandle sitwasyon na toh?

"Ehem." Napalingon naman kaming lahat dun sa umismid. Yung pinaka-strict kong tito. Tatay ni Lance.

"Marky, pwede mo bang ipakilala ang kasama mo?" Seryosong sabi ni tito. Di ko mapigilan lumunok sa sobrang kaba. Di tama na tumunganga lang ako dito. Right? I have to do something!

"Ah tito, tita, dad, he's my friend. And also an special person for Mira." Napapikit naman ako sa sinabi ni kuya. Eto na. Kailangan ko na talaga harapin ang araw na ito.

Biglang nag-bow si Rhobert sa harap ng relatives ko as a sign of respect. "Good evening, madame's and sir. I'm Rhobert Castro." Puno ng pag-galang ngayon ang boyfriend ko. Nilingon ko naman mga muka nila tito and dad. Seryoso ang muka nila pwera kina tita na naka-ngiti kay Rhobert.

"Ka-anoano mo si Mira?" Seryosong tanong ni daddy. Nako! Mabait si daddy at medyo strikto pero iisang lalake palang ata um-agree si dad nun. Yung lalakeng unang nanakit sakin dati-- aish! Forget that damn guy Mira. Isipin mo muna problema mo ngayon Mira.

Huminga ako ng malalim. Di ko hahayaan mag-isa si Rhobert. He's my boyfriend at dapat maging proud ako at handang ipakilala sya sa buong mundo. I'm ready. I know I can do this.

"I-I'm his--" Di na natuloy ni Rhobert sasabihin nya nung sumabat ako.

"Sya po ang boyfriend ko. At ako naman ang girlfriend nya. We are in a relationship. Sana po tanggapin nyo yun ng buong puso." Sinabi ko yun habang naglakad sa tabi nya. Pagkatapos kong sabihin yun ay humarap na ako sa kanilang lahat habang katabi si Rhobert. And now we are holding each other's hand. Never letting go of each other.

Tahimik ang lahat at nabigla. Tanging yung kapatid ko lang at dalawa kong pinsan na lalake ang malaki ang ngisi sakin at halatang aasarin ako mamaya. Mga pahamak talaga sila sa buhay ko ngayon eh.

"What's the commotion here? Bakit ang tagal nyo bumalik sa kusina?" Mas kinabahan ako ng bongga ng marinig ko boses ng pinaka-matanda sa Aguinaldo. Ang pinaka-ginagalang namin lahat. Si Lolita.

Sa kanya talaga ako pinaka-kinakabahan. Pati sina kuya nawala yung ngisi. Kilala nila si lolita. Lagi si lolita ang gustong mag-desisyon para samin at pati lovelife namin nakikielam sya. Naiintindihan ko naman na concern lang syang lola sa mga apo nya but I hope she'll understand me and accept that I have a boyfriend.

"Ah. Mama--" Di pa nakakatapos mag-salita si daddy nung mapatingin samin si lolita. At dahan dahan bumaba tingin nya sa kamay namin ni Rhobert. Naramdaman ko namang humigpit hawak sakin ni Rhobert. I am sure that he will never let go of me.

"Who is he dear? And why are you holding each other hands?" Taas kilay na tanong samin ni lolita. Ipaglalaban ko toh kasi mahal ko ang hawak kong kamay ngayon.

"Lolita sya po si Rhobert Castro. Same age as mine. Kaklase ko po sya sa Willstone Academy. And... he's my love. He's my boyfriend." Buong tapang kong sagot.

Napatitig naman si lolita kay Rhobert na parang chinecheck sya using only her mataray na paningin. Bigla naman syang ngumisi sa boyfriend ko. What the hell is the meaning of that smirk?

"Muka ka namang matino. Come eat with us. Let's talk about your relationship with my granddaughter. Prove also yourself first." Sabi ni lolita at tumalikod na at sumunod naman sa kanya sina tita.

Nagkatinginan naman kami ni Rhobert sa pag-imbita nya kay baby loves ng dinner.

Nag-dinner kaming lahat ng sabay sabay. Madami silang katanungan sa boyfriend ko na nasagot naman nya ng maayos. And they approve him. Ayoko na ikwento yung buong nangyare dahil baka maloka lang mga bangs nyo. Basta approve na si Rhobert Castro para maging boyfriend ko. PERIOD.

Nandito kami ni Rhobert sa garden at pinag-mamasdan ang mga bitwin. How shiny and beautiful they are.

"Ang ganda ng bituin diba?" Tanong ko kay Rhobert habang di nakatingin sa kanya. Di ko kasi maalis tingin sa mga bitwin na mas maganda pa sa kilala mong pinaka maganda.

"Oo nga ang ganda..." Narinig kong bulong ni Rhobert. Bakit kailangan bumulong nito? Pwede naman sa normal tone. Napalingon tuloy ako sa kanya at natigilan naman ako nung mapansin kong sakin pala sya nakatitig at hindi sa mga bitwin. So seriously? Sino sinabihan nyang maganda? Ako ba o yung bitwin?

"Yung bitwin kako yung tinutukoy ko. Hindi yung muka ko." Natatawa kong sabi. Napangiti naman sya.

"Yung bitwin naman talaga tinutukoy ko. Assuming ka lang talaga." Sinamaan ko naman sya ng tingin habang sya naman ang natawa. Ako pa talaga assuming hano? Wow nemern!

"Ah ganon? Ako pa talaga assuming? Ge dyan ka nalang forever at mag-sama nung mga bitwin na yan." Tatayo na sana ako dahil plano kong mag-walk out dahil nakakairita talaga yung sagot ng bwisit kong boyfriend kaso pinigilan nya ako pabalik at di ko akalain na pag-lingon ko sa kanya ay saktong nag-tama labi namin pareho.

Our first kiss here in France kung saan naging officially in a relationship na kami sa harap ng magulang ko.

"Alam mo kasi, yung bitwin na tinutukoy ko ay ikaw. I'm all alone in a dark world then you came and become my star that give me light that shine my whole world."

Speechless naman ako sa sinabi nya. Ang tamis mga bes. Nakaka-kilig. Hay hopia!

Wala talaga akong masabi. "You don't need to say anything. The magic words from your voice will be very enough."

"I love you Rhobert Castro. I love you so much."

"I love you too my dear princess, my miss perfect of my life."

And again, we share another kiss under the shiny and beautiful stars.

The End of Epilogue....

--------------------

Please read the author's note after this. It's MUST BE READ. Thank you!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top