Chapter 40 - FINALE

.

#Class7-2FINALE

---------------

Rhobert's (P.O.V)

May galit ba sakin dyan? Dahil di ako nagpakita kay Mira ng 2 linggo? Pwes sorry na! Para naman kay Mira toh kaya di ako nagpakita sa kanya. Kailangan kong masigurado na magiging successful yung surprise ko sa kanya.

Oo may surprise ako para sa kanya kaya shh lang muna kayo ha?

"Sa tingin mo magiging worth it lahat ng pinaggagawa mo sa loob ng 2 weeks dahilan kung bakit di ka nagpakita kay Mira?" Napatingin naman ako dun sa tumabi sakin. Si Zeid na seryosong nakatingin sakin.

Magkaibigan naman talaga kami na nagkaroon lang ng misunderstanding na naayos rin after namin malaman tunay naming nararamdaman. Sya para kay Jhaycee at ako para kay Mira.

"Sa totoo lang kinakabahan ako sa magiging reaction nya at sa magiging sagot nya." Saka ako napangiti ng maliit.

Biglang nagpakita sa isipan ko yung muka ni Mira na dahan dahan lumilingon sakin at biglang ngumiti ng malaki. Pati mga mata nya ngumiti sakin. Di ako mainipin na lalake pero nararamdaman ko na sa graduation day din mismo ang right time para mangyare yun.

Di nyo pa alam kung ano mangyayare sa surprise ko noh? Di nyo rin alam kung bakit ko sya isusurprise diba? Pwes secret muna! Bukas nyo na malalaman. Since bukas pa magaganap yung surprise.

"Sa tingin ko alam naman na talaga ni Mira yung isasagot sayo na hinihintay mo kaso di pa right time para ibigay sayo. Yun ang sa tingin ko naiisip nya." May point naman si Zeid pero ewan ko ba. Ayoko naman hadalian si Mira. Well 2 months naman na talaga ako nanliligaw sa kanya pero ramdam na ramdam ko na bukas na talaga ang right time.

"Ewan ko. Bahala na. Kung sakaling sabihin nyang di pa sya ready, tatanggapin ko ng buong puso at hihintayin sya kahit umabot pa sa puntong malapit na akong mamatay." Sagot ko nalang. Oo umaasa ako na sana di rejected pero tatanggapin ko naman kung di pa sya ready. Ako ang magiging first nya pag nagkataon kaya normal lang sa kanya na magisip-isip muna.

"Kung humindi man sya, masasayang efforts mo tol." Di na ako nakasagot sa sinabi nya.

True enough. But I'm willing to do more efforts to be deserving for her 'yes'.

"Huy! Masyado naman ata seryoso pinaguusapan nyo!" Bigla bigla naman sumulpot tong si Jhaycee na malaki ngiti samin. Ang ganda rin ng aura nya. Tipong mahahawa ka at mago-good mood ka buong araw.

Napatingin naman ako kay Zeid saka napangisi nung mapansin kong bigla sya namula saka napatitig kay Jhaycee.

Sa totoo lang akala ko mas magiging magkaribal kami dahil sa pagkakaalam ko may gusto rin sya kay Mira. But things can really change in one blink. Masaya si Jhaycee dahil sa wakas nasukilan na matagal nyang pagibig para kay Zeid. Masaya rin ako dahil narealize ko na sa wakas kung sino ba talaga gusto ko.

"Di naman seryoso." Saka ako tumawa. "Kamusta na yung ginagawa nyo sa kusina? Nakaka-ilan na kayo?"

"Ah! Nakaka lima palang kami eh. Dami kasing kailangan eh." At napakamot nalang sya sa ulo nya.

"Pasensya na saka salamat sa tulong nyo ah?" Sinsero kong sabi sa kanila.

Kumpleto ang barkada pwera lang syempre kay Mira. Para sa kanya yung ginagawa namin. 2 weeks rin syempre na alam ng barkada kung nasaan ako at kung ano ginagawa. Kunwari di nila alam kung nasaan ako. At dahil dun araw araw ko din nalalaman ang mga rants sakin ni Mira. Natatawa nalang ako at natutuwa. Atleast nalaman kong pag nawala pala ako ng matagal mag-aalala sya sakin at mamimiss nya ako. Miss ko narin naman sya. At sisiguraduhin ko bukas na mawawala inis nya sakin.

"Sus! Wala yun. Basta siguraduhin mo lang di mo papaiyakin bestfriend ko ha? Kahit minsan lukaret yun, mahal ko yun. Oras na tumulo kahit isang luha lang ni Mira at ikaw ang dahilan, nako! Hindi lang ako sasapak sayo. Madami kami." Pananakot sakin ni Jhaycee.

"Wag ka mag-alala. Makaka-asa kayo na ang dahilan ng pagluha ni Mira ay kasiyahan." At saka pa ako nag-salute sa kanya. Feeling sundalo lang? Haha gwapong sundalo. Mas gwapo pa kay Song Joong Ki na yun.

Wag kayo. Alam ko rin na obsess ngayon si Mira dun sa big boss daw. Yung Descendants of the Sun? Sinearch ko naman at nakita ko yung picture ni Yoo Si Jin a.k.a. Big Boss. May itsura nga pero mas gwapo parin ako. Tsk.

Mag-sundalo narin kaya ako para mas magustuhan ako ni Mira? #GalawangCastro

"Woy! Mga pre ano sa tingin nyo mas bagay? Etong pink or red?" May bigla nanaman sumulpot at nakita namin si Brine at Angeloy na may tigisang hawak na kurtina. Pink hawak ni Brine at red naman hawak ni Angeloy.

"Diba mas bagay tong pink? Kasi pambabae talaga?" -Brine.

"Mali ka! Mas bagay red para kakulay ng rosas at paboritong bulaklak yun ng mga babae." -Angeloy.

"Mas gusto ng mga babae ang pink kaya siguradong Pink din paborito ni Mira." -Brine.

"Mali ka nga sabi eh! Mas sweet at romantic ang color red." -Angeloy.

"Pink nga!" -Brine.

"Red!" -Angeloy.

Nagkatinginan naman kaming tatlo ni Zeid at Jhaycee saka napailing. Talaga bang lumapit sila dito samin para ipakita lang debate nila?

"Pati ba naman sa kulay nag-aaway kayo?" Natatawang tanong sa kanila ni Zeid.

"Syempre. Ginagawa namin toh para sa mas makakabuti sa surprise ni Rhob bukas." -Angeloy.

"Oo tama si Angeloy. Nagaaway kami dahil iniisip namin yung kulay na mas magugustuhan ni Mira." -Brine.

Aw. What a nice friends. I appreciate their help so much.

"Salamat at sorry dahil nag-aaway pa kayo dahil lang sa ganito." Pareho lang sila ngumiti.

"Wala yun! Para naman toh sa kaligayahan ng dalawa naming kaibigan." At nakipag-apir sakin si Brine. Ganun din si Angeloy.

"Rhobeeeeeert! Yung music playlist mo ayos na. Ayos na rin yung bandang tutugtog for you." Bakit bigla bigla nalang sumusulpot mga tao ngayon? Si Keana toh na bigla nalang dumating at may inabot sakin na folder. Tinignan ko naman yung laman at kada page ay isang title ng kanta kasama ang lyrics nito. 4 na kanta toh at syempre iba iba.

Nabasa ko naman yung pang-apat na page. Seriously? Bakit kasali toh sa listahan?

"Pili ka nalang ng isa dyan na pwede mong ipang-harana." Sabi sakin ni Keana pero napatitig talaga ako sa sa pang-apat na kanta.

"Si Jar?" Rinig kong tanong ni Angeloy kay Keana.

"Nandun sa kusina. Tinutulungan yung ibang chef na tumutulong samin."

"Ahh ganun ba? Pwede ba pumunta dun? Tutulong nalang ak-- aray naman Zeid! Problema mo?" Napatingin na ako sa kanila at nakita ko si Angeloy na hinihimas yung ulo nya. Baka binatukan sya ni Zeid.

"Hayaan mo mga babae dun sa kusina. Tulungan ko na kayo ni Brine dito sa kurtina na ikakabit natin pati mga tela. Pareho natin gagamitin ang pink at red." Sabi sa kanila ni Zeid saka lumingon sakin. "Pre gawin muna namin yung sa mga design. Iwan ka muna namin." Tumango nalang ako at umalis na sila para pumunta dun sa events room. Oo nag-renta talaga ako para bukas.

"Hay. Kami din Rhob. Tutuloy na namin ginagawa namin sa kusina para mamaya gabi wala ka nang iintindihin." Paalam naman ni Jhaycee.

"Maya nalang Rhobert! Pumili ka na ng kanta at kabisaduhin mo. Okay?" -Keana. Tumango nalang ako sa kanila pareho at umalis na sila malamang para pumunta sa kusina. At ngayon mag-isa nalang ako dito sa mini sala.

"Hay Mira ang swerte natin at may mabait at matulungin tayong kaibigan." Bulong ko lamang sa sarili ko. Namimiss ko na yung babaeng yun. Sa oras talaga na makita ko anino palang nya, sasalubungin ko sya ng isang mahigpit na yakap at kung pwede lang sya halikan eh gagawin ko.

"Tiis lang muna pa ng konti Mira. Bukas magkikita na tayo at sisiguraduhin kong ibibigay mo sakin matamis mong 'oo.'." Excited kong bulong sa sarili.

Busy silang lahat para bukas kaya dapat tumulong nadin ako. Saktong pagkatayo ko ng mag-ring phone ko, ringtone para sa messages lang. Naalala ko din na tambak na nga pala mga text sakin ni Mira. Ilang beses ko nang tinangkang mag-reply pero pinigilan ko din sarili ko. Matutong magpigil at magtiis.

Binuksan ko na phone ko at di ko mapigilan ngumisi ng mabasa ko pangalan nya. Kaso nagbago timpla ng muka ko nang mabasa ko text nya.

From: Ms. Perfect ❤
Hoy Mr. Rhobert Castro! Kelan mo balak magparamdam? Pag kinasal na ako sa iba? Pwes sige! Mamaya maghahanap ako ng lalakeng mas gwapo sayo. Di na nya kailangan ligawan ako dahil ibibigay ko na agad sa kanya ang matamis kong 'oo'! Kainis ka. Mabulok ka na sana kung nasaan ka man 🌵🌵

"Aba p*ta! 2 weeks lang ako nawala maghahanap na sya ng iba? Luh ganyan naman lagi eh. Di makuntento sa isa." Biglang paghugot ko. Fvcking gayish!

Kung di sya makapag-hintay pwes sige! Pagbigyan ang mahal na mahal kong Reyna.

"ZEID! ANGELOY! BRINE!" Pagsigaw ko sa pangalan nung tatlo para pumunta agad sila dito.

Nakita ko naman sila na hadaling pumunta dito. "Bakit? May nangyare ba?" -Zeid.

Pinakita ko sa kanila ang pinaka-iritado kong itsura sabay pagbigay ko sa kanila nung phone ko. Kinuha naman nila yun at tinignan. Malamang binabasa na nila text ni Mira.

"Pfft. Nagseselos ka sa lalakeng di pa nya nahahanap?" -Brine.

"Pre ays lang yan. Bukas naman titino na utak ni Mira--" Di ko na pinatapos sa pagsasalita si Angeloy.

"Anong bukas? Di mo ba nabasa sabi nya? Mamaya sya maghahanap at uunahan natin sya! Di pwedeng makapag-hanap sya!" Parang umuusok na parehong butas ng ilong ko sa sobrang inis. Tsk! Subukan lang ng mga lalake na yun na pansinin kabaliwan nya, ako mismo unang papatay sa kung sino mang lalake ang sumubok.

"So? Ano plano mo?" Kalmadong tanong ni Zeid. Bakit ba pa-relax relax pa tong lalakeng toh?

Tinignan ko muna sya ng matagal bago sagutin tanong nya. "Di na bukas yung surprise na gagawin. Mamayang gabi na."

Napa-tango naman sya pati din sila Brine at Angeloy. Naintindihan ba nila sinabi ko o hindi?

"Ahh mamaya na yung surprise....okay--" Biglang nanlaki mata ni Zeid nung marealize nya sinasabi nya. Bigla din nanlaki mata nung dalawang itlog wala nang iba kundi si Brine at Angeloy.

"ANO!!? MAMAYA NA YUNG SURPRISE!?" Sabay sabay nilang sigaw. Tsk. Sabi na eh. Di nila nagets nung una.

"Huy! Kanina pa kayo nagsisigawan. Rinig na rinig dun sa kitchen. May nangyare ba?" Bigla naman sumulpot ang girls. Sina Jhaycee, Keana at Jaraica. Mababakas mo pagka-irita sa muka ni Jhaycee. Malamang kanina pa naiingayan samin.

"We're going to have some changes to our plan." Seryoso kong sabi kay Jhaycee.

Tinaasan naman nya ako ng kilay. "What kind of changes?"

"The date of our surprise. Nagbago na."

"Hala.... kelan na? Paano yung mga gawa namin?" -Jaraica.

"Oo nga! Kelan na? Uusad ba ng date or what?" -Keana.

"Hindi naman lalayo. Actually mamaya nang gabi ang surprise." Sabi ko hoping for them to understand. Kaso para pala sila yung boys tsk.

Napatango nalang silang tatlo. "Ahh iba na yung date ng pag-surprise at mamaya na...--" Sabay sabay silang tumingin sakin ng nanlalaki ang mata.

"ANO!!? MAMAYA NA YUNG SURPRISE!?" The fvck. Mas masakit pa sigaw nila kesa sa boys. Teka? Pareho lang sila ng sinabi eh!

"Kakasabi ko lang diba? Tsk."

"Sorry na. Pero kasi... 10 palang nagagawa namin. 22 yung kailangan diba?" Nag-aalalang tanong ni Keana.

"Ako na bahala sa iba. Pakisabi nalang sa mga chef na nandun na dagdagan pa ng 5." Sabi ko at humarap kela Zeid.

"Almost lunch na kaya may 6 hours nalang tayo para gawing engrande ang events room. Sana tulungan nyo ako matapos ngayon." Pakiusap ko sa kanila.

"Makaka-asa ka samin tol." -Zeid.

"Salamat." Saka ako ngumiti ng maliit. Humarap naman ako sa mga babae.

"Babalik na kami sa kitchen para tulungan yung mga chef--" Pinigilan ko si Jhaycee sa sinasabi nya.

"Wait. No need. Mga chef na bahala dun and kayong mga babae may favor sana ako sa inyo." Nagtaka naman sila.

"Anong favor?" -Jaraica.

"Please bring Mira to some Salon. Buy her new clothes that she'll wear for today. And uhh-- please make her the most beautiful lady tonight." Nagkatinginan naman silang tatlong babae bago binalik tingin saka sila ngumiti ng malaki.

"Sureness! Kaming bahala kay Mira." -Keana.

"Yakang yaka namin yang favor mo." -Jaraica.

"Expect the unexpected later." -Jhaycee.

Excited silang tatlo sa gagawin nila kay Mira. Dahil babae sila, sigurado akong maasahan naman sila sa mga sinabi ko. Gawain din nila yun for sure eh. Ay teka baka malimutan ko ibigay sa kanila. Kinuha ko yung wallet ko at may kinuha saka ko inabot kay Jhaycee.

"Here's my credit card. You can use these for all of her expenses--" Bigla nalang tinapik ng bahagya ni Zeid kamay kong hawak yung credit card. Problema nito?

"Ang laki na ng gastos mo dito palang sa pag-renta at di pa kasama yung mga pagkain at pang-design. Kaya kami sasagot dun sa bayad sa damit at pang-Salon ni Mira." Naka-ngising sabi nya nya saka binigay credit card kay Jhaycee.

"Eto din akin. Para di lang puro kay Zeid gastusin nyo. Baka maghirap sya pag sa kanya lang eh." Napatawa nalang kami sa sinabi ni Angeloy na binigay credit card naman nya kay Jaraica.

"Hay. Ayokong magmukang kuripot kaya eto na din akin." Sabay bigay naman ni Brine ng credit card nya kay Keana.

"Sigurado ba kayo?" Amuse na tanong sa kanila ni Jhaycee. Tumango lang sila.

"Mga rich kid amp! May sarili talagang credit card." Nasabi nalang ni Jaraica.

"Okay na yun!" Sabi ni Keana kay Jaraica saka humarap samin. "Kami na bahala magpalusot kay Mira para mapapayag namin sya sumama."

"Sige ingat kayo." Sabi ko nalang. Damn! I can't wait to see her lovely face later.

"Hoy alam nyo na gagawin nyo mamaya ah? Yung fake kidnapping chuchu." Saka ngumisi si Jhaycee at tumalikod na sila at naglakad na paalis. Nakita ko din nung nasa bandang pinto na sila nung may kausap na si Jhaycee sa phone. Probably Mira.

"Sa tingin nyo di naman magkakagasgas yung credit card natin kaka-swipe?" Tanong ni Brine. Lahat kami naka-tingin parin dun sa pinto kung saan lumabas yung mga babae.

"Siguro naman hindi." -Angeloy.

"Saka hindi naman para sa kanila yung credit card. Kay Mira yun." -Zeid.

"Abangan na lang mamaya. Ah! Salamat nga pala sa inyo mga pre." Sabi ko nalang. Dami na nilang natutulong sakin. Hay.

"No problem. Oh! Hati hati muna tayo dahil kailangan natin maghadali. Ikaw Rhobert bahala dun sa mga kulang pa sa kusina. Tulungan mo yung mga chef dun. Ikaw naman Brine yung banda na tutugtog para kay Rhob. Asikasuhin mo na! At ikaw Angeloy yung mga designs sa loob ng events room ayusin mo na. Patulong ka nalang sa ibang staff." Mahabang sabi ni Zeid.

"Eh ikaw Zeid? Ano gagawin mo?" Tanong naman ni Brine. Oo nga. Ano naman gagawin nya?

Ngumisi naman sya. "Ako? Ako na bahala dun sa fake kidnapping scene na unang step sa plano natin. Hihingi nalang ako ng tulong ilang staff dyan. So ano? Ready na ba kayo gawin ang mga naka-assign na gawain sa inyo?" Energetic na tanong nya. Naging energetic nadin kami. Nakakahawa aura nya eh.

"Ready!" Sabay sabay naming sabi.

"Then.... GO!" At nagtakbuhan na kami sa kanya kanya namin lugar kung saan pwede gawin yung gawain namin.

Mira dahil lang sa isang text mo nagkakagulo na kami. Yung dapat bukas pa, mamaya na mangyayare. Kaya siguraduhin mo lang Mira na sana yung isasagot mo sakin mamaya ay worth lahat ng efforts namin. Sana talaga yung sagot mo ay very worth it.....
.

Mira's (P.O.V)

Naramdaman kong gising na ang diwa ko pero di ko pa dinidilat mata ko. Nararamdaman ko din yung malambot sa likod ko. Hay! Maidilat na nga yung mata ko.

Dahan dahan kong dinilat mata ko at bumungad sakin ang puting ceiling. Nasa kwarto ko ba ako?

Bumangon ako para nakaupo parin sa kama--? Di ko toh kama. Pink ang kulay ng bed sheets ko at plain white lang toh. Nilibot ko tingin ko at nakita ko lang mga di pamilyar na aprador. Malinaw na sakin na wala ako sa kwarto ko-- ay teka!

"OH MY GHAD!" Biglang sigaw ko tapos biglang napatakip ako sa bibig ko. Naalala ko nga pala kanina na si Jaraica, may kung sino mang hinayupak ang kumidnap sa kanya. Ay pati pala sakin kasi pati ako pinatulog.

Jusko bakit ba ang ingay ko? Baka mamaya nasa paligid lang yung kung sino mang hinayupak na yun. Pero bakit ang sosyal naman ata? Para akong nasa hotel room. Sa mga napapanood ko sa TV yung mga naki-kidnapped eh tinatali dun sa isang warehouse tapos may takip yung bibig ng masking tape. Kaso dito wala namang pagbabago. Di ako nakatali. Wala ako sa isang warehouse. Wala din nakatakip sa bibig ko at ayos pa naman suot ko-- wait!

"N-nirape ba ako? Bakit iba na suot kong damit!?" Nagpapanic na ako sa naiisip ko at anytime pwede na akong mag-break down sa kwarto na toh.

Kanina tokong at tshirt ang suot ko pero ngayon naka-dress na ako. Wait, eto yung dress na pinili para sakin nila Jhaycee. Tinignan ko din paa ko, kung kanina naka-sneakers ako ngayon naman may high heels na. Eto din yung pinili para sakin nila Jhaycee kanina. Kinapa ko naman yung leeg ko at may nahawakan akong parang bakal at confirm! Suot ko din yung alahas na pinili para sakin nila Jhaycee. Can someone tell me what's happening here?

Napatingin naman ako dun sa pinto nung bumukas yun. Kinabahan ako sa kung sino man yung pumasok pero si Jhaycee lang pala yung pumasok.

"Gising ka na pala." Malaki ngiti nya sakin. So weird tho. Teka bakit nandito sya? Nakidnapp rin ba sya? O naligtas na kami kaya malakas loob nito maglibot?

"A-ah oo. Si Jaraica? Nasaan sya?" Nag-aalala kong tanong. Napatawa naman sya.

"Ayos lang sya. Anukaba. Acting lang naman yung kidnapping scene na nakita natin kanina." Ano daw? Acting? Ibig sabihin fake lang lahat kanina?

"Kung acting lang bakit kailangan patulugin ako ng totohanan?" Medyo naiinis kong tanong. Saka bakit kailangan nila umacting ng ganoon? Ano ba talaga meron sa araw na toh!?

"Para mabihisan ka naming mga babae ng di ka nagrereklamo. At kung nagtataka kung bakit kailangan namin gawin ang eksenang yun, mabuti pa tumayo ka na dyan at bumaba na tayo para makita mo." Malaki parin ngiti nya sakin na parang di man lang maramdaman iritado kong presensya.

Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Nadaan pa ako sa salamin kaya nakita ko saglit sarili ko sa salamin. Kulot parin dulo ng buhok ko at may make up ako. Meron ding flower crown sa ulo ko. Bumagay sa suot ko at sa buhok ko. Para akong fairy.

Lumabas na kami at bumaba sa isang magarang hagdanan. Para tuloy akong nasa isang palasyo at ako ang prinsesa dahil parang may prinsipeng naka-abang sa baba. Pero prinsipe sya ni Jhaycee at ang tinuturing kong prinsipe? Ewan ko baka nabulok na ng tuluyan kung nasaan man sya.

Nakababa na kami ng tuluyan ng hingin ni Zeid kamay ni Jhaycee. Namula naman tong babaeng katabi ko at galak na galak na binigay ang kamay nya kay Zeid. Sus! Sa harap ko pa naging sweet.

"Hi Mira! Kamusta araw mo?" Tanong sakin ni Zeid habang malaki din ang ngiti. Parang si Jhaycee lang.

"Medyo hindi ayos. Para saan ba kasi yung fake kidnapping scene na yern? Kailangan ba talaga kidnappin nyo pa ako? Sasama naman ako sa inyo." Saka ko sila inirapan dalawa. Narinig ko naman pagtawa nila.

"Basta. Tara na nga!" -Zeid.

"Kapit lang Mira ha? Baka himatayin ka bigla dyan. " -Jhaycee.

"OA mo. Bakit naman hihimatayin?" Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Hay nako! Basta. Tara na." At hinila na nila akong dalawa.

Maya maya huminto kami sa tapat ng isang pinto. Malaki yung pinto eh. Ewan ko ba kung ano meron sa loob pero unti unting bumilis tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Jhaycee.

"Ready? Papasok na tayo. In 3....2....1...." At nakita kong sabay ng pagtapos magbilang ni Jhaycee ay binuksan din ni Zeid ang pinto. Huminga muna ako ng malalim bagl dahan dahan na pumasok sa loob.

Pagpasok sa loob ay nilibot ko paningin ko at nakita naman si Angeloy at Brine na naka-upo sa isang sofa. Sa likod nila may iisa nanamang pinto.

"Dumating na ang prinsesa!" -Brine.

"Kanina ka pa nya hinihintay." -Angeloy.

Pareho din silang naka-ngiti sakin ng malaki. Di ko naman magets sinabi ni Angeloy. Sino naghihintay sakin at kanina pa? Wow. Ako pa tuloy ang naging feeling VIP.

"Ano ba kasi talaga meron?" Naiirita kong tanong.

"Pumasok ka nalang sa pinto namin sa likod at malalaman mo ang sagot." -Brine.

Napairap nalang ako dahil pareho lang sila nila Zeid at Jhaycee. Puro pinapapasok ako sa pinto para malaman ang sagot pero wala namang nangyayare. Napansin ko yung paligid ay puro kurtinang pink at red. Ayos ng combination ah?

"Ang ganda naman ng kulay nung kurtina." Malakas kong sabi at dederetso na sana dun sa isa pang pinto nang harangin ang ng dalawa na toh. Tinaasan ko sila ng kilay bilang tanong kung bakit nila ako hinarangan.

"Alin mas maganda? Diba yung red?" -Angeloy.

"Diba mas maganda yung pink?" -Brine.

"Nako! Wag kang nagpapaniwala dyan kay Brine. Yung color red nagustuhan mo diba?" -Angeloy.

"Hindi yung red nagustuhan nya. Yung pink kaya!" -Brine.

"Red nga sabi!" -Angeloy.

"Pink nga!" -Brine.

Wow. Kailangan ba talaga nila mag-debate sa harap ko? Mga toh wala nang magawa sa buhay. Tsk.

"Pareho kong gusto yung kulay. Maganda combination ng red at pink. Kaya magtigil na kayo pwede ba?" Sumasakit lang tenga ko sa pagdedebate nila. Hay!

"Ah... sabi ko nga talo ako." Napakamot nalang sa ulo si Angeloy.

"Sige na tuloy ka na. Enjoy!" At tinulak pa ako ng mahina ni Brine sa direksyon ng pinto. Hay salamat naman papapasukin na nila ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at halos tumigil na ako sa paghinga ng makita ko ang laman ng kwartong toh. Maluwag ang loob at napapalibutan ng mga kumikinang na bagay. Ang ganda tignan!

Napatingin ako sa inaapakan ko at nakita ko ang mga nagkalat na petals ng rosas. Sinundan ko ng tingin yung mga petals kung hanggang saan at-- at--

*Dug-dug!!! Dug-dug!!!*

My heartbeat race when I saw the man I've been longing too much. Naka-suot sya ng black suit which perfectly fits him. May hawak rin syang bouquet na sa tingin ko ay may pinaghalong tulips and red roses. Gusto kong maiyak dahil sa wakas nakita ko na muli pagmumuka ni Rhobert Castro. After 2 weeks ay nakita ko sa wakas ang presensya nya!

Ngumiti ako habang pinipigilan ang luha ko. Hay my lovely tears! Wag muna kayong tutulo. Ipapakita natin kay Rhobert na nagalit ako sa di nya pagpapakita sakin.

Nag-umpisa akong humakbang ng dahan dahan kasabay ng biglang pagtugtog ng kung sino man. Di naman galing sa radyo dahil parang live yung naririnig kong tumutog. Malayo pa naman ako sa pwesto ni Rhobert at nakita kong may kinuha sya sa gilid at tinapat sa bibig nya. Microphone pala kinuha nya. Teka? Kakanta sya?

May naisip naman ako bilang pang-ganti sa kanya. 2 weeks syang di nagpakita? Well then let's ruin his concert scene for me.

~For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue~

~God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me--

"Muka ba akong fan ng AlDub at yan ang kinakanta mo?" Napahinto naman sya sa pagkanta pati din yung mga tumutugtog sa malakas kong sabi.

Napapa-ngiti ako sa isipan ko. Isang kanta lang kaya hinanda nya? Tsk tsk. Akala ba nya bibigay agad ako? Pwes nagkakamali sya! After nyang di mag-paramdam o magpakita sakin? Huh!

Napalunok naman sya. Waah! Ang sexy nyang tignan pag ginagawa nya yun. Kitang kitang ko kasi pag-galaw ng adams apple nya. "Then next song please." Sabi nya at may narinig nanaman akong bagong tono at tinapat na nya ang microphone sa bibig nya ulit.

~You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side i'm in ecstasy~

Hay nako Rhobert. Kahit maganda boses mo di ako titigil bilang ganti sayo.

~I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you
But you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see~

~Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill insi--

"Hay. Muka rin ba akong fan ng LizQuen? Wrong choice of music." Saka ako ngumisi after ko sabihin yun ng malakas. And katulad kanina napahinto ulit lahat. Sorry sa mga nadadamay, sisihin nyo si Rhobert. Haha!

Kumunot na noo nya dahilan para pigilan ko pag-tawa ko. Mainis dyan! Pake ko? Kasalanan naman kasi nya.

"Next song.... again." Sabi nya at may narinig nanaman akong bagong tono. Sorry again. Di ko type ang kantang toh.

~Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yo
Magmula ng nakita ka'y naakit ako
Simple lang na tulad mo ang
Pinapangarap ko ang pangarap ko~

~Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito
Para sayo, dahil..~

~Simple lang ang pangarap ko mahalin nang katulad mo
Sana ay mapansin mo, dahil
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo, La la l--

"Mas lalo naman sigurong di ako fan ng Kathniel. Hay mister! Nasasayang oras ko sa mga kinakanta mo. Mabuti pa aalis na ako. Babush!" At kumaway pa ako na parang nagpapaalam talaga at tumalikpd na at maliit lang ako kung humakbang papuntang pinto. Syempre nagpapabebe lang talaga ako.

"Wait! Di pa ako tapos sa mga kanta ko. Mira!" Di ko sya pinansin at naglakad parin papuntang pinto. Pigilan mo ko Rhobert! Dali!

Malapit na ako sa pinto ng mapahinto ako narinig kong tugtog. Oh my ghad. Ang kantang toh....

(Now playing: You are my Everything by Gummy. This song is originated from Descendants of the Sun)

~Cheoeumbuteo geudaeyeossjyo
naege dagaol han saram
Dan han beonui seuchimedo
nae nunbicci mareul hajyo
Baramcheoreom seuchyeoganeun
inyeoni anigil baraeyo
Babocheoreom meonjeo malhaji moshaessjyo
Hal suga eopseossjyo~

~You Are My Everything
Byeolcheoreom ssodajineun unmyeonge
Beudaeraneun sarameul mannago
Meomchwobeorin nae gaseumsoge
Dan hanaui sarang
You Are My Everything~

Dahan dahan akong napalingon sa kanya at napatitig habang nakatitig din sya sakin habang kinakanta ang theme song ng DOTS. Ang most favorite kdrama na napanood ko!

~Angaessoge pieonaneun
Hayahge muldeureun geudae moseup
Hansungane naege simjangi
Meomchul deut dagawa beoryeossjyo~

~You Are My Everything
Byeolcheoreom ssodajineun unmyeonge
Geudaeraneun sarameul mannago
meomchwobeorin nae gaseumsoge
Dan hanaui sarang
You Are My Everything~

~Sijakdo mot haessdeon naui sarangeul
Ijeneun malhal su issjyo
Nugudo gajil su eopsneun gijeoginde~

Dahan dahan syang lumalapit sakin kaya di ako mapakali. Bakit di ko sya magawang pigilan kumanta? Bakit di pa ako umalis ng tuluyan?

~You Are My Everything
Tteugeoun nae sarangeun geudaen geol
Gyejeori byeonhaedo nan igose
Meomchwobeorin nae gaseumsoge
Dan hanaui sarang~

~You Are My Everything~

Di ko expect na sa kantang yun bagay pala ang boy version. At si Rhobert Castro ang nagpatunay sakin nun. Di ko rin napansin na nasa harap ko na sya.

*Dug-dug!!! Dug-dug!!!*

Ayan nanaman yung heartbeat ko! Halos ilang inches lang pagitan namin kaya ang puso ko ayaw kumalma.

"Lahat ng kinanta ko pinigilan mo ko pwera lang sa pang-huli. So I can say that you are a fan of Song-Song Couple?" Saka sya ngumiti sakin ng ubod ng tamis.

Jeske pe! Ang gwapo talaga nya lalo pag ngumiti.

"Tsk. Saan mo naman nalaman yung Song-Song couple? Ni di mo nga alam yung Descendants of the Sun." Saka ko sya tinaasan ng kilay. Mas lalo lang lumaki ngiti nya.

"Alam ko yun dahil araw araw kitang pinababantayan. Sa loob ng 2 weeks, stalking you is one of my jobs." Bigla naman nanlaki mata ko sa sinabi nya.

"Ano?" Gulat kong tanong.

"Nalaman ko kako na sa loob ng 2 weeks, namiss mo ako. Puro rants tungkol sakin ang laman ng bibig mo. Pinakilig mo sarili mo sa panonood ng Descendants of the Sun."

Napanganga nalang ako sa sinabi nya. Isa nga syang stalker! Omg. Ang gwapo naman nyang stalker. Hays. May naalala akong kasalanan nya sakin.

"Sana di ka nalang nag-stalk. Sana nagparamdam ka nalang sakin or pinakita mo man lang kahit anino mo lang sakin." Halata sa boses ko na nagtatampo ako. Sana lang talaga maguilty sya.

Nag-pout ako para effective ang pagtatampo ko at mas maguilty sya lalo. At nagulat nalang ako nung hilahin nya ako sa kamay ko at lumanding ako sa dibdib nya. Naramdaman ko din ang parehong braso nya na nasa likod ko. In short, niyakap ako ni Rhobert Castro.

"I'm sorry dahil di ako nagpakita ng 2 weeks. I'm sorry kung pinaghintay kita ng matagal. I'm sorry dahil di man lang ako tumawag o nag-text. I'm sorry."

Nagso-sorry na sya at eto ako, naiiyak. Dapat ko bang tanggapin yung sorry nya? Haaay!

"Wag ka na sumagot. I have something to ask you first." Sabi nya pagkabitaw ng yakap sakin.

"A-ano yun?" Takang tanong ko.

"Nahihiya akong sabihin eh kaya gusto ko nalang ipakita sayo." At bigla nalang nya akong hinilansa pwesto nya kanina nung makita ko sya. Ngayong nandito din ako, ngayon ko lang napansin yung ubod ng haba na table sa likod nya. Parang mga cake ata yung nakapatong sa table. Sobrang daming cake.

"Wala akong lakas ng loob para tanungin ka ng personal ng gusto konh itanong. Kaya dinaan ko na lang sa mga cake na yan. Mabuti pang basahin mo nalang bawat letra." Sabi nya habang may maliit na ngiti sa labi.

Ako naman nagda-dalawang isip kung dapat ko ba syang sundin o hindi pero sa huli sinunod ko din sya.

Lumapit ako sa bawat cake at kada cake ay may letter. Narealize ko na kung ano tanong nya nung makita ko huling letra sa pang-huling cake.

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

Napatingin naman ako sa kanya at kita ko sa mata nya na kinakabahan sya but still, he managed to smile at me.

Di ako gumalaw or lumapit sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya waiting for his explanation on this things.

"Mira, siguro naiisip mo na ang aga ko naman mag-tanong sayo ng ganyan. May part kasi sakin na bukas na ang right time para tanungin kita nyan." He explained in a further way.

"Kung bukas pa ang right time, bakit ngayon mo ako tinanong nyan?" Seryoso kong tanong. Nakita ko naman ulit kung paano sya lumunok.

"Dahil.... dahil dun sa text mo kaninang umaga na maghahanap ka ng mas gwapong lalake sakin at sasagutin mo agad yun. Aba syempre di ako makakapayag na magiging girlfriend ka ng kung sino mang hayop. Dapat ako lang." Sabi nya habang di makatingin sakin. May narinig din akong nagtawanan kaya nilingon ko yun at nakita sina Jhaycee at iba pa naming kabarkada. Alam ko naman na ang pinagtatawanan nila ay ang sinabi ni Rhobert.

But I can't believe na sa text ko lang yun, nabulabog na sya. Masyado naman syang kinakabahan. Di ba nya alam na sya lang at sya lang ang pipiliin ko lagi?

"Rhobert Castro." Seryoso kong sabi kaya bigla syang umayos ng pagkakatayo.

"Y-yes ma'am?" Kinakabahan sya, obviously.

"Eto nga pala sagot ko." Saka ako ngumiti ng pagkalakilaki. Nagtaka naman sya.

"Ha? Ano sagot mo?" Di ko na sya sinagot at dumiretso na agad ako sa pwesto nya. Tumingkayad ako at sinabit pareho kong braso sa batok nya para maabot sya and I crush my lips unto him. Pumikit naman ako para mas madama na hinahalikan ko nga sya sa oras na toh. Narinig ko naman hiyawan nila Brine at Keana.

Madami na kaming kissing scene ni Rhobert at masasabi kong first time kong ako ang nag-insist ng halik. Hay! Mas matuturing ko itong first kiss ko dahil ako mismo ang humalik. Di na sya.

Bumitaw na ako sa pagkahalikan namin pero nakasabit parin pareho kong braso sa batok nya at nakatingkayad parin ako. Kita ko naman sa mata na may shock sa ginawa ko.

"Gusto ko yung pang-huli mong kinanta ang theme song natin. Gusto ko na simula ngayon, ikaw ang baby loves ko at ganun din naman ako sayo.

Ngumiti naman sya. "Masusunod ka po prinsesa ko. My baby loves."
Ngumiti din naman ako sa kanya.

"I love you baby loves ko." Maliwanag kong saad sa kanya. Agad naman syang sumagot sakin.

"You are my greatest love I ever have." At dahil sa sagot nya ay di ko napigilan sarili ko na halikan ulit sya. He quickly response to my kisses. I'm so happy.

Sa buhay talagang umiikot tayo sa dalawang phrases na happy ending at sa sad ending. Oo madalas yung iba sad ending ang naka-tadhana sakanila, but you must accept it wholeheartedly. Dahil for sure naman darating rin ang sarili mong happy ending.

And masasabi ko nangyare na agad ang happy ending ko sa buhay hay!

Today,March 23, Rhobert Castro and Mira Aguinaldo have become official couple. Congrats to us!

Sana kayo din readers, mahanap nyo sarili nyong ka-foreveran. Hanggang sa muli!

The END

--------------------

Next update will be Epilogue then pleade read my author's note after updating that.

P.s para sa mga di nakaka-alam late ang timeline dito sa story. Pfft.

Thank you for all everyone!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top