Chapter 26 - Activity Day
.
Mira's (P.O.V)
_
Naka-ngiti akong naglalakad sa hallway papuntang room namin.
Hindi pa rin kasi ako maka-get over sa nangyare nung linggo. Thursday na kasi ngayon. Ang saya lang. After 12345678910 years eh naka-moment ko muli ang boyfriend ko?
My MIA boyfriend. Missing in action, pwe.
Syempre, MIA yun kasi naka-focus sya kay Jana the bubuyunggoy. Hayst. Isa talaga syang bubuyog at unggoy. Oh diba? Half-half talaga.
Two timer boyfriend ko. Saklap.
Pero di masisira ng bubuyunggoy na yun ang mood ko. I'm so super duper happy today! Walang makaka-pigil saken!
Naka-ngiti pa rin ako pagdating sa room namin and as usual, nagkakagulo na naman po ang mga kaklase ko.
At dahil nga president ako, kailangan ko na naman manaway! Jusko. Wag naman nila sirain ang mood ko.
Huminga muna ako ng malalim dahil nire-ready ko ang aking oh-so-beautiful voice. Kakanta kasi ako eh este manenermon. Matatalbugan ko pa yung pari sa Manila Cathedral.
Patuloy pa rin sila sa pag-iingay at halata naman na di nila ako napansin kasi may kanya-kanya silang mundo.
Jusku 7-2! Sarap nyo batuhin ng walis! Swear!
"7-2!!! DI BA KAYO MANANAHIMIK!!? ISA PANG PAG-IINGAY, MAKAKA-KITA KAYO NG FLYING WALIS!!"
Napa-tahimik namang silang lahat kaso may isang nag-salita na pina-init ang dugo ko.
"Flying walis? Wow! Gusto ko makakita nun Ms. President tas sasakay ako! Baka lumipad din ako at matulad sa mga witch na lumilipad gamit ang walis!" Kumikinang pa ang dalawa nyang mata habang sinasabi yun.
"ANGELOY!!" Sigaw nilang lahat na para bang binabalaan ang kaklase kong toh na isa sa mga dakilang pasaway ng Willstone Academy.
"Tsk. Bobo ka ba o tanga?" -Brine.
"Wala. Matalino ako. Matalino hehe." -Angeloy.
"Bobo! Matalino ka dyan. Tanga mo talaga kahit kailan." Naiiling na sabi ni Brine.
"Pakyu ka. Maka-bobo at tanga ka dyan? Talino mo ah! Ano!? Suntukan na la--" -Angeloy.
"Sige. Mag-suntukan lang kayo. Kita nyo, mamaya ako na sasapak sa inyong dalawa. Mga panira ng mood letse." Sabi ko saka sila inirapan at umupo na sa sarili kong upuan.
Mga panira ng araw bwiset. Sarap nila itapon sa Moon!
Natahimik silang lahat at balik na sa kanya-kanyang ginagawa pero hindi na ganun kalakas pag-iingay nila di katulad kanina.
Nagsaksak ako ng earphones sa tenga ko staka nakinig ng mga paborito kong kanta. Kailangan kasi mabalik ang original mood ko kaninang umaga.
Nakikinig lang ako hanggang sa makita ko syang pumasok mula sa pintuan kaya nagkaron na naman ng ngiti ang mga labi ko.
Syempre nakita ko ulit sya eh.
Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nakita ko lang sya. Pa-check up na kaya ako sa doktor bukas?
Eh kasi naman! Dati makita ko lang sya parang wala naman ganitong feeling na slow motion chuchu at fast heartbeat chuchu. Pero ngayon meron na waaah!
As usual, cold expression na naman ang nasa muka nya pero nung nasa bahay nila ako nung Tuesday para gumawa ng props eh yung normal side nya ang pinakita nya sakin. Yung masaya tapos minsan masungit.
So bale, ang nafi-feel ko na ginagawa nya ay sa school at maraming tao ay para lang akong hangin sa kanya pero pag kaming dalawa lang eh parang ako ang mundo nya.
Naks! As if naman diba? Si Jana the bubuyunggoy ang tinuturing nyang mundo nya! Eww! Yuck! Kadiri! Ang corny nila ha? Susme.
Naupo sya sa tabi ko since magka-tabi naman talaga kami since he transfer here, naglabas sya ng libro staka nag-basa. Bookworm pala tong si Mr. New Guy? Di ako nainform mga teh.
Di ko na lang pinansin at baka sungitan na naman ako kasi ka-chat ko sya kagabi tapos nasungitan pa ko dahil ininis ko sya kay Doraemon.
Eh maka-Super Mario nga pala sya kaya ayan. Nainis kahit nagjo-joke lang ako.
Nakikinig lang ako ng music hanggang sa dumating teacher namin sa Math, as usual. Naka-taas na naman ang kilay at nagpapaka-terror habang tinuturuan kami.
Nakikinig lang kami sa kanya habang nagso-solve ng di ko alam kung ano. Basta puro numbers at x at y lang nakikita ko.
Tinatamad kase ako makinig. Mas ok pang titigan si Mr. New Guy kesa makinig. De joke lang. Studies first.
Natapos na ang Math at next na ang Science. Mabait tong sir namin sa science eh. Buti nga pinalitan na teacher namin sa science. Dati babae, ngayon lalake na tas mabait pa oha.
Medyo nakaka-tuwa magturo si sir kasi may halong kalokohan kaya bigla ko tuloy naging favorite subject ang Science.
2 subject pass and lunch break na.
Kasama ko ngayon ang tatlong lukarit na ubod ng kulit.
"Hay nako. Eto na naman po yung dalawa na todo ang ngiti. Jusku." Sabi ni Jar.
Kami ni Jhaycee tinutukoy nya. Kase katulad ko na laging good mood at naka-ngiti eh ganun din sya mula monday hanggang ngayon.
Bongga diba? Mag-bestfriend talaga kami!
"Ano ba kasi nangyare nung weekend at ganyan kayo kasaya?" Tanong ni Kea.
"Wala." Sabay na sagot namin ni Jhaycee habang ubod ng lawak pa rin ang ngiti.
"Jusku! Bahala nga kayo!" At sabay pa nag-walk out kahit sa cafeteria lang naman punta.
Hay nako.
Sumunod na kami ni Jhaycee nang magka-akbayan pa at masayang naglalakad papuntang cafeteria.
Habang naglalakad kami eh bigla kong naalala na ngayon na ipeperform yung sa acting chuchu. Dala kaya ni Mr. New Guy yun props? Jusku.
Sana naman dala nya noh? Kung hindi eh... naku! Humanda sya sakin!
"Guys! Here!" Tawag samin ni Jaraica at ayun naka-upo na sa madalas naming pwestuhan. Agad naman namin syang pinuntahan ni Jhaycee.
"Hilig nyo mang-iwan ah!" Pabiro kong pagtatampo. Di ko naman kailangan mag-tampo talaga sa kanila noh.
"Kayo kasi eh! Ang ganda ng mood nyo kahit mamaya na yung sa Filipino." -Kea.
"Oo nga! Kinakabahan nga ako kasi baka mag-kamali ako ng linya ko eh." -Jar.
"Ahh yung aacting? Mini play?" Cool na tanong ni Jhaycee.
"Sus! Madali lang naman yun eh." Totoo namang madali lang at kinikilig ako sa tuwing maaalala ko na sya ang ka-eksena ko. Wihihihi!
Jaraica and Keana's jaw drop because of our reaction. Na parang ok lang samin ganern.
Nagkwe-kwentuhan lang kami since mahaba pa ang pila dun sa counter at nakaka-tamad pumila. Mamaya na lang pag kaunti na.
"Guys. Diba iisa lang naman ang meaning ng 'sit'?" Jaraica ask.
"Yes. 'Upo' lang naman meaning nun." Sabi ko.
"Ay may iba pa kayang meaning!" Pageentra naman ni Jhaycee.
"Ano?" -Ako, Jar, Kea.
"'Sit', diba yun yung madalas sabihin ng mga naiinis lalo na nung ibang magulan. For example, "Oh sit! Muka kang pusit!" Oha?" Sabi ni Jhaycee at natahimik naman kaming tatlo.
Nangingibabaw ang katahimikan samin at puro ingay lang ng mga schoolmates namin ang naririnig namin.
Lahat kami titig na titig kay Jhaycee at nagtataka naman syang nakatingin din samin.
"Bakit? Ano ginawa ko?" -Jhaycee.
"Di mo alam? Weh?" -Ako.
"Tinatanong mo pa?" -Jaraica.
"Alam mo kung bakit? Kasi..." -Keana.
Lahat kami naka-ready na.
"Kasi... ANG CORNY MO!!" -Ako, Jar, Kea.
*POIIINK!!!*
"ARAAAAAY! MASAKEEET!" -Sigaw ni Jhaycee sa saket. Napa-tingin tuloy yung iba samin.
"Ano ba ginawa ko? Hoy masakit ah! Huhuhu!" Sabi ni Jhaycee.
"Please lang Jhay. Last mo na yan!" -Jar.
"Ang corny mo! Kelan ka pa naging corny Ms. Corpuz?" -Ako.
"Eh keshe nemen... hihi." Amputek. Kumikire si Pachot!!!
"Nako Jhaycee! Pwera may nangyare nung weekends eh ganyan ka na. Para kang baliw." Then Kea roll her eyes at Jhay.
"Bawi na lang ako sa inyo!" Excited namang sabi ni Jhay. Ano namang kabaliwan ang gagawin nito?
"Oh sige. Pano ka babawi sa kacornihan mo?" Tanong ni Jar.
"I'll give you another joke!" Hyper nyang sabi.
Nagkatinginan naman kami nila Jar at Kea.
"Wag na." -Kea.
"No thanks. Alam kong corny ulit yan." -Ako.
"Grabe ka Pache! Ganyan ka na ba sakin?" Aba nag-drama pa.
"Hindi. Ganito talaga ako. At staka girl's instict ko na yang about sa corny things." Then I smirk.
"At staka alam na naming corny yan. Baka nga mas corny pa sa kanina mong joke eh." -Jar.
"Hindi na nga toh corny! Promise!" Ngiting ngiti pa na sabi ni Jhay.
"Sige nga!" -Kea.
"KEANA! What were you thinking!!?" Inis kong sagot. Alam naman nyang corny sasabihin ni Pachot eh.
"What? Let's give her another chance." Natatawa pang sabi ni Kea. Inirapan ko nga sya.
"Your decision." Sabi ko na lang.
"C'mon pache! I'm very sure matatawa ka sa j--"
"K Jhaycee. K." Sabi ko at natawa naman sila Jar. Napakamot na lang sa ulo si Jhaycee.
"Oh eto. Kea, tao ka ba?" Nagwi-wiggle pa kilay ni Jhaycee. Ano na naman pakulo ng babaitang ito?
Kumunot noo ni Kea tas parang alanganin na sumagot.
"Oo naman. Duh? Pero baket?"
We're all waiting for the punch line then she smile big.
"Ganun? Kala ko kasi hindi eh." At nagtawanan kami ng malakas nila Jar.
"HAHAHAHA!! SHET!" -Jar.
"OMG! HAHAHAHA!! BEST PUNCHLINE EVER!!" -Ako.
Tawanan kaming dalawa habang parang pinag-sakluban ng langit at lupa ang muka ni Kea.
"Pakyu ka Jhaycee Corpuz! Mabilaukan ka sana mamaya!" Ang sama ng tingin ni Kea kay Jhayee na napakamot na lang sa ulo.
"Pft. Magtigil nga kayo. Kain na lang tayo." Natatawa ko pa ring sabi.
Tumayo na kami saka pumunta sa counter staka naningin ng pwedeng kainin. Good thing is kaunti na lang bumibili.
Habang kumukuha na kami ng pagkain namin at nilalagay sa tray ay bigla akong napa-tingin dun sa mga hotdog, sausage kasi nakita ko ang kwek kwek na talaga namang minahal ko na.
Ang kwek kwek na tinatawag ko dating orange egg. Naalala ko na naman yung nangyare nung weekend. Yung after namin gumawa ng script ay nag-food trip kami katulad lang nung dati. Grabe ang saya lang. Sana maulit yun. Yung masaya kaming dalawa at solo pa namin ang moment.
"Guys! Kwek kwek tayo!" Sabi ni Keana at agad naman ako napa-ngiti ng uber.
"Sige!" -Ako.
"Game ako dyan! Libre mo naman ata Kea eh." -Jhaycee.
"Lul. Tigilan mo ko Jhay. Di pa ako nakaka-move on dun sa bwisit mong joke." Ang sama ng tingin ni Kea kay Jhaycee na nag-peace sign pa kay Kea. Naku bahala nga kayo.
"Guys." -Jar.
"Bakit Jar? May problema ba?" -Ako.
"Eh kasi allergic ako sa itlog kaya di ako makaka-kain nyan." Sabi nya. Aww. Sayang naman. Ang sarap sarap kainin ng kwek kwek eh.
"Sayang naman." -Kea.
"Hayaan mo na. Kayo na lang kumain." Sabi ni Jar saka ngumiti samin.
"Allergic ka sa itlog? As in itlog? Yung mga pugo, ganern?" Bakit na naman ba ang kulit ng lahi netong si Jhaycee. Paulit ulit? Naka-unli ka ba teh?
"Oo nga. Bakit?" -Jar.
"May tanong ako sayo. Di ito joke wah? Kung allergic ka sa lahat ng klase ng itlog..." Seryoso nyang sabi at lahat din kami ay seryosong nag-aabang sa next nyang sasabihin.
"Saang itlog ka di allergic?" I don't know if it was just me or what. Pero feeling ko medyo maberde ang sagot dun sa tanong nya.
Namula naman si Jaraica after itanong yun ni Jhaycee. Ibig sabihin, medyo maberde din ang sagot na naiisip nya!!?
Oh my effin ghad!
"WTF? Jhaycee kaberdehan mo!" Isang batok ang natanggap ni Jhay mula kay Kea.
"Aray!" -Jhaycee.
"Leche ka! Kala ko seryoso yang tanong mo, peste ka!" Isang batok rin mula sakin ang natanggap nya.
"Kadiri ka Jhaycee! May pagkain kang kaharap." At naka-tanggap din sya ng batok mula kay Jaraica.
"Araaaay! Grabe kayo sakin!" Nagdadrama pa. Aba!
"TSE! MANAHIMIK KA JHAYCEE CORPUZ!" Saka kami bumalik sa pagkuha ng pagkain.
Kumuha lang ako ng isang ham sandwich, fried noodles, large size ng coke staka ang aking pinaka-mamahal na kwek kwek.
Hadalian kaming kumain since matatapos na ang lunch break at magre-ready pa kamk kasi magpe-perform na kami.
Nandito ako sa girls restroom since nagpapalit ako ng damit na gagamitin namin sa mini play.
Naka-suot ako ng pang-prinsesang damit na talbog ko pa si Juliet na may prinsipeng nag-ngangalang Romeo.
Feeling ko tuloy ako si prinsesa Mira at may prince charming ako na si prinsipe Rhobert. Kaloka ka Mira! Tse! Manahimik ka konsensya!
Mabuti na lang at marunong ako mag-lagay ng make up sa sarili kaya naman minake-upan ko na ang sarili ko.
Light make up lang ginawa ko dahil naalala ko na sabi ni mommy nung nabubuhay pa sya na konting make up lang daw ay nagsta-stand out na ang kagandahan ko. Kaya ayun, tuwing magme-make up ako eh palaging light lang.
Syempre, pag payong mommy eh alam kong sigurado at mapagka-katiwalaan sya. Namiss ko tuloy si mommy.
De bale, next time bibisitahin ko sya.
Chinecheck ko sarili ko sa salamin nang may pumasok na kilala bilang Tres Maldita's. Tsk.
"Look who's here." -Rachel.
"Nakapang-princess pang damit." Sabi naman ni Bernadette.
"But the fact is, ang may suot nito ay hindi totoong prinsesa at feelingera lang." Sabi ni Jana the bubuyunggoy at naka-ngisi pa. Aba bwisit talaga itong half unggoy at half bubuyog na toh.
Ayoko silang patulan dahil baka ma-haggard agad ang kagandahan ko. Aba di naman ata maka-tarungan yon.
"Next time na lang tayo mag-kwentuhan. May gagawin pa kasi ako." Bored kong sabi.
"Aba--"
"Shut up Bernadette." Sabi ni Jana staka tumingin sakin. "Yeah. Next time na lang. And payong kaibigan lang," Naka-ngisi pa rin sya. Ano kaya trip ng isang toh?
"Ingatan mo na sya habang maaga. Malapit na kasi matapos ang kasiyahan mo." She said at lumabas na agad ako. Di ko na feel mag-stay pa lalo sa loob lalo na nang narinig ko yun.
Sinong sya? Si Mr. New Guy ba? At ano meaning nang sinabi nya na malapit nang matapos kasiyahan ko?
Aissh! Saka ko na nga lang iisipin yun.
Naglakad na ako pabalik sa room at nakita ko naman na abala pa ang lahat dahil nga sa activity.
Yung iba hinahanda yung props nila. Yung iba naman nagkakabisa nang linya nila. Di pa siguro nila kabisado. Tapos abala din yung iba sa costume nila.
Nakita ko naman si Jhaycee na inaayos ang suot nya. She's wearing white blouse at blue skirt at infairness naka-lugay ulit sya. Nakikita ko lang syang naka-lugay pag nasa bahay sya o kaya pag may party tapos kinulot yung buhok nya, ganern.
Infairness, mas gumanda sya lalo. Mas lalo syang pumuti sa suot nya at yung straight nyang buhok ay talagang namang bagsak na bagsak. Her natural beauty makes her look like a goddess.
"Pachot!" I call her attention at buti naman tumingin sya sakin.
"Pache! You are really a Ms. Perfect!" Puri nya sakin. At eto namang si ako ay na-flatter ng sobra. I smile at her.
"Salamat Pachot. Ikaw din ang ganda mo." Puri ko naman sa kanya.
"Yiiee! Mas maganda ka naman. Tignan mo oh, daming naka-tingin at halatang namamangha sa kagandahan mo." At napa-tingin naman ako paligid ko at napansin ko nga na naka-tingin sakin yung iba pwera na lang sa isa.
Sino pa nga ba? Edi si Mr. New Guy.
Busy syang inaayos yung props namin at napansin ko din yung suot nya na naka-prinsipe. Shete. Ang gwapo nya!
Manahimik ka konsensya! Umeepal ka na naman eh!
Pero aminin ko man o hindi, ang gwapo nya lalo kahit naka-poker face lang sya.
"Sige na. Lapitan mo na. Nahiya ka pa eh." Nabalik naman ako sa huwisyo nung nag-salita itong katabi ko na dyosa.
"Tse. Ewan ko sayo. Corny pa rin mga joke mo." At natawa na lang sya.
Nilapitan ko na nga si Mr. New Guy para tulungan sya.
"Mr. New Guy!" At napatingin naman sya sakin.
"Tulungan na kita." Sabi ko saka sya tinulungan. Patuloy ako sa paglabas nung ibang props na puno, tore, etc. Pero napansin ko na di na gumawa si Mr. New Guy.
Aba naman. Tinulungan lang tas huminto na? Aba matinde. Napaka-gentleman naman nya tsk.
Tinignan ko sya at balak sanang sermunan kaso sana di ko na lang sya tinignan.
Kasi naman naka-titig sya sakin!
Naka-ramdam ako nang pagka-ilang kaya naman agad akong umiwas staka nag-salita.
"A-ah ano. Tulungan mo naman ako mag-ayos." Sabi ko saka tumuloy sa pag-aayos at di ko na ulit sya tinignan.
"Magandang Umaga 7-2!" Napa-hinto ako ginagawa ko nang dumating na yung teacher namin sa Filipino na si ma'am Fatz.
"Magsi-upo muna kayo. Baka kinakabahan yung iba dyan. Hello? Haha! Wag kayong kabahan dahil kung maganda naman ang kalalabasan ng performance nyo edi walang problema." Naka-ngiti nitong paliwanag. Kahit kailan talaga ng hyper ni ma'am.
Halata sa muka ng iba na kinakabahan sila pero ako hindi. Sigurado kasi akong di ako magkaka-mali nang linya dahil kay Mr. New Guy.
Oo na. Ako na over confident pero ewan ko ba. Pag nandyan si Mr. New Guy, feeling ko kakayanin ko lahat. Basta wag lang sya mawawala.
"At may idadagdag pa ako. Kailangan mapakita nyo talaga ang sarili nyong meaning ng pag-ibig sa performance nyo ay may 80 points na kayo. So ang ang 20 points ay kukunin sa pag-arte nyo, props at costume. And the total is 100. Ngayon umpisahan na!" Sabi ni ma'am staka pinausad yung mga upuan para magkaron pa rin ng space sa harap na magsi-silbing entablado.
Naunang mag-perform yung iba. Yung iba namali nang linya o kaya naka-limutan pero napa-kita pa rin nila ang kanilang meaning love kaya may mga naka-80 points pa rin.
Next na sila Jhaycee at Zeid at masasabi kong maganda yung sa kanila. Under the rain ang peg. Na na-broken hearted si Zeid kaya umiiyak sya sa gitna ng ulan pero may dumating na anghel na parang sinagip sya, ganern.
Kami na ang next at kinabahan ako bigla.
"Next, Mira Aguinaldo at Rhobert Castro." Sheteng malagkit. Eto na! Go Mira! Ajaa!
Pumunta kami sa harap at naka-ready na.
"Oh mahal ko, kahit isa kang bitwin, pilit kang aabutin." Sabi ni Mr. New Guy at ewan ko ba. Feeling ko nag-wawala lahat ng internal organs ko. Jusmiyo!
"Nakiki-usap ako. Sana ako'y mahalin mo." Mahal naman na talaga kita.
Hanuba konsensya! Manahimik ka nga!!
Naka-luhod sya sa harap ko habang hawak ang kamay ko.
"Oo aking prinsipe. Tinatanggap ko na ang iyong pag-ibig." Sabi ko kasi yun talaga naka-lagay sa script. Tumayo sya saka hinawakan na pareho ang kamay ko.
He look into my eyes deeply. Then he says, "Pinapangako ko na hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita." At nagulat naman ako sa sunod nyang ginawa.
Hinalikan nya ako sa harap ng mga kaklase namin at ni ma'am Fatz. Nag-hiyawan pa silang lahat.
Pero kasi nagulat talaga ako! Di naman kasi ito kasama sa script eh! Hustisya ples!
_
--------------------
_
STORY PLUG! Her Bitchy Side is now back with new plot and characters! Naka-post na yun prologue. Sa mga intersadong basahin iyon, just go to my profile and go to my works and tadaah! I-add nyo na lang sa library nyo :)
Votes and comments please?
#RhoMi
Thank you!
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top