Chapter 25 - Theme Song
.
Jhaycee's (P.O.V)
_
"OMG! OMG! OMG!!! ANG GWAPO MO ALDEN! WAAAAAH-- Aray naman mommy!" Kinikilig ako eh kaso hagisan ba naman ako ng unan sa muka ng sarili kong ina!!? Masakit kaya!
Yung ilong ko! Huhuhu!
"Ang ingay mo Jhaycee! Rinig na rinig boses mo hanggang office ko!" Ok. Galit ang aking mudrakelz.
OA nang nanay ko nuh? Sorry na. Nasa 3rd floor pa kasi yung office nya tapos rinig na rinig pa dun ang aking tili. Eh nasa 1st floor ako.
Eh kese nemen kenekeleg eke! OhMyGhad! Kasi naman nanonood ako ng reply nung weeksary nila Alden at Yaya! Hihi!
Sinurprise pa talaga nya sina Yaya Dub saka yung tatlong lola. Yiiee! Sweet diba?
Sana may ganyang lalake din na dumating sa buhay ko.
Parang si Zeid. Charot!
Hindi ko trip tumambay sa kwarto kaya dito na lang ako sa sala nanunood.
Kaso ang ingay ko pero ok na yun! Kinikilig kasi talaga ako sa AlDub! My gosh!
Kinikilig talaga ako dahil kumakanta si Alden ng 'God Gave Me You' para kay Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub nang mag-ring phone ko.
Sino namang istorbo ang tumatawag? Kapal ng muka para istorbohin ang panonood ko ng Kalyeserye sa Mcbook ko.
Tinignan ko yung phone ko na hanggang ngayon ay nagri-ring pa rin at nanlaki mata ko nung makita kung sino yung caller.
OMG! HE'S CALLING ME! MAS NAKAKA-KILIG PA TOH SA ALDUB! WAAAAAH!!
Kinalma ko muna sarili ko bago sagutin tawag. Baka kasi maka-halata na tuwang tuwa ako dahil tumawag sya.
"He-hello?" Excited akong marinig muli ang boses nya! Nakaka-miss kaya kahit kahapon lang nakita ko sya.
Wala eh, mahal ko sya. Haha! Arte susko.
[Hi Jhaycee!!] His voice make me feel the love I felt for him.
"Ah.. oh Zeid! Bakit ka napa-tawag?"
[Practice tayo.] Huh? Kaka-practice lang kahapon ah? Saka pag Sunday hindi bukas ang school.
"Eh? Diba sarado school ngayon saka wala naman talagang practice ngayon." Totoo naman kaseng wala.
[Pft. Hindi practice para sa Homecoming. Practice para sa Filipino. Yung acting activity?]
Ayun! Oo nga pala. Wala pa kami nagagawa eh next week na yun ipeperform before Homecoming tapos wala pa kaming props and costume. Waaah!
"Oo nga pala. Sige. Saan ba?" Tanong ko nang medyo pa-sweet. Haha! Syempre! Si crush kaya kausap ko. Di lang toh kung sino-sino!
[You choose. My house or yours?]
"Ahm. Bahay ko na lang since di ako papayagan umalis ng bahay ngayon ni mommy." Ngayong badtrip si mommy alam kong di ako papayagan nun umalis kahit mahalaga pa yung pupuntahan.
[Oh. Sige. Punta ko dyan mga 1. See you!]
"Yeah. See you later." Sagot ko sabay end call. At after nung call ay nagtatalon na ako sa kilig.
Minsan lang kaya tumawag si crush kaya sulitin! Nyahahaha!!!
"OMG! OMG!! Pupunta sya dito! Waaah! Ano susuotin ko!? Ano ipapahanda kong pagkain!? Dapat ba mag-make up ako!? Jusku! Naeexcite ak--"
"JHAYCEE CORPUZ!" Napa-upo ako bigla nung marinig ko ang nakaka-takot na boses ni mommy. May beastmode nga pala akong ina ngayon. Menopausal day ata ngayon? Charaught!
"Bakit ka talon ng talon at kinikilig dyan? Wag mong sabihin na dahil na naman sa Alden Richards na yan kaya nagsisigaw ka na naman!!?" Naka-tanggap pa ako ng isang masamang tingin from my mother dear. Nako!
Ayoko naman sabihin na pupunta dito crush ko dahil mas malalagot ako pag nagka-taon. NBSB ako at bawal pa mag-boyfriend! Yan ang rule na tumatak talaga sa utak ko nung sinabi sakin yun ni mommy.
Pero pag isang Zeid Crisostomo na ang nanligaw sakin aba! Oras na para kalimutan ang rule at magkaka-boyfriend na akooo~
Pero mukang pangarap lang yun dahil wala naman saking gusto si Zeid. Kay Mira sya may gusto, sa bestfriend ko. So nice diba?
Pero di ngayon ang oras ng pagda-drama dahil nakaka-tanggap na naman ako ng sermon from my mother dear. Grabe! Talo pa nya kaklase kong si Keana na nakalunok ata ng microphone.
"Hay nako Jhaycee! Busy ako ngayon kaya wag mo na lalong painitin ang ulo ko. Aalis muna ako, may naiwang trabaho sa office na kailangan pirmahan. Sige na." Sabi ni mommy sabay halik sa cheeks ko.
"Alis na ako. Ciao!"
"Bye mommy! Pasalubong please."
"Magtigil ka Jhaycee. May mga chocolate pa sa ref. Tingin ka na lang. May ferrero pa ata." Sabi ni mommy saka tuluyang umalis.
Pagka-alis na pagka-alis ni mommy ay naligo ulit ako at naghanap ng magandang susuotin sa harap nya. Dapat mag-muka akong perfect sa harap nya! My beauty is really stunning.
Sa huli nag-suot na lang din ako ng mini shorts saka long sleeves shirt. Nag-braid din ako ng sarili kong buhok. Di naman ako prepared noh?
Bumaba na ako saka nagpa-handa ng miryenda kay manang. Ano kaya suot nya ngayon? Ay jusku! Kahit ano naman suot nya gwapo pa rin sya.
Tinawagan ko si Pache dahil di ako mapakali kasi nga dadating si crush! Kaso di naman nya sinasagot at dun ko lang naalala na may practice din ngayon sila ni Rhob.
Naks. Nagmo-moment na yun panigurado ngayon. Babawi ako! Aba di lang sila dapat magkalat ng kakiligan noh!
Maglalabas ako ngayon basta iharap nyo muna sakin ngayon si Zeid. Hihi!
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa garden since dito kami gagawa para wala ding umistorbo. Aba! Dapat kaming dalawa lang talaga noh. Bawal yung iba.
Paikot-ikot lang ako dito at inaamin ko na nahihilo na rin ako sa pinaggagawa ko eh! Habit ko na toh, na pag kinakabahan ay di ako mapakali sa isang pwesto lang. Lahat ng parte nalilibot ko pag kinakabahan ako.
"Jhay! Nandyan na bisita mo." Nandyan na sya! Waaaah!
"Sige po manang. Papuntahin nyo muna po sa garden." Sabi ko saka napa-takbo papunta sa kwarto ko.
Tinignan ko sarili ko kung ayos lang ba itsura ko at kung muka ba akong presentable. Buti na lang talaga kahit di ako mag-make up eh maganda ako. Natural beauty' ika nga nila.
Face powder at lip balm lang sapat na. Hihi!
Bago ko bumaba ay huminga muna ako ng ubod ng lalim. Jusku Jhaycee! Si Zeid lang yan, kala mo naman ikakasal ka na.
Ni di ko pa nga sya boyfriend eh. Haha!
Bumaba na ako at dumiretso sa garden. Ayoko naman sya pag-hintayin ng matagal at nakakahiya. Baka sabihin eh pinag-handaan ko pa yung pag-dating nya which is true na pinag-handaan ko nga.
Nandito na ako sa garden at dahan dahan naglalakad papunta sa pwesto nya. Nakatalikod sya sakin kaya di nya ako nakita.
Infairness kahit likod lang nya halatang gwapo na pag-harap.
"Huy!" Ginulat ko sya mula sa likod nya.
"Ay ang gwapo ko!"
Wow. Hangin ah?
Napatingin naman sya sakin at nagulat nung makita kung sino nanggulat sa kanya.
"Ahm. Surprise?" Sabi ko. Nakakatawa itsura ng muka nya ah? Haha!
"Jhaycee wag ka naman manggulat." Sabi nya at natawa naman ako.
"Sorry na." Natatawa kong sabi. Ang cute talaga nya, gwapo din!
"Haha ayos lang. Umpisahan na natin, kailangan pa natin gumawa ng props." Oo nga pala. Kailangan pa pala namin gumawa ng props tapos yung costume pa. Super busy pala ng weekend na ito.
Yung Homecoming tapos yung activity. Sabay sabay talaga? Hay nako mga teacher talaga kahit kailan.
"May naisip ako! Normal love story lang. Yung madalas lang na nangyayare sa mundo." Suggestion ko.
"Sige yun na lang nang mapadali tayo." At nag-umpisa na nga kami gumawa ng script.
Puro kami dapat ganito, ganyan, chuchu. Basta kung ano lang pumasok sa utak namin eh yun na ilalagay namin sa script.
Enjoy talaga sya kausap at kasama kahit kailan. Syempre para sakin ganun yun. Crush ko kasi sya kaya normal lang yun para sakin.
Di ko rin expected na makaka-close ko sya ng sobra ngayon. Minsan nga kami ang partner in crimes sa mga kalokohan namin.
Pero nakakasama ko lang naman sya pag wala si Mira. Pag wala si Mira at busy sya kay Rhobert saka naman sya lalapit sakin.
Oh diba? Dun kami naging close ni Zeid. Astig noh?
Ok lang yun. Magandang gwapo pa rin naman ako.
"Okay na toh! Next na yung props." He smiled at me and ohhhhh I can see his dimples.
Ang gwapo talaga nya. Shet.
"So konti lang naman kailangan natin. Crying in the middle of the rain right? So payong tas kung pano na lang uulan. Kase kung totoong tubig magkakalat pa tayo sa room."
"Haha! Kaya nga eh. Ay. Nagugutom ka na ba? Wait lang ha? Papahanda lang ako ng miryenda." Tatayo na sana ako nung nakaramdam ako bigla ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. At ang bilis din ng tibok ng puso ko na kala mo'y may hinahabol.
Mamamatay na ata ako. Mamamatay sa sobrang kilig!
"Maya na lang Jhay. Kwentuhan muna tayo." He said then smile while holding my hand.
Yes. Hawak nya ang kamay ko kaya super duper bilis ng tibok ng heartue ko!
"A-ahm... Sige." Sabi ko saka naupo. Binitawan na rin nya kamay ko sa wakas. Pero parang medyo nalungkot din ako nung bitawan nya kamay ko-- wait! What the hell am I saying!!?
"So, how's life after mabuwag ang gang?" He ask smiling. Di ko inaasahan na itatanong nya ang tungkol sa gang noong middle school students pa lang kami.
Naalala nyo ba yung kwento ko sa inyo dati? Yung si Zeid ang leader at dun ko sya nakilala at dun ko din unang naranasan ang love.
Corny!
"Well, back to normal? I guess? Nag-aral na ako dito sa Willstone and seriously? Di ko inasahan na dito ka din magaaral." I said laughingly. I lied. Alam kong dito sya mag-aaral dahil kay Mira kaya sinundan ko sya.
Galawang breezy. Haha!
Ata naman kasi na umamin ako diba? Yes mahal ko sya pero mahalaga rin pride ko. Takot ako mapahiya, ganun ganun.
At higit sa lahat, ayoko mareject.
Kayo rin naman siguro hano? Ayaw nyo mareject lalo na ng taong mahalaga sayo at mahal mo.
He chuckle. "Back to normal? Yeah pero di ko rin inaasahan na makikita kita dito sa Academy bilang isang girly na babae. Hindi na boyish na katulad dati."
"In fact, akala ko nandito ka kasi sinundan mo si Rhobert dito since mag-bestfriend kayo." Dagdag pa nya.
Napa-nganga naman ako sa sinabi nya. Kasi nung una akala ko wala syang pake, as in wala syang reaction sa pagbabago ko mula damit hanggang pananalita.
Yun pala meron syang pake. So? Ibig sabihin ba nito di na ako magdadalawang isip na binago ko sarili ko for him.
At isa pang nakagugulat sa sinabi nya ay yung sinundan ko si Rhob. Sus! Kung alam nya lang na sya talaga sinundan ko.
Pero mabuti muna na wag nya yun malaman... sa ngayon. Next time na lang pag pumuti na ang black na uwak, pag naabot ko na ang star mula dito sa kinatatayuan ko at higit sa lahat, pag nagka-forever na.
"May mga bagay talaga na kailangan baguhin." Pero ang pagibig ko sayo, hindi yun magbabago.
He just laugh at me. "Tanong ko lang, masaya ka ba sa pagbabago mo ngayon? Sa bago mong pagkatao?" Natigilan ako sa tanong nya. Kasi miski ako di ko alam ang sagot.
Aminin ko na nung una di ko toh gusto pero ginusto ko para mapantayan si Mira dahil baka sakali mapansin din ako ni Zeid noon.
Oo na, ako na desperada at attention seeker pero ano? Ginusto ko ba toh? Hindi naman ah?
Pero dati lang yun. Alam ko na ngayon ang limitasyon at word na pride. Di na ako desperada at matigas ang ulo katulad noon. In-enjoy ko na lang kung ano na ang buhay ko. Staka eto din gusto ni mommy eh. Ang magsuot ako ng dress at nagta-taasang heels.
I smile genuinely at him which make his eyebrow frown. So cute. "Maybe yes? Maybe not. Di ko rin alam ang sagot pero kung ano man ngayon ang pagkatao ko. Masaya naman, naeenjoy ko rin dahil suportado naman ako ng pamilya at mga kaibigan ko." I said and I saw him smile a bit which make my heart tickle.
Arrrggg! Zeid Crisostomo! What did you just did to me? To my heart? Ugghh!
"Nice answer Ms. Corpuz. Napa-hanga ako dun ah?" He chuckle. "Ang ganda ng sagot mo pero mas maganda kung ano ka talaga nung umpisa pa lang. Sabi nga nila 'Be yourself '." He added.
Babalik na nga ba ako sa dating ako? Or should I say... sa tunay na ako?
Yung babaeng pasiga-siga pa. Yung babaeng mahilig mag-suot ng damit panlalake. Yung babaeng hilig makipag-basag ulo at pinag-mamayabang na black belter sya. Yung may collection ng baseball bat pang-hampas sa mga bwisit na makikita nya.
Maibabalik ko kaya yun? Hays. Bahala na si tadhana este si batman.
"Hays ewan. Teka nga, nagugutom na ako kaya papakuha lang ako miryenda ha?" Sabi ko.
"Sige lang. Haha takaw mo." -Zeid.
"Hala di ah! Nagugutom na lang talaga ako." Paliwanag ko at natawa na lang sya.
Pumasok na ako sa loob at tinawag sina manang para magpa-handa ng miryenda. Magfo-four na rin kasi ng hapon.
Pero medyo naka-hinga rin ako ng maluwag pagkapasok ko ng mansion. Eh kasi naman kanina pa mabilis tibok ng puso ko!
Napa-upo na lang ako sa sofa namin dito sa sala dahil ayoko muna bumalik sa garden. Hintayin ko na lang sina manang pag nilabas na yung miryenda.
Napaisip naman ako, magaling rin pala sa pagpapayo si Zeid (well, para sakin). Maayos rin kausap, may sense eh tapos di ka talaga mabobored.
And matutunaw ka talaga sa mga tingin at ngiti nya. Lalo pa't pag ngumiti sya eh makikita mo ang powerful dimple nya! JUICE COLORED! WALA PA KONG PLANO MAMATAY ESTE MAHIMATAY!
Nagulat naman ako nung tumunog yung phone ko at nakita kong may nag-text. Galing kila Jaraica at Keana. Eh si Mira wala man lang text ni isa. Jusq! Busy talaga sya kasama ang kanyang love of her life este si Rhob pala.
Chineck ko naman messege nila.
From: Jaraica
H3LLO phOEwzxc!! Jejeje <3
Aba anak ng tarantula! Kelan pa naging jejemon ang isang Jaraica Alcoriza!!?
Chineck ko naman yung kay Keana. Baka mamaya eh jeje din tong text nila eh naku! Sabay ko sila ipapatapon sa bermuda triangle chuchu!
From: Keana
May taong mabilis mahulog ang loob mo pero bigla ka na lang iiwan at kung saan nakalimot kana,saka magpaparamdam
-
Hey! Good Afty.
Ucl. Hayst wag sanang umulan. Gala mode today eh! Ge!
Text?
#ArianaGrande
#BarneyILabYu <3 <3 <3
Amputs! Kelan pa naging Ariana Grande fan si Kea? Di ako updated ah! Tas what? 'Barney I lab yu' ? Ano pong kalokohan ang pumasok sa utak ngayon ni Kea. Paki-explain. Labyu tu Zeid este Barney!
Maloloka ata ako sa dalawang lukaret na toh! Mga wala atang magawa sa buhay! Aissh! Saket sa ulo oh! Woooh!
"Ma'am ok na po yung miryenda."
"Ay anak ng tipaklong na anak ng kabayo na anak ng palaka na anak ng isda na anak ng baboy na anak ng kamatis! Manang wag ka nga manggugulat!" Isa pa tong si manang. Maloloka din ata ako kay manang. Juseyo.
Napa-hagikgik na lang sya saka sinabing ok na miryenda kaya sinamahan ko na syang dalhin yun sa garden.
Pagdating namin sa garden nakita ko sya na kumukuha ng konting shots sa mga bulaklak, puno, etc. Naks! Mahilig nga pala sa photography si Zeid. Nagagamit kaya nya yung bigay kong DSLR.
And yes! Binigyan ko sya ng DSLR nung birthday nya since alam kong mahilig sya sa photography. Christmas gift ko sa kanya yun last year.
Kahit mahal yung DSLR at halos iuntog na ako ng nanay ko sa pader dahil nagpapabili ako ng DSLR tapos ireregalo ko lang eh binili pa rin ako and tadah! Nabigyan ko pa rin sya oha!
Super duper thankful sya sakin nun kaya ako naman si babaeng over sa tuwa kasi napa-ligaya ko ang mahal ko. Ang sarap lang sa feeling! Alam mo yun?
Mararanasan nyo yun. Para kayong nasa cloud 9 sa super duper heaven feeling at saya.
"Zeid!" Pag-agaw ko sa atensyon nya. Ewan ko pero habang lumilingon sya sakin parang slow motion. What the?
He smile and I feel my heart again beat really fast.
"Tara kain tayo." At nawindang naman ako nung hawakan nya sa kamay ko at hinila ako dun sa lamesa.
Napatingin naman ako dun sa mga katulong namin at para silang kinikilig samin. Grabe lang ha? Pwera alam nilang may gusto ako sa lalakeng hawak ang kamay ko ngayon.
K fine. Pati ako kinikilig. Pinipigilan ko lang.
Si manang nakangiti lang sakin tapos nag-thumbs up. Hay nako! Kaya love na love ko si manang eh! Para ko na din syang nanay. Pangalawang nanay kumbaga, syempre mahal ko din mommy ko. Baka mag-buga din yun ng apoy eh.
Ang saya lang! Suportado nila akong lahat pwera kay mommy at daddy kasi di pa naman nila alam na umiibig na pala ang kanilang unica hija.
Ang gentleman din pala ni Zeid. Kasi pinag-usad pa nya ako ng upuan para makaupo ng maayos bago sya maupo sa sarili nyang upuan.
"Wow! Red velvet cake! Yung paborito mo Jhay!" Mangha nyang sabi.
Di ko ba kayo nainform? Paborito ko sa cake ay ang Red Velvet. Masharap kasi!
Pero nagulat na naman ako kay Zeid kasi kahit maliit na impormasyon tungkol sakin ay naalala nya. Kasi akala ko wala syang pake sa mga ganun pero hindi. Alam nya oh!
Dahil lang sa ganung ka-simple na bagay, feeling ko mas lalo akong nahulog sa kanya.
Over acting? Nah. Ganun kasi ako. Kahit simpleng bagay lang, nagugustuhan at naaappreciate ko.
"Ayan pa. Graham salad. Masarap yan! Specialty ko." Sabi ko with todo smile.
"Talaga? Matikman nga!" Sabi nya tapos kumuka ng graham salad. Dami rin nyang kinuha ha? Haha!
Sumubo sya ng isang kutsara then, "Hmm! Masarap nga Jhay." Sabi nya din ng naka-ngiti.
Ang saya lang. Ang saya din dahil muli ko na naman syang napa-ngiti dahil lamang sa graham salad na ginawa ko.
Nagkwe-kwentuhan lang kami hanggang sa mabulunan ako sa tanong nya.
"Di pa naman ganun ka-enough age natin pero sino nga ba natitipuhan mong lalake?" Sakto lang kasi nakaka-subo ko nang cake tapos tatanungin ako ng ganun.
Jusku! I can't breathe!
"T-tu-tubig.... tu-tubig..." Nataranta naman si Zeid at basta inabot sakin ang tubig nyang pinag-inuman kanina.
He even holds the glass even I'm already drinking it.
After drinking it ay nakahinga naman ako ng maluwag pero di ko yun magawa ng literal dahil ang lapit nang muka nya sakin.
Shet. Shet. Shet. Mag-pigil ka Jhaycee. Mag-pigil kang babaita ka.
Titig na titig kami sa isa't isa. Walang papatalo sa staring game. At sa sobrang lapit din nya ramdam na ramdam ko ang hininga nya.
Amoy marshmallow. Wiwiwow! Nakaka-adik ang amoy jusq!
He's staring at me nang bumaba ang tingin nya sa labi ko. Napa-lunok tuloy ako ng sarili kong laway.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa posibleng mangyare.
Ano ba dapat kong gawin? Pipikit ba ako o hihintayin ko muna sya staka lang ako pipikit? Ay! Ano ba yan! Assumerang bwisit ka talaga Jhaycee Corpuz! Balak mo talaga ibigay first kiss mo nuh!!?
Naka-titig pa rin sya sa mga cute at mapula kong labi. At nararamdaman ko na lalo sya lumalapit.
Jusku day! Nagkakasala po ako kay Alden! Waaah!
Ayan na.... palapit na.... ayan na--
*RIIIINNNGGG!!!-RIIIINNNGGG!!!*
Bigla ko sya natulak dahil sa sobrang bigla. Di ko alam kung san ko nakuha lakas para sya maitulak.
"Fvck!" Mukang malakas pagkakatulak ko sa kanya. Napa-aray sya eh. Ikaw ba naman mapaupo sa sahig na may grass eh.
Di ako makasagot dahil di pa ako nakaka-get over sa nangyare. Feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa pisngi ko at bakit parang ang init!!? Makulimlim naman tas medyo mahangin din kaya bakit ako naiinitan!!?
Wadapak por paking sake!!!
Huuuu! Kalma lang Jhaycee. Kumalma ka lang. Wag mo hayaan sarili mo na ilabas ang kilig mo. Wala ka pa namang plano ma-reject diba? Hays.
*RIIIINNNGGG!!!-RIIIINNNGGG!!!*
Patuloy pa rin sa pagriring yung phone ni Zeid ata? Alam ko kase ringtone ko pag may nag-text kaya alam kong di ako yun.
Tumayo muna sya saka kinuha phone nya sa bulsa. Saglit nyang tinignan kung sino ata yung caller tapos sinagot na nya.
"Hello? Jana?..... bakit ka napatawag?.... family dinner? Pero--..... ok. See you later." So kausap nya si Jan Aubrey Isidro, ang kontrabida sa love story nila Mira Aguinaldo at Rhobert Castro?
At ang kontrabida din sa love story namin ni Zeid? Charot langzxc!!
Asa pa akong may love story din kami diba?
Binaba na ni Zeid phone nya at mukang tapos na sila mag-usap ni Jana the kontrabida. Tapos tumingin sya sakin at.... ganun din naman ako. Naka-tingin sa kanya.
Walang nagsasalita samin at feeling ko nagiging awkward na yung nangyayare. Susmaryosep!
Nakaka-hiya naman kasi talaga yung nangyare. Kayo kaya sa ganung posisyon? Oh ano? Papalag kayo!!? De joke lang.
"A-ah... ano... sorry--" -Sya.
"Di ok lang. Sige papaligpit ko lang tong pinagkainan natin. Pasok muna ko-- waah!" -Ako.
Nagulat ako kasi papasok na sana ako sa loob kaso hinila nya palapit sa kanya. At dikit na dikit talaga ang katawan namin.
(Now playing: You and I by One Direction)
Magkalapit na naman muka namin at para lang kami nabalik sa kaninang eksena.
Maya maya may narinig akong tumutugtog sa phone ko na paborito kong kanta. Sheteng malupit! Sakto nga naman oh! 1D!!!!!!!!!!
~I figured it out
I figured it out from black and white
Seconds and hours
Maybe they had to take some time~
Wiwiwow. Talagang sumabay pa favorite kong kanta hanu?
~I know how it goes
I know how it goes for wrong and right
Silence and sound
Did they ever hold each other
Tight like us
Did they ever fight like us~
Shet. Lumalapit na naman muka nya sakin....jusku. Di ko ata kaya toh!
~You & I
We don't want to be like them
We can make it till the end
Nothing can come between
You & I
Not even the gods above
Could separate the two of us
No nothing can come between
You & I
Oohh You & I~
You and I. Nobody can separate us.... kung sana lang totoo eh.
~I figured it out
Saw the mistakes of up and down
Meet in the middle
There's always room for common ground~
~I see what it's like
I see what it's like for day and night
Never together
Cause they see things in a different light
Like us
They never tried like us~
~You & I
We don't want to be like them
We can make it till the end
Nothing can come between
You & I
Not even the gods above
Could separate the two of us~
Naisip ko lang. Eto na ba theme song namin? OMG!!
~'Cause You & I~
Taray! 1D song talaga theme song namin! Haha!
~We don't want to be like them
We can make it till the end
Nothing can come between You & I
Not even the gods above
Could separate the two of us
No nothing can come between
You & I~
Super duper lapit na naman ng muka nya. Konting galaw lang mahahalikan na nya ako. Ayaw na me!!!
"Jhaycee--" -Sya.
"Ehem." Napa-tingin kami dun sa umubo at halos manlumo ako kinabahan nung makita ko yung umubo.
Jusku Tadhana. Ano ba plano mo? Ang bugahan kami ng apoy ng nanay ko?
"Jhaycee, may bisita ka pala." Sabi nya. Ayoko na talaga. Nanlalamig na ako.
"A-a-ano po.... o-opo. Kaklase ko po mommy." Sabi ko. And yes, mommy ko ang kaharap namin kaya kinakabahan ako to the highest level!!
Tumaas kilay ni mommy. Tumaas hanggang dun sa terrace ng kwarto ko.
Kinakabahan akong napa-tingin kay Zeid na cool na cool pa.
What the? Di ba sya natatakot kay mommy?
"Explain what did I just see earlier." Ang taray talaga ng nanay ko. Waaah! Nakaka-takot!
"Good evening madame. Yung nakita nyo po kanina ay part lang ng practice namin para sa project namin next week." Cool lang sya habang sinasabi yun.
"Acting po kasi ang project at dapat mapakita kung ano nga ba talaga ang love." Dagdag nya.
Nakatingin ako kay mommy at hinihintay ang magiging reaction nya pero napa-tango tango n lang sya. Woah! Buti gumana mga rason nya?
Pero naisip ko naman sinabi ni Zeid na reason. Hay. Syempre yun lang talaga yun Jhay. Wag ka mag-hangad ng iba.
"Reason accepted. Magsi-six na so better go home now, Mr?" -Mommy.
"Zeid na lang po, madame." Ang cool pa rin ng postura nya.
"Oh. See you Mr. Zeid." Sabi ni mommy saka pumasok sa loob.
Hinatid ko na si Zeid hanggang gate at sa labas.
"Samalat nga pala. Bukas na lang pag-usapan sa school yung props." Sabi ko with matching sweet smile.
He smile at me too. "Sige. Salamat nga pala ngayon. Sige bye!" Sabi nya.
Tumango at papasok nang iharap nya ako sa kanya. Tinignan ko sya nang nagtataka.
"Bakit?" -Ako.
"May nalimutan kasi akong ibigay." -Sya.
"Huh? Ano naman?" -Ako.
"Eto oh." -Sya.
*CHUUUP*
Nagulat naman ako sa ginawa nyang pag-halik. Feeling ko namumula buong muka ko.
"Sige. Nabigay ko na. Bye!" Sabi nya staka sumakay sa kotse nya.
Wala ako sa sariling bumalik sa loob staka nagtitili. Kanina ko pa toh pinipigilan eh.
"KYAAAAA!!! OMG! WAAAH!!"
"JHAYCEE CORPUZ! To the office. Magtutuos pa tayo." Napa-hinto naman ako nang marinig kong nakakatakot na boses ni mommy.
Pero for the first time, di ako natakot dahil nangingibabaw ang kilig sa aking katawan.
Ang dami din nangyare ngayon. May theme song na kami at hinalikan pa nya ako sa cheeks! OhMyGhad!!
Pero qt talaga ng theme song namin. Haha!!
_
--------------------
_
Yo! Long time no update kaya pambawi lang ngayon. 4k words ang chapter 25 so happy happy lang!
P.S. Special chapter po ito for ZeiCee (Zeid and Jhaycee) dedicated by MweheheheheheHEMMO.
Votes and comments?
Thank you!
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top