Chapter 10

chapter ten
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

"Ang arte mo talaga, Brando. Parang 'yon lang nagkakaganyan ka na? C'mon, don't be so ridiculous."

Napamaang na binalingan ni Brando ng tingin si Jenniferlyn nang marinig nito ang sinabi ng kaibigan. Para bang sa sinabi ni Jel ay may napakalaking mali na makikita kaagad sa reaksyon ni Brando.

"Parang 'yon lang?" Pag-uulit niya. He sounded so offended with her words. Hindi naman nakasagot si Jel, para bang bigla siyang natauhan sa itinumbok ng kaibigan niya sa kaniya.

"Brando naman," tanging naisatinig niya.

Brando shook his head in disbelief. "You can say it instead to my face without doing that silly action of yours, Jel. Alam mong maiintindihan kita."

Napalabi ako habang nagsasalitan ng tingin sa kanila. Maging si Candy na nasa tabi ko ay napatigil sa pagdila sa ice cream niya dahil sa tampuhan ng dalawa.

"I'm sorry na nga eh, can't you just forgive me? Hindi ko na nga uulitin." Suyo ni Jel na inilingan ng kaibigan.

"Just eat your ice cream, matutunaw na 'yan." Pagbabalewala ni Brando sabay angat ng tingin sa'kin. "Ikaw, maayos na ba talaga ang pakiramdam mo?"

Naiilang man sa kanilang dalawa ay napatango na lang ako habang nakamasid ang mata ko kay Jel na nakapako ang paningin sa ice cream niya. Nang balingan ko naman si Brando ay tahimik na niyang inuubos ang ice cream niya at bigla na lang tumayo. Napasunod kami lahat ng tingin sa kaniya.

"Punta lang ako kila Troy, may palaro si Ms. Cabero. Doon muna ako." Aniya na hindi ko alam kung sa'min ba nagpapaalam o kay Jel lang.

Nang makalayo si Brando ay napabuntong hininga ako.

"Ngayon lang kayo nakapag-usap?" Basag ko sa katahimikan.

Napatango si Jel at mabigat na bumuntong hininga.

"I tried approaching him nitong nagdaang dalawang araw. Pero hindi niya ako pinapansin. Ngayon naman nagkausap nga kami, pero mukhang wala talaga siyang balak na patawarin ako." Dismayado niyang wika.

Dalawang araw akong absent dahil sa masama kong pakiramdam, nakikibalita naman ako kay Candy about sa nangyayari sa campus at naisingit niya ang tampuhan nila Jel. Maging kami ay apektado rin dahil kaibigan namin sila. Ngayon lang din namin sila nakitang ganyan kung magkatampuhan. Mukhang hindi talaga nagustuhan ni Brando ang ginawa sa kaniya ni Jel, kaya mabigat na mabigat ang loob niya sa kaibigan.

"Bigyan mo na muna ng space, Jel. Sure naman na hindi ka rin matitiis niyan. Pero, mas ayos pa rin na suyuin mo siya kahit papaano, ikaw naman kasi talaga ang may kasalanan." Napapalabing wika ni Candy.

"I know that, kaya nga sising sisi ako." Aniya sabag tumikhim. "Gagawin niya lang din namang biro kung kakausapin ko siyang magsosolo muna ako kahit isang araw lang. Alam kong hindi niya ako titigilan kagaya ng sinabi niya kanina."

Sang-ayon ako sa sinabi ni Jel. Mahirap mapalayo si Brando kay Jel. Para siyang may magnet na dapat lagi siyang nakadikit sa kaibigan.

"Ano'ng plano mo niyan ngayon?" Tanong ko.

"Bahala na." Tanging naitugon niya sa'min na sabay naming ipinagkibit balikat ni Candy. "Doon na muna ko sa marriage booth na'tin, tutulong muna ako."

"Text mo na lang kami bago sumalang 'yong banda mamaya." Wika ko. Ngumiti lang siya sandali bago maglakad palayo.

Halata kay Jel na hindi niya na alam kung papaano susuyuin ang kaibigan niya. Masyado rin siyang sinanay ni Brando na sinusuyo kaya problemadong problemado ang mukha niya.

Hindi sumagi kailanman sa isipan ko na makakayang tiisin ni Brando si Jel nang gano'n gano'n lang. Kaya hindi ko inaasahan ngayon na pupuwede rin pala silang humantong sa ganitong sitwasyon.

"Hi, Abigail."

Napukaw ang naglalakbay kong isipan sa bulto ng isang taong umupo sa may puwesto ni Brando kanina. Sa tapat ko.

It's him.

Samuel Valderrama.

Nagpaskil ako ng tipid na ngiti sa kaniya.

"Nandito ka na pala, mabuti naman at maayos na ang pakiramdam mo. Dadalaw na sana ako sa bahay niyo mamaya." Baling niya kay Candy.

"Huli ka na sa balita." Sagot ni Candy at tumayo. "Bili lang ako ng ice cream for you, Sam. Abi," kalabit niya sa'kin at inginuso ang pinsan niya.

Inirapan ko siya at tsaka tinanguan. Alam ko na ang gusto niyang iparating. I-entertain ko na muna si Samuel habang tatagalan niyang bumili para makapag-usap pa kami kahit papaano.

Napailing na lang ako. Candy will always be Candy Rivera.

"Kumusta ka? Someone told me na dinala ka raw sa clinic nitong nakaraan. Nakapagpahinga ka na ba? Kailangan mo pa bang mag-take ng gamot? How about lunch? Did you take lunch already?"

Napangisi ako sa sobrang bilis niyang magtanong.

"Hindi ka naman concern sa'kin masyado, 'no?"

"I can't hide that one. Ilang araw din akong hindi nakapasok dahil kailangan ako ni Dad sa office niya, that's why nakikibalita na lang ako about sa 'yo." Walang pagtatangging kwento niya.

"Updated na updated ka pala niyan, edi number one die-hard fan kita." Biro ko na sinang-ayunan niya ng sobra.

"Ang speaking of, I just want to know if . . . " Sandali siyang tumigil. Para bang ang hirap ng sunod na litanya na sasabihin niya.

"Ano bang gusto mo malaman? Tagalugin mo na lang kasi para hindi ka mahirapan pa." Pagbibiro ko. Nalukot ang mukha niya.

"Hindi naman importante 'to, pero is it true? Si Troy ba talaga ang nag-alaga sa 'yo sa clinic?" Pahina nang pahina niyang tanong.

Natigilan ako sandali. Pinapakiramdaman ko kung may laman ba ang tanong niya o wala, but in the end, siya na rin ang kusang nagdagdag ng tanong para masagot ko.

"Nagkakamabutihan na ba kayo? Well, hindi naman na ako magtataka. Lagi kayong magkasama nitong nakaraang araw. Hindi na ata kataka taka na maging malapit kayo—"

"Binantayan niya lang ako sa clinic dahil presidente siya ng campus, Samuel. Isa pa, dapat lang 'yon dahil ang dami niyang ini-uutos sa'kin sa opisina nila. And to answer your question kung nagkakamabutihan na ba kami," pinagmasdan ko ang reaksyon niya. He seemed so scared. Gusto kong matawa. "We're casual."

Para siyang nabunutan ng tinik. Sakto rin na bumalik si Candy at iniabot sa kaniya ang ice cream niya na kaagad niyang nilantakan.

"Parang pg naman." Komento ni Candy sabay bato pa ng tissue napkin sa pinsan niya.

Natawa na lang ako sa kanila.

Alam naming lahat na magkamag-anak si Samuel at Candy, pero kahit kailan ay hindi pa namin sila nakitang magkalapit sa loob ng campus. Or should I say na 'yong iba lang dahil ako minsan ko na silang makitang nagbo-bonding.

"Kumusta ang pinapagawa sa 'yo ni Tito Sael? Mukha kang wala pang tulog oh."

Ngayon ko lang napansin ang eyebags ni Samuel. Hindi naman siya halata masyado pero maninibago ka nga talaga kapag may nakapuna.

"He's giving me tasks about his company. Masyado siyang tutok para sa sunod na eleksyon kaya wala akong panahon para magreklamo, pasalamat na nga lang ako at nandito ako no'ng opening. Si Kuya Samael naman ay busy sa asawa niya, and Sage can't handle those tasks. Baka ibato siya ni Dad pabalik sa France."

"So wala kang pahinga ngayong buwan?" Hindi ko napigilang hindi sumingit.

He nodded. "But seeing you today, para na akong nakapagpahinga." Aniya sabay kindat.

Humalakhak si Candy sa tabi. Samantalang ako ay unti unting nahihiya.

Samuel know how to make every woman blush with his words. Pero kahihiyan ang lagi kong nararamdaman kapag sa'kin siya bumabanat.

"Shut the fuck of, Samuel. Hindi tatalab 'yan sa kaibigan ko. Kung si Monreal ang nasa nagsabi niya, hindi mukhang magpa-palpitate si Abigail."

Mahabang napanguso si Samuel habang nakatitig sa'kin. Akala ko ay papakitaan niya ako ng kung anong reaksyon na hahalukayin ang konsensya ko ngunit walang gano'n. Gusto ko sanang ipagtanggol ang sarili ko ngunit mas pinili ko na lamang manahimik.

"Don't spoil my mood, Candy—"

"Just telling the truth my dear Sam. Sinukuan ko na nga ang pambubugaw ko sa 'yo, alam mo ba 'yon ha?" Inis niya sa pinsan.

Hindi siya pinansin si Samuel. Lumingon muli siya sa'kin at malawak na ngumiti.

"I know from the start that I am already a loser to catch your beating heart, Abigail. I know even if I try, I couldn't make it to your heart, but please accept me as a friend until our graduation. I won't push you, though."

"Oh my god, Valderrama. Are you withdrawing your feelings..." hindi na naituloy ni Candy ang sasabihin dahil mabilis niyang tinakpan ang bibig niya.

Si Samuel naman ay hindi siya inintindi.

Bumuntong hininga ako bago malawak na ngumiti. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya nasa ibabaw ng mesa na siyang ikinagulat niya. I want to laugh, but I don't want to ruin the moment we had.

"You can be my friend anytime, Samuel, even after our graduation."

Napalabi siya. "Pinaghandaan ko naman na hanggang friends lang talaga tayo, pero bakit masakit pa rin ngayong na friendzone mo na ako."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa kaniya. But in the end, parehas na lang kaming nagkatawanan. Parang nawala ang isang nakabara sa damdamin ko. Guminhawa ang pakiramdam ko knowing that I have another friend in my list.

"Baka naman kaya tinanggap mo na wala kang chance sa'kin ay dahil may bago ka na?" Taas baba ang kilay kong usisa.

Mas lalong napanguso si Samuel. "Hindi ako two timer ah. Stick to one ako, kahit sobrang gwapo ko."

"Hindi naman ako magagalit." Hapyaw ko pa.

"I'm telling the truth, you guys please." Nagmamakaawa niyang wika dahil kanina pa namin siya pinagkakaisahan ni Candy. Muling hinila ni Samuel ang kamay ko at pinisil pisil ang palad ko. "Tinanggap ko lang ng mas maaga pero hindi ibig sabihin no'n ay titigil ako sa pagpaparamdam ko sa 'yo. Like what I've said before, titigil lang ako kapag ayaw na ng puso ko."

"That's dramatic then,"

Sabay sabay kaming natigilan sa biglang pagbagsak ng may mga kakapalang papel sa pagitan ng kamay namin ni Sameul. Kaagad kong binawi ang kamay ko sa pagkakagulat.

Nanlilisik ang mga mata niya nang balingan ko siya. Nakatiim ang bagang na para bang may nasaksihan siyang hindi kaaya aya sa kaniyang paningin.

"Brad, ikaw pala." Natauhang bati ni Samuel at akma pang makikipagkasa kay Troy ngunit iniwasan siya nito. "Damot." Bulong ni Samuel at muling naupo.

"Makabagsak ka naman, bastusan Pres?" Si Candy. Tila rin natauhan si Troy at napapahiyang nagbaba ng tingin sa mga papel na ibinagsak niya.

"T-that's not my intention. It just slipped in my hand."  Dahilan niya na ikinakunot ng noo ko.

"Liars go to hell," bulong muli ni Samuel.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil nilingon siya ni Troy na may nakakamatay na tingin.

"And you'll go also."

This two. Hindi ko maintindihan ang mga tao ngayon. Parang lahat sila naumpog sa hindi ko malamang dahilan.

"I can't stand here, I'm going guys. Samuel, ikaw na bahala sa kaibigan ko. Text na lang kapag nasa center na kayo, bye!" Mabilis na paalam ni Candy na walang lingon lingon.

Ang ending naiwan kaming tatlo.

Sumipol sipol pa si Samuel na animo'y may iniinis.

"May kailangan ka ba?" Baling ko kay Troy. "Kasi kung wala puwede bang iwan mo muna kami, hindi pa kami tapos mag-usap eh." Aniya ko.

Napapikit si Troy. Bumuntong hininga siya bago ituro ang mga papel. "I need you to staple that for me."

"Eh? Kakagaling niya lang sa sakit, ako na lang!" Presinta ni Samuel at akmang hahawakan ang mga papel nang unahan siya ni Troy.

"I don't need you. And I'm not asking you to do it."

"Brad, kakagaling lang nga ng tao sa sakit. Ako na lang, nagpre-presinta na nga ako sa 'yo oh." Pangungulit pa ni Sameul.

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Troy. Hindi niya pinansin si Samuel.

"Mabilis lang 'to, isa pa. Ikaw ang nakalista sa mga kinuha namin, alam mong sagutin lang namin ang mga kinuha namin—"

"Wala namang masasaktan sa pinapagawa mo dyan. Mags-stapler lang naman." Singit muli ni Samuel.

Napailing na lang ako. This is so dramatic.

"Can't you please shut the fuck up, Valderrama? I'm not asking for your damn opinion."

"Tumigil na nga kayong dalawa. Staplerin ko kaya ng sabay eh." Banta ko at kinuha ang kalahati sa mga papel. "Kunin mo 'yong kalahati Pres., para matigil ka na ay tutulungan ko na kayo."

Bumaling ako kay Sameul na hindi ko alam kung nakasimangot ba o nagpipigil na matawa.

"Puntahan mo si Candy, text kamo ako kapag nag-announce na." Bilin ko bago nagpatiuna.

Maya maya rin ay may pumantay na sa paglalakad ko and there's no other than Troy.

"I'll hold that for you—"

"Just walk straight, hindi naman mabigat." Aniya ko, malapit na rin naman kami sa office nila at hindi rin naman mabigat ang hawak ko.

Ang alam ko ay wala na dapat fliers pa na gagawin. Last day na bukas kaya bakit may ganito pang ganap? Kilala naman na rin ang event namin dahil nag-announce na si Mayor Valderrama na open ang campus for outsiders.

"Are you comfortable enough here? Hindi ka ba nilalamig? Hinaan ko na lang 'yong aircon."

Pinanood ko ang pagiging aligaga ni Troy na mapahinaan ang aircon sa office. Hindi na lang ako kumibo at nag-umpisa na.

Ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko, ngunit hindi ko siya nilingon. Gusto ko agad matapos, gusto kong makaalis dito at makalayo sa kaniya. Ni wala na nga akong balak pumasok dito, dahil saksi ang opisinang 'to sa burst out ko. I feel suffocated.

"I'll get us some coffee and bread. H'wag kang masyadong magmadali, baka masugatan ka. I'll be back."

Pailalim kong pinanood si Troy na lumabas sa pinto ng opisina. Parang siyang nanunuyo sa'kin at hindi alam ang gagawin niya.

Napailing na lang ako. I should stop dreaming.

Mangangalahati na ang ginagawa ko nang mapaangat ako ng tingin sa maingay na taong dumating.

No other than Bryan and his side partner; Julian.

"Miss ganda!" Tuwang tuwang bulalas ni Julian sabay upo sa pwesto nila.

"Mukhang busy ka ah. Ano ba 'yan?" Dungaw ni Bryan.

"Fliers, pinapagawa ni Troy." Sagot ko.

Nagkatinginan ang dalawa bago ako binalingan.

"Hindi na kailangan 'yan hindi ba, Bry?" Takang tanong ni Julian, nawala ang kapilosopohan sa mukha niya.

"Oo, sinabi na ni Vice 'yan eh. Utos nga daw ni Pres., kasi last day na bukas. Hindi ka ba na-inform, Miss ganda?"

Natigilan ako akmang pag-aayos ng mga papel sa narinig.  This is not needed? Then why the heck I am here?

Magtatanong na sana ako ng bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Troy na may dalang tray ng pagkain. Natigilan pa siya ng makita sila Bryan. Parehas na may nagtatakang tingin sa kaniya.

"Pres., hindi mo ba nasabihan si Miss ganda? Stop na tayo sa fliers 'di ba? Nasa announcement mo 'yon eh, hindi mo finorward sa kaniya?" Patay malisyang tanong ni Bryan.

Unti unting nagbaling si Troy sa'kin. Napalunok pa siya at namumula ang tainga.

Napairap ako sa kaniya at umalis sa upuan ko. Tumayo ako at inis siyang nilagpasan.

"Damn it! Kayong dalawa, wala na kayong ginawang tama!" Rinig kong bwelta niya sa dalawa.

"Ano na namang ginawa namin, Pres?!"

──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top