Chapter 09
chapter nine
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
Kung dapat ba akong matuwa sa mga nangyari kahapon ay hindi ko alam. May parte sa'kin na natutuwa, but at the same time I'm so confused.
Mabilis ang bawat pangyayari this past few days. Para akong nag-roller coaster. Kaysa isipin ang mga bagay bagay, pinili ko na lang na isantabi na muna ang lahat. Wala pa rin namang magbabago sa desisyo ko, whether they're together or not. Alam ko na ang dapat kong gawin at 'yon ay layuan na si Troy for good. For my own sake.
"Pinag-alala mo kami, Candy. You should talk to us kapag nagkaganyan ang sitwasyon mo. Kaibigan mo kami, you should count on us." Pangaral ni Jel ay Candy na nginisihan lang ng magaling kong kaibigan.
She's really in a good state right now. Ang masiglang ngiting lagi naming nakikita kapag magkakasama kami ay sukbit sukbit ng maskara niya. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam na naman ng inis sa nobyo niya. Bukod sa sarili kong damdamin, I also think of my bestfriends' feelings.
"I'm really okay, you guys. Thank you for always checking me up sa house, I really appreciate it. Pasensya na rin kong pinagtatabuyan ko kayo, gusto ko lang talagang mapag-isa."
"Sa susunod, magsabi ka. Alam naman naming may kagagawan ang magaling mong nobyo, and don't try to defend him again like that, Candy. Halimaw ang boyfriend mo, you should start putting that in your head." Dagdag pa ni Jel.
Jenniferlyn was right.
Halimas ang boyfriend niya in all aspect. Sino ba naman kasing matinong karelasyon ang maglalagay sa 'yo sa kawa ng impyerno?
Hindi pa ako nagkakaroon ng kahit anong romantic relationship towards my opposite sex, but I know how really relationships should work.
"I already knew that, Jel. I just can't break him right now. H-he needs me." Pahina nang pahina niyang wika. Somehow, nag ka-ideya kami na aware siya at hindi bulag sa ugali ng nobyo niya.
"And you're saying that he's just problematic right now kaya ka niya nasasaktan? Iyan ba ang gusto mong isipin namin sa sinabi mo, Candy?" Irita ang boses kong tanong. Hindi ko na napigilan ang sarili kong manahimik.
Hindi nakaimik si Candy. Kaya sabay kaming napailing ni Jel.
"That should be your last, Celestine." I tried to be calmer saying it. Halata sa mukha niya ang pagkabalisa nang banggitin ko ang ikalawang pangalan niya. She's aware of my capability of ruining their relationship once I've seen her on that stage
Hindi ako magdadalawang isip na lumapit kay Samuel at ipaalam dito ang ginagawa ni Keliano sa kaniya. Matutulungan ako ni Samuel when it comes to his cousin. I know that for sure.
"I-I understand, Aby."
Katahimikan ang sunod na lumukob sa lamesa namin. Wala ni isa ang balak magsalita, ngunit agad din namang nawala ang awkwardness sa pagitan namin nang mamataan namin si Bryan na papunta sa gawi namin.
"Hindi niyo pa ba papakawalan si Bustamante? Kanina pa umaatungal sa selda niya 'yon." Natatawang balita ni Bryan.
Napatingin ako kay Jel. Kaming tatlo lang ang nasa table. Si Brando naman ay nandoon sa jail booth, siya naman ang ayaw pakawalan ngayong araw. And it's because of Jel, who put him behind those bars.
Gusto ko ngang matawa, dahil hindi ko akalain na kayang gawin 'yon ni Jel sa kaibigan niya.
And her reason? He's too clingy today, and Jel couldn't be free alone if her bff would join her everywhere.
Alam naming lahat na sa ganitong pagkakataon ay hindi palalagpasin ni Brando ang pagiging buntot niya kay Jel. Pabor na pabor pa nga sa kaniya ang event namin kaya ito ang napala niya ngayon.
"Let him be inside your jail booth. I can't roam around having him free dito sa ground." Kaswal na wika ni Jel bago picturan ang mango pie niyang kadarating lang.
"Ang sama mo kay Brando." Napapalabing siko ni Candy kay Jel.
Muling natawa si Bryan. Kinalikot niya ang phone at maya maya lang ay inilipag ito sa center ng table. Plinay niya ng isang video na ikina-kunot ng noo naming tatlo.
It was him.
Brando Bustamante. Yell and keep on cursing at Julian and Bryan while both of them are laughing in the background.
"Pakawalan niyo ko dito! You both motherfuckers! I said I'm going to bail myself! Damn it!" Namumulang sigaw ni Brando.
There's no soft spot I could see in him in the video.
Parang anytime ay handa siyang sumapak.
"He's so mad." Candy commented.
Nilipat ko ang tingin ko kay Jel na animo'y natutuwa pa sa kalagayan ni Brando.
"Gusto niyang doblehin ang nakapatong sa ulo niya para sa piyansa niya, but of course dahil malakas ka sa'kin, hindi ko pinayagan. Marami ring nagtatakang piyansahan si Bustamante, pero katulad ng sinabi ko kanina. Ikaw ang susundin ko." Ngising wika ni Bryan na tutok na tutok ang paningin kay Jel.
Binalik ni Jel ang phone kay Bryan at kinalaunan ay pinaalis niya na ito. Pinag-usapan pa namin sandali si Brando hanggang sa kung saan saan na kami napunta. Maya maya pa ay nagpaalam si Jel na sisilipin lang ang kaibigan niya at mag-iikot ikot na rin para makabili ng makakain para kay Brando.
What a sweet side of Jel, right? And I know, Brando would do the same too.
"Mukha kang lalagnatin Abigail. Ang putla mo." Puna ni Candy habang sinasalat ang leeg ko. Ngumiwi ito. "Mainit ka, Aby. Hindi normal ang temperatura mo. Sinisinat ka na ata, punta tayo clinic." Yaya niya sabay salpak ng hotdog sa bunganga niya na hindi pa nga niya nakakalahati.
Pinigilan ko si Candy at nagbaba na lang ng ulo sa lamesa.
"Ayos lang ako." Nanghihina ang boses ko wika habang nakayuko. "Kumain ka na muna para makapila na tayo sa photo booth." Payak kong saad at ipinikit ang aking mga mata.
"Ikaw, ayaw mo bang kumain? Sayang naman 'tong in-order mo."
"You can have it, Candy. Eat it all, I don't mind." Pigil ko sa kaniya.
"Pero hindi ka pa nakain, Abigail." Boses ni Jel. "Hula ko nga ay hindi ka rin nag take ng breakfast mo. Kaya sige na, kumain ka na para makainom ka rin ng gamot. I think my biogesic ako sa bag."
Ilang beses pa akong pinilit nila Candy na panay namang tinatanggihan dahil wala talaga akong gana. Pakiramdam ko busog ako kahit wala pa naman akong kinakain simula kaninang umaga.
Hindi naman masama ang pakiramdam ko kanina, wala pa akong nararamdaman na kahit ano. Ngayon lang talaga kung kailan, tirik na tirik ang araw.
"What's the matter?" Tanong ng isang boses. Pamilyar ngunit hindi ko matandaan kung kanino. Parang dahil sa nararamdaman ko ay wala na akong matandaan. Ang nasa isip ko lang, kung papaano huhupa ang masama kong pakiramdam para naman masulit ko ang araw na 'to kasama ang mga kaibigan ko.
"Oh, ikaw pala."
Mas lalo kong idiniin ang mukha ko sa braso ko. Unti unti na namang bumabalatay sa ulo ko 'yong sakit. Iyong tipong pati ugat ko puwedeng pumutok.
"What happened?" Muling tanong ng boses.
"Sinisinat." Sagot ni Candy.
"Bakit nandito kayo? Hindi ba dapat nasa clinic?" Aniya ng boses.
"Ayaw niya kasi, tsaka don't worry—"
"I'm not." Untag ng boses.
"Edi hindi. Ang bilis mag-deny." Bulong ni Candy at tinapik tapik ako. "Aby, tara na sa clinic. Baka kung mapaano ka pa eh. Tinext ko na si Samuel, naghihintay na 'yon sa clinic, nagpadala na rin ako ng jacket para hindi ka na lamigin." Pagyugyog niya sa'kin.
Tumikhim ako bago nag-angat ng tingin kay Candy na nakatayo na sa tabi ko. Ngumiti siya sa'kin sabay sukbit ng shoulder bag ko sa balikat niya. Tatayo na sana ako nang marinig kong muli ang boses na siyang ikinalingon ko ng mabilis sa kausap ni Candy ngayon ngayon lang.
Agad na umawang ang labi ko nang mapagtantong si Troy 'yon. Seryoso siyang nakatingin sa'kin. Gusto ko sana siyang irapan, siguro kaya ako nilagnat ay dahil sa ginawa niya kagabi.
Pakshet na tao 'to. Binigyan na nga ako ng heartbreak, pinabaunan pa ako ng isa pa!
"T-Tara na—"
"I'll escort her in our clinic, Rivera. Ituloy mo na lang ang pagkain mo." Putol ni Troy sabay lapit sa gawi ko.
Nagkatinginan kami ni Candy. Nagtataka ang kaniyang buong mukha. Maging ako rin ay gano'n.
"Hindi, ako na. Best friend ko 'yan, ako na magdadala sa kaniya. Oo, tama." Kaagad na wika ni Candy na animo'y pinilit niya lang ang sarili niyang matauhan.
Akma pa sanang lalapit si Candy sa'kin ngunit mabilis siyang dinuro ni Troy.
Ang malditang mukha ni Candy ay sumilay, pumamaywang din siya at inis na pinukulan ng tingin si Troy.
"Pwede ba, h'wag kang epal. Kita mong namumutla na 'yang kaibigan ko, nakikipag-argumento ka pa sa'kin!"
Hindi man lang natinag si Troy kay Candy, bagkus ay hinarap niya ako at kaagad na inalalayan na makaalis sa upuan ko.
"Ubusin mo na 'yang kinakain mo, Miss. She's my responsibility after all, so please keep your mouth shut." Simple, ngunit tila binara pa ni Troy ang kaibigan ko.
Magsasalita pa sana si Candy ngunit siya na rin ang kusang huminto. Ako naman ay hindi na kumibo dahil sa sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko. Gusto kong matulog. Iyon lang ang tumatakbo sa isipan ko.
"Can you walk?"
Marahan akong tumango sa kaniya. Akala ko ay maglalakad na kami ng tuluyan ngunit gayon na lamang ang paggalaw ng mundo ko nang bigla niya akong buhatin. Tila saglit akong nawalan ng kaluluwa dahil sa ginawa niya.
Our faces were so close to each other that I forgot to breathe.
"K-kaya kong maglakad. P-put me down, madaming nakakakita. Baka kung ano ang isipin nila sa'kin." Naisantinig ko kinalaunan. Nilingon niya ako sandali at tumikhim.
"Stop worrying about that, Abigail. Trust me with this one. Just close your eyes para hindi ka mahilo please."
Hindi na ako nakipag-argumento pa sa kaniya. Sinunod ko na lang siya kahit pa nga bagabag na bagabag ako sa dinaraanan namin.
After a while, nagmulat na lang ako nang maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Nandito na kami.
"What's the matter with her, Troy?" Tanong ni nurse Cathy. Ngumiti rin siya sa'kin at sinalat ang noo ko.
"Nilalagnat, nurse Cath. Can you give her meds, para bumaba ang init niya."
"Of course, hintayin niyo muna ako. Kukuha ako ng gamot at hihinaan ko na rin ang aircon."
Pagka-alis ni nurse Cathy ay maingat na umupo si Troy sa may paanan ko habang titig na titig sa'kin. Naiilang na nga ako, ngunit hindi ko man lang maalis ang tingin ko sa kaniya.
"Hindi ka pa ba aalis? Nandito naman si nurse Cathy." Basag ko sa katahimikan namin.
Umiling siya. "I'll stay here. Wala naman akong masyadong gagawin." Aniya at bumaling sa paparating na nurse.
Inalalayan niya akong makabangon para uminom ng gamot at inayos pa ang kumot sa katawan ko pagkatapos.
"Alagang alaga, Troy ah. You look good together ah." Puna ni nurse Cathy na bigla kong ikina-ubo.
Sabay nila akong nilingon.
"Don't say bad words po, nurse Cath." Ngingisi ngising turan ko.
"Bad words? Why, aren't you two together?" Tanong niyang inilingan ko.
"He's in a relationship with Pau—"
"Ako nang bahala sa kaniya, nurse Cath. Pwede ka na pong bumalik sa ginagawa mo. Thank you po." Putol ni Troy sa'kin.
Tumango na lang si nurse Cath bago nagbilin. "Tawagin niyo na lang ako kapag kailangan niyo ko. Abigail, rest okay?"
Nagbigay ako ng thumbs up sa kaniya at ngumiti. Nang tuluyan siyang mawala ay nagbaling muli ako kay Troy.
"You can leave now; you should monitor the event, not me. Go." Pagtataboy ko, ngunit tila ba desidido siyang manatili dito.
"Just rest and don't talk, Abigail. Hindi kita susundin kaya manahimik ka na at magpahinga. I'll rest here too." Wika niya't bigla na lang humiga sa sofa at pumikit.
Napasimangot na lang ako at tumagilid para hindi siya makita. Ipinikit ko ang mata ko at hinayaang tangayin ako ng antok at sama ng pakiramdam ko.
Hindi ko alam kung ilang oras o anong oras na nang maalimpungatan ako sa boses na naririnig ko sa aking tabi. There's two people arguing. Noong una ay hindi pa masyadong malinaw sa pandinig ko, ngunit unti unti rin 'yong lumilinaw.
"Hindi mo siya kailangang bantayan, Troy. Nandyan si Samuel to do that, c'mon. Umalis na tayo, kailangan nila tayo doon kaysa dito—"
"You should go alone, Pauline. Kanang kamay kita, alam mo kung papaano ako mag-handle, now do it at gamitin mo ang pwesto mo ngayon. Abigail needs me here, I already told you that."
"I need you too, Troy. I'm your girl—"
"Dito talaga kayo magtatalo?" Inis kong tanong.
Parehas silang napatingin sa'kin, ngunit mas gusto ko ang reaksyon na nakikita ko sa mukha ni Troy. Para bang nahuli ko siyang nambababae, at gusto kong matawa ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
"Are you feeling well? Do you want me to call, nurse Cathy?" Tanong ni Troy pagkalapit. Sinalat niya pa ang noo at leeg ko sa harapan mismo ni Pauline na ngayon ay namumula sa galit.
Kaagad kong iniiwas ang sarili ko kay Troy. Inis ko siyang tiningnan sa mata kaya't napataas siya ng kilay.
"What did I do wrong?" Pabulong niyang tanong.
Para siyang bata ngayon sa harapan ko na nahuli ng magulang at malapit nang pagalitan. Seriously, may ganito pala siyang side. Napailing ako. Paalisin mo na sila, Abigail. They need to leave!
"Troy, come on! Ano ka ba. I need you there, let's go. Sinabihan ko naman na si Samuel and Candy to take care of her, tara na!" Inis na hila ni Pauline kay Troy ngunit mabilis siyang hinarap nito.
"I said you should go alone, Pauline. Kailangan niya nga ako—"
"I don't need you here, Pres." Putol ko sa kaniya na ikinabagsak ng balikat niya. Hindi ko naman pinansin 'yon. "Go on, asikasuhin niyo ang event. I'm already feeling well, thank you for bringing me here a while ago."
"See? She's already feeling well. Now let's go!" Aniya ni Pauline bago nagmartsa palabas. Naiwang nakatingin si Troy sa'kin kaya't mabilis akong tumalikod ng higa at nagtalukbong ng kumot.
Dinig na dinig ko ang mabigat niyang buntong hininga bago muling nagsalita.
"I'll visit you later, may aasikasuhin lang ako. Magpahinga ka pa, you need it." Aniya at narinig ko na lang ang yabag niya papalayo.
Napairap ako sa kawalan. "Kahit h'wag ka nang bumalik dito, mas sumasakit ang ulo ko sa mga pinaggagawa mo, Monreal. You're confusing the hell out of me."
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top