she

(unedited)


Kabanata 37

she



I didn't know his reason. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang piliin si Yumirah but I trust him now. And I will continue to believe him.

Why?

Because I love him. And I think that's enough reason to fight for him.

Kung dati hindi ko iyon magawa dahil sa takot, sa sitwasyon namin at sa mga iisipin ng mga mahal namin sa buhay, ngayon ay handa na ako. This is the perfect time for me to fight for him. I shouldn't doubt him anymore. I shouldn't doubt his love for me anymore.

Ang daming nangyari--- sigawan, pagtatalo, pagsusumbatan. But in the end, if you really love that someone, you can both conquer it all. Everything.

"Are you really okay, Ja?" nag-aalalang utas sa akin ni Crystal ng nagla-lunch kami sa McDo malapit sa firm na pinapasukan namin. Mula nang mawalang parang bula si Red ay hindi na magkamayaw ang dalawa kong pinsan, maging ang aking mga kaibigan, sa aking tunay na nararamdaman.

"It's been a week since he left..." ani Frai.

Umismid ako at kumain ng fries. "How many times do I need to tell you that I am perfectly alright?" utas ko sa kanila.

Nagkatinginan na lang silang dalawa. "It's too good to be true. I mean, you didn't even shed a tear when we learned he was gone!" utas ni Crystal.

Totoo iyon. Nang paggising ko kinabukasan pagkatapos naming mag-usap ay wala na siya. Ako lang mag-isa ang umuwi sa Manila, well, hinatid ako ni Niccolo at Kasey, pero since kasama kong pumunta roon si Red ay big deal sa kanila na mag-isa akong umuwi pabalik.

Maging ang mga kaibigan ko ay gulat sa nangyari. Hindi nila namalayang wala na si Red...

"He told me to look after you till you get to Manila. He also told me to inform him if men would try to hit you up in Manila..." utas ni Niccolo ng makababa ako ng kanyang sasakyan.

Nginitian niya ako at marahang tinapik ang aking ulo.

"Babalik siya, Jakirah. Kaya huwag kang mag-alala," magaan ang tinig na utas niya bago nagpaalam.

Iyon ang pinanghawakan ko kahit papaano. I know he will come back...I just don't know when though.

Nginitian ko lang ang dalawa kong pinsan. Hindi nila alam na halos maubos na ang aking luha sa sobrang pag-iyak ko noong kinagabihan.

I missed him. I missed him so much.

"Happy birthday, Red..." taimtim ang tinig na utas ko habang nakatingin sa malawak at madilim na kalangitan. Saktong alas-dose na ng madaling araw. Birthday na niya.

Tinignan ko ang maliit kong regalo sa kanya. Isang black necktie. Matagal ko ng pangarap na ayusin para sa kanya ang kanyang necktie...like I am his wife...

Napangiti ako at tinignan ang magandang buwan sa kalangitan. I wonder where he is right now? What is he doing?

He's probably with Yumirah right now.

Naghatid iyon ng kirot ngunit agad kong pinalis. Today is his birthday...I should be happy.

Tinignan ko ang kabuuan ng kanyang kwarto. Lahat ng gamit niya ay nandoon pa rin. Mula sa damit hanggang sa kanyang laptop.

Kinuha ko ang kanyang laptop at nagsulat ng mensahe. I think this is what I should do right now while he is away...it will help me to grasp him more in my senses. In my world.

Dear Red,

Happy birthday! You've been gone for quite a while now. I missed you so bad. I wonder where you are? I wonder if you are still thinking of me? I wonder what you are doing right now? If you're happy? Or sad? I wonder if...

Tinapos ko ang pagtipa sa kanyang laptop, binuhos lahat ng aking naiisip, damdamin sa pagsusulat para sa kanya.

Nang matapos ay unti-unti akong humiga sa kama niya at niyakap ang kanyang malambot na unan. Amoy na amoy ko pa rin ang kanyang bango. I am so happy living in his condo...because it makes me feel like he is always with me. I feel like he wasn't at all...


*


Paulit-ulit kong binasa ang  heading mula sa newspaper na binili ko na malapit lang sa pinagtatrabahuhan naming firm. Nakalagay na kaagad sa balita ang pagkilala kay Red bilang isang Valiente. Walang nailabas na kahit anong picture. Tanging balita lang talaga. I think the Valiente family doesn't want any issue. Gusto nilang pangalagaan ang kanilang pangalan lalo na sa business world.


"Jakirah!" Napatigil ako sa pag-inom sa aking iced coffee ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng pamilyar na tinig na iyon. Napalingon ako sa gwapong mukha ni kuya Ryzen!


Namilog ang aking mata sa sobrang gulat na makita siya roon. Anong ginagawa niya rito?


"Come with me, Ja..." aniya sa akin at hinila ako patayo. Naguguluhan ko siyang tinignan at pinatigil muna.


"Why? What's happening?"naguguluhang utas ko.


"Just trust me," seryoso at puno ng sensiridad na utas niya sa akin. Halos mawala ako sa kanyang itim na mata na tutok na tutok sa akin. Mukhang seryoso iyon dahil nakikita ko iyon sa buong mukha niya.


"O-okay.." ani ko at sumunod na sa kanya na makalabas sa cafe na pinagtambayan ko ngayong lunch break. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako.


Hindi ko alam kung bakit sobrang seryoso ni Ryzen. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Mag two weeks kaming walang komunikasyon. Wala akong balita, maging sina Frai at Crystal, kung nasaan siya sa loob ng two weeks na yun. Kaya nagulat talaga  ako nang makita siya ngayon. At ganito siya kaseryoso. Kung ano man ang bagay o lugar na pupuntahan namin, tiyak na mahalaga sa kanya.


I can see it from his eyes. 


Agad niya akong pinasakay sa kanyang sasakyan. Umikot siya sa kabila upang makasakay na sa may driver's seat at pinaharurot ang kanyang sasakyan.  Habang iniisip kung paano siya tatanungin kung ano ang talaganng nangyayari ay naisipan ko munang mag text kina  Frai at Crystal maging kay Chaser sa biglaan kong pag-alis. Alam kong sobrang unprofessional at unappropriate ng ginawa ko...pero mukhang sobrang importante nito para kay Ryzen.


Tinubuan ng stubble si  Ryzen sa kanyang baba at halatang kulang siya ng tulog. Magulo ang kanyang medyo mahabang buhok at gusot ang suot na plain blue shirt at simpleng denim pants lang ang kanyang tinerno roon. 


He looks unwell...


"Where have you been,  Ry? You were gone for two weeks?" ani ko sa kanya nang matapos na akong makapag sorry at makapagpaalam sa tatlo.


Hindi siya nag-abalang lingunin ako at bumuntong-hininga lang na tila pagod na pagod. "I just needed to attend to someone who I dearly love..." malalim ang tinig na utas niya, nakatuon ang seryosong mga mata sa daan. Mahigpit din ang kanyang pagkakahawak sa manibela.


"I'm sorry, Ja. I know this is all too sudden..." tila naiinis siya sa kanyang sarili at pinasadahan pa ang kanyang medyo mahabang buhok at saka ako sinulyapan.


"It's okay. I understand, Ry..." ani ko na lang sa kanya at tipid siyang nginitian.


"I told dad that I will take care of you once I had my vacation here in the Philippines but I ended up taking care of someone else..." mahina ang tinig na utas niya ngunit nakaabot sa aking tainga.


"I am truly sorry," hinging-paumanhin niyang muli at bumungtong-hininga.


I wonder who is he talking about? That someone else he ended up taking care of?


So, the reason why he's so busy is about a person...I wonder who that is? He said he loves that someone so dearly...maybe a girl?

"It's totally alright, Ryzen, don't worry," magaan ang tinig na utas ko para naman huwag na siyang humingi pa ulit ng paumanhin.


Natahimik kami mula noon. Npagpasyahan kong wag na siyang tanungin kung saan man kami pupunta. Hintayin ko na lang na makarating kami. Ganoon din naman.


Mabilis lang ang biyahe dahil na rin sa mabilis ang pagpapatakbo ni  Ryzen. Agad akong tumingin sa labas ng bigla iyong tumigil. Napakunot ang aking noo ng makita ang isang kilalang hospital sa harapan namin.


Gusto ko sanang magtanong ngunit agad ng bumaba si Ry. Wala akong nagawa kundi sumunod na rin sa kanya.


Tumingala ako sa matayog na ospital sa harap namin. Why are we here? In a hospital?

"Let's go..." utas niya sa akin kaya napatigil ako sa pagmamasid. Tumango ako at agad sumunod sa kanya. Malalaki ang kanyang hakbang kaya't medyo hinihingal ako sa pagsabay sa kanya.


Busy ang loob ng ospital. Marami akong nakitang pasyente roon na may malulungkot na mga mata. Kapag nasasalubong ko ang tingin nila ay agad akong nag-iiwas ng tingin, hindi ko matagalan.


Sumakay kami ng elevator. Ang jam-packed ng loob kaya't hirap sa paggalaw. Pinindot ni Ry ang 8th floor.


Sino ang naospital?


Bumibilis ang kabog ng aking dibdib habang patagal nang patagal. Damn, why am I so freaking nervous?


"R-Ryzen..." ani ko sa kanya upang magtanong ngunit pilit lang niya akong nginitan.


"Just hang on, Ja.." marahan ang tinig na utas niya at huminga nang malalim. Wala akong nagawa kundi huminga na lang din nang malalim. Pilit kinalma ang sarili.


Nang makarating na kami sa pang-walong palapag ay natahimik kami pareho. Nakakabibinging-katahimikan. Walang tao sa kabuuang hallway.


Sinundan ko si Ryzen ng maglakad na siya. Bakit natatakot ako? 


Nang tumigil kami sa isang pinto roon na may nakasulat na 811 ay tinignan ko si Ryzen.


Nginitian niya lang akong muli at dahan-dahan nang binuksan ang pinto. Narinig ko ang maingay na pagbukas ng pinto na lalong kinabilis ng aking puso. Malamig doon ngunit pinagpapawisan ako.


Nang tuluyan na naming mabungaran ang loob ay natigagal ako. Halos natulos ako sa aking kinauupuan ng makita ang nasa loob. Hindi ko man lang napansin na pinipigilan ko na pala ang aking paghinga.


Nakita kong naagaw namin ang atensyon nila. Napaawang ang aking bibig habang siya ay namilog ang mga mata nang makita ako.


"J-Jakirah!" gulat na utas ni Red nang makita ako, napatayo siya bigla sa kinauupuan sa sobrang gulat.


"Ryzen! What is the meaning of this?" naguguluhang utas ni Red at marahas na nilingon ang katabi kong si Ryzen.


"Calm down, Red..." Nalipat ang tingin ko sa babaeng nakahiga sa hospital bed. Mas lalo siyang pumayat at namutla. Halos hindi ko siya nakilala dahil wala na ang kanyang mahaba at magandang buhok...


Nangilid ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan si Yumirah. Dahan-dahan siyang ngumiti sa akin at nakita kong umabot iyon sa kanyang pagod na mga mata.


"I wanted to talk to her...that's why I plead to Ryzen...to bring his sister here," mahina ang tinig na utas niya. Tila iyon babasagin...tila kahit anong oras ay maaaring mabasag na lang...


Pumatak ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan siya. 


"But, Yumi..." tila pagod na utas ni Red at nilingon ang dalaga sa may kama.


Nakita kong hinaplos nang marahan at masuyo ni Yumirah ang kamay ni Red at tinignan siya na tila pinaiintindi kay  Red na iyon ang gusto niya.


"Ryzen, Red...lumabas muna kayo, please," utas muli ng dalaga, this time, ay nginitian si Red.


Mukhang ayaw pa ni Red iyon ngunit nang muling ulitin ni Yumi ang kanyang kagustuhan ay nagpakawala na lang siya ng sumusukong buntong-hininga.


Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Kung hindi pa ako hinila papasok ni Ryzen ay di pa ako tuluyang makakapasok doon. Hindi ko malingon si Red at hindi niya rin ako matignan. Hanggang sa tuluyan silang makalabas ay walang lumingon sa aming dalawa.


"Kamusta, Jaki?" pinilit siglahan ni Yumirah ang tinig ngunit di nakatakas sa akin ang lungkot sa kanyang ngiti...


My heart is feeling so cold. so deserted as I am looking at her.


she is the reason why Ry and Red had been acting strange these past months...it is because they have been here for months...taking care of her...


Oh my God...


I can't even speak...


Nang maramdaman niyang wala akong balak magsalita ay muli na lang siyang nagsalita.


"I am sorry for taking Ryzen and Red away from you..." mahina ang tinig na utas niya at pilit ngumiti.


"I told them...that I won't last long...so they shouldn't bother to take care of me anymore," utas niya at pinalis ang luhang pumatak sa kanyang pisngi.


"I hate seeing them horrible because of me...but they are just too hardheaded..." utas niya at pilit na tumawa kahit na wala namang nakakatawa.


Pumatak ang luha sa aking mga mata habang pinakikinggan siya. Pilit nyang pinatitigas ang kanyang tinig ngunit di niya magawa.


"Okay lang naman siguro sa 'yo? Na hiniram ko sila saglit? Lalo na ang mahal na mahal mong si Red..." 


"Maybe I sound so selfish...but it doesn't matter to me anymore. I wanted to be happy in a short span of time...with him..."


"You know I love him so much, Jaki, right?" dagdag niya pa, masuyo ang tinig.


Damn. My heart is breaking into tiny, little pieces...


That is why Red decided to let go of me. That's why he chose her...because she's sick. Damn, she's fucking sick! And I even begged him to stay with me? I am too cruel....I am so horrible!







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top