Chapter Twenty
Back again.
Jestoni Ambrocio
"BAKIT BA kasi hindi mo na lang i–text? Open naman iyong DM niya sa IG?"
"H'wag mo nang pilitin, baka naman mamaya, hindi rin siya sagutin ni Annabeth. Naku! Baka may ibang boyfriend na si Annabeth sa states!"
Alam kong iniinis lang naman ako nina Anne at ni Andres. It's a Friday night and we're all having a good time. Well, they are having a good time in this Korean Chicken place. Paborito ni Anne sa lugar na iyon kaya palagi kaming nagpupunta roon. Si Adi ay pailing–iling habang tumatawa. Wala naman siyang sinasabi, kain lang siya nang kain ng manok habang si Anne naman ang tumitira ng tagay ni Adriano.
"Pero maghihintay ka pa ba?"
"Pwede ba, tigilan ninyo na akong dalawa!" inis na wika ko. "Ano naman kung magkasama si Annabeth at si Percy? May anak na si Percy at may asawa na siya. Hindi niya papatulan si Annabeth—"
"Pero minahal ni Annabeth si Perseus. Ikaw, sabi niya gusto ka lang niya. Magkaiba pa rin iyon, buddy!" giit ni Andres. Tiningnan ko siya.
"Kung mahal mo ang buhay mo, ititikom mo ang bibig mo kasi baka hindi kita matantya may masabi akong pagsisisihan mo habambuhay." Nagtitigan kami ni Andres, sa huli ay uminom na lang siya ng alak at itinikom nga ang bibig.
"Hoy, ano iyon? May sikreto kayong dalawa na hindi ko alam? Ano iyan?" Nagsimula si Adi na kulitin kami. Tiningnan ko nang masama si Andres. He looked uneasy. Siya man ang nagsimula, ako naman ang tatapos.
"Wala. Nag–i–imagine lang si Jestoni. Uminom ka nang uminom. Dalian mo!" sabi pa ni Andres kay Adi. Tahimik na siya ngayon. Wala na siyang masabi, tawang–tawa ako sa reaksyon ng kaibigan ko. I sighed. Mabuti na lang at natahimik na siya ngayon, makakapag–isip na ako nang matiwasay.
I really wanted to send Annabeth a message pero ang palagi kong iniisip ay kung mag–re–reply ba siya sa akin? Ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Baka kasi hindi ko mapigilan na itanong kung maghihintay pa ba ako, o kung may iba na siya?
Alam ko namang wala silang relasyon ni Perseus. I am so sure that they only talked to each other. Siguro ay sa wakas, naibigay na nila sa isa't isa ang closure na kailagan nila. But I couldn't help to feel like this. Hindi ko na kasi alam kung ano ang stand ng relasyon naming dalawa. Tama rin naman sina Anne na hindi ko mapapanghahawakan ang halikang naganap sa aming dalawa.
Jusko, sino ba naman ako para panghawakan iyon. Maaaring nagbago na ang isipan ni Annabeth. Baka mamaya hindi na pala niya ako gusto at kung gano'n nga iyon, ang sakit–sakit naman sa parte ko. Kasi sa puntong ito, alam kong mahal ko siya at gusto ko ng chance na makasama siya, pero kung ganito na parang wala naman na kaming koneksyon sa isa't isa, maghihintay pa nga ba ako?
Nagkaayaan na kaming mag–uwian matapos ang tatlong rounds ng beer. Lasing na lasing na si Anne kaya rin naisip na ni Adi na umuwi. Halos hindi na nga makagulapay si Anne. Si Andres ay sinundo ng kapatid niyang si Jose Alberto, ako naman ay umuwing mag–isa. Hindi ako gaanong lasing. Nakainom pero maaayos pa akong isipan ko. Gano'n ako, kung kailan marami akong iniisip, saka ako hindi makainom. Iyong iba umiinom para makalimot, ako umiinom pero walang nangyayari.
Nakarating ako sa bahay. Siguro ay tulog na si Ate Medy, tahimik na tahimik na ang bahay. Ilaw na lang sa foyer ang bukas. Inayos ko ang sapatos ko. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Napabuntonghininga na naman ako.
"Bakit ba kasi ang bagal ko pagdating sa panliligaw? Putang ina ko lang talaga eh!" reklamo ko pa habang isinasara ang ref. Inis na inis ako sa sarili ko.
I really like her. Wala namang problema sa totoo lang. Kung kailangan kong puntahan pa siya sa LA kung nasaan man siya ngayon, pupuntahan ko siya para lang masabi ko sa kanya na miss ko na siya. Naghihintay ako at hinding–hindi ko siya iiwan. She just needs to give me a chance!
"Paano kaya kung iyon ang sabihin ko sa kanya sa chat?" Nakalabing tanong ko sa aking sarili. Lalo akong nainis sa sarili ko. Wala naman akong magagawa, kahit magsalita pa ako rito ay wala naman sasagot sa akin.
Lulugo–lugong umakyat na lang ako sa aking silid para makapagpahinga. I took a quick shower, and then I changed to my comfortable pajamas and positioned myself on my bed. Nagbitiw pa ako nang isang malalim na buntonghininga bago ko ipikit ang mga mata ko.
Sana bukas malakas na ang loob kong mag–send ng message kay Annabeth. Bakit ba kasi naduduwag ako? Malinaw naman niyang sinabing gusto nga niya ako! Bwisit talaga ako eh!
My eyes were closed, nagpapaantok na ako. Ang iniisip ko ay si Annabeth pa rin. Siguro mas lalo siyang gumanda ngayon. Malamig sa Amerika, naiisip kong namumula ang mga pisngi niya ngayon, siguradong nag–lighten din ang kanyang balat, may pagkamorena kasi si Annabeth. Napansin ko rin sa post niya na iyon na humaba na ang kanyang buhok. Napakaganda niya sa balintataw ko.
Bahagyang napakunot ang noo ko nang maramdaman kong lumundo ang kama. Anong meron? May tumabi ba sa akin o baka naman namamalikmata lang ako? Paano ako mamamalikmata? Nakapikit nga ako? Baka imagination ko lang iyon.
But then my eyes opened so suddenly when I felt a certain head rested on my chest.
"What the fuck?!" Napabalikwas ako ng bangon. Uso rin ang sexual harassment sa lalaki at hindi ko gusto itong nangyayari!
"Hi, Sir Toni!"
Oh... Did I say na hindi ko gusto ang nangyayari?
"I'm back and I missed you..."
I blinked a few times to make sure that I am not dreaming, that this is really Annabeth in front of me in the flesh.
"Annabeth..."
"I arrived this afternoon. Nagpakita muna ako sa pamilya ko, umuwi muna ako ng Tondo kasi miss na miss ko na rin sina Ate Ria, and then, I really wanted to message you, but I felt like it was better to surprise you here, and I was right." She giggled like a little girl who got her favorite toy.
It's really her. She's here, in the flesh and she's smiling—the kind of smile that I had never seen before in her beautiful face. Mas lalo siyang gumanda. Kumikinang ang mga mata niya dahil sa kasiyahan niya.
"I missed you, Sir Toni," wika pa ni Annabeth. "I... I really am thinking if I could say this but... uhm, can we skip the ligawan part? Gusto ko nang maging boyfriend ka, that is if you'll have me..." Her voice is getting softer by the minute. Namumula ang mga pisngi niya. Nahihiya siguro siya pero wala naman siyang dapat ikahiya.
"Annabeth..." muling anas ko, pero sa pagkakataong iyon ay niyakap ko siya nang mahigpit. Pinugpog ko ng halik ang kanyang balikat. I am happy she's here. My heart is jumping with joy. Hindi ko na kailangan pahirapan ang sarili ko. Nandito na si Annabeth at gusto niya akong maging boyfriend.
I slowly pushed her away.
"Do you love me? Because I do love you. I am already thinking of flying to wherever you are because I missed you so much! Hindi biro ang sampung buwan, Annabeth. I love you so much, Annabeth! Please, h'wag mo na akong iiwanan ulit." Muli ko na naman siyang niyakap.
"I'm here for good. I love you too, Sir Toni. Let's be together now?"
I looked at her. Parang ako pa iyong sasagot sa kanya. Ngiting–ngiti ako.
"Of course! Let's be together forever, Annabeth! Aalagaan kita habambuhay!"
We both giggled, but I had to stop because she gave me a peck on my lips. Natulala ako sa kanya. She was biting her lower lip, this time, my mind was made up, I am going to kiss her and when I did, I felt like melting. Every touch of our lips only made me feel complete. This is magical. Hindi pa nga ako makapaniwala. Kung panaginip ito, sana hindi na ako magising.
Nang pareho kaming kapusin ng hininga ay saka lang kami naglayo. Hindi siya makatingin sa akin, pero hinawakan ko siya sa pisngi.
"Thank you, Annabeth... for coming back."
She smiled at me. "You waited. I love you, Toni."
"And I love you too, Annabeth."
Tonight, I am certain that I will never be alone because Annabeth is here, she has come home, and my heart is full.
Oh! I love her so much.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top