Chapter Nineteen

All is well.

Jestoni Ambrocio

DINALA SA ospital si Annabeth matapos siya ma–rescue nang araw na iyon. Andres was the one who called her family. Malaki ang pasasalamat ko kay Dantes at sa iba ko pang mga kasamahan dahil sa tulong na ginawa nila para makuha namin si Annabeth sa bahay na iyon.

Nahuli rin si Mr. Sanchez kasama ang mga tauhan niya at si Jeric Ravalo. Finally, maaari nang buksan muli ang kaso ni Joyce, maibibigay na sa kanya ang hustisyang hindi niya nakamit noon. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Ang kasong halos ibaon ko na sa limot, heto na, mabubuksan nang muli at sisiguruhin kong makukulong ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay ng nakababata kong kapatid.

I called my father that day and I told him what happened. I could hear him crying on then other line. My heart broke just hearing my father's whimper. Kahit na nasaktan at galit ako ay hindi ko rin natiis na hindi siya aluin. He's still my father, may mga desisyon man siyang hindi ko maintindihan ay hindi mababago noon na anak niya ako at tatay ko siya. Sinabi niya na luluwas sila ni Mama sa lalong madaling panahon, ang sabi ko lang naman ay maghihintay ako.

Dahil sa ginawa kong panghihimasok sa kasong hindi naman para sa akin, ay nakatanggap ako nang isang buwang suspension, tinanggap ko iyon. Alam ko namang mali ako at may punto rin naman si General. I know the rules and I chose to break it. Masyado kong pinairal ang damdamin at emosyon ko. Pero okay lang ako. Ang mahalaga, mula sa araw na ito, tapos na ang bangungot sa buhay ni Annabeth at sa buhay ko.

"Hindi ka pa ba papasok?" Nagulat ako nang makita kong nandoon si Clarita, ang pinsan ni Annabeth. Pagkagaling ko ng opisina ay nagtungo ako rito sa ospital. I haven't seen Annabeth in two days. I wanted to know how she is now. "Sige na, wala nang kasama si Annabeth. Pwede mo na siyang kausapin."

Nagpasalamat ako kay Clarita at kusa na akong pumasok sa loob ng silid ni Annabeth. I was smiling at her. May dala akong fruit basket. Sana lang ay magustuhan niya ang dala ko. I found her sitting up on the hospital bed.

According to the doctors, wala naman major injuries si Annabeth, but her family insisted that she stays here for a certain period of time para naman masiguro nilang okay talaga siya.

"Hi," binati ko siya. Inilapag ko sa mesa ang dala ko. Annabeth smiled at me. Tama nga si Andres, mukhang anghel si Annabeth. Ang ganda–ganda niya kahit na walang kaaayos–ayos. She was only wearing the hospital gown, but she's looks extraordinary.

"Nandito ka na." Nagliwanag ang mukha niya. I came to her and kissed the top of her head. Napapikit pa nga si Annabeth. She looked at me dearly. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay iyon sa pisngi niya.

"Hinihintay mo ba ako?" I asked her.

"Mmm... I wanted to talk to you."

Agad akong naupo sa visitor's chair na malapit sa kama niya. Magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa. She looked nervous but I feel that whatever she wants to tell me, mahalaga iyon kaya nararapat akong makinig. She smiled at me.

"I've been thinking about it..." panimula niya. Ngumiti na naman siya sa akin. Halatang–halatang kinakabahan siya. Lalong humihipit ang hawak niya sa kamay ko. "And I realized how much I like you, Toni."

Namula ang mukha ko, hindi lang mukha, kundi pati ang tainga at leeg ko. Nanlalaki pa nga ang mga mata ko. Annabeth giggled.

"You looked so surprised but it's true, I like you, Jestoni. You're like the flicker of light in the middle of the dark tunnel that I am in. I like you so much..."

"I like you too, Annabeth." So, we both like each other, ano na kaming dalawa ngayon? Napalunok ako.

Ngumiti na naman si Annabeth.

"But for me to be ready for another step in this... I need to like myself first."

Natahimik ako. Anong ibig iparating ni Annabeth? Is she trying to tell me what I think it is?

"Annabeth?"

"Will you wait for me?" tanong niya sa akin. "Napagdesisyunan kong umalis muna. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta pero kailangan kong umalis muna, Toni. Kailangan ko ulit mahanap iyong sarili kong nawawala dahil sa dami ng iniisip ko at sa nangyari sa akin. I need to breathe too. Gusto kita, pero alam ko ring kailangan kong unahin muna ang sarili ko para pagbalik ko handa akong ibigay ang lahat sa 'yo. Kasi gusto kita, and I want to this with you... It's just that I need some fixing and the only person that can do that is me. Can you wait for me? I promise that I'll come back..."

"Yes, Annabeth. I'll wait."

She smiled at me. I need to go so I leaned in to kiss her cheeks, pero siya na mismo ang pumigil sa akin. Ang buong akala ko ay ayaw niya pero inayos niya lang ang anggulo naming dalawa para pagtagpuin ang mga labi naming dalawa.

It was our first kiss, and it feels divine. Annabeth's lips were soft, and it tasted so sweet. She ended the kiss, pareho kaming namumula, but when our eyes met again, muli ring nagtagpo ang mga labi naming dalawa.

I will wait for her no matter how long. Sa ngayon, buong–buo sa isipan ko na si Annabeth ang gusto kong makasama sa habang panahon...

ღღღ

THE DAY of our first kiss was the last day that I saw her. Ngayon ay halos sampung buwan nang wala si Annabeth. Wala kaming komunikasyon. Hindi ko alam kung nasaan siya. Sa Instagram niya lang ako nakikibalita tungkol sa kanya.

She posts some random pictures of the places she'd been, the food she eats, and some of the people she met. Nakakatuwa na makitang nagagawa na naman ni Annabeth na mamuhay nang walang nararamdamang takot sa puso niya.

Tungkol sa kaso ni Mr. Sanchez at ng kapatid niyang si Jeric Ravalo, all is well that ends well. Nanalo sa kaso ang pamilya ni Annabeth, nakulong si Mr. Sanchez sa kasong kidnaping, rape, at attempted murder. Matagal–tagal ang sintensya niya, mukhang doon na nga rin siya sa loob dadatnan ng takipsilim ng kanyang buhay.

Nabuksan muli ang kaso ni Joyce at sa pagkakataong ito, handa si Papa na sabihin ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa kaso ng kapatid ko. Si Jeric Ravalo ang kumuha kay Joyce at siya rin ang pumatay sa kapatid ko, pati si General Miranda ay nasibak sa puwesto at ngayon kinahaharap nila ang kasong isinampa ng buong pamilya ko. Sa lahat ng ito ay kasama ko sina Andres at Adi, malaki ang pasasalamat ko dahil hindi nila ako iniwanan sa mga oras na kailangan ko ng kaibigan.

They were present in every court hearing that my family attended to. Mahaba ang proseso nang pagdinig sa kaso ni Joyce dahil na rin sa dami ng malalaking taong involve pero kahit gaano kahaba, isa lang naman ang naging ending nito—katarungan.

Nagkaayos kami ni Papa at Mama. They kept on apologizing for what they did pero sa puso ko napatawad ko na sila. Hindi ko man naintindihan noong una kung bakit pinili nilang manahimik, ngayon ay kuhang–kuha ko na ang dahilan. Losing someone is never easy. They had lost Joyce that day and if they lose me too, there's a possibility that they will be in so much pain.

Mas naging malapit kaming tatlo nina Mama at Papa sa isa't isa. Natuto kaming h'wag nang maglihim dahil sa pangyayaring ito and for me that is a good thing.

All is well. Everything is in place again. Isang bagay na lang ang kailangan kong bumalik at si Annabeth iyon. Pero maghihintay pa rin ako sa kanya.

"Toni, tara kain tayo!" yakag ni Andres sa akin nang tanghaling iyon. Nakabalik na rin ako sa trabaho, nanghingi ako ng dispensa kay General nang muli akong makabalik. Binilinan na lang ako h'wag na raw akong magtitigas ng ulo.

Iniligpit ko ang mga reports na kanina ko pa hinaharap. Tanghali na rin at nakaramdam naman na ako ng gutom. Sumama ako kay Andres sa cafeteria. Nandoon na pala si Adi at kasama niya si Annie.

"Nandito ka na naman? Opisina ito hindi dating place, ha, Annie." Pang-aasar ni Andres sa dalawa. Balik na talaga kami sa normal. Nangyayamot na naman si Andres. Ako naman ay nakikitawa–tawa na lang sa kanila.

"Bwisit ka pa rin, Andres," sabi ni Anne sabay baling sa akin. "Musta ka na, lover boy, naghihintay ka pa rin ba kay Annabeth pokpok?"

"Anne, kaibigan na rin naman kita, pero please h'wag mong tawaging pokpok si Annabeth. Oo, naging trabaho niya iyon noon, but she changed."

"Sorry, nasanay lang. Iyon kasi ang tawag namin sa kanya ni Avery. Sorry na." Apologetic naman siya kaya tumango na lang ako.

"At oo, naghihintay ako, she won't ask me to wait for her if she has no plans of ever coming back, saka naghalikan na kami, wala nang bawiian!" Bahagyang tumaas ang tinig ko. Kinantyawan naman nila akong tatlo. Hindi ko na lang sila pinansin. Inilabas ko ang phone ko para i–check ang Instagram ni Annabeth. Baka kasi may bago siyang post. Ilang beses na akong natukso na mag–send ng message sa kanya. Mangungumusta lang pero tuwing naiisip ko na mababasa niya, bigla akong nakakaramdam ng hiya. Baka kasi hindi siya mag–reply. Baka hindi siya handang kausapin ako, kaya bumabalik na lang ako sa muling paghihintay sa kanya.

Patawa–tawa pa ako sa mga jokes ni Andres habang hinihintay kong mag–load ang mga larawan sa IG ni Annabeth, nawala ang kasiyahang nararamdaman ko nang makita ko ang new post sa feed niya. I should be happy, because she finally posted a picture of herself, masaya nga sana talaga kung siya lang mag–isa pero sa picture na iyon ay kasama ni Annabeth si Perseus Vejar.

Magkatabi silang dalawa sa larawan. Perseus' arm was around Annabeth's shoulder, they were both looking at the camera, they were smiling, and I couldn't help but feel... jealous.

"Bakit... bakit para kang nasaksak, Toni?" Hindi ko alam kung sino sa mga kasama ko ang nagsalita pero mukha talaga akong sinaksak kasi ang sakit–sakit ng kalooban ko ngayon. May humablot ng phone ko, hindi na ako nag–react. May narinig akong napasinhap.

"Shit! Si Kuya Perce at si Annabeth pokpok!"

"Anne!" pagbawal ni Adriano sa kanya.

"Nasa LA si Kuya Perce ngayon eh, so nasa LA rin si Annabeth. I wonder kung alam ni Ate Samsam ang bagay na ito. Wait, chat ko siya!"

"Buddy, alam mo naman siguro na sinabi ni Annabeth na ikaw ang gusto niya, 'di ba? Na maghintay ka raw kasi babalik siya sa 'yo. Panghawakan mo iyon. Malay mo nagkita lang sila r'yan nang 'di sinasad'ya. Saka alam mo namang may asawa na si Perseus, si Sam iyong kinakapatid ni Annie."

"Alam ko..."

Alam ko pero buong maghapon na akong wala sa mood. Bakit kasi hindi ako tinatawagan ni Annabeth? Bakit ganoon? Sabi niya maghintay ako, para saan ako maghihintay? Pero naghalikan naman na kami! Panghahawakan ko talaga iyon!

ღღღ

Maria Annabeth Sihurano

LOS ANGELES is beautiful. I've been staying here for ten months now, nawiwili ako at wala pa akong balak bumalik ng Pilipinas. Hindi dahil sa hindi pa ako handa, pero nag–e–enjoy pa ako. Babalik naman ako, that's for sure, may babalikan ako, pero hindi pa sa ngayon. I just hope he waits for me, because I am doing everything to close all the books in my past to focus on my present, and in our future—that is if he'd still have me.

"This place is ughh, Annabeth, bakit dito mo gustong makipagkita sa akin."

Hindi na ako nagulat nang maupo bigla si Tia sa loob ng booth kung nasaan ako. I asked her to meet in The Cheesecake Factory, it's one of my favorite restaurants here in LA. Nagkataong nandito si Tia dahil may pinuntahan daw na isang business meeting ang asawa niya. So I asked her to come to meet me.

Tia and are, in my point of view, are friends. Kung para sa kanya, isa pa rin akong Annabeth Pokpok, walang kaso, kahit noon madalas niyang iparamdam sa akin na parang hindi na aangat ang katayuan ko sa buhay. Noong nalaman naman niyang ginawa ko ang lahat to be better, she was the first one to contact me and congratulated me for finally having a diploma.

"There are other restaurants here, but you chose to meet in this ughh place." She even rolled her eyes. Tia is really pretty. She looked happy, but sometimes, I want to ask her if she is contented. Magkaiba kasi iyong happy sa contented. Gusto kong tanungin kung kahit ba kailan hindi niya pinagsisihan ang naging choice niya sa buhay... but that's another story.

"What do you wanna say?" she asked me. "Make it fast because I only left Gideon sa nanny, baka hanapin niya ako when he wakes up." Did I mention that Tia has an eight–year–old adorable little boy? His name is Gideon and based on the videos and pictures that Tia sends me every other day, he is beautiful.

"I just want to see you, Tia. Ang tagal nating hindi nag–uusap. Also, I want to say thank you."

"For what?" Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.

"You're one of the people that pushed me to be better."

"Oh..." Mukhang hindi niya alam ang sasabihin niya sa ngayon. She looked outside the restaurant. She seemed uncomfortable but it seemed like she was touched by what I told her.

"I didn't... I mean that wasn't my intention... I only wanted the best for my brother then..." Pahina nang pahina ang boses niya. "And I told myself that if I couldn't make him leave you, it's better for you to fit in his world..."

"Anuman ang dahilan mo, Tia, nakatulong iyon sa akin. Thank you, hindi lang dahil doon, thank you rin sa friendship."

Sa pagkakataong iyon ay tumaas ang kilay ni Tia.

"Ikaw? Friend ko? Puh–lease, Annabeth!" Tumawa lang ako. I know her better than what other people think of her. Tia is like an egg, hard outside but soft and mushy inside. Marami na rin siyang sakit na pinagdaanan sa buhay. I get her, and I don't hate her for the words she uses sometimes Madalas ay nakikita niya rin ang mga kamalian niya. She never apologizes but she does things out of her way to make me feel better, pero kunwari hindi ko iyon alam.

"Kumain na lang tayo," sabi niya habang iniikot ang mga mata niya.

"Akala ko ba ayaw mo rito?"

"Just order! Grabe! I'll use the bathroom lang." Naiwan ako sa table namin habang tinitingnan ang menu. Tahimik na tahimik ako but then I was suddenly startled when another person came to my booth and to my surprise, I saw Perseus Vejar.

OMG! Si Tia, nasa bathroom lang!

"Hi, Annabeth," bati niya sa akin. Hindi ako mapakali. Perseus was all smiles. "I accidentally saw you. Hindi pa nga ako sigurado kung ikaw iyon, nagbakasakali lang ako. How are you, Annabeth? I heard about the news from Anne and Adi. I hope you're doing great now."

"Mabuti naman ako, Perseus. Maraming salamat sa pag–aalala mo. Kasama mo ba ang asawa mo?" Lumingon pa ako dahil baka nasa kabilang table si Samuelle.

"Hindi. I came here to meet an investor. Although mamaya na ang flight ko. I miss my family so I'm going back soon."

"Ah, ganoon ba? Mag–ingat ka." I smiled at him again. Baka kapag napansin niyang wala na akong masabi sa kanya ay umalis na siya. Baka bumalik na si Tia.

"Annabeth, I wanted to talk to you. Matagal ko naman nang gustong makausap ka. Hindi lang ako makahanap ng pagkakataon sa Pilipinas." He sighed. "I wanted to apologize for all the pain I've cause you, lalo na nitong huli..."

I never expected anything from Perseus anymore, lalo na at wala naman na kaming kaugnayan sa isa't isa. So this apology really surprised me. Naluluha ako na hindi ko maintindihan.

"I know I keep on acting like everything between us is already okay, Annabeth, but it's not and we know that. Now I am hoping that after this, we can finally move on from each other's pain. I have found my home; I hope you can find yours too."

And without realizing it, I know that I have found my own home. Kailangan ko lang bumalik ng Pilipinas at uwian ito.

"Thank you, Perseus."

It's a good thing Perseus didn't stay for long. We just took a picture and then he left. Naghintay ako sa pagbabalik ni Tia sa table ko at tulad ng inaasahan, she was shaken. Hinahabol niya ng tingin si Perseus, pero hindi naman niya ito nilapitan. She sat on the chair again and looked at me.

"Is he okay?"

"He is, Tia. Iyong saya na gusto mong makamit ng kapatid mo, he finally has it. Wala ka nang dapat ipag–alala." Tia just nodded. While waiting for out order, Tia looked at me again with her signature stare.

"Ikaw, Annabeth, are you happy?"

"Yes, Tia. I am and I'll be happier once I get home."

Uuwi na ako. Gusto ko nang maging fully healed and happy. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top