CHAPTER 8 ~ Heart ~
CHAPTER 8
SNOW'S POV
"Snow!"
Saglit akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Nakita ko si Kuya Thunder na kasama si Fiere at Kuya Hermes na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. "Bakit?"
"Ano ba 'yang pinapanood mo at mukhang hindi ka mapuknat diyan?" tanong ulit ng kapatid ko.
"Stuff."
"Like?"
"Stuff." ulit ko at umayos ng puwesto para hindi nila makita ang nasa screen ng cellphone ko.
Hindi ko na sana sila papansinin pero sa pagkagulat ko ay biglang pumalahaw ng exaggerated na iyak ang kapatid ko habang umaarte naman ang mga kasama niya na para bang inaalo siya. Sa itsura ni Kuya parang may kalagim lagim siya na natuklasan at ngayon ay kasalukuyang nadudurog ang puso niya.
Bumuntong-hininga ako at ibinaba ko ang cellphone ko bago ko tinanggal ang suot na earphones. Umaatake na naman ang pagiging abnormal ng kapatid ko kung saan kinakailangan siyang pansinin ng lahat. Hindi ko naman iyan pinapansin dati kapag ganiyan ang trip niya dahil halos pareho naman ang ginagawa namin. Si Freezale lang ata ang matino sa aming tatlo.
"Hindi bagay sa'yo Thunder."
Kinuha ko ang orange juice sa harapan ko at uminom roon. Urk. I don't like this. Pilit na inignora ko ang lasa ng iniinom at pinagmasdan ko si Kuya Thunder na ngayon ang atensyon ay na kay Hera na siyang nagsalita kanina.
"Bakit ano bang bagay na gawin ko?" tanong ni Kuya sa kaniya.
Bago pa makasagot ang babae ay naunahan na siya ni Fiere na ngising-ngisi. "Kalabitin mo si Hera- Oops. I mean, kumalabit ka ng gitara at pakikinggan ni Hera."
Sabay na napatingin si Hera at Thunder kay Hermes na ngayon ay nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa. Mabilis pa sa alas kwatro na nagbawi sila ng tingin at nagkaniya-kaniya na ng palusot para makaalis sa mabigat na titig ni Hermes.
"Fiere, mah brother, halika may gagawin tayo." sabi ni Thunder at inakbayan si Fiere bago hinila paalis.
"Hoy! Saan mo dadalin ang kapatid ko? Pagsasamantalahan mo siya no?" sigaw ni Aiere na kanina ay kausap si Chalamity. Patakbong sinundan niya ang mga ito.
"May lakad pa pala kami ni Athena." bulong ni Hera at mabilis na tumalilis na rin ng alis.
Naiwan kami ni Hermes. Nakatingin lang din siya sa akin habang ako naman ay walang kurap na nakatingin din sa kaniya. Pagkaraan ay nauna na akong nagsalita, "Amm...Kuya Hermes? Wala ang sagot sa mukha ko."
"Ha?"
Kinuha ko ang walang grado na salamin na hinubad ko kanina at muli kong sinuot iyon. Itinaas ko pa ang hintuturo ko na para bang isang guro na may tinuturuan. "Karamihan sa mga bagay na tinatanong natin sa sarili natin ay may sagot. Pero minsan tayo ang pumipili na hindi makita ang mga sagot na iyon."
Sunod-sunod na napakurap siya. Ilang sandali lang ay sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Wow. Talo ang killer smile ni Killian.
"Snow?"
"Yep?" tanong ko na nakataas pa rin ang hintuturo.
"May sense ka din pala kausap no?"
Ouch. "Narinig ko lang iyon somewhere. Pinalawak ko lang."
"Saan?"
Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil lumabas ang isang kitchen staff at tinawag siya. Muli akong napabuntong-hininga at ipagpapatuloy ko na sana ang pinapanood ko kanina nang biglang sumulpot sa harapan ko ang taong nasa maliit na listahan ko ng mga taong ayokong makita.
"Saan mo nga ba nakuha ang sinabi mo?"
"Kuya Waine." nakasimangot na bati ko. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko nasa buwan ka na?"
Umupo siya sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay. "Unfortunately wala sa buwan ang taong hinahanap ko."
I pursed my lips. Ang sama ng ugali mo Snow. Alam mo ng may problema iyong tao eh pinaalala mo pa na wala siyang napala sa paghahanap niya. "Bakit ka nga nandito?"
"Naghahanap ako ng stress reliver." simpleng sagot niya at tinanguhan ang isang staff na binaba ang tray sa harapan niya. Hindi man lang nagpaalam kung gusto ko siya kasalo sa lamesa. Typical Kuya Waine.
"Huhulaan ko." sabi ko at muling itinaas ang hintuturo ko. "Ako iyon no? Stress reliever mo ang asarin ako?"
"Ahh. Yes." tinignan niya ang hintuturo ko. "Ano 'yan?" tanong niya bago niya iniangat ang baso niya at uminom doon.
"Dildo."
Mabilis na iniangat ko ang notebook ko na nasa lamesa nang bigla na lang niyang naibuga ang iniinom niya. "Yuck! Kuya Waine naman eh!"
"What the fuck, Snow!"
"Ikaw ang kung ano-ano ang tinuturo sa akin!" Nakangiwing kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ang mga braso ko na natalsikan niya. "Ew!"
Binigyan niya ako ng matalim na tingin at kumuha na rin ng tissue para punasan ang lamesa. "Sagutin mo na lang kaya ng maayos ang tanong ko."
"Marami kang tanong masyado. Daig mo pa si Den at si kuya Hermes." sabi ko na ang tinutukoy ay ang pagiging reporter ni Hermes at ni Den. Si Den ang asawa ni Rushmore na kabanda naman ng kapatid ko.
"Saan mo napulot iyong sinabi mo kanina?" ulit niya na alam ko na ang tinutukoy ay ang sinabi ko kay Kuya Hermes kanina.
"You can see everything. You just won't admit that you desire it." sabi ko at ipinakita ko sa kaniya ang screen ng phone ko. "Tag line sa pinapanood ko. Nirephrase ko lang para kay kuya Hermes."
Nakangangang tinignan ni Waine ang cellphone ko. Daig niya pa ang natuklaw ng ahas sa pagkakatingin niya roon. "What. The. Hell. Is. That?"
"Wow. Hindi ka nahirapan sabihin iyon kuya?"
"SNOW!"
"PORN!"
Agad na napatakip ako sa bibig ko ng marealize ko ang sinigaw ko. Alanganing inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napangiwi ng makita kong nakatingin sa akin ang mga agent. "Corn...? Gusto ko ng corn. Mais. 'Yung kinakain hindi iyong pinapanood- Umm...Yeah."
Ibinalik ko ang tingin ko kay Waine at pinandilatan ko siya ng mga mata. Pinaningkitan niya lang ako bago siya dumukwang at bumulong sa akin. "Bakit na nonood ka niyan?"
Itinaas ko ang hintuturo ko pero ibinaba ko rin iyon nang makita kong tinignan iyon ni Kuya Waine na para bang puputulin niya iyon. Asar naman. Nag fe-feeling teacher pa ko eh. "Una, dahil para wala ka ng maitanong sa akin. Pangalawa, so I can see how ridiculous guys are for watching something like this when it's so fake. At pangatlo dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na walang kwenta ang sex."
"Shh!"
"What?" inosenteng tanong ko. "Ikaw nga itong ang daming pinasearch sa akin."
"Masaya noon dahil wala kang alam."
Pinagtitripan lang talaga ako ng taong 'to. Seriously. Guys are so weird. "Sorry ka na lang kuya Waine dahil kinakabisado ko na lahat ng terminologies sa dictionary niyong mga boys, aka, Pervert's Dictionary."
Pinaikot niya ang mga mata niya. "Bakit mo nga pala gustong patunayan na walang kwenta ang sex?"
"Just a theory. Since I forgot having one with you then it must be something terrible. So walang kwenta. Bakit pa kailangan gawin di ba? It's not even worth a space in my brain." Maliban na lang sa isang pagkakataon na iyon. Ipinilig ko ang ulo ko at nang hindi pa ako nakuntento ay nag head bang ako na para bang makakatulong iyon para mawala ang nagsisimulang pumasok sa utak ko na senaryo. "I can live without sex!"
Kulang na lang ay tadiyakan ko ang sarili ko nang mapalakas na naman ang pagkakasabi ko no'n. Hindi na ako lumingon dahil alam kong nakatingin sa akin ang mga kasamahan namin. "I can live without the number six! I can count without it yah know? One, two, three, four, five, seven!"
"Huh."
Binigyan ko ng nagbabagang tingin si Waine. "What was that huh for?"
He grinned. "It's an I'm-Still-Gonna-Have-Fun huh."
"Huh." I said acidly.
"And what was that for?"
"It's an I'm-Gonna-Get-Out-Of-Here-Because-I-Might-Throttle-You huh mixed with I-Need-To-Go-And-Meet-With-The-First-Person-On-My-List-That-I-Don't-Want-To-See huh."
Simangot na simangot na tumayo ako at iniligpit ang mga gamit ko bago nagdadabog na naglakad na ako paalis.
"Sinong pangalawa sa listahan mo Snow?!" narinig kong pahabol niya na tanong.
"Ikaw!"
"Sinong pangatlo?!"
"Ikaw pa rin!"
NAPATILI ako nang madulas ako dahilan para mahulog ako mula sa tinutungtungan ko na makitid na bakal. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang pamilyar na paghila sa akin ng tali bago ako tuluyang lumagapak sa sahig.
Ilang sandali lang ay may mga kamay na umalalay sa akin at tinulungan ako na makatayo ng ayos. Nagdilat ako ng mga mata at nagtama ang mga mata namin ni Phoenix. I loved his eyes since we were young. It seems different to me now.
"Okay ka lang?" tanong niya at binitiwan na ako na para bang mapapaso siya kapag nagtagal pa siya sa pagkakahawak sa akin.
"I'm fine. Hindi lang talaga ako magaling sa pinapagawa niyo. Hindi ako makakatawid diyan." sabi ko at itinuro ang mataas na bakal kung saan nila ako pinapatawid kanina. Mahirap tumawid doon dahil bukod sa makitid iyon ay paminsan-minsang gumagalaw rin iyon.
"Then tell us what you're good at." Freezale said, entering the conversation. May hawak din siya na tablet pc kung saan nirerecord niya ang ginagawa ko.
"Umm...let's see." I said looking at the ceiling as if I'm thinking. "I'm good at falling and hurting myself."
Napatigil ang kapatid ko sa ginagawa niya at nag-angat siya ng tingin para titigan ako ng mataman. Ilang sandali ay tahimik na ibinalik niya ang atensyon sa kanina niyang ginagawa.
"We can target shoot again." Phoenix' suggested.
Bumuntong-hininga ako. "Ginawa na natin iyan kanina wala din naman tayong napala. Sparring na lang ang hindi natin nagagawa na panigurado ako na hindi ko din magagawa ng maayos."
"Kaya ka nga tayo nag te-training Snow." singit ulit ni Freezale.
"Sinabi ko naman kasi na sa experiment department na lang ako." nagmamakaawang tinignan ko siya. "Please?"
"Ito ang gusto ni Dawn."
"Ayoko nga eh!"
Bumuntong-hininga si Freezale na para bang nauubusan na siya ng pasensiya sa akin. She looked at Phoenix pointedly before she turned her back on us and walked away.
"Let's spar." Phoenix said after awhile. "Pagkatapos magpapahinga na tayo."
"Nag aaksya lang tayo ng oras. Wala din namang mangyayari."
Sandaling pinagmasdan niya ako bago siya muling nagsalita. "Hindi mo pa nasusubukan sumusuko ka na. How can you be sure of the impossibility if you haven't even tried?"
Hindi ko gustong mag-isip ng iba pa sa sinabi niya pero parakiramdam ko ay iba ang tinutukoy niya. Bahagyang ngumiti ang lalaki at mahinang tinapik ang ulo ko na palagi niyang ginagawa kahit noon pa. Pero kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili ko alam ko na hindi na iyon katulad ng dati.
It feels like as if he's just forcing himself to act the same as before with me.
"How about the HBT?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang Hologram Battle Training. "Di ba lagi natin iyong ginagawa dati?"
Gusto kong tumanggi. Gusto kong umalis at lumayo para hindi ko maramdaman lahat ng nararamdaman ko. Pero kahit iyon ay hindi ko magawa.
"Sige."
Naglakad na kami papunta sa training room kung saan nandoon ang HBT. Nang makarating roon ay naabutan namin doon ang isa sa experiment department junior agent na si Yno. He looked at us and gave us a chin lift.
Kumuha na kami ng mga gamit ni Phoenix. Sinuot namin ang vests na para sa larong iyon. Meron din iyon na kasamang gwantes, head gear, arm bands, and ankle bands na kinakailangang suotin para madetect kung saan kami tatamaan ng mga hologram. May wrist watch na may maliit na screen din na ibinigay sa amin si Yno na siyang titignan namin para malaman kung ilang percent na lang ang natitira sa amin bago matanggal sa HBT at bilang ng hologram na natitira sa laban. May dala din kami na mga baril na ginawa talaga para sa training na iyon.
"Ready?" Yno asked.
Nang matiyak niyang ayos na kami ay binuksan na niya ang glass panel ng HBT. Tinignan ako ni Phoenix bago niya ako tinanguhan at nauna ng pumasok. Tahimik na sumunod ako sa kaniya.
Nang makapasok sa loob ay automatikong naghanap kami ni Phoenix ng mapagtataguan. Ilang beses na namin itong nagawa. Minsan kasama namina ang ibang mga agents pero lagi kaming nanalo ni Phoenix. Ako lagi ang first place habang siya naman ang pangalawa.
Kapag kasi nasa HBT imposible na hindi niya ako iligtas. Kahit hologram lang naman ang mga kalaban. Minsan naman sinasadiya niya na magpatalo para ako ang maging first place.
Pumailanlang ang malakas na tunog at kasabay no'n ay ang pagsulputan ng mga hologram. Tinignan ko ang wrist watch ko at nakita kong apat na hologram ang ibinababa ni Yno. Isa doon ang "boss" kung saan isang tira lang no'n ay talo na kami. Ang tatlo naman ay lower level lang at hindi agad mauubos ang percentage namin.
"Left." Phoenix muttered.
I nod at him and run to my left. Mabilis ang naging galaw ko nang makita kong may sumulpot na hologram. Kaagad na dumapa ako ng mabilis iyong tumakbo papunta sa direksyon ko. I rolled, squatted then shoot.
Nabawasan ang 100 percent na nakasulat sa dibdib ng hologram at napalitan iyon ng 60 percent. Sa may dibdib ko siya tinamaan kaya malaki ang nabawas.
Kadalasan kapag natatamaan ang hologram ay sandali iyong tumitigil para sa pagbabago ng numero no'n. Pero mukhang na-upgrade na ang HBT dahil mabilis nakarecover ang hologram at umangat ang kamay para bumaril sa diresksyon ko.
Kasabay ng tunog na galing sa hologram ay naramdaman ko na may humila sa akin patungo sa likod ng isang boulder. I looked up and my eyes met Phoenix' stare, his arms wound tightly around me.
May kung anong emosyon na dumaan sa mga mata niya nang magbaba siya ng tingin sa mga labi ko at kaagad na pinakawalan niya ako. He raked his hands through his hair and chuckled forcibly. "Sorry. This is your training so I shouldn't have done that."
May sarili ka ng buhay kaya hindi ko dapat ginawa iyon. "Okay lang. Hindi naman totoo lahat ng 'to."
"This is training."
"Sparring is training but this? Parang video game lang ito. Hindi totoo."
"It's training, Snow."
"It's not real."
"Or maybe you just don't want to accept that this is real."
Hindi ko na nagawang makasagot ng bigla niya akong itinulak sa kaliwa niya at nagpaputok sa kabilang direksyon kung saan may isang hologram na sumulpot. Tinamaan niya iyon sa ulo kaya kaagad naubos ang 100 percent no'n.
Humarap sa akin si Phoenix. "HBT was created for a reason. Hindi ito basta laro lang. We're training our reflexes here."
"Right." I murmured.
Sandali niya akong pinagmasdan. "Why do you hate training, Snow?"
Dahil hindi ko naman kailangan. Dahil nandiyan ka naman. Bago maging isang Elite kinakailangan namin na ma-master ang dalawang departamento. Field at Experiment Department. I am not an exception. I did master those things. I went through training after training and then I passed the test. I have a goal before. Gusto kong maging katulad ni Phoenix na siyang isa sa mga nauna na maging Elite.
When got what I want, I stopped. Masaya na akong nakuha ang titulo na iyon. Nagsimula akong iwasan ang mga training, mga trabaho, at naging komportable na lang ako na mamuhay sa paraan na gusto ko. Uncomplicated.
So say that I'm out of practice is an understatement. I just need to find my footing. Hindi ko nga lang iyon magagawa ngayon na pakiramdam ko ay buong systema ko ang gusto na lang biglang maglaho.
"Tinatamad lang ako."
Pagkasabi ko no'n ay umalis ako sa pinagtataguan ko at tumakbo papunta sa kabilang bahagi ng HBT room. Hindi ko ito kailangan noon. At ngayon...pinaniniwala ko ang sarili ko na hindi ko pa rin kailangan kasi nandiyan pa rin siya. Pero hindi na ganoon di ba?
I hoisted myself up on the boulder. I located the holograms then I ran. Tumalon ako sa kabilang boulder at nagpaputok ako sa hologram na nakita ko. Pinadausdos ko ang katawan ko hanggang sa nakahiga na ako sa ibabaw ng boulder dahil alam kong may hologram na magpapaputok sa direksyon ko.
Umikot ako sa pagkakahiga at hinayaan ko na mahulog ang sarili ko sa matted na sahig ng HBT room. I curled my body and landed on a squat.
A gasped escape my lips when pain engulfed my body. Napatumba ako sa sahig. Hindi ko alam kung anong tiyak na nangyari. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na kaharap na ang boss hologram habang halos hindi ako makatayo dahil sa sumisigid na kirot sa katawan ko. I landed fine but this is different.
"S-Stop...Yno..." I said with a ragged voice.
Nakita kong itinutok ng boss hologram ang baril niya sa akin. Nanlalabong tinignan ko iyon pero nawala siya sa paningin ko kasabay ng nakakabinging ingay tanda ng pagkaalis ng isa sa mga players.
"Snow!"
Pilit na iminulat ko ang mga mata ko. Nakayuko si Phoenix at nakatingin sa akin. May kulay pulang ilaw sa dibdib niya tanda na naalis siya sa laban. He took the shot.
Naramdaman kong umangat ang katawan ko mula sa pagkakahiga ko sa sahig. "Anong masakit? Nahulog ka ba?"
"E-Everything..." I said knowing that he won't understand that I'm not talking about the burning pain I'm feeling right now. Dahil wala ng mas sasakit pa sa katotohanan na kahit nasa harapan ko siya ay hindi ko na siya pwede ulit abutin.
Iminulat ko muli ang pumipikit ko ng mga mata. Bumukas ang glass panel ng HBT room at itinakbo ako ni Phoenix palabas. Nadaanan namin ang mga agent na nag-aalalang nakatingin din sa akin.
"What the hell!" I heard my brother, Thunder, bellowed. Lumapit siya sa amin at akmang kukunin ako kay Phoenix pero iniiwas lang ako ng lalaki.
"I got her." Phoenix clipped.
Mabilis na nailabas ako ng training area ni Phoenix at tinahak niya ang daan papunta sa clinic. Sinubukan kong magsalita para kampantehin siya pero may kung anong kirot na sumigid na naman sa akin dahilan para marahas na mapasinghap ako.
"Damn it!"
May mga ingay akong narinig. Naririnig ko ang pamilyar na boses ni Tita Autumn. Even with my hazy thoughts I know that we're at the headquarter's clinic.
"Anong nangyari?"
I felt Phoenix' lowering my body on the gurney at the same time I felt a different set of hands on me.
"Hindi ko alam, Tita. Nagtetraining kami kanina. I found her writhing in pain on the floor. I checked for broken bones but I don't think that that's it. She can barely open her eyes. What's happening tita? May sakit ba si Snow bago kami nag training? May hindi ba siya sinasabi sa amin? Did I overworked her-"
"Calm down."
"She's in pain!"
I want to open my lips and tell him that I'm fine. Pero hindi ko magawang makapagsalita. Pakiramdam ko ay wala ng lakas ang katawan ko. But I can still hear them. I'm still conscious. Even though I don't want to be.
I heard a door opened. "Tita? Anong nangyayari kay Snow?"
"I'm checking her up, Thunder."
"Nakuha din ba niya, Tita?"
"Anong ibig mong sabihin?" another voice asked. My sister's.
"Tita?" my brother's voice insisted. "Does she have it too?"
"Kuya ano ba?!"
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak sa akin ni Phoenix. Alam kong siya iyon dahil hindi niya ako binitawan mula pa kanina. He never let go of my hand.
"Tita?" I hear my brother repeated.
"I'm not sure."
"Tita-"
"Kuya!" muling sigaw ni Freezale. I can hear panic in her voice.
"Our father's disease! Damn it, Freezale!"
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Phoenix sa kamay ko. Naramdaman ko na sumubsob siya sa leeg ko. "God, no."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top