CHAPTER 7 ~ Lips ~

CHAPTER 7

SNOW'S POV

Kagat ang ibabang labi na nag palakad-lakad ako sa sala ko. Kanina pa ako hindi mapakali. Gabi na at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang conference. Panigurado ako na nandoon na ang iba. Siguro nando'n na rin siya.

"Hindi na lang kaya ako pumunta at sabihin ko na lang na nakatulog ako? O kaya sabihin ko kay Dawn na sumasakit ang tiyan ko?" huminto ako sa paglalakad at tinignan ko ang kinalalagyan ng aquarium ng alaga ko na gold slash orange fish. "Ano sa tingin mo Tilly?"

Pabalik-balik na lumangoy ang isda na para bang sinasapian iyon ng kung anong hindi maganda na elemento. Focus, Snow. Huminga ka ng malalim at i-decipher mo ang fish-talk na ginagawa ni Tilly.

"Is that a no?" napakagat labi ako ng tumigil sa paglangoy si Tilly. "I'm freaking out, I'm talking to a fish and I'm super duper freaking out."

It's not that I don't want to see my best friend. Apat na araw silang nawala ni Mira, of course I missed him. But I'm not ready to see him yet. I'm not ready to the emotions that will resurface once I see him again.

Niloloko ko ang sarili ko kung sasabihin ko na wala na akong nararamdaman dahil naitago ko na ang mga iyon sa pinakamalalim na parte ng puso ko. It doesn't work that way. Locking my feelings doesn't mean that it's not painful. I'm just locking them away so it won't do more damage but I can still feel it.

Parang kapag nadadapa tayo noong mga bata pa tayo. Sasakit, gagamutin ng betadine at lalagyan ng band aid. Pero kahit hindi na nakikita ang sugat ay masakit pa rin.

"Omg. What was that?" bulong ko sa sarili at muling napahinto sa palakad-lakad. "This is so not me. Bakit marunong na akong humugot ngayon?"

Bago pa ako makahuma ay tumunog ang doorbell ng kwarto ko. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko ang pintuan. Hindi kaya pinasundo ako kay Phoenix? O baka naman si Waine ang nasa pintuan? No, no, no! Hindi pa ako handang makita silang dalawa!

"Bakit ba kasi kailangan kong pumunta sa meeting? Pwede naman na sabihin na lang sa akin ng mga kapatid ko ang pag-uusapan do'n. Wala din naman akong gagawin panigurado."

Ang pinsan ko na si Storm lang ang nag-iisang nagtiwala sa akin na bigyan ako ng malaking mission. She doesn't have much choice back then now that I think about it. Kung hindi ko pa siya nahuli na pumupuslit paalis ng BHO CAMP ay hindi niya pa ipapaalam sa akin ang sekretong ginagawa niya.

Napapitlag ako nang muling tumunog ang doorbell. Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko at impit na tumili bago nagdadabog na tinungo ko ang pintuan. Hindi ko na tinignan kung sino ang naroon at basta ko na lang binuksan ang pinto.

"Oo na, oo na! Pupunta naman ako ah! Hindi naman ako tatakas para kailangan pa na sunduin."

"Napag-utusan lang ako."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang si Killian ang bumungad sa akin. Nakangiwi siya na para bang hindi niya kinaya ang impact ng malakas kong boses. Relax...breathe. You're Snow Night. Anak ni Wynter at Rain Dale Night na binigyan ka ng weirdong pangalan, magandang genes at wais na utak. Hindi ka man kasing astig ng kuya Thunder mo sa field missions o kasing galing ni Freezale sa experiment deparment pero binigyan ka ng tadhana ng swerte at charm. Okay?

"Let's go."

Napapakamot sa batok na hindi kumilos si Killian. "Sigurado ka? Para kasing hindi maganda ang pakiramdam mo-"

Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng nakakasilaw ko na ngiti na kayang talunin ang "Killer Smile" niya. Doon kasi nanggaling ang nickname niya na Kill. Hindi lang dahil sa pangalan niya kundi sa ipinagmamalaki niyang ngiti. "I'm super fine!"

"O-Okay."

Sinarado ko na ang pintuan at nauna na akong naglakad. Nararamdaman kong nakasunod si Killian pero nanatiling nakangiting naglakad lang ako na para bang may world peace na sa mundo at hindi na nagpatuloy pa ang global warming.

Tinungo ko ang daan papunta sa malaking conference room ng headquarters. Panigurado kasi na hindi ang nasa malapit sa office nila Dawn at Triton ang gagamitin. Kung lahat ng agents ay kailangan umattend sa meeting hindi kami magkakasyang lahat roon.

Pagdating roon ay namataan ko na ang mga agent na nagsisimula ng pumapasok sa loob. Patakbong pumunta ako roon nang makita ko ang kapatid ko na si Thunder. "Kuya!"

"Energetic much?"

Kinunutan ko siya ng noo at ngumuso ako. "Masama ba?" tanong ko at pinagmasdan ko siya. Maputla ang mukha niya at para bang pagod na pagod siya. "Kuya bakit parang mukha kang zombie? Hindi ka ba nakatulog?"

"A-Ano? May ano...may band practice."

"Eh? Di ba wala si Kuya Rushmore kasi umuwi siya sa bahay ng tatay niya? Tas si Kuya Archer nasa ibang bansa. Si Harmony may pasok." sabi ko at inisa-isa pa ang mga kabanda niya. Nagpatuloy ako sa pangungulit sa kaniya kahit na nakahanap na kami ng puwesto para upuan, "Mag-isa ka na nagbaband practice?"

"O-Oo! Masama?"

Sinimangutan ko siya. "Ang sungit mo. Nagtatanong lang ako eh! Ate Freezale oh!" sumbong ko ng mamataan ko ang kapatid ko na babae na umupo naman sa upuan sa harapan namin.

"Ano na namang problema niyong dalawa?" walang ganang tanong niya. "At mas nauna kang lumabas sa akin."

Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya. "Si Kuya kasi ang sungit. Naguguluhan lang naman ako. Ang sabi niya may band practice eh wala naman ang mga kabanda niya. Paanong band practice iyon? Kakalabitin niya iyong guitara tas pupunta siya sa drums tapos sa ibang guitara naman?"

Naniningkit ang mga mata ni Freezale na tinignan si kuya Thunder na napapaiwas na lang ng tingin. "Baka naman iba na ang kinakalabit mo kuya."

"Freezale!"

Sunod-sunod ng nagtalo ang dalawa. Sino na naman kaya ang mananalo this time? Inilibot ko na lang ang paningin ko sa conference room. May iba pang agents na papasok pa lang.

Lumingon ako sa kaliwa ko at namataan ko si Hera na nakatingin sa gawi naming magkakapatid. Nang makita niya na nakatingin ako sa kaniya ay dagling nag-iwas siya ng mga mata. Mukha din siyang zombie. Parang si kuya.

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Hala! Omg! Hindi kaya...hindi kaya may banda din si Hera? Hala! Dati kasi narinig ko sila ni Athena na nagkukuwentuhan. Magtatayo daw sila ng girl band. Eh hindi naman sila marunong sa kahit na anong instrument kaya hindi ko pinansin noon.

"Kuya..." bulong ko sa kapatid kong lalaki habang nakatakip pa ang isa kong kamay sa gilid ng bibig ko para hindi marinig ng iba ang gusto kong sabihin.

"What?" he asked, clearly annoyed.

"Mukhang kakalabanin ni Hera ang banda ninyo. Tignan mo oh. Mukhang galing din siya sa band practice."

Napanganga siya at mabilis na tinakpan ang bibig ko na para bang natatakot siya na may iba pa akong masabi. "Shhh!"

Pilit kong tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko, "Kwyaa! Amo ma?!"

"What?" .

"Bitawan mo muna kaya siya para makapagsalita." sabi ni Freezale na pinaikot ang mga mata. "At ang sabi niya "Kuya. Ano ba?"."

Yumuko si kuya Thunder at bumulong sa akin. "Bibitawan kita pero 'wag kang maingay ha? 'Wag kang magsasalita." Nang tumango ako ay dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko. May kinuha siya sa bulsa niya at binigay iyon sa akin habang nakatingin sa gawi ni Freezale na naninigkit na naman ang mga mata na tinignan siya. "Sa'yo na 'yan basta wag ka lang maingay."

Tinignan ko ang binigay niya at sinuri ko iyon. Kulay silver ang pakete no'n. Binuksan ko iyon at kinuha ko ang laman. Nagtatakang tinignan ko iyon. May plastic tas may bilog. Parang nakakita na ako nito dati, hindi ko nga lang maalala kung saan. "Paano kainin 'to? Saka bakit black cherry flavored-"

"Snow!"

Kasabay ng pagkuha ng kung sino man sa bagay na kakainin ko na sana ay ang sigaw hindi lang ng mga kapatid ko kundi ng iba pang mga agent. Nag-angat ako ng tingin sa kumuha ng candy pero pakiramdam ko ay na-freeze lahat ng sasabihin ko nang ang mukha ni Phoenix ang unang bumungad sa akin.

Hindi siya nakatingin sa akin kundi kay Kuya. Tinapon niya rin ang bagay na hawak ko kanina sa kapatid ko na kaagad namang nasalo iyon at tinago.

"Why the hell would you gave her a condom, Thunder?"

"Hindi naman iyon dapat ang ibibigay ko sa kaniya. May mango flavored candy ako sa bulsa kaya akala ko iyon ay naiabot ko kay Snow."

Ahh. Condom. Kaya pala parang pamilyar. Pinakita iyon sa powerpoint ng professor ko sa sociology noong nasa kolehiyo pa ako. Iyon na ang huling beses na nakakakita ako no'n.

"Ang weird naman ng flavor. Hindi pa nakuntento sa cherry dapat may black cherry din. Bihira lang ang may gusto ng black cherry di ba?" sunod-sunod na repeke ng bibig ni Athena. Sandaling natigilan siya at napatingin kay Hera umingin si Athena kay Hera. "Ay ikaw pala favorite mo 'yon. Iyong prutas of course...not that...right?"

"Of course." Hera said in a whisper.

Matamang tinitigan ni Athena si Hera na para bang may na-realize siya na kung ano. Pagkaraan ay nanlaki ang mga mata niya. Hindi din nagtagal ay bumakas din sa mukha ko ang kaparehong ekspresyon na nasa mukha ni Athena.

Hinarap ko si kuya at mahinang bumulong ako. "Kayo ni Hera?"

"Snow!"

"Enough."

Pakiramdam ko ay hinila ako sa katotohanan nang muli kong marinig ang boses ni Phoenix. Marahan niya akong hinila patayo at sa halip ay ipinuwesto niya ako sa kabilang upuan para umupo sa binakante ko. Dahil do'n ay napagitnaan niya kaming magkapatid.

Bumuntong hininga ang kapatid ko, "Bro."

"Not your sister's fault."

"Anong meron?" tanong ni Dawn na kanina ay kausap ang ibang agents. Nakatingin na rin sa amin ang iba pa. Sunod-sunod na umiling ako habang si kuya, Hera, at Athena ay ganoon din ang ginawa. Dawn threw us a suspicious look but she turned her attention away again.

Napuno na naman ang paligid ng mahihinang pag-uusap ng mga agent. Nilingon ko si Phoenix na ngayon ay kausap naman ang katabi ni Freezale na si Adonis at sa asawa nitong si Sky na nakaupo naman sa kaliwa niya.

Dahil nasa kanila ang atensyon ng lalaki ay nagawa kong tinignan ng mabuti si Phoenix na hindi niya ako nahahalata.

There's a certain glow on his face as if he able to relaxed for a few days. There's a few stubble on his jaw that made him looked a little rugged but the softness in his expression is still there. His eyes looks clear...but there's something there that bothers me.

Bumaba ang mga mata ko sa mga labi niya. Mga labi na lagi akong binibigyan ng ngiti. Na lagi akong binibigyan ng mga salitang gusto kong marinig o mga salitang nakakapagpawala ng takot ko kapag nangangamba ako.

Mga labi na nagsabi ng mga katagang iyon. "I love you, Snow."

His lips made me remember a lot of things...not just those words. Things that I promised myself that I will try to forget. But most of all those lips uttered the words that sealed away the possibility of us.

"It's okay, Snow. I know I'm wrong. Alam ko dapat hindi ko na 'to sinabi pa sa'yo. But for a moment I just can't stop myself for hoping that you'll say differently. Because I know that if that happens...I'm willing to handle all the consequences just to be with you. But I can't fight for that now, Snow. I can't chase you anymore. I can't continue with living with just a bit of hope. All I can do now is step back and let go. Something that I thought I've already done. But I guess I need to start again."

He said those words at the tree house. Nauna siyang umalis noon habang naiwan ako. Paulit-ulit kong inisip noon na tama kaya ang ginawa ko? Tama ba na nagsinungaling ako? My answer could have change everything.

Nang sagutin ko siya nang tanungin niya ako kung mahal ko siya, alam ko na na hindi niya iiwan si Mira kapag hindi ang naging sagot ko. I know that he won't go after me again. I know that he won't do that to her because even though he loves me I know that he loves her too.

But now looking at him...knowing that Mira did right and managed to make him happy, I can't help but think of what will we be if I said yes that night. Kung kinaya ko lang ang saktan si Mira. Kung kinaya ko lang dahil alam ko na hindi niya ako iiwan kung iba ang naging sagot ko. That he will shield me from the guilt and take it all. That whatever happens he won't let me be alone.

"You fought for her battle not yours."

Tama ba si Kuya Waine? Tama ba siya na dapat hindi ko kinalimutan ang karapatan ko na ipaglaban din ang gusto ko?

"Snow."

Sunod-sunod na napakurap ako ng magsalita si Phoenix na ngayon ay sa akin na nakatingin. Sa panggigilalas ko ay naramdaman ko na tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

"What's wrong?" he asked softly.

"N-Nothing..."

Mataman niya akong tinignan bago siya bumulong. "Gusto mo bang lumipat ako ng upuan? It's fine with me-"

"No." mabilis kong sagot. "M-Ma...Masakit lang ang tiyan ko."

Muli niya akong tinitigan nang ilang sandali bago siya tahimik na tumango at ibinaling na ang atensyon sa iba. Napayuko ako. He didn't asked me if I want something for the pain or offer help to get me something. He didn't do anything.

Nag-angat ako ng tingin ng may nagbaba ng tasa ng tsaa sa harapan ni Phoenix. Nilingon ko ang naglapag no'n sa lamesa at nakita ko si Killian na kinindatan ako bago umalis at pumunta sa kinauupuan niya kanina.

Bago pa ako makapagtanong ay inilapit sa akin ni Phoenix ang tasa. "Drink it."

"But-"

"For your stomach."

After saying that he looked away as if looking at me pains him and busied himself by talking to the other agents. Wala akong nagawa kundi tahimik na kuhanin ang tsaa at ininom iyon.

"Nandito na ba tayong lahat?"

Si Dawn ang nagsalita. Pagkasabi pa lang niyon ay bumukas ang pintuan at pumasok ang humahangos na si Chum. "Seryoso mga bampira ba kayo? Pagkatapos ng trabaho hindi muna ba kayo matutulog?"

"Chum." Dawn said. Her voice sounded as if she's losing her patience.

Pinaikot ni Chum ang mga mata niya at umupo sa pinakamalapit na bakanteng upuan sa kaniya. "Whatever. Nga pala hindi makakarating si Waine."

Inaasahan ko na na magagalit si Dawn pero hindi siya umimik. Muling bumukas ang pintuan at pumasok naman doon si Tito Warren na siyang ama ni Dawn, at si Papi Poseidon na lolo namin. Sa pagtataka ko ay humila sila ng upuan at umupo sa magkabilang gilid ni Dawn sa may bandang likuran niya na para bang mga pakpak sila ng babae.

"Bago niyo pa tanungin, nandito sila para bantayan ang mapagdedesyunan ngayong gabi na ito. They are going to help us." paliwanag ni Dawn.

"You'll let them?" tanong ni Sky.

"If it means getting this all done then yes."

Lahat kami ay natahimik. Hindi namin alam kung anong tinutukoy ni Dawn pero mukhang kinakailangan naming ihanda ang sarili namin. Kasing laki ng BHO CAMP ang pride ni Dawn. For her to ask her father and our grandfather's help this must be one hell of a mission.

"Storm." sabi ni Dawn sa pagtataka naming lahat.

Nilingon ko si Storm na pilit na ngumiti. "Mukhang alam ko na kung para saan ang meeting. I've been thinking about it for quite awhile. I almost convinced myself that it's impossible. That he can't be alive...that this should be over."

Napuno ng ingay ang paligid. Pakiramdam ko ay may sumaklot sa dibdib ko sa sinabi niya. Naiintindihan ko kung anong ibig niyang sabihin. But how?

"Is that even possible?" Adonis asked Dawn.

"Sa ngayon malaki ang posibilidad."

"Paano niyo nasabi?" nanginginig ang mga kamay na tanong ni Sky na ngayon ay mahigpit na hawak ang kamay ng kapatid. "He's dead. We have his body-"

"It could be fake." singit ni Chum dahilan para mapatingin dito ang lahat. "Hindi din ako naniniwala noong umpisa. I mean, we're talking about changing a DNA here. Idagdag pa na buhay si Wyatt Claw ng makaengkwentro nila Storm. Pero ano pa nga bang imposible ngayon? Nasa akin ang katawan ni Wyatt Claw." dagdag niya na nangangaligkig pa na parang kinikilabutan. "Pinag-aaralan ko iyon at hindi ko masasabing natapos ko na ang ginagawa ko. But because of days of studying the corpse I can say that something is different to it. Lalo na ang mga marka sa katawan ng bangkay na para bang may eksperimento na ginawa roon."

"So ang ibig niyong sabihin hindi si Wyatt Claw ang nakaharap nila Storm noon?" Nanggaling ang tanong kay Nyx na ngayon ay hawak ang kwelyo ni Erebus at niyuyugyog ang lalaki.

"Let go of me, Owl. I'm not sleeping." masungit na sabi ng lalaki.

Tumingin sa kaniya ang babae na mukha pang nagulat na gising siya. "Eh di sorry na, Sloth."

Tumikhim si Dawn para kunin ang atensyon ng dalawa. "Oo maaaring hindi ang totoong Wyatt Claw ang nakaharap nila Storm at pinagpanggap niya lang."

Wyatt Claw rattled the whole organization when he managed to get one of us. Pag-aari niya ang Claw Organization na isang samahan na sa tanging ilegal na transaksyon umiikot. BHO CAMP wanted to take them down but in the middle of the mission he able to detect our agents. Nagawa niyang kunin ang isa sa mga agent na nasa misyon na iyon. That person was Storm. She suffered while in captivity. He violated her, tortured her, and he broke her in a way that we never thought she can rise up again. But she did. Sa tulong na rin ng mga tao sa paligid niya at sa napangasawa niya na si Hermes.

"Sinong matinong tao ang papayag na mamatay para sa taong iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Hermes na mahigpit na hawak ang kamay ng asawa.

"We all know that Wyatt and his men are far from being sane."

"Do you have solid facts?" Phoenix asked Dawn this time.

"Sa ngayon wala pa maliban sa mensahe na natanggap ni Waine kumailan lang."

"Si Kuya Waine? Bakit?" takang tanong ko.

Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin sa akin ni Phoenix pero nanatili akong nakatingin kay Dawn.

"He's looking for his girlfriend and their son. Hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita ang babae. Kung patay na si Wyatt Claw dapat ay nakakawala na rin ang mag-ina niya. But that's not the case. Idagdag pa nga ang mensahe na natanggap ni Waine kung saan nakalagay doon na iligtas ang anak nila."

He has a son and a missing girlfriend. Sa kabila ng lahat ng iyon hindi kakakitaan si Kuya Waine ng pagsuko. He even have time to argue with me and take care of me. Just like always. Inaalagaan ako ng mga taong hindi ko man mabigyan ng tamang pansin para magawa kong makita ang mga problemang nasa likod ng kalakasan na pinapakita nila.

May kinuha si Dawn na mga folder sa ilalim ng lamesnat pagkatapos ay ibinigay niya iyon kay Athena na nakaupo malapit sa kaniya at sinenyasan itong ipasa sa iba. Nang makarating sa harapan ko ang isa na may pangalan ko ay binuksan ko iyon.

Napanganga ako ng makita ko ang larawan ni Phoenix na katabi ng sa akin. It means I'm being partnered by him. "Dawn?"

"Yes, Snow?"

"H-Hindi naman sa nagrereklamo ako o sa hindi ko gusto ko ang binigay mo sa akin pero bakit kailangan na magkasama pa kami ni Phoenix?" nilingon ko ang lalaki na hindi kababakasan ng kahit na anong emosyon ang mga mata habang nakatingin sa akin. "I mean I can just stay here in the experiment department."

"We need you on field now, Snow."

"Pero marami ng tao sa field. I can stay here with the expi. team."

Bumuntong hininga si Dawn. "Ito ang gusto ni Daddy at ni Grandaddy." sabi niya habang sa likod niya ay kinawayan ako ng mga taong nabanggit niya.

"What?"

"Don't ask. Kung ako lang mas gusto ko din na nandito ka lang sa headquarters. This is a dangerous job."

Natahimik ako. Of course. Little Snow who can't do anything right should stay here. Sanay naman ako kasi iyon naman ang gusto ko talaga. Ang maging komportable at hindi pumasan ng kahit na anong mabigat na bagay.

"Kaya ni Snow ang sarili niya." Nag-angat ako ng tingin at nilingon si Phoenix na siyang nagsalita. "I've been her partner for years."

"Alam 'yon ni Dawn, Phoenix." singit ni Triton na nakaupo sa kabilang kabisera ng lamesa. Katapat niya ang asawa na si Dawn. "But of course with your help-"

"She can handle herself even without me. She able to finished without my help with some of the missions I took with her. Tamad mag training si Snow, oo, but she can certainly handle a field mission well."

Napuno ng mahinang bulungan ang paligid na para bang hindi sila makapaniwala na kayang kong tumapos ng mission na mag-isa. Hindi ko sila masisisi. Alam ko naman na alam nila kung paano ako magmanipula ng mga tao kapag may mission but all they know is that. Not me doing it by myself while Phoenix looks after me.

Bihira ko rin gawin iyon. Dahil kadalasan pinababayaan ko na lang si Phoenix lalo na kapag tinatamad ako sa isang mission na binibigay sa amin. Hindi naman kasi kami binibigyan ng malaking mission. Mainly dahil kasama niya ako.

"Phoenix-"

Pinutol ulit ng lalaki ang sasabihin ni Triton. "Magaling si Thunder sa field, magaling si Freezale sa experiment department. But can they dodge a bullet as if they atune to it and it's their second nature to dance with flying bullets? Lahat man tayo kayang umiwas sa bala o bahagyang naririnig ang pagdating no'n but none of us can literally play with it. The only one who can do that is her mother."

"Pre-"

"Hindi niyo nakikita iyon dahil hindi niyo siya binibigyan ng malaking mission. You always hand her lower missions."

"I have to agree with him." Storm said with her quiet voice. "I worked with Snow during the XX mission. Alam niya kung anong ginagawa niya."

Pumito ng malakas si Triton at pagkatapos ay natatawang nagtaas ng dalawang kamay. "Chill. Sinasabi ko lang ang alam namin. Hindi namin alam ang mga sinasabi ninyo dahil kapag nagkakaroon ng debriefing wala namang ibang sinasabi si Snow." tumingin sa akin si Triton at ngumiti. "No offense."

"None taken." wika ko at pagkatapos ay tinignan ko si Phoenix. "Hindi ako katulad ni Momma, Nix nix. I don't dance with bullets. I'm just...Snow."

"Alam kong ikaw si Snow. What's wrong with being you?" kunot noong sabi niya. "And that doesn't change the fact that you can do what your mother can do."

"Isang beses lang."

"Na kaya mong gawin ulit kung gugustuhin mo. Not that it's easy to watch you doing that...I'm just saying that you're good at what you do and you need to start seeing that."

"Ang daldal pala ni Phoenix no?" sabi ni Chlymate, isa sa mga pinsan ko.

"Shhh!" saway dito ng ibang mga agent na kanina pa pala nakapalumbaba habang nanonood sa amin. Parang aliw na aliw pa sila sa nangyayari.

Sinimangutan ko sila bago ko muling hinarap si Phoenix. "Nix nix, hindi sabi. Iyong mga mission na sinasabi mo na tinapos kong mag-isa, madali lang iyon. Besides hindi naman gaanong mahirap din itong ibinigay sa atin ni Dawn. Kailangan lang natin na puntahan ang kulungan kung saan nandoon si Warner." sabi ko na ang tinutukoy ay ang kapatid ni Wyatt.

May tinuro si Phoenix sa folder. "This is not a lower mission, Snow. Bukod kay Warner, hahanapin pa natin ang isa sa mga pinagbigyan ni Wyatt ng system na lumalaban sa devices na mayroon tayo."

"Right." singit ni Chum na ngayon ay may hawak na chips at kumakain habang pinapanood kami. "Hindi na gumagana ang system na iyon dahil nagawan na naman ng paraan ni Freezale pero kailangan niyo pa ding hanapin ang mga taong pinagbigyan no'n dahil baka alam nila kung nasaan si Wyatt Claw."

"Bawat isa sa inyo ay may iba-ibang gagawin. Bawat isa din sa inyo ay hahanapin ang pangalan na nakalagay sa mga folder ninyo. Hindi sasabak sa field ang mga trainee pero kailangan nilang tumulong sa experiment department." sabi ni Dawn na seryosong tinignan kami. "We don't know what will greet us so be prepared."

"Train." Dawn's father said, speaking for the first time. "You still have time. Don't be cocky and train hard."

"Dream." singit naman ni Papi Poseidon. Napakunot noo kaming lahat sa sinabi niya at napa-huh. Ano daw? "Believe. Survive! AgentStruck!"

Kumibot-kibot ang labi ni Dawn na parang gustong sumigaw pero nagawa niyang kalmahin ang sarili niya. "I expect the training area to be full packed."

Puro sagot ng pag sang-ayon ng mga agent ang pumalibot sa conference room. Iyong iba naman ay tumayo na at nagsilabasan na. We don't need to hear the word dismiss from Dawn. Kaya niyang iparamdam iyon kahit sa mga mata niya lang.

Kaya alam ko rin na hindi ako kasama sa mga puwede ng umalis.

Napapabuntong-hininga na sumandal ako sa upuan habang ang mga agent ay isa-isa ng lumabas. Naramdaman ko na tumayo na si Phoenix.

"Stay." Dawn said to him.

Tahimik na bumalik sa pagkakaupo ang lalaki. Nakatingin lamang sa amin si Dawn na hindi nagsasalita hanggang makalabas lahat ng mga agent. Naiwan na lang kami ni Phoenix, si Triton, Tito Warren at Papi Poseidon.

"What is it?" Phoenix asked after awhile.

"I want you to train with Snow."

"What-" napatigil ako sa sasabihin ko nang tinapunan ako ng tingin ni Dawn.

"Waine will help pero sa ngayon may mga ginagawa pa siya. But I want you two to train together."

"I can train with my brother."

Tinaasan ako ng kilay ni Dawn. "Nakalagay sa folder na hawak mo pati ang magiging training partner ninyo. Your brother can help you but Phoenix will be your partner."

"This is absurd. Hindi niyo kailangan istorbohin si Phoenix para lang i-train ako. He's on his honeymoon for pete's sake! Saan niyo ba napulot ang mga ideyang 'to?"

"Well..." nakangising sabi ni Papi Poseidon na sumingit sa usapan. "Hindi namin napulot. It's the product of the genius minds of Original Elite and Second Gen Elite agents."

"Don't worry, Sir. She'll train with me." Phoenix murmured after awhile when I didn't speak and just continued to throw daggers at them with my eyes.

"Nix nix-"

Pilit na ngumiti siya. Then he raise his hand and gently pat my head. "Everything will be okay."

Will my heart be okay?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top