CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-TWO
AFTER the kiss, it felt like all of my worries were gone. It was different from the rest — it was like our emotions were completely bare. I saw him, he saw me. And it was all that it took for my head to be clear enough to want a better relationship with him. To want him.
“So ano nang balak mo?” ani Rebecca.
I couldn’t help but pout my lips as I looked at something else to avoid their stares.
“Luh, ang arte oh! Kala mo ‘di nagchuchukchakan!” react ni Lia na siyang ikinatawa nung tatlo at mas ikinainit ng mukha ko.
“Taena mo talaga, Lia. Yung bibig mo.”
“Makareklamo ang babaitang ‘to, kala mo hindi sila pareho ng pagsasalita ni Lia eh,” puna ni Thea sa akin kaya naman natawa na rin ako.
Huminga naman ako nang malalim saka dahan-dahan iyong pinakawalan. Bumalik ang isip ko sa nangyari pagkatapos ng Binibini moment namin ni Cayden. Ngumiti lang siya habang nakatitig sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal na gustong-gusto niyang ibigay sa akin. And after ng ilang beses na pagkabigo sa trials ko at pagtigil sa paniniwalang magkakaroon pa ako ng happy ending, I finally wanna try again.
And this time… maybe it’s with the right person na.
This time, I might really be loved.
“Ayy natulala na. Asaan na ang sagot sa katanungan namin, men?” Napabalik ako sa present nang marinig ko ang tanong ni Mylo.
Nakangiti naman akong lumingon sa kanila. “I think handa na ako. Handa na akong panindigan ‘tong nararamdaman ko para sa kaniya.”
“Thank you, Lord.”
“Totoo ang himala.”
“Finally.”
Mahina naman akong natawa. “Ang O-OA niyo ah?”
Rebecca patted my back. “You deserve a guy that will love you as you. Not because you’ve given them the Amara that they want you to be. Tandaan mo, hindi ka perpekto, at yung taong mamahalin ka, dapat alam yun at tanggap niya ‘yun. Yes, you’ll need to adjust at some point in the relationship, but that doesn’t mean na kailangan mong baguhin ang buong ikaw at ipakita lang yung side mo na gusto nila.”
Hindi ko napigilang yakapin siya habang nagluluha na ang mga mata ko. “Thank you, Becca. Mami-miss kita ‘pag alis mo next month.”
Naramdaman ko namang sumama sa yakap sina Lia at Thea, habang si Mylo naman ay ginulo lang ang buhok ko. Kahit si Noir na natutulog lang kanina sa cat condo niya ay lumapit sa amin.
Nang bumitaw kami sa isa’t isa ay nagpatuloy na lang kami sa pagkain at panonood ng movie. Si Noir ay nakahiga na sa lap ni Mylo. Mga hindi rin naman kasi talaga kami pwedeng uminom, sadyang gusto lang nila akong damayan pagkatapos kong sabihin sa GC na pagod na akong saktan ang sarili ko. Ni hindi na nga nila ako hinayaang mag-type sa GC at nagkaniya-kaniyang reply na lang ng papunta na sila sa unit. Buti na nga lang at may sariling labas naman si Cayden kasama ang mga kaibigan niya kaya nasolo namin ang condo kahit saglit.
Kinabukasan ay naghanap ako ng maganda-gandang moment para umamin kay Cayden. Gusto ko kasi na maramdaman niyang totoo ang gusto kong mangyari. Na gusto ko nang subukan ulit na magmahal at pumasok sa mas seryosong relasyon.
Siniguro kong matatapos ko kaagad ang kailangan kong tapusing trabaho para lang hindi ako mayaya ng boss kong mag-overtime. Sobrang alipin pa naman ako sa salapi kaya madaling maakit sa overtime with pay.
Bago pa ako makaalis sa trabaho ay chinat ko pa si Cayden para siguraduhing ngayon nga yung medyo male-late siya ng uwi dahil marami-rami ang trabaho nila. Nang mapadaan ako sa mall ay bumili muna ako ng cake, tutal eh nagc-crave din naman ako ng matamis. Yung maliit lang na cake ng Red Ribbon ang binili ko para naman hindi OA kapag nakita ni Cay ang dinner table mamaya.
Pagdating sa unit ay agad akong nagbaba ng bag, binati si Noir na bumungad sa akin bago bumalik sa tulugan niya, at saka ako naghugas ng mga kamay para tuloy-tuloy na sa pagluluto ng dinner. Simpleng chicken fillet lang ang niluto ko with buttered potatoes and mushrooms, something I asked to learn from Mom nung nakaraang uwi ko. I set the table and prepared the wine we both liked. When I was finally sure that I got everything ready, I made my way to the shower and wore a simple shirt and short pajamas.
“This is it, Noir,” sabi ko sa itim na pusang tinitingnan lang ako saglit saka bumalik sa condo niya.
As much as I was sure that he would be too happy with my decision to the point that we’d end up cloth-less and eating each other out—probably somewhere around the sofa, I still wanted it to be a wholesome moment and wore appropriate clothing.
But I’m not saying no to a mind blowing sex if ever he wants it.
Moments later, Cayden opened the door. “Welcome home,” I greeted as I looked up from reading a book on the sofa.
His lips automatically formed a smile as he looked at me. “Hmm… I’m home.”
I playfully rolled my eyes when I saw the teasing glint from his. “Bihis ka na. Nagluto na ako ng food natin. Kakaangat lang din ng sinaing kaya kahit di na ganon kainit yung ulam, babawi naman sa kanin.”
Tumango naman siya and as usual, he gave me a peck on the lips before going inside his room. I suddenly felt the butterflies in my stomach.
Taena, kinilig pa nga oh. Ganito ba talaga kapag tanggap na tanggap na yun feelings?
Paglabas niya ay nakapambahay na siya’t nailatag ko na rin ang mga pagkain. Naghugas naman siya ng mga kamay saka napatingin sa hawak kong wine. “Craving for wine?”
Ako naman ang tumango. “Mmm-hmm. Just felt like drinking one. Plus, I think babagay siyang kasabay nung cake na binili ko. Nasa ref, pang-dessert.”
Napaangat ang mga kilay niya habang umuupo. “May okasyon ba? Na-promote ka ba? Ganito ka lang naman kasaya kapag may perang involve eh.”
I flatly looked at him after pouring the wine and settling on my chair. “Dapat ma-offend ako, pero may point ka naman kaya I’ll let this slide.” Mahina naman siyang natawa saka kami nagdasal. “After this, wanna watch a movie while we eat the cake together?”
“Sure, I like that,” nakangiti niyang sagot. Pinanood ko naman siya nang sinubo niya ang chicken fillet. “Hmm… Hindi sunog o hilaw. Mabubuhay pa tayo.”
Inambahan ko isiya ng ng tinidor ko pero tinawanan niya lang ako. “Try the side dish too.”
He immediately did and by the looks of it, mukha namang tama ng timpla ko. “Congrats, nagi-improve ka na.”
Napangiti naman ako roon. The rest of the dinner, we talked about our day at work. It was a pleasant dinner and the wine help on calming my loudly beating heart.
Like our routine, Cayden cleaned the table and washed the dishes, while I prepared our movie. He just finished and was about to sit on the sofa with me, when we suddenly heard a knock from the main door.
Napatingin naman ako sa kaniya. “May ine-expect ka?”
Umiling siya. “Ikaw?” Umiling din naman ako saka napatingin ulit sa pinto nang umulit ang katok. “I’ll go check.” Tumango ako saka humarap sa pinto.
Cayden took a peek from the peephole and since I was watching him, I saw how his body froze for a second before taking a second peek. “Cay?”
He turned to look at me with a surprised expression mixed with curiosity. “It’s Felice.”
Ilang beses akong napakurap. Did I hear that name right?
At para ipamukha sa aking totoo nga ang narinig ko, binuksan ni Cayden ang pinto at saka ko nakita si Felice. Ang kaisa-isang naging girlfriend ni Cayden.
What the heck?
H | Z
Hi, guys!!
I apologize for updating this story just now. Grabe, sobrang daming nangyari sa life ko for the final months ng 2025, at ngayon pa lang talaga ako bumabawi. So, here's the latest chapter of BFF Premium. May ilang chaps pa bago matapos, I hope that you'll like it. <33
Thank you for making subaybay the story of Amara and Cayden.
I hope that you love yourself. Ang random, pero that's what I want to let the readers know, after reading this story.
Always value and love yourself, guys. Magkabebe man o hindi, matuto tayong mahalin muna ang mga sarili natin.
Anyways, ayun muna! Love y'all <33 Stay safe!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top