CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-THREE
“FELICE… How… W-What are you doing here?” dinig kong tanong ni Cayden.
Napatayo naman ako kaya napunta sa akin ang tingin ni Felice. “Amara?” Ilang beses akong napakurap saka tikom ang bibig na tumango. Felice flashed a surprised expression before looking back at Cayden. “Hi, Cayden. I know it’s a bit late, but can we talk for a moment?”
Lumingon naman sa akin si Cayden kaya inunahan ko na siya. “I’ll just be in my room.” Narinig kong nag-meow si Noir kaya kinuha ko muna siya saka kami naglakad papunta sa kwarto ko.
Bago pa ako tuluyang makapasok ay nilingon ko pa ulit sila. Si Felice ay nakatingin kay Cayden, habang si Cayden naman ay nakatingin sa akin. Nginitian ko lang sila saka ako tuluyang pumasok sa loob.
Pagkasara ng pinto ay agad kong ibinaba si Noir saka inilapat ang tenga ko sa pinto. Ewan ko ba, parang gusto kong malaman kung ba’t siya nandito, ba’t siya bumalik. Makikipagbalikan ba siya? Mahal niya pa rin si Cayden?
Kaya lang ay agad kong itinigil ang pagiging chismosa ko at parang lantang gulay na naglakad papunta sa kama ko.
Eh anong mangyayari nun? Kung gusto niya ngang makipagbalikan? Makakalaban ba ako? Naramdaman ko ang parang pagkapiga sa puso ko.
Pero si Cayden… May parte sa puso’t isip ko na nagdududang papayag siyang makipagbalikan.
Pwedeng gusto nga ni Felice, pero kung ayaw ni Cayden, walang pilitang mangyayari dapat. First of all, ghinost ni Felice si Cayden. Ni ha, ni ho, walang naging paramdam. Walang matinong closure, walang break up na nangyari. Parang wala siyang jowang need ng explanation.
Hindi ko namalayan, nakatulog na ako sa sobrang pago-overthink. Pagdilat ng mga mata ko, umaga na, at hindi ko katabi si Cayden sa kama. Mas lalo iyong nakadagdag ng kabang nararamdaman ko, pati na rin ang takot kong mawala ang meron kami ni Cayden.
“Mara?” dinig ko kasabay ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Nang hindi ako sumagot ay dahan-dahang bumukas iyon at sumilip ang best friend ko. Ngumiti naman siya nang makita akong gising na. “Morning. Breakfast na? May pasok pa tayo.”
Tumango naman ako saka bumangon at inayos ang buhok ko. “Morning. Lalabas na rin ako. Thank you.”
Muli naman siyang ngumiti saka tuluyang lumabas at isinara ang pinto ko. Yung ngiti niya… Napahinga ako nang malalim bago iyon pinakawalan. Hindi yun yung klase ng ngiti na pinapakita niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Yun yung ngiti niya na andaming bumabagabag sa isipan niya pero sinusubukan niya pa ring maging okay. So, may nangyari sa pag-uusap nila kagabi.
Buong breakfast ay tila ba may anghel na dumaan sa sobrang tahimik naming dalawa. Parehong ayaw magsalita at parehong nasa kaniya-kaniyang mundo. I cleaned the table and washed the dishes as he went to prepare for work. I followed suit after my task.
Once we left the unit, Cayden opened his mouth, “Felice wanted to talk to you last night, but when I entered your room, you were already asleep.” He then gave me a calling card. “Sabi niya, you can send her a message if you wanna have a chat.”
Saglit akong natulala at napatitig sa card bago ‘yun tinanggap. “Thanks. I’ll… I’ll message her.” Nakita ko siyang tumango saka kami pumasok sa elevator.
At work, I made sure to focus on my tasks. Ayokong mag-isip muna ng kung ano-ano, kaya naman dinistract ko ang sarili ko sa sandamakmak na gawain.
Hindi ko alam kung thankful ako o mas nalungkot ako nung malaman kong absent ngayon si Esther. Nasa cafe ako at balak bumili ng frappe nang makapa ko ang calling card ni Felice sa bulsa ko.
Napatingin ako roon, um-order, at saka naupo sa isang sulok at muling tinitigan iyon. Until finally, I decided to send her a message saying it’s me, and we could meet after work if she wants. Ilang minuto rin at nakuha ko na ang kape ko, bago siya nag-reply, agreeing with the meet-up after my work.
Parang nakaramdam ako ng kaba ulit pero pilit ko iyong tinatapalan ng pagka-busy ko. Katulad kahapon ay siniguro kong tapos ko lahat ng kailangan kong gawin para hindi ko need mag-overtime. Napagdesisyunan din namin ni Felice na magkita sa cafe na binilhan ko kanina.
Pagkapasok ko roon ay agad ko siyang nakita. Kumaway siya sa akin habang nakangiti. Bawat hakbang ko palapit sa pwesto niya ay palakas nang palakas ang kabog ng puso ko. I felt scared, conscious, and worried. But I know one way or another, I needed this, so I pushed my feet to step closer to her until I finally reached her table.
“Felice…”
“Amara. Please, take a seat.” Tumango naman ako. “O baka gusto mo munang um-order, it’s on me.”
Doon naman ako napailing. “Hindi, ayos lang.” Tinantya ko naman ang sarili ko. “Kumusta ka na? Antagal na nating hindi nagkita, ah?”
Ngumiti naman siya. “Ayos lang. Maayos ang work kaya hindi ganoon ka-stress. Mababait ang mga katrabaho kaya minus din sa intindihin. Ikaw? Kumusta?”
I subtly took a deep breath in as I released it slowly and along with my reply. “Ayos lang din. Nag-eenjoy sa trabaho, kaya hindi na sure kung gusto ko pang i-push ang pagma-Master’s.”
Napatango-tango naman siya saka umayos ng upo. “Sorry nga pala for suddenly coming last night. Hindi ko rin alam na share pala kayo ni Cayden sa condo.”
“Ah… Ayos lang yun…” Kahit hindi talaga siya okay.
“Well then, ayokong masyadong mag-take ng time mo at baka pagod ka sa work mo, so I’ll go straight to the point, Amara.” Tila ba nag-iba ang atmosphere na bumalot sa aming dalawa nang sabihin niya iyon. “I want you to give me back what was mine.”
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang nagwawala kong isip. I then cleared my throat. “Oh right, your book. Yeah, antagal na nung nasa akin. Sorry. I’ll give it to you—”
“You know very well that’s not what I meant,” she cut me off. The friendly smile was gone from her lips. “You were a very good friend, Amara. Lalo na kay Cayden. However, I hope it stays that way.”
Hindi ko na napigilang mainis. Hindi para sa akin, kundi para kay Cayden. “With all due respect, Felice, that’s no longer my decision to make. At sorry, pero nakaka-offend sa part ni Cayden na basta-basta ka na lang babalik sa buhay niya na para bang hindi mo siya iniwang tulala’t naghihintay sa wala. Pwedeng-pwede mo namang sabihin sa kaniya noon na gusto mo nang makipag-break, pero hindi mo ginawa. Pinagmukha mo siyang tanga na hindi malaman kung may girlfriend pa siya o wala.”
Hinintay niya akong matapos bago muling nagbagsak ng isang katanungang nagpawasak sa natitira kong pag-asa. “What if I told you that we had a kid together?”
H | Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top