CHAPTER NINE

CHAPTER NINE

"EZEKIEL is getting married," Kuya shared as we settled on the sofa and searched for what to watch.

"Who?" I kept on clicking and clicking but wala akong feel na panoorin.

Narinig ko namang natawa si Kuya. "Si Ezekiel, isa sa mga naging kaklase natin nung high school. He's part of my other circle."

"Oh..." I decided on playing a Barbie movie, before my mind drifted off to the word, "marriage". Thea once said we looked like a married couple.

"Did she?"

Bigla akong napatingin kay Kuya. "What?"

Tumingin din siya sa akin. "Did she say that we looked like a married couple?"

Nanlaki ang mga mata ko bago ilang beses napakurap at ibinalik ang tingin sa TV. Did I just say that out loud? "Ahh oo," pilit akong tumawa, "patawa eh 'no?" Hindi ko naman na siya narinig umimik pa kaya naman pasimple akong lumingon sa kaniya. Titig na titig sa akin amporkchop. Masasakal talaga kita, Thea! "H-Hoy, Kuya. Joke lang nila 'yun."

Ilang saglit pa siyang nakatitig sa akin bago bumalik sa panonood. "Gotcha."

Natahimik naman na kami hanggang sa natapos ang movie. Hindi ko na naintidihan nang buo yung nangyari kay Barbie dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko.

I mean I did tell Mom I can marry him. I really do not mind marrying my best friend but... Napatingin ako kay Kuya. Would he even want to marry someone like me?

Sabay ulit kaming pumunta sa tapat ng kaniya-kaniyang kwarto. "Nighty, Kuya," pinilit kong pasiglahin ang tono ko pero mukhang hindi ako nagtagumpay.

Kuya patted my head. "Goodnight, Amara. Don't worry about it. Like you said, it's just a joke."

Sinubukan ko namang ngumiti pero hindi talaga. "But would you—" I stopped myself from talking. As usual, Kuya just stared at me, patiently waiting for what I had to say. "Nevermind. Night, Kuya." Hindi ko na siya hinintay na umimik pa at dire-diretso akong pumasok sa kwarto.

Napabuntong hininga naman ako. Amara, stick to what you've been saying these past years. Your friendship is important, you can't... I sighed and laid on my bed. Idiot Amara.

"YOWN! Akala ko habang buhay na tayong hindi makakapag-bar nang magkakasama eh," nakangising sigaw ni Lia saka uminom sa baso niya.

Natawa naman ako. "Sorry na. Babawi na ako simula ngayon."

"'Yan ang gusto ko!"

Friday came and finally, the night clubbing na ilang taon na rin namin pinlano ay natuloy na. The awkward night about the marriage passed by and Kuya and I still conversed as usual. Some people are meant to be friends while some are meant to be romantically involved. In our case, for sure na former kami ni Kuya. And I should really not overthink it.

"Huy! Tulala na naman ang babaita," rinig kong sabi ni Thea na binangga pa ang balikat ko.

Umiling naman ako saka ininom ang vodka ko. "Sorry, may naiwan lang na trabaho." I pushed my thoughts behind and enjoyed the night. It's my first time going to a club, I must enjoy it.

And like how I planned, I really did temporarily forget my bothersome thoughts and focused on dancing and drinking. Minsan lang kami magkasama-samang lima, lalo na ngayong taon dahil lilipad na papuntang ibang bansa si Rebecca para doon magtrabaho.

At katulad naman ng sinabi ni Lia ay naghanap kami ng mga pogi, at magaganda para sa kaniya. Sina Mylo at Thea ay nanatiling umiinom sa table namin. Mga hindi pwedeng lumayo roon dahil taken na. Si Rebecca naman ay paonti-onti lang uminom. Though sa aming lima, siya ang may pinakamataas na alcohol tolerance, at kami naman ni Lia ang naglalaban sa may pinakamababa.

Lia and I moved our hips to the sound of Kesha's Die Young. Pareho kaming tumatawa na habang sumasayaw, pero mga ayaw pa rin paawat sa dancefloor. Ang cute rin kasi kumakanta kaming mga nasa gitna kaya enjoy na enjoy talaga ang moment.

"Oh shoot, sorry," natatawakong sabi nang may mabunggo ako sa likod kasasayaw.

Ay shet, ang pogi. Nang mapaharap ako sa kaniya ay napahinto talaga ako para namnamin ang kapogi-an niya. Ngumiti naman siya. "It's okay. You seem to enjoy dancing with your friend."

Napatingin naman ako kay Lia na — Langya talaga nito, may kahalikan na amporkchop. Natawa naman ako saka ibinalik ang tingin sa lalakeng nabunggo ko. "She seems to be enjoying a different thing now."

"She's with my friend, it's okay." Napaangat ang kilay ko. "Want to dance with me instead?"

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Sure." I continued dancing, but with a different dance partner. Habang sumasayaw ay napapansin ko ang kamay niyang nagsisimulang lumikot, and boy, my body loved the attention.

I placed my arms around his nape, while his were on my waist. We swayed to the beat and the next thing I knew was that our lips were connected. "Hmm... You taste addicting."

"You have to be careful then." I smirked at him and continued dancing while I finished my drink. "I'm gonna get another glass."

Lumuwag naman ang pagkakahawak niya sa akin. "Sure, my treat." Nagningning naman ang mga mata ko sa narinig.

Nauna na akong maglakad, pero papunta sa table namin, habang siya ay papunta sa bar. "At may nabingwit na nga," komento ni Thea pagkalapit na pagkalapit ko. Ngumisi ako at tumawa naman yung dalawa.

"Si Lia, hanapin niyo, baka makalayo ang isang 'yon, iiwan ko talaga siya," sabi naman ni Rebecca.

"Lasing na 'yung isang 'yon. Kasama niya yung kaibigan ng kasama ko kanina," paalam ko sa kanila.

"You mean kahalikan," pagtatama ni Mylo na sinundan pa ng tawa. "Ang tinik talaga ng isang Amara."

"Siraulo." Ngumiti naman ulit nang makita kong papalapit na yung lalake sa table namin. "Hey."

Inabot niya sa akin ang isang baso ng inumin. Iba sa itsura nung iniinom ko kanina. It looks pretty with the colors and the umbrella. "I hope you'll like the taste of that. It has vodka in it too."

Tinikman ko naman iyon, and damn, it does taste good. "It's so good. What is it?"

He wrapped his arm on my waist and whispered in my ear. "Sex on the beach."

Pigil na pigil ko namang mapangisi. "I like the sound of that."

Nang-aakit na tiningnan naman niya ako saka inilapit ang labi niya sa labi ko. "You might like it done with me too." He then proceeded to french kiss me. As if magpapatalo ako. We made out in front of my friends and I thought no one would stop us, but welp, the alarm is set nga pala.

"Time's up! Nahanap ko si Lia, kailangan na nating umuwi," tawang-tawang sabi ni Thea na nagpatigil sa akin.

Natawa na lang din ako saka tuluyan nang humiwalay roon sa lalake. "Sorry, handsome. Gotta take care of my friends first."

Medyo humigpit naman ang pagkakayakap niya sa akin, hanggang sa bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. "That's a bummer. I wanted to spend the night with you."

I tapped his shoulder. "Told you to be careful." He finally let go of me. "Thanks for the drink, and have fun with the other girls instead. I noticed a lot of them were eyeing you since the dance floor."

The guy chuckled. "Yeah?"

I grinned. "Yep." Hinawakan naman na ako ni Rebecca na naririnig kong tumatawa. "Bye! Enjoy!"

Kumaway naman pabalik yung lalake, saka kami tuluyang nakalabas na ng club. "Anlala talaga ng dalawang 'to," natatawang sabi ni Mylo habang nakaturo sa aming dalawa ni Lia — na siyang tulog na at akay-akay ni Thea. Si Becca naman ang nakaalalay sa akin kasi nagi-sway na pala ako hehe.

"Luh! Hanggang halik nga lang ako eh," maloko kong reklamo pero tinawanan lang naman nila ako.

"Nalaman mo ba pangalan?"

Nginisihan ko si Rebecca. "Syempre hindi." Mas lalo lang kaming natawang apat, hanggang sa may narinig akong bumusina. Nasa tapat na rin pala kami ng kotse ni Becca, pero ibang kotse yung bumusina.

"Ayan na ang sundo mo. Yare ka," pang-aasar ni Thea na ibinagsak na pala sa loob ng kotse si Lia.

Mas lalo namang lumaki ang ngisi ko nang makita ko si Kuya. Agad akong yumakap sa kaniya nang mapalapit siya sa pwesto namin. "Hi, Kuya!"

Inalalayan niya naman akong makatayo nang maayos. "Thanks for messaging me." Napasimangot ako nang sina Becca ang kausapin niya kesa sa akin. "I'll take her home. You guys be safe."

"Oy, Kuya! Nag-hi ako!" sigaw ko sa kaniya pero di niya naman ako pinansin. Naririnig ko pa rin ang pagtawa nila Mylo pero isinakay na ako ni Kuya sa kotse ko kaya hindi ko na sila nasamaan ng tingin. Sinuotan pa ako ni Kuya ng seatbelt bago siya umikot papunta sa driver's seat. Once he was settled, I faced him. "Ba't 'di ka nag-hi pabalik?"

Mahina naman siyang natawa saka ginulo ang buhok ko bago binuhay ang makina ng kotse. "Hi to you too. Now, let's get you home."

Napangiti naman ako. "Oki! Home!"

H | Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top