CHAPTER EIGHT
CHAPTER EIGHT
“PINAYAGAN ka na sa leave mo?” tanong ni Kuya habang kumakain kami ng dinner.
Masagana naman akong kumain. Ansarap talaga ng Sinigang na Manok. “With pay pa.”
“That’s good. Ikaw na lang naman ang hinihintay naming tatlo eh.”
Kuya, Mariana, Kamila, and I planned to do an out-of-town overnight trip ever since college, pero ilang taon na simula nang gumraduate kami at ngayon pa lang siya matutuloy. Well, at least matutuloy na.
“You’d handle the AirBnB?” tanong ni Kuya habang nakaupo na kami sa sofa at kumakain ng marshmallows.
Tumango ako kahit tutok ang mga mata sa TV. “Basta pasok sa budget tas for four, tas may sala for the board games and movie night, at pwede magluto. Sabi naman ni Ana, mas priority pa rin natin ang mga gagawin sa labas like sa Burnham Park at Night Market, tas tulugan lang talaga pinaka-purpose nun eh.”
“She’s got a point. Overnight lang din naman tayo.” Napasilip ako kay Kuya at busy pa rin si tanda sa pagla-laptop.
“Magba-bar ba tayo sa Baguio? Aayusin ko pa yung itinerary eh. Kapag nalatag ko na lahat, the place, the activities, and the expenses per place, se-send ko yun sa GC tas mamili kayo ng kung anong gagawin natin tas ii-sched ko na sila. Isasama ko ba yung clubbing sa choices?”
Tumingin saglit sa akin si Kuya. “You really think na gugustuhin nung dalawa mag-club?”
Mahina naman akong natawa saka umiling. “Baka sakalin lang nila ako kapag nagkataon.” Natawa rin naman siya saka bumalik sa trabaho niya. “Ikaw ang taga-luto, pero pwede naman daw na assistant si Ana sa kusina.”
“Hmm… Fine with me. Magco-commute tayo o—”
“May kotse naman ako, yun na lang gamitin. Salitan na lang tayo sa drive, tutal wala naman akong ambag sa kusina,” maloko kong sabi. “Pero kung ikaw ang magda-drive, ‘di mo ‘o pwedeng passenger princess, matutulog lang ako sa byahe eh. Si Ana na lang, ayaw naman nun natutulog sa byahe eh. Tas si Kamila ang passenger princess ko, para doon ka sa likod at umidlip ka.”
“Planadong-planado na lahat ah?” react ni Kuya.
I flashed a smug face. “Ako pa ba? I’m amazing like that.” May bigla namang pumasok sa isip ko na nagpaiwas ng tingin kay Kuya at halos pabulong nang itanong. “K-Kung dalawang double bed ang makuha, edi tayo ang tabi, tama?”
Compared to my kabadong self, Kuya looked too calm as he continued typing. “I can sleep on the sofa if it makes you uncomfortable.”
Pasimple naman akong huminga nang malalim saka dahan-dahan yung ibinuga. “Nah, ikaw na nga ang magda-drive at magluluto tas ‘di maayos tutulugan mo.”
“Okay. As long as you’re comfortable.”
“Mmm-hmm.” Pinakalma ko naman ang sarili ko saka tumikhim. Ikaw lang talaga ang masama rito, Amara. Kung ano-anong pinag-iisip mo sa kaniya. Humarap ako kay Kuya para manlambing. I mean this is how it should go. I’m his sister, his best friend. And this is just because of my hormones. Yes. “Bawal ang work sa gala natin ah?”
Nakita ko naman siyang ngumiti saka humarap sa akin at ginulo ang buhok ko. “Yes, yes, no work.”
I grinned at him and moved closer to him. “Kuya…”
“Hmm?”
“Susunduin mo ‘ko kapag nag-club ako, diba?” pa-good girl kong tanong.
Napatigil naman siya sa katatrabaho saka tumingin sa akin na halos nakasiksik na sa gilid niya. “Magba-bar na ba kayo nila Mylo?”
I sweetly smiled at him and slowly nodded my head. “This Friday.”
Napatango naman siya saka ibinalik ang tingin sa laptop. “Okay, sure. Just send me a message, or inform your friends to contact me when you’re done.”
Napangisi naman ako. “Thank you, Kuya!” He did not say anything but just patted my head.
I’m too lucky to have him as my best friend. And that’s why he should feel safe around me too.
Pasimple akong bumuntong hininga. I’m ending this crazy fantasies and daydreaming for our friendship.
“ULOL,” bungad agad ni Thea pagkatapos kong ikwento sa kanila ang nangyayari sa akin dahil feeling ko ay mababaliiw na ako eh lima naman kaming psych students.
Sinamaan ko na lang ng tingin ang cellphone ko dahil hindi naman posibleng mabatukan ko sila. “Let’s push the bar bonding, then I’ll go mess around. Whatever.”
“Ayan ang gusto ko. Inuunahan ang mga lalake sa pangre-rebound,” ani Lia na ikinailing ko.
Pinakinggan ko naman silang mag-usap-usap habang inaayos ng mga ibebenta ko sa Sabado. “Paanong rebound eh never nga naging sila,” counter naman ni Mylo.
“‘Nu ba kayo? Eh may label o wala, may feelings involved ‘yan. Kaya nga nababaliw si Amara eh. In denial lang, kaya lumalaban na ang sub-conscious niya.” Napailing naman ako sa sinabi ni Thea. In denial amp. Hindi ako in denial, talagang walang feelings.
“May feelings nga ba?” Preach, Rebecca. Preach! “Let’s just be real. Nasa harot phase si Amara ngayon.” Bigla siyang tumawa na ikinasama ko ng mukha.
Tumawa rin naman ang iba at halatang uma-agree sa sinabi niya. Ang gagaling. Napailing naman ako. Totoo naman though.
“So hindi nga siya feelings—”
“In heat ka lang,” putol ni Lia na sinundan ng tawa. “Kaya sasamahan kita sa Biyernes. Maghanap tayo ng maaakit.”
Mahina akong natawa. “‘Wag ka nang makiagaw sa pogi, andami namang magagandang lumalapit sa’yo eh.”
Kahit ‘di ko siya nakikita ay dama ko ang ngisi ni Lia. “Sorry, this face can pull both.” Yabang amporkchop. Natawa naman ako. Real naman though. With Lia’s pretty face and maangas na aura, she really pulls both sexes.
“Oh, basta ang plano ay susunduin lahat gamit ang kotse ko tapos yung pag-uwi, ganon din, ihahatid ko na lang kayo isa-isa. Mga pabigat talaga.”
“Sabay-sabay tayo,” panimula ni Mylo, “Maraming salamat, Inang Rebecca,” sabay-sabay silang tatlong pinagtrip-an ang concern sa amin. Mga baliw na ‘to eh kung ibangga niya yung kotse o iwan kaming lahat kapag napikon—Ayy teka.
Napatigil ako sa ginagawa ko saka tumingin sa phone. “Hindi ako kasama sa pauwi. Susunduin na lang ako ni Kuya para mas madali.”
“Ayun tayo eh!”
“Rebound-rebound pa, doon naman babalik.”
“Wala na. Finish na.”
“Protection na lang ha?”
Sinamaan ko ng tingin ang cellphone saka pinatayan sila ng tawag. Mga siraulo talaga.
Napalingon ako sa main door habang nasa sala ako. “Eyy, siya naman ang overtimer,” asar ko kay Kuya na siyang ikinatawa niya. “I cooked dinner.”
Napaangat naman ang kilay niya habang tuloy-tuloy na naglakad papunta sa tapat ng kwarto niya. “You did, huh?”
Proud akong tumango at ngumiti. “Since you said na you’ll be working overtime, I prepared the dinner na. I cooked tocino and egg.”
Nakita ko naman siyang napailing habang nakangiti. “Okay, I’ll just change my clothes then let’s eat?”
Mas lumawak ang ngiti ko. “Okie! I’ll prepare the table.”
H | Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top